33-34

2.5K 70 0
                                    


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  33-34

Unedited...
"Dito na lang ako sa Jollibee. Maglalakad na lang ako."
"Huwag. Baka mapagod ka pa. Isa pa, masakit ang puson mo, 'di ba?" nag-aalalang saad ni Dylan.
"Menstruation lang 'to at mamawala na ito bukas. Wala akong sugat Dylan! Wala!" Napipikong sagot ni Ann sa asawa.
"Kahit na. Mas marami pa rin ang dugo mo. May dala ka bang extra tampon?"
"Sanitary napkins. Hindi ako o gumagamit ng tampon. Sabing doon lang, e!" Singhal ni Ann. Lumagpas na sila sa Jollibee at ipinasok ni Dylan ang sasakyan.
"Ano ba ang pinagkaiba? Alam naman nilang magkasintahan na tayo," napapangiti si Dylan. Hindi na kasi maipinta ang mukha ng asawa.
"Nakakainis!" Isinandal niya ang likod. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng privacy.
Pagdating sa parking area ay bumaba muna si Dylan at pinagbuksan siya.
"Sabi na nga ba, e. Official na ang relasyon nila," napapikit si Ann sa mga naririnig.
"Hatid na kita, baby." Inakbayan siya ng asawa kaya mas lalong namula siya. "Ano'ng oras matapos ang klase ninyo? Sabay na tayong maglunch," kinuha nito ang dalawang librong bitbit niya.
Ang kaliwang kamay ay nakahawak sa aklat at ang kanan naman ay nsa balikat niya. Napapalingon pa ang mga nakakasalubong nila.
"Dylan naman. Kunin mo nga ang kamay mo," bulong ni Ann. Hihimatayin na ata siya sa sobrang hiya.
"What? Wala namang masama, e." Gusto talaga niyang gawin ito kay Ann dahil para sa kaniya ay normal lang naman ang akbayan ang kasintahan in public places. Nasanay kasi siya sa mommy at lola niya na gano'n ang ginagawa kapag magkasama sila.
"Pasok na," sabay guide ni Dylan papasok sa classroom. "Salamat," kinuha niya ang aklat sa asawa at tinalikuran ito pero nahawakan siya sa braso.
"Baby," atubiling wika ni Dylan.
"Kiss ko," lumaki ang mga mata ni Ann. Isang mabilis na smack ang ginawa ni Dylan. Bago pa siya maka-react ay nakatalikod na ang asawa.
"Uy, happy ka na niyan?" tukso ni Divina.
"Ayieee ang sweet ninyo. Bagay na bagay kayo," tukso ni Rhodalyn.
"Hmp! Bagay din kayo ni Jestoni," wala siya sa mood para makipagtuksuhan sa mga ito kaya pasalampak na naupo siya at binuksan ang iphone."
"Suplada. Palibhasa boyfriend niya si Dylan," lumayo na sina Rhoda sa kaniya. Kahit si Divina ay hindi rin niya pinapansin. Mas pinili niyang manahimik sa isang tabi at magbasa kesa makipagkulitan sa mga ito. Si Christian ay nasa isang sulok din at nakasaksak ang earphone sa tainga. Gusto sana niyang kausapin ang binata pero alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon. Magpapaliwanag naman siya pero sa ibang araw na lang.
Mas naiinis siya dahil habang nagbabasa ay tumatawag naman ang asawa. Pagdating ng prof. ay discuss dito at discuss doon ang ginawa hanggang sa matapos nito ang lecture.
Inaayos na nila ang gamit nang pumasok sina Dylan.
"Break time ninyo babe, 'di ba? Kain muna tayo sa canteen. Baka nagugutom ka na," yaya ni Dylan at kinuha naman ang aklat niya.
"Busog ako," mahinang sagot niya. Ang totoo ay kumukulo ang dugo niya dahil sa ikinikilos ng asawa. Hindi siya sanay sa mga ganitong klaseng lalaki.
"Kahit sopas lang, para mainitan naman ang tiyan mo." Pareho silang nagmamadali kanina kaya hindi na siya nagluto ng breakfast nila.
"Sige na, Ann. Mabuti ka pa nga, may nag-aalala sa'yo. 'Yung boyfriend ko nga, parang balewala lang. Mamamatay ata ako sa gutom sa kaniya," reklamo ni Rhodalyn.
"Ano'ng ipapakain ko sa'yo? E mas mayaman ka pa nga kesa sa akin. Ikaw pa naman ba ang magpakain ng burger sa lahat ng tao sa campus na ito!" Naalala naman nila ang nangyari kahapon kaya zero balance talaga sila ni Oliver. Ang staffs kasi ay may spaghetti at french fries pa na ni-request. Hindi naman sila makakatanggi dahil badtrip si Dylan sa pagbili ng sanitary napkins ni Ann.
"Mabuti pa nga ang lahat ng tao, nililibre mo pero ako, ang damot mo!" Reklamo ni Rhoda.
"Ililibre kita pero next month kapag dumating na naman ang allowance ko pero 'wag muna ngayon, babe. Pwede, ikaw muna ang maglibre sa akin?" pakiusap ni Jestoni.
"Kapal mo! Ano'ng tingin mo sa akin? Baka? Gatasan lang?" singhal ni Rhodalyn. Napangiti si Divina. Naalaa naman niya kasi si Christian na sumakay sa baka na kakapanganak lang. Nilingon niya ang kaibigan sa puwesto nito kanina pero nakalabas na pala.
"Baby!" Tawag ni Dylan at sumunod sa asawa na nasa pintuan na. "Kain tayo, ha." Pasimple naman niya itong hinawakan sa bewang. Sa tuwing nakikita kasi niya ang asawa ay gusto niyang yakapin ito o halikan.
Pagdating sa canteen ay nakasunod si Divina sa likuran ng mag-asawa. Agaw pansin pa sila sa mga estudyante.
"Palibre ka naman diyan," ani Oliver na ang tinutukoy ay si Dylan.
"Oo nga, brod. Wala na kaming pera," dagdag ni Jestoni. As in wala na talagang laman ang kanilang wallet. Swerte lang nila dahil puno pa ng gasolina ang mga sasakyan.
"Bahala kayo! Ano ang sa'yo, Ann?" baling niya sa asawa na tahimik na nakaupo. "Kahit ano," tipid na sagot ni Ann.
Lumapit sa counter si Dylan para bumili. Nagpapasalamat pa rin siya dahil ibinalik ng lola niya ang monthly allowance nila pero ang para sa personal belongings ay hindi pa. Sapat lang para mabuhay sila ni Ann. Ang problema ay panggastos sa groceries, projects at ang nalalapit na business trip nina Ann.
Pagbalik niya ay bitbit na niya ang pagkaing sopas nila ni Ann. "Kayo lang?" reklamo ni Jestoni.
"Kain ka na, Ann." Kinuha niya ang binili at inilagay sa harapan ng asawa.
Wala pa ring imik na kumain si Ann.
"Damot!" Tumayo si Jestoni at lumapit sa counter saka nag-order. Gano'n din sina Oliver at Divina. Sa pangungulit ng dalawa ay si Divina na ang nagbayad.
"Pagkatapos pala nating kumain, puna tayo sa tambayan, Ann. Mamaya pa naman ata ang pasok ninyo," lumapit ang isa nilang kaklase at sinabing wala silang pasok sa last subject dahil tumaas ang blood pressure ng professor nila kaya pinahinga muna ng nurse sa clinic.
"Okay," ani Ann.
Matapos nilang kumain ay naglakad na sila patungo sa tambayan na nasa second floor.
Iginiya ni Dylan ang asawa at pinaupo sa couch. "Baby? May problema ka ba?" kanina pa niya napapansing nawalan ng sigla ang asawa. Isang tanong isang sagot lang ito sa kanila. Tumabi siya sa asawa at niyakap ito. Ang ibang ka-brod niya ay kunwari hindi sila nakikita.
Nakisali rin sina Divina at Rhoda sa mga lalaking naglalaro ng unggoy-ungguyan sa tabi.
"May problema ba?" ulit ni Dylan pero tila walang naririnig ang asawa. Nagbabasa lang ito sa iphone kaya nahiga na lang siya at ang ginawang unan ay ang hita ng asawa.
Napapitlag si Ann nang naramdaman ang mainit na mga labi ni Dylan sa balat. Maiksi pa naman ang palda nila kaya labas talaga ang tuhod.
"Dylan, ano ba?" mahinang saway niya rito. Nakaharap ito sa sandalan ng couch kaya hindi nakikita ng mga kasama ang ginagawa nito.
"What?" pa inosenteng tanong niya at mas ibinaon pa ang ulo sa malambot na hita ng asawa.
"Isa pa! Sasampalin na talaga kita!" Pagbabanta niya. "Sorry, I can't get enough of you baby," napangiti si Dylan. Totoo naman ang sinasabi niya. Meron lang talagang katangian ang asawa na gusto niya at kahit siya ay wala ring ideya kung ano iyon. Basta gusto lang niya.
"Shutup!" Medyo napalakas ang boses ni Ann. Lumingon naman ang mga Asirho sa kanila. Nagtatanong ang mga mata. Bumangon si Dylan at hinawakan sa kamay ang asawa. "M-may problema ba tayo? Galit ka ba sa akin?" tinitigan niya si Ann sa mga mata.
"Hindi pero p'wede ba, 'wag ka ngang masyadong nakadikit sa akin dahil nakaka b'wesit! Umusog ka nga ro'n!" Sabay tulak niya kay Dylan. "Ang init-init, dikit ka nang dikit! Para kang toko!" Tumawa ang brod nila sa sinabi ni Ann.
"Putiks. Tuko! Tuko!" Tukso ni Jestoni.
"Hahaha. Ibenta natin si Dylan sa china, brod. Mahal ang tuko sa bansang iyon," tumatawang suhestiyon ni Oliver.
"Oo nga, gamot pa sa cancer at AIDS." Sabat ng isa nilang brod.
"Mahal 'yon, brod. 3 milyon ata para sa buhay na tuko na may 400 gramo pataas ang bentahan," sagot ni Oliver.
"Oo nga. Naku! Kapag si Dylan ang ibenta, kilo na ang halaga. Malamang, aabot sa billion. Hahaha." Nagtawanan silang lahat.
"Oo nga, pati balat, mapakinabangan din. Ibenta natin sa Lacoste," suhestiyon ni Denise.
"Ulol! Buwaya ang nasa Lacoste," sabay batok ni Jestoni.
"Ay. Oo nga pala," napakamot si Denise sa batok.
Lahat sila ay nagkatinginan nang malakas na bumagsak ang pintuan at lumabas si Dylan.
"Hala! Galit ata, friend." Nag-aalang saad ni Divina kay Ann. "Hayaan mo siya!" Ipinagpatuloy lang ni Ann ang pagbabasa. Medyo nakahinga siya nang maluwag dahil wala nang nangungulit sa kaniya.
"Tara na guys, may practice pa pala ng basketball." Yaya ni Oliver saka tumayo sila para pumunta sa school gym.
Sumunod na rin silang mga babae. Pagdating nila ay nandoon si Dylan na nakaupo sa isang tabi kausap si Cheska pero nang makita silang papasok ay ibinalik nito ang papel na hawak sa dalaga.
Padabog naman na tumalikod si Cheska kay Dylan at tumigil sa harapan nina Ann. "Kung ako sa iyo, hiwalayan mo na si Dylan ngayon pa lang. Wala kang mapapala sa kaniya dahil masasaktan ka lang."
"Ano na naman ito, Cheska!" Saway ni Divina.
"Huwag kang makialam, my dear SISTAH!" Pagsisinuplad nito saka tinalikuran sila.
Naupo sila sa isang tabi habang nanonood ng laro. Halatang matamlay si Dylan at walang ganang maglaro. Tumigil ito at naupo sa isang sulok.
"Kung ako sa 'yo, kausapin mo siya at humingi ka ng sorry," payo ni Rhodalyn.
"Oo nga, nasaktan mo ata siya?" sabat ni Divina at siniko ang kaibigan dahil hindi nakikinig sa kanila. "Mas importante pa ang pagbabasa kesa sa kasintahan mo?" inagaw ni Rhodalyn ang iphone niya.
"Akin na nga 'yan," pero inilalayo ng kaibigan sa kaniya. "Kausapin mo muna si baby Dylan," ani Rhoda.
Naupo si Ann at pinagmasdan ang asawa. Alam niyang malalim ang iniisip nito.
"Wala naman akong sinabing masama."
"Napahiya siya sa sinabi mo kanina. Ano ba ang masama sa ginawa niya? Ayaw mo no'n? Ang sweet nga niya, e. Hindi lahat ng lalaki ang kagaya niya," panenermon ni Rhodalyn.
"Nakakainis, okay? Halos hindi ako makahinga at napapahiya ako dahil sa ginagawa niya!" Mula pa kahapon ay gano'n na ang ikinikilos ng asawa. Ayaw naman niyang masanay ito kaya't habang maaga pa ay pina-prangka na niya ito.
"Hindi ka naman pinapahiya. Ang dami nga'ng naiinggit sa 'yo dahil sa dami ng babae, ikaw pa ang nagustuhan niya at take note, hindi ganiyan si Dylan sa mga nauuna." Alam ni Divina dahil mula noon ay wala silang nakikitang inaakbayan ang binata sa loob ng campus. Lung meron mang nakikipaghalikan o yumayakap ay ang mga babae ang kusang gumagawa.
"Basta! Ayoko talaga ng gano'n. Ngayon pa lang ay nasasakal na ako!"
"Bahala ka. Pero kausapin mo na siya. Kawawa naman siya," sabay nguso ni Rhodalyn. Hinila na nila si Ann para tumayo.
"Ayoko!" Tanggi niya pero tinutulak siya ng mga ito palapit sa asawa.
"Sige na, kawawa naman siya." Napadikit si Ann sa pader at nag-aalinlangang lumapit kay Dylan.
"Baka sigawan ako," nag-aalinlangan niyang tanong at lumingon pa sa dalawang babae.
"Hindi iyan. Para ibalik ko ang iphone mo," itinaas ni Rhoda ang iphone na hawak.
"Haist!" Reklamo ni Ann. Ang isang iphone ay sinira nina Nancy, ang isa ay na confiscate ni Dylan kaya dalawa na lang ang natira.
"Oo na," huminga mina siya ng malalim bago naglakad palapit dito.
"D-dylan," naupo siya sa tabi nito.
"S-sorry kanina. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko," kinakabahang paliwanag niya.
Nakatitig si Dylan sa maamong mukha ng asawa. Hindi nito masalubong ang mga titig niya. "Ayaw mo ba sa akin, Ann?" malungkot na tanong niya. Firstime niyang pinagalitan ng babae dahil sa paglalambing. Gusto lang niyang tumigil sana ang asawa sa kakabasa at pansinin naman siya nito.
"Hindi naman sa gano'n, masyado ka kasing clingy."
"Hindi naman ako ganyan." Tanggi ni Dylan saka hinawakan ang dalawang kamay ng asawa. "Gusto ko lang talagang lagi kong hawak ang mga kamay ng aking asawa," dinala niya ito sa kaniyang mga labi at hinalikan ang likod ng kaniyang mga palad.
"Ayoko kasing dumating ang araw na hindi na kita puwedeng mahawakan," makahulugang dagdag niya.
"Bakit? Hindi kita maiintindihan, Dylan. Lagi mo naman akong kasama," naguguluhang tanong ni Ann. Matamis na ngumiti si Dylan pero may bahid ng lungkot ang mga mata.
"D-dahil..." Nahihirapang sagot niya.
"Dahil?" ulit ni Ann.
"Dahil gusto kong habambuhay, asawa kita." Madamdaming pahayag ni Dylan. "D-dahil mahal na kita, Ann." Napanganga si Ann.
"Mahal mo ako?" sabay turo sa sarili niya.
"Oo. Mahal kita at natatakot ako na baka balang araw, iiwan mo ako."
"Bakit naman kita iiwan, e mag-asawa na nga tayo." Naiilang na sagot niya. Kinakabahan siya dahil firstime na may umamin sa kaniya at ang lalaking halos mababaliw noon sa kapagod niya.
"Natatakot lang ako. Ikaw, mahal mo rin ba ako?" ang totoo, natatakot siya sa sagot ni Ann. Ito ang pangalawang babaeng nagtapat siya ng pagmamahal. At takot siya na sa ikalawang pagkakataon ay iiwan na naman siya.
"Hindi ko alam, Dylan." Naguguluhang sagot ng asawa.
"Okay lang, handa naman akong maghintay." Mahigpit na niyakap niya si Ann. Ito kasi ang paraan niya para iparamdam dito ang kaniyang pagmamahal.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon