"Chan?!"
Hindi halos ako makapagsalita, na hinto ako dahil na agaw ni Ma'am Lopez ang buong atensyon ko. Hindi rin ako makapaniwala na parehas din siya ng suot sa amin ni Yashie, mukha tuloy kaming triple ngayon. Hindi ko rin alam kung sa akin o kay Yashie siya nakatingin dahil sa shades na suot niya.
Naka cross arms ito, bagsak ang straight niyang buhok, at kahit malayo ako ay amoy na amoy ko ang sweet vanilla nitong pabango.
Nakakaakit iyon sa ilong.
"Pres?" tanong ni Yashie kay Nicks.
"Nice to see you here!" bati ni Nicole at kumaway pa ito nung makalapit sila sa amin.
Nanatili akong walang imik, at agad na iniwas na rin kay ma'am Lopez ang tingin, dahil kakaiba ang aura niya ngayon, lalo pa sa suot niya, nagmumukha tuloy siyang secret agent, na papatay ng serial killer.
Kay Nicole ako muling tumingin. "Hindi ko inaasahan na makita ka, I mean kayo ni Ma'am Lopez." pilit na pagsasalita ko.
"Yeah, kami rin. Kayo lang ba two here?"
Tumango ako. "Oo, sana."
"May date ba kayo?" nakangiting tanong niya.
Inirapan ko naman siya bago sinagot. "Obvious ba?" taas kilay ko ring tanong.
"Yiee, ang sweet naman." nilingon niya si Ma'am Lopez, na wala pa ring imik. "Right, ate Isla?"
"I don't care!" malamig na tugon niya kay Nicole.
Nagulat si Nicole sa naging sagot ni Ma'am Lopez kaya awkward naman itong tumingin muli sa gawi namin ni Yashie. "Anyways, kanina pa ba kayo here?"
"Mga mag-iisang oras palang din siguro, kayo?"
"Ngayon lang kami eh," nahinto si Nicole sa pagsasalita nung may dalawang lalaki ang ang dumating at ang isang pamilyar na babae ay na ka holding hands pa iyong isang guy.
Sandali kong tiningnang maigi kung sino iyong mga lalaki, at nanlaki ang mata ko nung marealize na mga kuya pala iyon ni Nicole.
Si Kuya Nathaniel, hindi ko kilala iyong isa niyang kuya, na ka-holding hands naman nung babae na si Denzel, siya nga pala iyong nakita namin ni Ma'am sa may hallway. Kaya pala familiar sila.
"Oh, why naman you guys are so tagal?" maarteng tanong ni Nicole at kinuha ang payong na dala ni kuya Nathan.
"Traffic." tipid na sagot nito at nilingon ang gawi namin, ngumiti siya sa akin pero nung makita ang kasama ko na si Yashie ay biglang nag-iba ang reaksyon niya sabay tingin kay Ma'am Lopez.
"Ikaw iyong student ni Engineer, right?" tanong nung Denzel sa akin. "Nice to meet you here?"
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Opo,"
"Yashna, you're here?!" tipid na sabi ni kuya Nathan, bakas sa mukha ang pagka-gulat na makita siya.
Nanlaki ang mata ko dahil doon.
I looked at Yashie, inalis niya ang sunglasses at tipid na ngumiti kay kuya Nathan. "Hello po, it's nice to see you again," malumanay na sabi niya.
"What a small world, akala namin nasa Paris ka? You stayed pala sa pilipinas?" hindi makapaniwalang tanong nung isang kuya ni Nicole.
"Pinag-iisipan ko pa rin po 'yun, kung babalik ako abroad." tipid ding sagot ni Yashie.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a social and outgoing individual, encountering her stern and cold professor by chance. Theirs was an unexpected meeting, a stark difference from the lighthearted Khaiy and the professor's s...
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k765355.jpg)