13

42 1 0
                                    

THE RESORT will be hosting a large event, and Nathalie organized it for the staff to be able to relax and unwind for at least one day. Since the resort hasn't held a gathering in quite some time.

"Ria? okay na ba yung pina-deliver kong mga pagkain?" tanong ni Nathalie sa kaibigan.

"Kakarating lang nung truck. Bakit hindi na lang tayo nagluto? gumastos ka pa tuloy sa pagpapa-catering" ani Ria.

"Para sa inyo ang event na ito, Ang kailangan nyo lang gawin ay mag relax" She tapped Ria's shoulder who did not lose her smile on her lips.

"Thank you talaga bessy" Ria hugged her tightly and kissed her on the cheek as if they were sisters. They are not related by blood but they're sisters by heart.

"Pangbawi ko din sa inyo, napapabayaan itong resort noong nawala si Lolo Dad kaya bumabawi ako sa mga buwan at araw na nawala ako" dagdag pa ng dalaga.

While Blaze helps haul boxes from the truck for the event to be held tonight... Samuel prepares for the bonfire to be lit later while Caleb assists other staff who have volunteered to help.

Tumulong si Nathalie na buhatin ang pagkain para ipatong sa isang mahabang mesa na may sari-saring pagkain. Dumating si Blaze para kunin ang dala niyang tray.

"Ako na, Samahan mo na lang si Ria sa pagdedekorasyon. Mabibigat yan- kami na ang bahala diyan" anito at pilit na kinukuha ang dala niiya.

"Kaya ko, hindi naman ganun kabigat" pagpuna ni Nathalie.

"Matigas na naman ang ulo mo-" hindi na naituloy ni Blaze ng biglang may sumabat sa usapan nila. Agad naman sumama ang aura ng mukha ni Blaze ng makita nito si Samuel.

"Kami na ang bahala diyan" sabat ni Samuel na kakarating lang. Walang nagawa si Nathalie, wala siyang laban sa dalawa. Naiwan sina Blaze at Samuel sa may lamesa upang ayusin ang mga pagkain na kakarating lang.

Tahimik ang dalawang lalaki habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Binasag ni Samuel ang katahimikan ng may halong pagbabanta "Layuan mo si Tiny kung hindi mo siya kayang panindigan" ani Samuel na walang emosyon ipinapakita.

"You don't have to command me" walang ganang sambit ni Blaze at hindi man lang tinapunan ng tingin si Samuel.

"Hindi kita inuutusan. Ayaw ko lang na masaktan na naman siya. Minsan na siyang nasaktan dahil sa isang lalaki. Ayaw ko lang na maulit ulit 'yon" He said flatly while trying to look calm himself "Huwag mo siyang paasahin" Samuel added.

Lumingon si Blaze kay Samuel na ngayon ay may pagbabantang tingin "I won't do that-"

Pinutol ni Samuel ang iba niyong sasabihin "Mr. Blaze Delvaje, Samantha's husband... you already did" napa-Ingles pa ito ng wala sa oras.

Blaze was speechless, he was just looking at Samuel "How did you know?."

"Sinabi sa akin ni Tiny- You just put fuel into the fire. You should know your place in her life, Sir.''

After Samuel said that, he left him alone, baffled. He couldn't help but think of what he said... He sighed and then continued to arrange the meals for tonight. "Do I need to stop my mania?" he thought.

The event began after it became dark, and Nathalie was in the girls' room with Ria. "Kailangan ko pa ba magsuot ng ganito?" aniya kay Ria, nag aalinlangan siyang isuot ang bikini na dinala ni Ria na pilit pinapasuot sa kanya.

"Oo, No to body shaming Bessy" ani Ria na nag reretouch sa harap ng salamin at nakasuot ng asul na bikini.

Mia came in a black bikini, raising an eyebrow as if looking for a fight. They turned to face Mia, who had just arrived.

His Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon