56-57

2K 67 0
                                    


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  56-57

Unedited...
"May problema ba kayo ng asawa mo?" Rhodalyn asked her when she noticed na walang imik ang mag-asawa. Aabutan lang siya ni Dylan ng tubig o pagkain without saying any single word.
"Ewan ko ba..." Ann answered.
"Sus! Tampuhan lang 'yan. Baka may nagawa kang hindi niya nagustuhan?"
"W-Wala..."
"Meron. Ano ba kasi iyon?" giit ni Rhoda.
"He gets jelous sa pinsan niyang si Alex..." she sighed. Para sa kaniya ay hindi naman importante ang bagay na iyon.
"Alex who?" sabat ni Divina.
"Pinsan nga niya, 'di ba? Pa ulit-ulit lang?" inis na sagot ng dalaga.
"Bakit nagseselos siya e pinsan niya rin 'yon."
"I don't know either," she answered honestly.
Tumayo siya at naglakad papunta kay Dylan na nakaupo sa couch. Tumabi siya rito, "Ano ba ang problema mo?" ilang beses na niyang itinatanong ito mula pa kagabi.
"What?" inosenteng tanong nito. "Ouch! Ann naman!" Reklamo ni Dylan nang sapakin ng asawa.
Lahat ng kasamahan sa paligid ay nakatingin na sa kanila.
"Kagabi ka pa Dylan, ha. Lalayasan talaga kita kapag ganiyan ka!"
"Wala naman akong ginagawang masama, ah." Sagot ni Dylan. "Huwag nga kayong tumingin sa amin!" Saway niya sa barkada
Nagsikaniya-kaniya namang kunwari ay may ginagawa ang mga ito.
"Galit na ako sa 'yo, Dylan!"
"E kasi, mas gusto mo ang pinsan ko kesa sa akin na asawa mo. Ayaw mo nang yakapin kita dahil lang sa kaniya." Pagmamaktol nito. Nasasaktan at natatakot talaga siya. Hindi niya makakayang iwan siya ng asawa para lang sa iba.
"Wala nga akong gusto sa pinsan mo at pagod ako palagi!" Giit ni Ann.
"Okay..." pagsuko ni Dylan.
"Kapag hindi mo pa ako papansinin, uuwi na talaga ako kina Mommy. Iiwan na kita!" pagbabanta nito.
"Oo na. Basta 'wag ka lang magkagusto sa pinsan ko dahil asawa na kita at..."
"At?" ulit ni Ann.
"A-At... Nagseselos ako," mahinang sabi nito na parang bata. Namumula pa ang pisngi.
"Hindi bagay sa 'yo ang umaktong ganiyan. Para kang si Baby Damulag!" Ginulo niya ang buhok ni Dylan at tumawa.
"Sus! Damulag naman talaga ako sa lahat ng bagay," bulong ni Dylan. Patay malisya lang ang mga nakakarinig sa kanila. Biglang bumukas ang pinto.
"Hi kuya!" Masiglang bati ni Cheska nang makapasok at niyakap si Dylan. Napataas naman ang kilay nina Rhodalyn sa naging gesture nito.
"Kuya?" bulalas ni Divina. Sakto namang pumasok si Oliver.
"Yupz! We're siblings. Any problem with that?" she raised her right brow.
"'Di nga?" Hindi makapaniwalang sagot ni Divina. Wala naman siyang alam na magkapatid sila ni Dylan kaya medyo naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kahit si Oliver ay napaisip din sa narinig. Naupo pa ito sa tabi at lihim na nakikinig sa usapan nila.
"I am not asking you para maniwala sa akin. Hindi ko ugaling ipaliwanag ang sarili ko sa mga taong hindi ko ka anu-ano," naupo siya sa tabi ng kapatid.
"Mag siblings kayo? Tapos may anak kayo? You fucked each other? My gosh!" Nandidiring wika ni Rhodalyn na ikina speechless ni Cheska. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ipaalam ng mga magulang sa publiko ang relasyon nila ni Dylan lalo na rito sa school dahil alam na ng mga estudyante na may anak sila ni Dylan pero kasal na ito kay Ann.
Tumayo si Dylan at nagsalita. "Oras na makalabas ito sa loob ng kwartong ito, mananagot ang tsismoso't tsismosa!" Ma otoridad na saad nito. Hindi pa siya handang harapin ang lahat pero hindi niya inaasahang aminin ito ni Cheska.
"I'm sorry, Kuya." Mahinang paumanhin ng dalaga.
"It's okay. Pasensiya ka na, ayoko ring itago ang tunay na relasyon natin but kailangan muna sa ngayon." Nginitian niya ang kapatid pero may bahid ng lungkot ang kanilang mga mata.
"C-Cheska..." tawag ni Oliver nang lumapit ito sa kaniya.
"What?" aniya.
"Can we talk?" malumanay na sagot ng binata. Tiningnan siya ng masama ni Dylan. Nagwa-warning na huwag itong gumawa ng masama sa ka0atid niya.
"I will never harm you," he swallowed his saliva to clear his throat. "I just want to have a little conversation with you," he added.
"Wala ako sa mood na makausap o makita ka!"
"Suplada mo naman. Buntis ka ba?"
"Buntis lang ba ang may karapatang magsinuplada? Pwede rin naman ang mga magaganda, a."
"Edi ikaw na ang maganda. Pareho kayo ni Mandy," wala sa sariling sagot ni Oliver.
"Pareho naman talaga kami. Natural, anak ko 'yun, e." pagmamalaki niya. Napangiti naman si Oliver.
"Ngingiti ngiti mo?"
"Nothing! May naalala lang ako..." napakunot ang noo ni Cheska.
"And what is it?" biglang na curious siya.
"Old daysm," simpleng sagot niya na hindi pa rin nakatingin kay Dylan. Sina Ann ay nakisali sa mga naglalaro ng unggoy ungguyan. Para itong mga bata dahil nagtatawanan pa.
"Sige na. Mag-usap na tayo," muling pakiusap nito.
"We're already talking," she answered.
"I mean, in private..."
"Hindi porket kaibigan kita ay hahayaan ko nang bastusin mo ang kapatid ko, Oliver. Ang dami naming problema kaya p'wede ba, 'wag mo nang dagdagan pa!" Sabat ni Dylan. Alam niyang masakit para sa kapatid ang nangyari lalo pa't babae ito tapos dagdagan pa ni Oliver.
"Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang kapatid mo at seryoso ako sa kaniya." kakausapin lang niya si Cheska tungkol sa natuklasan niya. Ipapakita rin niya ang video sa Barcelona.
"Okay na kuya. Kakausapin ko na lang ang mokong na 'to para tumahimik na," pagsuko ni Cheska. Sa lahat ng lalakin nakilala niya ay ito ang pinakamahirap na tanggihan dahil hindi ito sumusuko hangga't hindi nakukuha ang gusto.
Dinala siya ni Oliver sa isang silid dito sa tambayan.
"Oras na may gawin kang masama, alam mong nasa labas lang ang kuya ko." naupo siya sa pang isahang kama. Maliit lang ang silid na ito. Walang CR. Tanging kama lang na may puting bedsheet at dalawang puting unan ang meron at isang maliit na bedside table.
"Wala naman akong gagawin. P'wera na lang kung hilingin mong magtalik ulit tayo?" nakakalokong sagot ng binata.
"Bastos ka talaga! Ano ba ang kailangan mo?"
"Ikaw. May gusto lang akong sabihin sa 'yo."
"Kanina pa iyan. Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Mahal kita..." walang paligoy-ligoy na sagot ni Oliver. Poker face lang si Cheska. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ng binata. Sanay na siyang makarinig ng ganito mula sa suitors dati pa.
"Okay. M-Mahal naman kita... Siguro? Hindi rin ako sure pero sa tingin ko ay mahal na talaga kita. Kapag sure na ako, ipapaalam ko kaagad sa 'yo," napakamot siya sa ulo. Ano ba ang alam niya tungkol sa pagmamahal? Wala! Ni hindi nga siya nakaranas na manligaw.
"Are you making fun of me?" malamig na tanong ni Cheska.
"Of course not! H-Hindi lang ako sure pero ikaw talaga ang babaeng gusto kong makatalik araw-araw, gusto kong makatabi sa pagtulog at ikaw lang talaga ang hinahanap-hanap ng alaga ko?" pag-i-explain niya.
"Wala ka na bang ibang gustong sabihin kundi ang tungkol sa physical needs mo? Bastusan?" pinipilit lang ng dalaga na pakalmahin ang sarili.
"'Yun kasi ang totoo. Hindi mo ba nagustuhan?" naging honest lang siya. Sabi kasi ni Denise kanina ay magpakatotoo ka lang sa babaeng gusto mo at heto nga ngayon, nagpapakatotoo lang siya pero mukhang bagsak siya kay Cheska.
"Maniwala ka, Honey. Sa 'yo lang talaga siya tumatayo kahit na makita ka palang niya. Sa umaga, ikaw lang talaga ang hinahanap niya at-- What the--" reklamo niya nang lumipad ang isang doll shoe ng dalaga.
"Ang kamanyakan mo Oliver, to the highest level! Hindi ko ma reach!" Singhal niya saka tumayo pero nahapit siya nito sa bewang.
"M-May ipapakita ako sa 'yo..." Mabilis na wika ni Oliver habang niyayapos pa rin siya.
"Wala akong balak na makita!" Pasigaw na sagot niya nang maramdaman ang matigas na bagay na nakatutok sa bandang puwetan niya. Kung alam lang sana niya na kamanyakan ang pag-uusapan nila, hindi na sana siya pumayag.
"Seryoso ako, Honey."
"Seryos din ako!" Sigaw na niya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Dylan kaya napabitiw si Oliver.
"Mula ngayon, hindi ka na p'wedeng lumapit kay Cheska!" Pagbabanta ni Dylan.
"Psh! Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya!" Sagot ni Oliver.
"Ayaw niya sa 'yo. Oras na malaman kung ginagambala mo pa siya, kakalimutan kong kaibigan kita." Hinila na nito palabas ang kapatid.
"Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong ni Dylan.
"Hindi po. Nainis lang ako sa kaniya!"
"Punta tayo sa mansion ngayon. May emergency call si Lola. Kailangan daw nating makarating sa mansion kaagad." Lumapit si Ann sa kanila.
"Bilisan na daw natin dahil galit na si Lola," wika ni Ann.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Cheska. Wala naman silang ginawang masama ngayon p'wera na lang kung nalaman na nito na magkapatid sila? Nagkatitigan sila ni Dylan. Alam niyang pareho lang silang kinakabahan.
"Malalaman natin kapag nando'n na tayo," ani Dylan.
"Hindi pa tayo tapos Cheska," sabi ni Oliver nang lumabas sa kwarto.
"Wala naman tayong inumpisahan kaya wala tayong dapat tapusin!" Pagsinuplada niya saka sumunod na sa mag-asawa.
Pagdating nila sa mansion ay nadatnan nila sina Patch na nakaupo sa sitting room.
"Fuck! Sana pala, hindi ko na siya isinama." Dylan murmured nang makita si Alex na nakaupo sa tabi ni Lee. Pasimple niyang inakbayan ang asawa.
"Have a seat," blangko ang mukha ni Patch.
"Where is my grand daughter?" she asked while her eyes are looking at Cheska.
"Nasa bahay po, Lola. Tommorow, I'll bring her here." she answered when she sat down facing her grandparents.
"Hi Alex," bati ni Ann
She smiled sweetly at him.
"Hi Ann. You look good today," puri nito.
"She's always good!" Sabat ni Dylan.
"Yeah. Kapag hindi ka lang asawa ng pinsan ko, liligawan talaga kita." Prangkang wika niya.
"Aba't gago ka, a." His body shivered dahil sa inis. Tatayo sana si Dylan pero maagap ang asawang hawakan siya sa braso.
"ENOUGH!" Saway ni Patch kaya tumahimik ang dalawa. Iba ang aura ng lola nila ngayon.
"Pinatawag mo raw po kami, Lola?" tanong ni Cheska.
"Oo. Just to clarify things and may important matters din tayong pag-uusapan." Ayon sa facial expression nito ay mukhang seryoso nga.
"About what?" tanong ni Dylan.
"About Cheska's identity," nagkatitigan silang magkapatid. Mukhang alam na nga ng lola ang lihim na pagkatao ng dalaga.
"Huwag na ninyong ilihim dahil alam ko na. Mga batang 'to," napakunot ang noo ni Lee sa sinabi ng asawa. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nangyayari. He was in the meeting kanina when his wife called him para umuwi dahil may important meeting daw silang magpamilya.
"What is this all about, Wifey?"
"Identity nga ni Cheska! Bingi ka ba? Is it a sign of aging?" supalpal niya kay Lee kaya nanahimik na lamg ito.
"First, I just want you all to know na alam ko na na magkapatid kayong dalawa." Panimula niya.
"What?" bulalas ni Lee. Hindi makapaniwala. Si Regine ay tahimik na nakayuko at umiiyak. Nasasaktan siya para sa mga anak. Naaawa siya sa p'wedeng sabihin ng mga tao laban sa mga anak.
"Tahan na... Kaya natin ito," pag-aalo ni Demetrio saka niyakap ang asawa. Siya ang padre de pamilya kaya responsable siya sa lahat ng nangyayari sa mga anak.
"Sorry po, Lola. If only we knew na blood related kami, hindi sana namin ginawa iyon. H-Hindi sana nabuo si Mandy pero w-wala naman po akong pinagsisisihan dahil mahal ko po ang anak ko," garalgal na wika ni Cheska. Mahal niya ang anak at hindi p'wedeng ikahiya niya ito.
"I'm sorry kung dinala ko sa kahihiyan ang pamilyang ito," malungkot na sabat ni Dylan. Mahigpit na ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa dahil nahuli niyang napasulyap ito kay Alex. Alam niyang seryosong bagay ang kanilang usapan pero mas nangingibabaw ang pagseselos niya ngayon. Gusto na nga niyang matapos sila kaagad para maiuwi na ang asawa.
"Hindi mo siya anak," tugon ni Patch.
"Anak ko po siya," giit ni Dylan.
"Hindi mo nga siya anak. Hawak ko ang TUNAY na resulta ng paternal DNA test. Valid results at hindi ikaw ang itinuturong ama!" Tumaas na naman ang blood pressure niya. Hindi niya matatanggap na may magpapaikot sa kaniya at hindi niya alam ang motibo ng taong iyon. This time, tatlong tao doctor na lang ang kinausap niya.
"W-What? Hindi ako ang ama?" kinakabahang tanong niya. Baka namali lang siya sa narinig kaya gusto niyang makasigurado.
"My ghad! What happened with these people?" reklamo ni Patch. "Kayo na nga sinasabihan, kayo pa ang hindi maniniwala?"
"Sorry pero lola, totoo po?" naguguluhang tanong ni Dylan. "How? I mean... Paano nangyari ito?"
Sampung doctor ang nagsagawa ng test.
"Simply lang. Someone paid them para ibahin ang resulta." Naikuyom niya ang kamao. Pinipilit lang niyang pakalmahin ang sarili sa harap ng mga ito.
"Are you sure about this, Mom?" galit na tanong Demetrio but deep inside, alam niyang pare-pareho lang silang umaasa na sana, totoo nga ang sinasabi ng ina.
"Water..." Abot ni Lee ng tubig sa asawa. "Lumabas na pala ang resulta ng pinaimbistigahan natin? Paano'ng hindi ko nalaman?" nagtatakang tanong ni Lee. Siya ang nag-utos sa detective nila noong nakaraang linggo.
"Busy ka sa trabaho at pag-uwi mo, tulog ka na palagi." Walang ganang sagot ni Patch. Kahit nga kalabitin siya ay hindi nito ginagawa. Tambak ang paperworks sa office nila ngayon.
"Sino ang may salarin Mommy? Gigilitan ko ng ulo!" Tumayo si Demetrio. Kahit si Regine ay nanginginig din ang laman sa sobrang galit. Gusto na naman niyang pumatay ng tao.
"I will kill him, Mom!" Pagbo-boluntaryo ni Regine. Ang magkapatid ay parehong nag-iisip. Pilit na ina-absorb ang lahat ng isiniwalat ng lola.
"No need. Leave it to me. Ako mismo ang tatabas sa ulo ng walang hiyang taong iyon!" Ang kilay ni Patch ay parang mga militar at Abu Sayaff. Nagkasalubong at nagdidigmaan.
"Sino siya, Mom?" interesadong tanong ni Demetrio.
"Huwag na ninyo sabing alalahanin, e! Ako na ang bahala! Oras na may makialam, isasama ko sa hukay niya!" Pagbabanta niya.
"Kilala mo na siya, Mommy?" usisa ulit ni Demetrio na lalong ikinagalit ni Patch.
"Hindi ba sabi ko, 'wag kang sumabat kapag galit ako dahil ayoko talagang sabihin ang pangalan mo? Lintik! Buhay pa ba ang nurse na 'yon?" naalala naman niya ang nangyari noon sa hospital. "Kilala ko siya! Wala namang ibang makakagawa no'n kundi siya lang!" Pasigaw na sagot niya. Inabutan siya ng tubig ng asawa na kaagad naman niyang ininom.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon