CHAPTER 41

135 3 0
                                    

  "Kumusta ang biyahe, Ma?" tanong ni Derek kay Rina.

Huminto si Rina sa paglilibot sa loob ng bahay sa pamamagitan nang tingin at tiningnan si Derek. Ningitian niya ng matamis ang nag-iisang anak na lalaki.

"It's okay, Anak," sagot ni Rina. "Ang driver ang napagod dahil sa layo ng biyahe at hindi ako," biro pa niya saka mahinang tumawa.

Napangiti naman si Derek sa naging sagot ni Rina. "Oo nga pala, Ma, bakit hindi nakasama si Papa?" tanong niya sa nagtatakang himig.

Tipid na ningitian ni Rina si Derek. "Abala siya sa kumpanya kaya hindi siya nakasama kahit gusto niyang sumama," sagot niya.

Napatango-tango na lamang si Derek sa naging sagot ni Rina sa kanya.

Mula naman sa kusina ay lumabas si Aiden. May bitbit itong tray na naglalaman ng tatlong slice ng chocolate moist cake na nakalagay sa tig-iisang platito at tatlong baso ng orange juice.

Napatingin si Rina kay Aiden. Ningitian niya ang binata. Tiningnan din siya ni Aiden at sinuklian nito ang ngiti sa kanya.

"Kain muna kayo, Tita," nangingiting alok ni Aiden kay Rina.

Mas lalo namang napangiti si Rina saka siya tumango-tango. "Sure," sabi niya.

Pumunta ang tatlo sa sala. Naupo si Rina sa single sofa. Dahan-dahan namang inilapag ni Aiden sa coffee table ang dala niya saka tinabihan si Derek sa pag-upo sa mahabang sofa.

"Kumusta naman kayong dalawa rito?" tanong ni Rina kay Aiden at Derek. "Wala naman ba kayong nagiging problema na hindi sinasabi sa akin?" tanong niya pa. Naging mapanuri ang tingin niya sa dalawang binata.

"Okay na okay, Ma," sagot ni Derek na ikinangiti ni Rina.

"That's good," ani Rina. Tiningnan nito ang pagkain at kinuha ang isang platito ng chocolate cake. Kinuha rin nito ang tinidor na kasama nito saka sinimulan itong kainin.

Pinagmamasdan naman nina Aiden at Derek si Rina habang kumakain ito. Ramdam ni Aiden ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib ngayong nandito si Rina sa bahay. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ito pumunta dito ngayon dahil sinabi iyon sa kanya ni Derek.

Napatigil sandali si Rina sa pagkain at tiningnan sina Aiden at Derek. "Oh? Kumain muna kayo at saka na natin pag-usapan kung anuman ang sasabihin niyo sa akin," sabi nito saka ningitian ng maganda ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Tipid na napangiti si Aiden. Tiningnan niya si Derek na nakangiti. Tiningnan ni Derek si Aiden at mas lalo itong ngumiti. Ilang sandali pa ay sinabayan na nila sa pagkain si Rina. Habang kumakain ay panaka-nakang nagkwekwento si Rina.

"Grabe! Hindi talaga kami makapaniwala ng Papa mo sa mga nalaman namin tungkol kay Asha. At first, aamin ko na sobra akong nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtakas sa kasal pero nang malaman ko 'yung dahilan, medyo naintindihan ko na kung bakit niya iyon nagawa," sabi ni Rina. "Siguro sobrang nahirapan si Asha sa mga nangyari at hindi rin niya iyon ginusto ngunit dahil wala na siyang choice, kahit masakit ay nagawa niya ang ganung bagay," dugtong pa niya. "Gusto ko siyang sisihin at magalit ng todo sa kanya dahil sinaktan ka niya, Derek, pero hindi ko magawa dahil feeling ko naman ay hindi din niya gustong saktan ka," sabi pa niya saka huminga nang malalim.

Napatango-tango naman si Derek sa mga sinabi ng kanyang ina.

"Ang Papa mo lang ang medyo hindi pa nakakaintindi sa sitwasyon pero sa tingin ko naman ay sinisimulan na rin niyang intindihin ang lahat. Sabi ko nga sa kanya, hayaan ka na lamang na magdesisyon kung makikisama ka pa ba muli kay Asha sa oras na magbalik siya o hindi na. Alam naman kasi naming sobra ka ding nasaktan dahil sa ginawa niya at baka maulit na naman iyon sa oras na ipagpilitan namin siya sayo," pagpapatuloy pa ni Rina habang nakatingin ng mataman kay Derek.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon