CHAPTER 49

99 5 0
                                    

Maga-alas nuwebe na ng gabi nang makauwi sa bahay si Aiden. Wala siyang naabutang tao sa kanyang pagpasok sa bahay. Kumunot tuloy ang kanyang noo. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng bahay pero hindi niya nakita si Derek.

"Baka nasa kwarto," bulong na hula ni Aiden.

Nagkibit-balikat na lamang si Aiden saka nilapitan ang sofa at naupo siya doon. Hinubad niya ang kanyang suot na sapatos at medyas saka ito ipinatong sa ibabaw ng kanyang sapatos pagkatapos ay sinandal niya ng mabuti ang likod sa sandalan ng sofa saka ipinatong ang dalawang paa niya sa mababang lamesa na nasa gitna.

Iniinda ni Aiden ang sakit ng kanyang mga binti at paa. Maghapon siyang nakatayo at palakad-lakad sa mall kaya natural lang na maramdaman niya ito lalo na at hindi pa siya sanay sa matagalang pagtayo. Hindi ganoon kabigat ang kanyang trabaho pero ang pagtayo maghapon ang sa tingin ni Aiden ay malaking hamon para sa kanya.

"Sakit ng mga binti at paa ko. Kainis," reklamo ni Aiden. Nagbuga siya ng hininga saka niya hinubad ang suot niyang vest at tinanggal sa pagkakabutones ang first at second button ng suot niyang polo. Ipinatong niya sa sofa ang hinubad niyang vest.

Nagpahinga na muna si Aiden. Mamaya na lamang siya tuluyang magbibihis at kakain ng hapunan.

Mula naman sa kwarto ay lumabas si Derek. Lumingon ito sa sala at nakita niya si Aiden na prenteng-prente ang pagkakaupo sa sofa. Ngumiti ito saka nagmamadaling nilapitan ang kasintahan.

Napatingin naman si Aiden kay Derek nang makarating ito sa kinaroroonan niya. Ningitian niya ito.

"Good evening," pagbati ni Aiden kay Derek.

Ningitian ni Derek si Aiden. "Kumusta ang first day mo?" tanong niya. Naupo ito sa tabi ng nobyo.

"Ayos lang naman. Magaan ang trabaho pero dahil hindi pa ako sanay sa maghapong pagtayo, ito at nananakit ang mga binti at paa ko," pagsagot ni Aiden saka tiningnan pa ang mga binti at paa niya. "Pakiramdam ko ay umaakyat na ang sakit sa mga hita ko," aniya pa.

Tumingin si Derek sa paa ni Aiden na nakapatong sa lamesa. Napangiti siya ng tipid. Ilang sandali pa ay umalis sa pagkakaupo sa sofa si Derek at naupo ito sa natitirang espasyo sa ibabaw ng mesa na pinagpapatungan ng mga paa ni Aiden.

Kumunot naman ang noo ni Aiden. Pamaya-maya ay nagulat na lamang si Aiden nang hawakan ni Derek ang kanyang kanang binti at sinimulan iyong pisil-pisilin para i-masahe.

"Uy huwag mong gawin 'yan," pagpigil ni Aiden sa ginagawa ni Derek. Hindi naman mabaho ang paa niya kahit na kakagaling lang ito sa sapatos pero nahihiya pa rin siya kay Derek.

Tiningnan ni Derek ang kasintahan. Ningitian niya ito. "Para mawala iyong sakit at gumaan kahit papaano ang pakiramdam mo," aniya na patuloy sa pagmamasahe sa binti ni Aiden. Tinaas pa nito ang laylayan ng suot na slack pants ni Aiden para mas mamasahe niya ng mabuti ang binti nito.

"Pero..." hindi na lamang itinuloy ni Aiden ang sasabihin sa halip ay napangiti na lamang siya. Kilala niyang hindi nagpapapigil si Derek kaya hahayaan na lamang niya ito sa ginagawa.

Nasasarapan si Aiden sa pagmasahe ni Derek kaya napapaungol din siya ng mahina. Pati ang isa pa nitong binti at minasahe nito.

"May mga kaibigan ka na ba sa pinapasukan mo?" tanong ni Derek kay Aiden.

Umiling-iling si Aiden. "Wala pa," sagot niya. "Hindi ko pa rin naman kasi sila kinakausap," aniya. "Kapag may itatanong lang ako ay doon ko sila kakausapin," dugtong niya pa.

"Bakit? Nahihiya ka pa ba?" tanong ni Derek.

Napangiti lamang si Aiden. Pamaya-maya ay natatawa na siya. Ang mga paa naman kasi niya ang minamasahe ni Derek at nakikiliti siya.

"Dahan-dahan lang at nakikiliti ako," pagsaway ni Aiden kay Derek sabay tawa ulit.

Napangiti si Derek. Kiniliti niya ang ilalim ng mga paa ni Aiden.

"Hoy! Hahahahahaha!" mas lalong tumawa nang malakas si Aiden.

Natatawa na din si Derek sa ginagawa niya sa ilalim ng paa ng kasintahan. Ilang sandali ay bumalik ang pagmasahe ni Derek sa mga binti ni Aiden.

"Oo nga pala, naghanda na ako ng hapunan. Tara at kumain na muna tayo," pag-aaya ni Derek.

Tumango-tango si Aiden. "Sige at magbibihis lang ako," sabi niya na ikinangiti ni Derek sa kanya.

---

"Wow naman!" namamanghang sabi ni Aiden habang tinitingnan ang mga nakahain sa ibabaw ng lamesa. "Habang tumatagal ay mas lalo kang gumagaling sa pagluluto. Pati ang presentation, kina-career mo na kasi ang ganda din," natutuwang dugtong pa niya.

Adobong baboy sa gata, pritong galunggong, kanin at orange juice ang nakahain sa mesa. Nakaayos na ang mga iyon doon kasama ang mga gagamitin nila sa pagkain.

Napangiti naman si Derek sa papuri ni Aiden sa kanya. Tiningnan naman siya ni Aiden.

"Salamat," pasasalamat ni Aiden kay Derek saka niya ito ningitian nang matamis. "Malaki talaga ang pasasalamat ko na kasama kita," nangingiting sabi pa niya.

Tumango-tango si Derek. "Sige na at kumain na tayo," wika niya.

Napangiti si Aiden sa sinabi ni Derek.

Si Derek ang naglagay ng mga pagkain sa plato ni Aiden. Napapangiti na lamang si Aiden sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ng kasintahan habang nakaupo lang siya. Natutuwa siya at the same time ay mas lalong nahuhulog dahil sa mga ginagawa nito para sa kanya.

Nagsimula nang kumain ang dalawa habang nagkwekwentuhan.

"So, tama ba ako?" tanong ni Derek.

Kumunot ang noo at nagsalubong ang makapal na kilay ni Aiden nang tingnan niya si Derek na nasa harapan niya at kabilang side ng lamesa kung saan doon nakapwesto ang inuupuan nito.

"Tama saan?" nagtatakang tanong ni Aiden.

Ningitian ni Derek si Aiden. "Pinagtitinginan ka, 'di ba?" tanong niya. "Na hinahabol ka nang tingin ng ibang tao," aniya pa.

Kumibit-balikat si Aiden. "I don't know. Hindi ko naman napapansin," sagot niya saka muling sumubo ng pagkain.

"Pero ikaw ang pinakagwapo dun sa department niyo, tama?" pagtatanong pa ni Derek.

Natawa si Aiden habang ningunguya ang pagkain. Pamaya-maya ay nilunok niya ito bago siya ulit nagsalita. "Grabe ka naman, paano mo naman nasabi na ako ang pinakagwapo doon?" tanong niya pa.

"Sigurado akong ikaw ang pinakagwapo dun," nangingiting sabi ni Derek. "Huwag kang pa-humble diyan," dugtong pa niya saka humalakhak.

"Oy! Hindi ako pa-humble," natatawang pagtanggi ni Aiden.

Natawa na lamang muli si Derek na ikinatawa din ni Aiden.

"Pero tandaan mo lang palagi na hanggang tingin lang sila sa'yo kasi ikaw, ako lang dapat ang tingnan mo. Maliwanag ba?" tanong ni Derek na diretso ang tingin kay Aiden.

Ningitian nang maganda ni Aiden si Derek. "Ikaw lang naman ang gusto kong makita palagi. Makita ko man silang lahat, ikaw lang ang gugustuhin kong titigan ng matagal," sabi niya saka kinindatan ang nobyo. "Kaya hindi mo kailangang mag-alala dahil sayo lang palaging nakatingin ang mga mata ko at ikaw lang ang itinitibok ng puso ko," matamis na dagdag pa niya.

Mas lalo namang napangiti si Derek. Kinilig siya sa mga sinabi ni Aiden.

"Uy! Kinikilig siya!" pang-aasar ni Aiden kay Derek. "Namumula ka, oh! Hahaha!" aniya pa.

"Tumigil ka nga diyan!" nahihiyang sabi ni Derek saka umiwas nang tingin mula kay Aiden. Napahawak pa siya sa magkabilang tenga niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng mga ito. Umiling-iling na lamang siya. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Ano naman kung kinikilig ako sa kanya? Eh sa gustong-gusto ko siya kaya natural lang na kiligin ako ng todo sa kanya, 'di ba?" bulong pa niy. Natawa na lang siya ng walang tunog.

Napapangiti na lamang si Aiden habang tinitingnan si Derek. Nawala na ang nararamdaman niyang pagod at pananakit ng mga binti at paa niya na ramdam na ramdam lang niya kanina.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon