CHAPTER 43

95 3 0
                                    

Abala sa paglilinis ng bahay sina Aiden at Derek. Si Aiden ang nagwawalis ng sahig habang si Derek naman ang nagpapalit ng mga kurtina sa bintana. Nakapatong ang huli sa isang upuan para maabot niya ang pinaglalagyan ng kurtina na nasa pinaka-itaas ng bintana.

Tumigil sandali si Aiden sa ginagawa saka nilingon at tiningnan si Derek. Kumurba ng magandang ngiti ang kanyang labi. Hindi na naman niya napigilan ang sarili na hangaan ang kagwapuhan at kakisigan nito. Kahit pinagpapawisan ang mukha at katawan ay sa paningin niya ay ang bango-bango nito.

Kitang-kita ni Aiden ang bawat pag-flex ng muscles ni Derek sa mga braso at dibdib saka abs nitong nangingintab sa pawis kaya naman mas lalong halata ang kagandahan ng hubog nito. Wala itong suot na pang-itaas na damit at tanging boxer short naman na kulay itim ang suot pang-ibaba. Maaliwalas ang panahon kaya tumatama sa katawan nito ang liwanag na nanggagaling sa labas.

Nakaramdam naman si Derek na may nakatingin sa kanya kaya tiningnan niya si Aiden. Napangiti siya nang makitang nakatingin sa kanya si Aiden at sa tingin niya ay pinagmamasdan siya.

"Baka naman matunaw ako niyan," pagbibiro ni Derek kay Aiden.

Mas lalo namang napangiti si Aiden. "Ang gwapo mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka," pambobola niya sa binata.

Natawa si Derek sa sinabi ni Aiden. "Alam ko naman na gwapong-gwapo ka sa'kin pero mamaya mo na lang ako titigan kapag natapos na tayo sa mga gawaing bahay. Hinay-hinay lang," nangingiting wika niya pa.

Tumawa si Aiden sa sinabi ni Derek. Napangiti naman ulit ang huli saka umiwas ito nang tingin kay Aiden at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Iniwas na rin ni Aiden ang tingin kay Derek at ipinagpatuloy nito ang pagwawalis. Kailangan niya pang lampasuhin ang sahig pagkatapos.

Matapos nilang maglinis ng buong bahay ay magkatulong naman silang naglaba ng kanilang mga damit sa likod ng bahay. May malapit na laundry shop sa kanila pero mas pinili nilang sila na lamang muna ang maglaba. Para silang mga batang naglalaro ng bula habang naglalaba.

"Uy! Ano ba!" natatawang saad ni Aiden kay Derek pagkatapos siyang lagyan ng bula ng sabon sa pisngi.

Tumawa naman si Derek kaya gumanti si Aiden, sa kanya at hinagisan niya ito ng malaking bula sa mukha.

"Ahhhh... gumaganti ka ah!" tumatawang sabi ni Derek.

At ayun na nga, tumagal sina Derek at Aiden sa paglalaba dahil sa pakikipaglaro sa isa't-isa. Panay ang halakhakan ng dalawa sa tuwing nagagantihan ang isa't-isa. Pakiramdam nilang dalawa, ang gaan-gaan lang ng buhay nila ngayon at dahil iyon sa magkasama sila.

Natapos ding maglaba sina Aiden at Derek na umabot ng hapon. Nagpahinga na muna silang dalawa at magkatabi silang naupo sa sofa.

Nakatingin si Aiden sa nakabukas na telebisyong nagpapalabas ng isang documentary habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Derek.

Nakatingin naman si Derek kay Aiden. Kitang-kita sa mukha at mga mata niya ang saya habang tinitingnan ang kanyang minamahal.

"Nakakapagod din palang kumilos dito sa bahay," reklamo ni Aiden habang nakatingin pa rin sa telebisyon.

Napangiti si Derek. "Nag-enjoy ka naman, 'di ba?" tanong niya.

Tiningnan ni Aiden ang mukha ni Derek. Tumango-tango ito saka ito ningitian.

"Kulang na nga lang sa atin ay kasal," sabi ni Derek. "Para na tayong mag-asawa sa ginagawa natin, 'di ba?" tanong pa niya nang nangingiti ang labi.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon