CHAPTER 42

100 3 0
                                    

"Okay lang sa akin na ipagpatuloy niyo ang pagmamahalan niyong dalawa. Ang hiling ko lang sa inyo ay sana mas pagbutihin niyo pa lalo ang pag-aaral niyo at patuloy na maging mabuting tao. Palagi niyo ring tandaan na walang mali sa pagmamahalan niyo, magiging mali lang ito kapag mali na ang paraan kung paano niyo mahalin ang isa't-isa."

Magkatabing nakaupo sa isang mahabang upuan na nasa bakuran sina Aiden at Derek. Parehas nilang pinagmamasdan ang kulay kahel na langit kung saan nakikita din nila ang patuloy na paglubog ng araw. Kanina pa umalis si Rina, ang mama ni Derek kaya sila na lamang dalawa muli ni Aiden ang nasa bahay at magkasama.

Kumurba ng magandang ngiti ang labi ni Derek. Ilang sandali pa ay sinulyapan niya ng tingin si Aiden. Lumaki ang ngiti sa kanyang labi ng kanyang makita ang mukha nitong malaya niyang pinagmamasdan dahil hindi ito nakatingin sa kanya.

Nakaramdam naman si Aiden na tinitingnan siya ni Derek kaya tiningnan niya ito at nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang pares ng kilay niya habang sinasalubong ng kanyang mga mata ang pagtingin nito sa kanya.

Ningitian ni Derek si Aiden. "Sa wakas at nasabi ko na rin kay ,ama ang lahat," aniya na pumutol sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Gumaan ang pakiramdam ko nang nailabas kong lahat sa kanya ang tungkol sa'tin," dugtong pa niya.

Ngumiti si Aiden. Kahit siya rin naman ay gumaan ang pakiramdam niya nang umamin si Derek sa mama niya at mas masaya dahil natanggap nito ang mayroon sa kanilang dalawa. Ngunit may bahagi kay Aiden na nag-aalala pa rin lalo na at pwede itong malaman ng parents niya.

Bumaba ang tingin ni Derek at napunta iyon sa kamay ni Aiden. Pamaya-maya ay inabot saka hinawakan niya ang kaliwang kamay ng nobyo na hinayaan lamang siya sa kanyang ginawa. Pinisil-pisil iyon ni Derek saka ibinalik niya ang kanyang tingin sa mukha ni Aiden. Ningitian niya muli si Aiden.

"Bukas, gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong ni Derek kay Aiden.

"Saan naman?" balik-tanong ni Aiden.

Nagkibit-balikat si Derek. "Kahit saan," sagot niya. "Pumunta tayo sa kung saan man tayo dalhin ng ating mga paa," aniya pa nang nangingiti ang labi.

Napangiti na lamang si Aiden saka tumango-tango siya. "Okay," pagpayag niya.

Lumaki muli ang ngiti sa labi ni Derek. "Huwag kang masyadong mag-alala," sabi niya. Nakikita niya na nag-aalala si Aiden. "Naniniwala ako na katulad nang pagtanggap ni mama sa'tin, matatanggap din nila tayo," wika niya pa. Ang tinutukoy niya ay ang papa niya at ang magulang ni Aiden.

"Hindi ko lang mapigilan," ani Aiden. Bumuntong-hininga siya ng malalim. "Wala akong alam kung ano ang pwedeng gawin nila mama at papa sa oras na malaman nila ang tungkol sa atin," dugtong pa niya sa tono na nag-aalala.

Hinigpitan ni Derek ang paghawak sa kamay ni Aiden na ikinangiti naman nito ng maliit. Naalala bigla ni Aiden ang ate niya.

"Sila Ate, nasaan na kaya sila?" pagtatanong ni Aiden.

Nanatili namang nakatingin si Derek sa mga mata ni Aiden.

Huminga muli ng malalim si Aiden. "Ang tapang ni Ate. Ngayon ko napagtanto na mas matapang siya kumpara sa akin," sabi niya. "Sana lang ay huwag mauwi sa wala 'yung paglaban niya para sa kalayaan at kaligayahan niya," hiling niya.

"Nag-aalala ka na rin ba para sa Ate mo?" tanong ni Derek.

Sa halip na sumagot ay napangiti na lamang si Aiden. Tuluyan na talaga siyang binago ng nararamdaman niya.

---

Kitang-kita sa mga mata ni Esmeralda ang galit na nararamdaman. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinitingnan ang mga hawak na litrato. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya sa litrato. Problema na nga niya si Asha, dumagdag pa si Aiden.

"Anong gagawin mo sa kanila?"

Napalingon at tiningnan ni Esmeralda ang asawa na si Timoteo na tuluyan ng gumaling at nakaupo sa swivel chair nito at seryosong tinitingnan siya. Nasa loob sila ng home office ng mansyon.

Iniling ni Esmeralda ang kanyang ulo. Muli niyang tiningnan ang mga litratong hawak niya. Lingid sa kaalaman nila Aiden at Derek ay lihim niyang pinamamasid at pinapasundan ang mga ito at inaalam ang ginagawa ng dalawa dahil simula ng malaman niya ang tungkol kay Asha, nagkaroon na din siya ng hinala sa pwedeng mangyari sa pagitan nila Aiden at Derek at hindi nga siya nagkamali.

"Sa tingin ko ay kailangan mo nang ibalik dito si Aiden sa lalong madaling panahon. Kapag pinatagal pa natin ang pagsasama nila ni Derek, baka mahuli na tayo at matulad si Aiden kay Asha. Alalahanin mo, nag-iisa nating anak na lalaki si Aiden at kailangan niyang makapangasawa para magkaroon ng anak na siyang magtutuloy sa pamilya natin."

Malalim na nagbuntong-hininga si Esmeralda dahil sa sinabi ni Timoteo. Hindi niya inaasahan at hindi siya makapaniwala na hahantong sa ganito ang lahat. Pakiramdam niya tuloy, kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Kumuyom ang mga kamay ni Esmeralda na ikinalukot ng mga litratong hawak niya. Tama ang kanyang asawa, kailangan niyang ibalik si Aiden dito sa mansyon at ituwid ang landas na tinatahak nito. Hindi niya matatanggap na pati ang kaisa-isang anak na lalaki ay magiging... napailing-iling si Esmeralda. Hindi niya iyon matatanggap.

"Hinding-hindi ko 'yon matatanggap. Hinding-hindi ko sila matatanggap," madiin na bulong ni Esmeralda. "Dahil walang alanganin sa pamilya namin. Hinding-hindi ako makakapayag na tuluyang mapariwara ang anak ko at maligaw ng landas," kanya pang bulong.

"Huwag kang mag-alala dahil gagawa ako ng paraan para maibalik na siya rito sa lalong madaling panahon."

Tiningnan ulit ni Esmeralda si Timoteo. Parehas na seryoso ang mukha ng mag-asawa dahil magkatulad silang hindi gusto ang mga nangyayari sa pamilya nila.

"Don't worry, I can handle this," ani Esmeralda kay Timoteo.

Hindi nagsalita si Timoteo, nananatili lang siyang nakatingin ng diretso kay Esmeralda na sinasalubong naman ang pagtingin niya.

"Wala na kong pakiealam kung maging kontrabida tayo sa buhay ng mga anak natin dahil ang gusto ko lang, mapunta sila sa tama. Magulang tayo kaya hinding-hindi ako makakapayag na tuluyang tahakin nila ang maling landas," wika pa ni Esmeralda habang nakatingin ng diretso kay Timoteo.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon