Epilogue

4.8K 102 128
                                        

I was busy fixing my sleeves when someone from behind me spoke. Hindi agad ako nakapag-angat ng tingin kung sino.

My lips parted.

"Hi, Chan...long time no see?" unang bungad sa akin ni Cruzette.

Lumapit siya at agad akong niyakap. "Hey, you're here?" hindi ko halos alam ang sasabihin sa dating kaibigan. Sandali kong natingnan ang mukha niya.

She looks more mature at nagpa-straight din ng buhok. Dati kasi ay curly ang buhok niya.

"Kasama ko si Luke, nasa parking pa 'ata?" sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "I never thought na mag-iiba ka ng course, nagulat na lang ako sa ibinalita ni Saji sa amin. Anyways, kahit late na... congratulations, attorney Sanchez!" she said with amusement at tinapik pa talaga ako sa kaliwang braso.

I slightly tilted my head. "Someone made me change my mind and besides I'm doing well, ikaw kumusta ka na? I haven't heard anything from you?" tanong ko at muli kaming naglakad papasok sa gate ng simbahan.

Ngayon kasi ang araw ng binyag nung dalawang kambal ni Saji at ma'am Fernandez. Marami rin ang tao at halos lahat ay dati ko nang nakikita sa PUS, ka-batch ko pa ang iba nung first year ako.

"Okay naman," tipid na sagot ni Cruzette.

I could feel that there's something else beyond that simple response, pero hindi na ako nagtanong pa.

"Ate!" sabay kaming lumingon nung marinig ang pamilyar na boses.

Napangiti ako agad nung makita si Luke. Nabaling din ang tingin niya sa akin, medyo nanlaki pa ang kaniyang mga mata pero agad din namang nakabawi.

"Chan?" he sprinted towards me and immediately hugged me.

"Luke..." niyakap ko rin siya pabalik.

"Grabe, ilang taon kitang hindi nakita—pero wala pa ring nagbago sa'yo,"

Humiwalay na ako sa kaniya. Mas tumangkad din siya ng konti. Maayos ang pagkakagupit ng kaniyang buhok, ang naniningkit niyang mata ay natatakpan na ngayon ng eyeglasses.

"Buti naka-graduate ka?" mapang asar kong saad sa kaniya.

"Nakasabit nga e," he chuckled.

Napakagat ako sa ibabang labi. "I miss you," mahinang bulong ko sa kaniya.

"Yeah, me too..." he nodded.

Ilang sandali pa kaming nag-usap sa labas ng simbahan bago tuluyang pumasok sa loob. Naikwento sa akin ni Luke ang mga nangyari noong wala ako rito, sa sobrang dami ay kulang ang ilang sandali na 'yon.

Thirteen years na ang lumipas kaya naiintindihan ko ang labis na pagkasabik namin na magkakuwentuhan ang isa't isa. I never contacted him when I was in Spain, which made me feel bad at some point. Pero he understands me, dahil na rin kasi 'yon sa peace of mind ko.

Marami ang tao sa simbahan. Halos mapuno na nga rin ang lahat ng upuan. May iilan sa mga bisita ay professor namin sa PUS, sina Ma'am Castro, Ma'am Venison, Ma'am Salvacion at iba pa na hindi ko naman ka-close. Malayo ang upuan nila sa amin kaya tanging pagkaway at ngiti lang ang magagawa ko.

Sa upuan ni Cruzette at Luke ako sumama. Dahil lahat kami ay ninang at ninong, hindi ko rin gusto makiupo sa iba dahil naiilang ako.

Paminsan ay luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang kung sino, pero it only leads to my disappointments dahil wala siya rito.

Akala ko ba ininvite ni Saji 'yon?

Nakita ko kasi sa program na pupunta na raw siya.

Nung magsimula na ang misa ay nakinig na lang din ako. But still I couldn't help myself look around, searching for someone.

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon