9

50 1 0
                                    

AT FIVE o'clock in the morning, Nathalie was already walking along the shore with her friend Ria to go to the boats that had just sailed.

Pagdating nila sa may mga nakahilerang bangka agad nilang nakita si Mang George.

"Mang George!!" sigaw ni Ria upang kunin ang atensyon ng matanda.

Kasama nito ang asawa na si Aling Delia na nilalagay sa timba ang mga nahuling isda.

Sina Aling Delia at Mang George ay tinuturing na kapamilya ni Nathalie. Si Mang George at ang may-ari ng isla na si Lazaro, ang lolo ni Nathalie, ay matalik na magkaibigan. Isla De Atenea is an open island for all fishermen. They were free to fish and live on the Island. This was Don Lazaro's way so that the government would not evict the fishermen living in the Island, kaya binili niya ang Isla at pinangalanang Isla De Atenea at kung isasalin sa ingles ay Athena's Island.

Nang makita ni Aling Delia si Nathalie agad itong kumaripas ng takbo papunta sa dalaga.

"Anak!!!" masaya nitong sigaw at agad na yumakap kay Nathalie. "Kailan ka pa nandito? bakit hindi ka man lang nag sabi."

"Kagabi lang po Inay...Biglaan kaya hindi din ako nakapag sabi" malambing na sagot ni Nathalie.

Kumalas ito sa pagkayakap "Ano na naman ang ginawa ng iyong maldita mong ina?!" nakapamewang pa ito habang naka kunot ang noo.

"Inay...Hayaan na lang natin, hindi pa kayo nasanay" umakbay si Nathalie sa ginang at naglakad papunta sa bangka.

"Mukhang madami-daming isda ang nahuli ninyo Aling Delia, pwede po bang makahingi na lamang?" pabirong saad ni Ria.

"Nako, ikaw na bata ka ganyan din ang sinabi mo kahapon...Hala sige kumuha ka na lamang sa bangka" ani Mang George.

"Salamat Mang George...May ma-iihaw na kami mamaya" masayang tugon ni Ria habang namimili ng magandang isda.

"Nasaan na ho si Kuya Samuel?" ani Nathalie.

Si Samuel ay nag iisang anak ni Mang George at Aling Delia.

"Nasa kabilang bayan...Pauwi na din 'yon. Sigurado matutuwa iyon kapag nalaman na nakauwi ka na" magiliw na wika ni Aling Delia. "Sa bahay ka na mag hapunan mamaya, ipapasundo kita kay Samuel."

"Sige ho Inay, na miss ko na din ho ang luto niyo" tugon ni Thalie.

"Ako ho aling Delia? pwede maki-join?" singit ni Ria na may hawak na isang plastic na isda.

"Oo naman, isama mo na din ang kapatid mo na si Caleb para kumpleto kayong magkakaibigan mamaya" anito.

"Yey!!, Asahan niyo na ho na may magugulo at maingay sa bahay niyo mamaya" masayang sambit ni Ria na ngayon pa lang ay napakaingay at magulo na.

"Nay, alis na ho kami. Dadaan pa kami sa bayan para mamili" ani Nathalie pagkatapos ay niyakap ulit ng mahigpit ang ginang.

When they got back to the resort, the sky was getting dark. Ria went home first to deliver the fish sent by Aling Nida.

Naligo muna siya habang hindi pa dumarating ang kaibigan niyang si Samuel. Luckily she has stock of clothes in her Cabin so she still has something to wear. Bumili din siya kanina ng sabon at shampoo at mga gamit pangbabae sa bayan para may magamit siya sa ilang araw na pananatili niya sa isla.

Tinutuyo niya ang kanyang buhok habang naka upo sa kama gamit ang hair dryer. Nakasuot siyang ng simpleng asul na dress at pares na tsinelas.

She was in the middle of combing her hair when someone knocked on the door, assuming it was Samuel, she excitedly opened the door but she lost the smile on her lips when she saw another man in front of her.

His Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon