70-71

2K 79 0
                                    



FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  70-71

Unedited...
"Bakit ka nandito?" tanong ni Divina nang pagbaba ay nasa sala si Geron. Nakaupo sa harapan ng daddy niya.
"Hi. Susunduin kita para sa party ko. Okay na kay Tito. Payag na siya," nakalimutan ng dalaga na ngayon pala ang kaarawan nito. Kanina pa siya lowbat at tinatamad siyang mag charge.
"Sumama ka na sa kaniya, anak. Para maaliw ka naman. Hindi ka na nagkakaroon ng social life," pahintulot ng ama.
"K-Kwan... Sige, wait lang." Nahiya siya kay Geron dahil ito pa mismo ang sumundo sa kaniya. "Ano nga ang tema ng party mo?" nasa punong-hagdan na siya nang maalalang itanong.
"Bar party."
Pumanhik na siya sa kwarto. Nakatingin sa closet at namimili ng isusuot dahil mga bestida ang damit. Wala naman siyang sexy dress dahil hindi nga siya mahilig sa party.
Black pants and black tube top ang napili niya na tinakpan niya ng black leather jacket. Pinili niya ang 3 inches black boots na ipares dito. Simple lang ang inilagay niyang make-up dahil gabi naman.
"Let's go?" nang makababa na siya. "Ingatan mo ang anak ko, ha." Bilin ni Gab.
"Don't worry, Tito. Ako ang bahala sa kaniya." Paglabas nila sa bahay ay pinagbuksan niya si Divina ng pinto.
"Thanks." Sa front seat siya naupo.
"Baka late na tayo sa party mo. Sana pala, nagpahatid na lang ako kay Daddy." Nahihiyang saad niya. Baka sabihin ng iba ay pa importante pa siya.
"Okay lang. Hindi naman makakadalo ang isang bisita ko kaya ikaw na lang ang sinundo ko. Isa pa, mga kakilala ko lang naman ang mga dadalo."
Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bar na pagmamay-ari ng binata.
"Bisita ko po siya," wika niya sa dalawang guwardiya. Mahirap na dahil bar party ito. Baka may makalusot na may armas at magkakarambulan lalo na't mga ka brod niya sa Tau Gamma ang mga bisita.
Kakabukas lang ng pinto nang sinalubong sila ng mga naghihiyawan at malakas na musika. Ang iba ay mga lasing na.
"Halika, kain muna tayo." Bulong ni Geron at hinila siya papasok sa VIP room. "Maupo ka," medyo mahina na ang tugtog. Pumasok ang isang waiter at binigyan sila ng pagkain. Cheese stick lang ang pinapak ni Divina dahil nakakain na siya kanina. Isa pa, baka sumama ang kaniyang tiyan.
"Mga brod mo pala silang lahat?" nakatingin siya sa labas. Glass wall ang kwarto kaya nakikita niya ang mga taong sumasayaw. Ang iba ay familiar sa kaniya dahil school mates niya sa CTU.
"Yupz. May iba rin namang hindi. Kain ka pa," iniabot nito ang sisig.
"Huwag na. Busog ako," natigilan siya nang makita si Christian na nakipagsayaw kay Precious sa gitna ng dance floor. Sinundan ni Geron ang tinitingnan ng dalaga.
"Ikakasal na ang loko. Wala nang mang-asar sa 'yo," hinarap siya ni Divina. Ngumiti ang dalaga sabay sabi: "Oo nga. Pero sa tingin ko, hindi na siya magbabago." Alam niyang kapag may asawa na ito ay lolokohin pa rin siya. Iyon ay kung magkikita pa sila. Balak niyang lisanin na ang 'Pinas kapag makagraduate na sila. Gusto niya nang magbagong buhay.
"Have some drinks para hindi ka mahiya sa labas," sabay abot sa kaniya ng white vodka.
"H-Hindi ako umiinom..."
"Ngayon lang. Party naman ito. Don't worry, ako ang bahala sa 'yo. Sagot kita kay Tito. Bisita kita kaya hindi ko hahayaang mabastos ka ng kasamahan ko mamaya," pangungumbinse niya. Napabuntong hininga ang dalaga. Tutal, birthday naman nito kaya pinagbigyan na niya.
Nakailang shots na siya nang maramdaman ang pag-init ng mukha pero uminom ulit siya ng ilang beses. Masama ang tingin niya kay Christian dahil pagkasulyap niya sa labas ay naghahalikan na sila ni Precious. Halos maghubad na rin ang babae tapos ang kamay pa nito ay nasa loob na ng pantalon ng binata. Nasasaktan siya!
"Let's dance," tumayo ito kaya napilitan na rin siya. Bago pa siya tuluyang lumabas ay binuksan niya ang zipper ng leather jacket para makita ang itinatagong katawan niya.
"Brod!" Bati ng mga nakakita sa kanila. Pasimpleng hinawakan ni Geron ang bewang ng dalaga para hindi lumayo sa kaniya. Ngumiti si Geron sa mga ito. Gano'n din si Divina na ngayon ay namumula na ang pisngi.
"Kanina ka pa namin hinahanap. Saan kayo galing?" makahulugang tanong ng isa. Pinasadahan pa ng tingin si Divina mula ulo hanggang paa.
"Putiks! Bago na naman? Ang ganda ng chicks mo, a!" Lumapit ang iba at nakipagkamay sa kaniya.
"Kaibigan ko," pagpakilala niya. Lumapit si Christian nang makita sila. Ang una niyang napansin ay ang mga kamay ni Geron sa bewang ng dalaga.
"Happy birthday, Geron." Nakipag beso-beso si Precious dito.
"Mabuti at nakapunta ka, Divina." Pasigaw na sabi ni Christian dahil sa malakas na tugtog.
"Oo. Sinundo ako ni Geron, e." pasigaw rin na sagot niya.
"Tara, sayaw tayo, guys." Hinila ni ni Geron si Divina sa gitna at nakipagsayawan. Nakatayo lang si Divina. Medyo nahihiya pa siyang gumalaw. Ang ibang babae ay wala nang pakialam. They're doing a wild dance kasama ang mga partner nila.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Geron.
"Yes... Medyo nahilo lang sa music" hinapit siya nito sa bewang nang muntik na siyang mabangga ng katabi dahil sa napakagaslaw na kilos.
Nasa tabi lang nila sina Christian. Nakayakap na naman si Precious dito. Pasimpleng pinagmasdan niya ang mga kamay ng dalaga. Naiinis siya dahil nasa dibdib na ito ng kababata.
"Okay. Wala kang karapatang magalit. Walang kayo, Divina. Walang kayo," paalala niya sa sarili.
"CR lang ako. Gusto mong sumama?" tanong ni Geron. Inilapit pa nito ang mukha sa tainga niya para magkarinigan sila. "Sige lang. Dito lang ako basta balikan mo ako, ha."
Naiwan siyang mag-isa sa gitna ng dance floor. Gusto siyang lapitan ni Christian pero nakadikit sa kaniya si Precious. "Babe, okay ka lang ba?" hinawakan siya ni Precious sa mukha para iharap sa kaniya. Napansin kasi niya na biglang tumamlay ang kasintahan. Unlike kanina na halos makipag
'do' na ito sa kaniya.
"Wala. Napagod lang ako, babe."
"Gusto mong magpahinga? Upo muna tayo," nag-aalalang tanong ng dalaga.
"Sige," iginiya niya ang kasintahang maupo sa puwestong nakikita pa rin niya si Divina na nakipagsayawan sa mga brod niya. Medyo hindi lang niya nagustuhan ang suot nito dahil kahit madilim ay paminsan-minsan, naaninag pa rin niya ang katawan nito kapag tumama ang liwanag disco lights.
Tinungga niya ang isang bote ng alam na nasa harapan. Bumalik na si Geron at muling hinapit ang bewang ng kababata. Nagtatawanan pa ang mga ito. "May masakit ba sa iyo, babe?" nag-aalalang tanong ni Precious.
"Puso ko?" wala sa sariling sagot niya.
"What?" muling tanong ni Precious.
"Wala. Ang sabi ko, 'wag kang uminom. Bawal sa puso mo ang alak," sagot niya. Tinitigan niya ang kasintahan. Maganda si Precious, matangkad at sikat. Mabait din ito sa kaniya at wala siyang reklamo bilang kasintahan dito. Naging maalagain din ito sa kaniya nitong nakaraang linggo. Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan niya bago tinungga ang bote ng alak.
Naalala niya si Mylene. Ang babaeng minahal niya ng sobra. Nakilala niya ito dahil magkapitbahay sila noon sa Thailand. Mabait at sobrang ganda nito na unang kita niya pa lang ay napamahal na siya. Kahit nasa 'Pinas siya ay may communication pa rin sila. Ilang beses din siyang nagbakasyon sa Thailand hanggang sa lumipat na ito sa ibang bansa. Hindi niya inakalang sa likod ng mga ngiti at kasiglahan nito ay may sakit pala itong nararamdaman. At first, ang akala niya ay nagbibiro lang ito hanggang sa tuluyan na nga itong nagpaalam sa mundo. Akala niya, hindi totoo ang habilin ni Mylene na i-donate ang puso pero natuklasan niyang totoo pala ito at nasa kay Precious nga. Nangako siya sa kasintahan na kung sino man ang makakatanggap ng puso nito ay mamahalin niya kagaya ng kaniyang pagmamahal sa tunay na may-ari nito.
Si Precious lang ang tanging minahal niya ng sobra. Ang babaeng handa niyang pakasalan ano mang oras. Si Precious lang ang nagparamdam sa kaniya ng labis na kasiyahan. Magmula nang sinagot siya nito, nangako siyang mamahalin niya ito habambuhay at wala nang iba. Sinubukan niyang manligaw ng mga babae lalo na kay Ann but deep inside, si Mylene pa rin ang laman ng kaniyang puso't isipan.
"Naalala mo siya?" tumingala siya sa babaeng nasa tabi. Ngumiti ito at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaniya. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Nasa akin ang puso niya kaya alam kong mamahalin mo rin ako," napapikit siya nang maglapat ang kanilang mga labi. Malambot at mainit pero nakikita niya sa isip ang mukha ni Divina na nakipagsayaw kay Geron kaya bahagya niyang itinulak ang dalaga.
"Gusto mo nang umuwi?" biglang naitanong niya.
"Later. Masyado pang maaga."
Napasulyap siya kina Divina na ngayon ay gumagalaw na ang katawan. Napapalibutan na rin ito ng mga brod niya. Sinundan ni Precious ang pinagmamasdan ng kasintahan at bigla siyang napasimangot. Kanina pa niya napapansing panay ang sulyap nito kay Divina. Inubos ni Christian ang isang bote. Kukuha pa sana ito ng isa pero napigilan ni Precious.
"Enough. Lasing ka na," nakasimangot na saway niya. Tumayo si Christian. "Sayaw tayo," yaya niya kay Precious. Sumunod na rin ang dalaga. Sa tabi sila nina Divina pumuwesto.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya. Naiinis na siya kay Geron dahil kanina pa ang kamay nito sa bewang ng kababata.
"Nag-i-enjoy pa ako!" Sabat ng dalaga.
"Halata nga!" Si Precious ay nakipagsayawan sa mga kakilala.
"Dito ka lang muna, Divina. Puntahan ko lang ang pinsan ko. Brod, ikaw na muna ang bahala sa kaniya." Bilin ni Geron. Kakadating lang ng pinsan niyang babae at mukhang pinagti-tripingan ng mga brod nila.
"Bakit ganiyan ang suot mo? Shit!" Napayakap siya kay Divina nang nabangga ito sa likod ng brod niya.
"Sorry, brod!" Paumanhin ng kagrupo na tinanguan lang ni Christian.
"Pakialam mo? Bitiwan mo nga ako!" Itinutulak siya ng dalaga pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"Mamaya. Kapag dumating na si Geron. Baka mapano ka," hinapit pa niya sa bewang ang dalaga.
"Lasing ka na," nalalanghap kasi ni Divina ang alak sa bawat paghinga nito.
"Lasing ka na nga rin, e." Sagot ni Christian. Kilala niya ito kapag malasing. Pareho lang silang tinablan ng alak.
"So? Wala kang pakialam!"
"Wala nga," nakangising sagot ni Christian. Nasakop na ng alak ang utak nito. Lumiliit na rin ang biluging mata niya.
"Ang ganda mo ngayon, Chabilita." Naguguluhan si Divina kung magpapasalamat ba siya? O maaasar?
"Ang sarap mong halikan!" Kusa na lang lumabas sa mga labi ni Christian.
"What the--" Nagulat si Divina nang bigla nitong inangkin ang mga labi niya. Gusto niyang itulak ang binata pero hinawakan nito ang magkabilang kamay niya. Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mga mundo nila. Na parang ang mga tao sa paligid ay nag freeze at tanging sila na lang ang natitira sa lugar na ito. Dinala ng binata ang mga kamay niya sa balikat nito kaya kusang pumulupot ang mga kamay niya sa leeg ni Christian at gumanti sa mga halik. Gusto niyang magprotesta nang tumigil ito.
"I really don't know why I am doing this but hell! I really  like fuckin' doing it!" Muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Nagulat si Divina nang may humila sa buhok niya palayo kay Christian. Bago pa siya makarecover ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya.
"Malandi ka!" Malakas na sigaw ni Precious. Sasampalin pa sana niya si Divina pero napigilan ni Christian ang kamay niya.
"Bitiwan mo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng ito! Tumalikod lang ako sandali, ganiyan na ang ginawa niya? Nakipaghalikan sa 'yo?" bulyaw niya. Tumigil ang mga nagsasayawan at pumalibot sa kanila. Nang mapansin ng DJ na may kaguluhan ay itinigil nito ang music. Lumiwanag na rin ang buong paligid.
"Precious, tama na!" Saway ni Christian. Nag-aalala siya para kay Divina dahil lahat ng mga mata ay nasa kanila.
"No! Tumalikod lang ako, nilalandi ka na niya? Kissing someone na pagmamay-ari ng iba ay isang malaking katangahan, gurl!" Nakahawak pa rin si Divina sa pisngi nito.
"Tama na!" Saway ni Christian na pinipigilan ang pagsugod ni Precious.
"No! Fiance kita at hindi ko hahayaang haharutin ka lang ng iba! Alam naman niyang ikakasal na tayo!"
Lumapit si Geron kay Divina. "Okay ka lang? Ano'ng nangyayari rito?" inakbayan niya si Divina. Bigla siyang niyakap ng dalaga at isiniksik ang mukha sa dibdib ng binata. Nahihiya siya! Laking pasalamat niya dahil nandito si Geron para i-comfort siya.
"Tahan na. I'm sorry kung iniwan kita," paumanhin niya. Nangako siya sa ama nito na siya ang bahala kay Divina pero nagsisisi siya dahil pinabayaan niya ang dalaga.
"Bakit hindi mo itanong sa malanding girlfriend mo?" nakataas ang kilay ni Precious. Kumapit ito sa braso ni Christian.
"It was my fault!" Galit na wika ni Christian. Hindi niya alam kung para kanino ang galit niya. Kung kay Precious ba? O para sa sarili. Alam niyang kasalanan niya ang lahat pero si Divina ang sumasalo ng lahat. Ilang beses na rin niya itong sinasaktan. Pinipilit naman niyang pigilan ang sarili pero may mga times talaga na nawawala siya sa katinuan.
Pinipilit din niyang itulak ito sa iba dahil alam niyang wala ring patutunguhan ang relasyon nila. Sinusubukan niyang sampalin ito ng katotohanan na hindi niya ito mahal pero kahit siya ay naguguluhan din. Ito nga ba ang katotohanan? Hindi niya alam. Nalilito siya.
"I'm sorry sa gulo, guys. It wasn't her fault. I am the one who kissed her first," pag-amin niya. Naguguluhang tumingala si Precious sa kaniya pero ipinagpatuloy niya ang pagsasalita.
"I really don't know why? All I want is to do it with her kaya pasensiya na," paumanhin niya sa mga taong nasa paligid.
"No! Christian naman. Siya talaga ang unang humalik sa 'yo!" Giit ni Precious. Malungkot na tinitigan ni Christian ang fiancee. Ayaw din niyang ipahiya ang dalaga dahil baka masaktan niya ito.
"I'm sorry," iyon lang ang nasambit niya at tumalikod sa mga ito palabas ng pintuan. Gusto niyang umalis bago pa niya tuluyang masapak ang taong yumayakap kay Divina. Hindi niya matukoy kung bakit but a part of him na nagsasabing siya dapat iyon. Siya dapat ang kayakap ni Divina.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon