CHAPTER 35.1

2.5K 76 26
                                        

It's been a few days since I last saw her. Ganon pa rin, paulit-ulit ko pa ring dinadamdam ang sakit nu'ng bawat salita niya. It stuck in the depth of my mind...lalo na nu'ng sinabi niyang kahit mamatay si Daddy, hindi ko kaya 'yon.

It really hurts me so much, lalo na at sa kaniya pa mismo nanggaling ang mga salita na 'yon. I love her, but I guess it's already too much. I need to move forward and ignore my own feelings for my own good as well. Hindi na tama na paulit-ulit na lang ganito ako.

It's Saturday, and I decided to skip my class. Masakit ang ulo ko parang pinipiga ang buong utak ko, hindi rin ako halos makabangon, I'm glad that Luke and Cruzette w6as there for me. Nilutuan nila ako ng pagkain at pinaiinom ng gamot, they really treated me well.

Paminsan minsan ay naiisip ko si Mommy, pero tuwing maalala rin ang ginawa niya at mga sinabi niya ay naiiyak na lang ako sa sakit. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya.

Nung matapos akong kumain ay muli akong natulog. Pakiramdam ko, pasan ko ang buong mundo at hindi na ako makakilos ng maayos.

Napabalikwas ako sa kama nung mag-ring ang aking cellphone. Nakapikit kong kinapa 'yon sa table sa tabi ng kama. Medyo nairita pa ako nung hindi agad mapindot ang answer button.

"Hmm?"

["Hey?"] medyo paos ang boses niya kaya hindi ko agad nakilala kung sino ang kausap.

"Who's this?"

["It's me, Honey...and I'm down here talking with your friends,"]

Ang naniningkit kong mga mata ay biglang napamulat nung marinig ang sinabi niya. Tiningnan ko ang wall clock at pasado alas dos na ng hapon.

Gosh, I overslept?

"What are you doing here?!" gulat kong tanong, binitawan ko ang cellphone dahilan para hindi na marinig ang boses niya sa kabilang linya at agad na umalis sa kama, inayos ko lang saglit ang buhok sa salamin at saka nagmamadaling bumaba.

Naabutan ko si Vel, kasama si Cruzette at Luke sa may salas. Nakaupo ang magpinsan sa isang sofa at nagsisiksikan samantalang maluwag naman sa kabilang sofa kung saan naroon naman nakaupo si Vel.

I think they're both intimidated by her presence.

The three looked at me at the same time, but my eyes were fixed on Vel. She was wearing her usual dark blue long-sleeved polo shirt, paired with white pants and stilettos. Her medium brown hair fell perfectly, and she sat with poise, exuding confidence and an air of elegance. It only added to her beauty and the strong, commanding aura she carried.

"Hi, Honey? Good day!" bati niya at agad na tumayo para lumapit sa akin.

Humakbang din ako palapit sa kaniya at awkward na ngumiti. "Why are you here?" takang tanong ko ulit sa kaniya.

Kumurap kurap pa muna siya bago nagsalita. "Kasi, I'm not there... that's why I'm here?" pilosopo nitong sagot, kaya napairap ako.

"Kagigising ko lang ah, huwag mo akong tarantaduhin!" pikon kong sabi.

Tumawa silang tatlo. I composed myself at nanatili ang tingin sa kaniya.

Vel cleared her throat. "Actually, gusto ko sana kayo ayain mag beach-"

"Sus, si Chan lang naman talaga gusto mong isama!" putol ni Luke sa kaniya.

Nilingon siya ni Vel. "Of course kayo rin, the more the merrier!" sabi niya at muli ay nilingon ako. "Punta tayo sa beach, and sleepover na rin... naisip ko kasi, kailangan mo ng pahinga sa lahat, unwind, relax mo na rin, physically, emotionally, and mentally."

You Again, Professor  [GL• #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon