34

225 9 0
                                    


CHAPTER  34

Unedited
"HINDI NGA KITA MAHAL!" Singhal ni Cheska kay Oliver.
"Kunwari ka lang. Todo iyak ka pa nga, eh! Mahal mo talaga ako. Nahihiya ka lang aminin," tukso ni Oliver. Noong isang araw pa niya itong tinutukso.
"KAPAL MO!" Nanggigigil na hinubad ni Cheska ang tsinelas at hinampas sa katawan ng asawa.
"Honey, sadista ka talaga!" natatawang tumakbo si Oliver palayo sa asawa.
"BUMALIK KA NGA RITO!" Habol ni Cheska hanggang sa nakabalik sila sa cottage. Nasa resort nila sila sa Iloilo na katabi lang ng isla Gigantes.
"Ayaw ko!" Tawa pa rin siya nang tawa. Namumula na ang mukha ng asawa sa sobrang inis. Nasanay na siya sa pag-uugali nito.
"Tumigil na nga kayong dalawa," saway ni Patch. "Ano ba ang masama kung aminin mong mahal mo si Oliver? Mag-asawa naman kayo!"
"Hindi ko nga siya mahal!" Giit ni Cheska. Basta kumukulo lang ang laman ng ulo niya kapag napapangiti si Oliver.
"Katawan lang ang habol mo sa kaniya?" bulalas ni Patch sa apo at nanlaki ang mga mata.
"Luh! Hindi ah! Hindi naman kaakit-akit-akit ang katawan niyan!" Panunuya ni Cheska.
"Eh bakit mo pinakasalan?" tanong ni Patch. Nasa table sila at naghahanda ng tanghalian.
"Siya ang ama ng anak ko. As if may choice ako!" She rolled her eyes.
"Mahal mo talaga ako. Ma pride ka lang!" Tukso ulit ni Oliver na nasa tabi ni Ann. Ang mga bata ay natutulog sa resthouse kasama ang tigabantay nila.
"Ambisyoso!" isang nakakamatay na tingin ang ipinukol sa asawa.
"Ama ni Mandy? Eh bakit nasundan pa? Huwag mong sabihing na disgrasya ka na naman sa pangalawang beses?" sabat ni Ann at mas mataas pa ang itinaas na kilay kaysa sa apo. Taasan lang ba ng kilay? Papatalo ba siya? Never!
"Nasarapan na raw siya, Lola!" Natatawang sabat ni Oliver.
"SHUTUP!" Galit na tinalikuran ni Cheska ang mga ito at pumunta kina Lee, Dylan at Demetrio na nag-iihaw ng isda at baboy na kakainin nila.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo nagkakabati ni Dylan?" tanong ni Patch.
"Hayaan mo siya! Magkawang gawa na lang ako sa mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang mang-agaw ng asawa ng iba!" Nakasimangot na sagot ni Ann.
Napabuntong hininga si Patch. Hindi sa lahat ng oras ay kaya niyang bantayan ang mga apo. Hindi lahat ng oras ay nandiyan siya para manipulahin ang sitwasyon dahil may mga bagay na sila pa rin ang masusunod sa kung ano man ang kapalaran. Isa pa, lumilipas ang panahon. Darating ang araw na lisanin niya ang mundo.
"Ann? Gusto mo ng seafoods?" tanong ni Dylan nang maupo sa tabi ng asawa.
"Ayoko," sagot ni Ann. Si Oliver ay tumayo at pinuntahan ang asawa.
"Seafoods? Gusto mo? Kunan kita..."
"Wala akong ganang kumain," walang kagana-ganang sagot ni Ann. Nagpaalam si Patch para pumunta sa asawa. Gusto niyang bigyan ng privacy ang dalawa.
"Galit ka pa ba talaga sa akin?" malungkot na tanong ni Dylan. "Sorry na... Hindi na mauulit." Isang linggo na pero hindi pa rin siya pinapansin ni Ann. Isang tanong isang sagot lang ito palagi.
"Hindi ako galit sa iyo, masama lang ang loob ko." Sagot ni Ann.
"I'm sorry for everything... Palagi na lang kitang nasasaktan. Sana, hindi na maulit pa... Ang tanga ko kasi..." sising-sisi na wika ni Dylan. Napayuko siya dahil hindi na niya kayang pigilan ang mga luha. Hindi siya sanay sa pagiging cold ng asawa pero alam naman niyang kasalanan niya.
"H-Hindi ko na alam ang gagawin..." sambit niya at napahilamos sa mukha. "N-Nahihirapan na ako. G-Gusto ko lang naman sanang maging masaya ka pero bakit? B-Bakit palagi na lang mali ang mga desisyon ko? B-Bakit palagi ka na lang nasasaktan sa mga actions ko?"
"UTO-UTO KA KASI!" Napipikong sagot ni Ann. Mula nang mangyari ang pagtatampo niya rito ay ipinakita at ginawa naman ni Dylan ang lahat para mapatawad niya ito. Kahit sa school ay sinusuyo siya ng asawa.
"Alam ko... S-Sorry..." mahinang sagot ni Dylan. Siguro nga, uto-uto siya kagaya ng sinasabi ng asawa niya. Alam kasi niya ang pakiramdam na magkagusto sa taong may ibang mahal na. Babae at may sakit si Corney kaya gusto niyang iparamdam dito na kahit paano, hindi naman niya ito binabalewala at katanggap-tanggap pa rin ito. Iyon nga lang, hindi rin niya naisip ang feelings ng asawa.
"Pero kahit na may pagka-uto-uto ka, mahal pa rin kita..." napasimangot si Ann. Alam naman niya na wala itong kasalanan at malinis ang intention ni Dylan pero nagseselos pa rin siya.
"Pasensiya ka na kung hindi ko kayang tumbasan ng kilos at salita ang pagmamahal mo sa akin..." sagot ni Dylan at hinawakan ang kamay nga asawa.
"Lahat ng ginawa at ipinakita mo sa akin, sobra-sobra na, Dylan. Hindi ko lang minsan kayang intindihin ang pagiging mabait mo," ani Ann saka hinarap ang asawa. "Huwag ka na ngang umiyak! Para kang bata!" Napangiti siya. Ang cute nito tingnan habang umiiyak. Parang si Baby Damulag. Ang tangkad pa naman nito.
"Bati na tayo?"
"Oo na nga! Basta gawin mo ang lahat para makalimutan ko ang paghalik mo kay--" nanlaki ang mga mata niya nang takpan ni Dylan ang mga labi niya gamit ang mga labi nito.
"I love you," nakangiting bulong ni Dylan at mahigpit na niyakap siya.
"K-Kuwan... Sina Lola Patch, palapit na rito..." bulong ni Ann kaya kumalas ang asawa.
"Pasyal muna tayo sa dalampasigan?" yaya ni Dylan. Kahit na magtatanghali na ay maganda ang panahon. Hindi masyadong mainit.
"Sige, gusto ko rin maglakad-lakad," sagot ni Ann at hawak-kamay silang tumayo at naglakad palapit sa pusod ng dagat.
"EHEM!" Tikhim ni Lola Patch kaya napalingon si Ann. "Huwag niyo naman sanang gawing audience at saksi ang mga malalaking bato roon sa dulo kapag magbody-bonding kayong dalawa!" bilin ng matanda.
"Opo," natatawang sagot ni Dylan. Si Ann naman ay pulang-pula na.
"Hindi naman tayo kagaya sa kaniya na kahit saan lang!" Naiinis na bulong ni Ann.
"Hmp, masanay ka na kay Lola Patch. Kahit na matanda na 'yan, updated din 'yan." Nakangiting bulong ni Dylan habang palayo na sila. "May experience eh..."
Nag-uusap lang sila na para bang bagong magkasintahan habang naglalakad. Ang ingay ng tubig-dagat at ang magagandang tanawin kagaya ng malalaking bato, white sand at isla sa gitna ng dagat ang mas nakadagdag sa katahimikan ng kalooban ni Ann.
Naupos sila ni Dylan at nag-uusap tungkol sa mga anak nila. Ang future ng mga ito, savings at kung ano ang gusto nilang ipakuha sa mga anak kapag mag-aral na. Tumayo si Ann at tumanaw sa pinakadulo ng karagatan na maaabot ng kaniyang mga mata. Ang kulay asul na langit ay humahalik sa napakamapayapang dagat.
"Ann?" tawag ni Dylan nang tumayo rin.
"Ang ganda talaga ng lugar na ito, noh?" nakangiting sabi ni Ann.
Napatulala si Dylan nang makita ang totoong ngiti ng asawa. Ngayon pa lang siya nginitian nito buhat nang magtampo ito sa kaniya. Simpleng maong shorts at white shirt ang suot nito pero para sa kaniya, nagmumukha itong dyosa ng karagatan. Dagdagan pa nang bumagay ang nakalugay na buhok para maging isang napakagandang obra ng Panginoon ang asawang nasa harapan.
"Maganda nga!" Sambit niya at nakatitig sa simple pero mala-anghel na mukha ni Ann.
"B-Baby? Naalala mo pa ang unang pagpunta natin dito?" nag-aalangang tanong niya.
"Oo, bakit?" tanong ni Ann. Ni hindi nga sinabi ng asawa na rito pala sila pupunta noon. Basta kinuha lang siya sa paaralan noon.
"K-Kuwan... Dito kasi ang unang... Ang first..." hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin. Baka magalit na naman ang asawa.
"Ang unang ano?" inosenteng tanong ni Ann.
"Ha? Wala!" Sagot ni Dylan saka hinawakan ang asawa sa kamay. "Balik na tayo. Baka gising na ang mga anak natin." yaya ni Dylan na sumunod naman si Ann.
"Dylan?" tawag ni Ann.
"Hmmm?"
"Dito ang first natin, iyon ang sasabihin mo, 'di ba?" namumulang tanong ni Ann. Nahihiya siya. May mga babae lang sigurong nahihiyang pag-usapan ang ganito kahit na mag-asawa na sila.
"Oo, dito ang first natin..." sagot ni Dylan at pinisil ang kamay ng asawa para sabihing huwag ito mahiya.
"Baby? Dito kaya mabubuo ang next baby o babies natin?"
"Ayoko! Masyado pang maaga!" Nakasimangot na sagot ni Ann. Sapat na sa kaniya ang apat.
"Okay lang kahit na hindi na madagdagan ang quad natin," masayang sabi ni Dylan.
Kinagabihan, nagbonfire sila. Sa tabing dagat habang nag-uusap at nagvi- videoke ang mga lalaki. Pinuntahan ni Ann ang mga yaya at siya na muna ang nagbantay sa mga anak para makapaglibang din ang mga yaya nila. Sa katabing cottage lang sila ni Dylan.
"Ma'am? Pumunta na kayo sa labas. Kami na ni Lilibeth ang magbabantay sa mga bata." sabi ni Manilyn nang pumasok.
"Nakapaglibang na ba kayo? Parang ang bilis n'yo namang bumalik," sagot ni Ann na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng Wattpad. Ganito palagi ang ginagawa niya. Kapag tulog ang bata, naghe-hello Wattpad world siya para libangan na rin.
"Oo, nag-ikot-ikot lang naman kami." Sagot ni Manilyn.
"Oh, siya, maiwan ko na muna kayo rito." Sabi niya saka tumayo at lumabas. Pagdating niya sa labas ay sumalubong sa kaniya ang sariwang hangin at amoy ng tubig dagat. Malaki na rin ang apoy na ginawa nina Dylan. May mga iilang turista na naliligo sa dagat at kitang-kita niya ang mga nagkikislapang ilaw sa kabilang isla. Naupo siya sa mahabang bench at pinagmasdan ang asawa. Topless ito kaya napabuntong hininga siya.
Aaminin niya, hindi si Dylan ang tipo ng lalaking sa unang tingin ay masasabi mong ito ang pinakaguwapong lalaki na makilala mo. Hindi ito katulad sa mga nababasa niya sa Wattpad na sobrang guwapo at halos perpekto ang mukha kagaya ng mga portrayers ng binabasa niya pero kapag nakilala mo na ito, saka ka na ma-inlove. Bad boy ito pero hindi alam ng marami, malaki ang respeto nito sa mga babae. Mahal nito si Cheska, ang mommy niya at lalo na ang lola Patch niya.
"Uto-uto nga lang minsan!" hindi niya mapigilang ngumiti sa naisip. Kapag may ibang babae na makarinig sa kaniya, tiyak, dudumugin siya ng mga ito dahil sa salitang "uto-uto" niya. Talagang hindi na niya makalimutan ito dahil nauto ito ng walang hiyang si Corney!
"Madilim ang paligid pero kitang-kita mo ang magandang view, ano?" sumimangot si Ann nang tumabi si Patch habang ang mga mata ay kina Dylan at Lee. "Baka masundan na naman ang apo ko niyan?"
"Lola naman!" Nagtatampong wika ni Ann.
"Ang hot ng apo ko, noh? Nakaka six rounds din ba kayo?" nanlaki ang mga mata ni Ann sa tanong ng matanda.
"Ann? Maiba tayo," pag-iiba ni Patch ng usapan. "Narinig mo na ba ang maskara ko?" tanong nito.
"Maskara?" nakakunot ang noo ni Ann.
"Ayon sa mukha mo, hindi pa. Ang maskara ay siyang gamit ng sorority queen. Nagkakahalaga ito ng humigit kumulang sa isang bilyon. Exaggerated man ang isang bilyon pero iyon talaga ang halaga niya lalo na ngayong pinadagdagan ko iyon ng iba't ibang klase ng mamahaling bato." panimula ni Patch. Mataman na nakikinig lang si Ann sa kaniya.
"Ang kung sino man ang pasahan ko ng maskarang iyon, ay siyang magiging sorority queen at siyempre, hindi pa ngayon."
"Ah, si Cheska?" sabat ni Ann. Wala namang ibang pasahan ito maliban sa kung sa anak ni Patch na mga babae.
"I don't think na capable si Cheska para maging sorority queen lalo na't masama talaga ang ugali nito," prangkang sagot ni Patch at napabuntong hininga. Isa pa, hindi nagpapakita si Cheska ng interest na maginh isang sorority queen. Mambara lang ng mga babaeng umaaligid sa asawa ang hilig nito.
"Ann, bukas na darating ang pinagawa kong mask. Alam mo bang pinahanap ko pa iyon saan mang sulok ng mundo para muling mabuo dahil sa pagkabenta at sangla ni Baron?" si Baron ang nagnakaw noon ng maskara niya.
"Kapag mawala na ako, puwede bang paki-ingatan muna ninyo ni Dylan bago makahanap ito ng magiging reyna niya?" pakiusap ni Patch. "Iyong mukhang karapat-dapat na pagtakpan niya?"
"Lola naman. Matagal ka pang mawala sa mundong ito," ani Ann.
"Alam ko! Baka mauna lang ako ng isang araw sa iyo!" Pambabara ni Patch. Ang seryoso ng moment niya tapos biglang sirain lang ni Ann.
"Basta! Ingatan ninyo ang maskara ko dahil kapag namatay na ako, ipapasa ko iyon!"
"K-Kanino po? Kay Mandy?" ang alam niya ay babae ang magmamay-ari nito.
"Puwede... Puwede ring hindi. Kagaya ng sinasabi ko, depende sa KARAPAT-DAPAT! Kadugo ko man o hindi!"
"Huh? Paano 'yon? Sino ang pipili?" naguguluhang tanong ni Ann.
"Ang maskara!" Makahulugang sagot ni Patch kaya nagtataka si Ann.
"Hindi ho ba't kayo ang dapat na pipili kung sino ang papasahan mo?"
"Malalaman mo rin ang kasagutan..." makahulugang wika ni Patch. "Sa takdang panahon..."

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon