40-41

2K 72 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 40-41

Unedited...
"Dad? Kaninong baby ang bitbit ni Cheska?" kakalabas lang ni Divina sa kwarto. Humilata muna siya sa sala dahil sobrang inaantok pa siya. Past three a.m na siya nakatulog dahil sa pag-uusap nila ni Ann sa telepono. Hindi raw nakauwi si Dylan kagabi at hindi rin niya ma kontak ang cellphone. Ang sabi ng lolo nito ay nasa mansion lang daw pero sobrang worried ang kaibigan dahil hindi naman ito natitiis ni Dylan na hindi kausapin.
"Anak niya," sagot ni Gab.
"M-may anak siya?" nagtatakang tanong niya.
"Oo. Kakapanganak lang niya three months ago."
"Saan ang ama?"
"Nandito rin sa Pilipinas kaya nga umuwi kami dahil kakausapin ko ang pamilya nung lalaki," matagal na nilang gustong makita ang mga Lacson. Medyo nagipit lang sila sa company nila sa Paris kaya natagalang makauwi.
"Psh! May anak na pala ang bruha tapos hahabol-habol pa kay Dylan?"
"Dylan who?" nagtatakang tanong ni Gab.
"Dylan Lacson. 'Yung may-ari ng school. Kilala mo naman iyon, 'di ba?" sa pagkakatanda niya ay nangutang ang dad niya noon sa mga Lacson for their new business na ipinatayo sa Paris.
"Exactly! Wala namang masama kung hahabulin niya si Dylan dahil siya naman talaga ang ama ng bata."
"What? Are you kidding, Dad?" bulalas niya at napatuwid ng upo.
"Of course not. Ba't gulat na gulat ka?"
"Seryoso, Dad? As in?" ulit niya. Baka kasi nagkamali lang siya sa nadinig.
"Si Dylan ang ama ng anak ni Cheska? May anak sila? How come?" she screamed.
"What is the matter with you? Any problem with that?" masyadong exaggerated kasi ang naging reaction ng anak.
"You mean, si Dylan Lacson talaga ang ama ng bata?" gusto niyang maging malinaw ang lahat.
"What is your problem, Divina? And please, stop yelling! Pa ulit-ulit na tanong. Pumasok ka na nga. Ayan na ang driver," utos niya.
"Dad, are you sure about this?" itinikom niya ang bibig nang napansing napipikon na ang ama.
"A-alis na po ako," nagmamadali siyang lumabas. Kinakabahan na natatakot siya para sa kaibigan.
" Alam na ba ito ni Ann?" tanong niya sa sarili habang papunta sa school.
Pagbaba niya sa sasakyan ay dali-dali siyang naglakad patungo sa classroom.
"Mukhang hinahabol ka ata ng kabayo?" tanong ni Christian at sumabay sa paglalakad niya.
"Wala naman. Nakita kasi kita," naiinis na sagot niya. Pumasok na nga ito pero ngayon lang siya nito kinakausap.
"Divina, may tanong ako sa 'yo."
"Ano?" hindi niya pinapansin ang lalaking nakasunod sa kaniya. Paakyat na sila ng hagdan.
"Nanliligaw ba ang payatot na iyon sa 'yo?" tumigil siya at hinarap ito. "Hindi ko kilala ang tinutukoy mo dahil wala naman akong nakilalang payatot maliban sa 'yo." Tumabi siya para makadaan ang ibang estudyante na bumababa.
"Ang binugbog ko!" Pagmamalaki ni Christian. Napapansin niyang palaging sumasama si Divina kina Ann at Rhodalyn sa tambayan ng mga Asirho. Ilang beses na rin niyang nakikitang nagkipagtawanan ang dalaga kay Oliver.
"Proud ka pa? Hindi, ah. At kung manligaw man siya sa akin ay ano naman sa 'yo?"
"Psh! Mahigpit na kalaban ko ang hinayumak na 'yon kaya sa iba ka na lang magpaligaw," reklamo niya. Magkakaroon talaga sila ng matinding away ni Divina kapag maging magkasintahan ang mga ito dahil baka pati ang dalaga ay madamay. Alam niyang naghahanap lang ng timing si Oliver para makaganti.
"Ano bang pakialam mo sa nararamdaman ko at sa mga manliligaw ko?" humakbang na naman si Divina paakyat. Nakasunod pa rin si Christian.
"Kasi nga kalaban ko siya. Baka madamay ka pa."
"Bakit ako madamay? Teka lang. May gusto ka ba sa akin, Christian?" tanong niya at hinarap na naman ang nakatingalang binata. Three stairs na kasi ang lamang niya rito.
"Paano kung sabihin ko sa 'yong Oo, may gusto ako sa 'yo?" natigilan siya. Lumingon naman ang tatlong babae na nakarinig sa sinabi ng binata.
"Ewan ko sa 'yo! Hanggang ngayon, ako pa rin ang pinagdidiskitahan mo." binilisan niya ang hakbang.
"Teka! Ang bilis mo namang maglakad." Habol ni Christian. Mlapit na sila sa classroom.
"Bakit ba sunod ka nang sunod? Lumayo ka nga!" Singhal niya.
"At saan ako pupunta? E, magkaklase tayo. Sinabi ko lang na may gusto ako sa 'yo, nawawala ka na sa wisyo?"
"Hindi ka mahilig sa baboy kaya tigilan mo ako!" Alam niyang inaasar na naman siya nito at inunahan na niya. Kabisado na niya ito.
"Sus! Nagbago na ako ng taste. Masarap naman pala ang pork lalo na kapag adobo kaya p'wede na," kumindat pa ito saka inakbayan siya.
"Ano ba!" Tinanggal niya ang kamay ng binata sa balikat. "Arte mo! Naghalikan na nga tayo, e." Reklamo ni Christian pero sinasamaan lang siya ni Divina.
"Huwag mong i-remind ang kababuyang ginawa mo sa akin!"
"Psh! Baboy ka naman talaga! Ano ba ang gusto mo? Kabayuhin kita? Aba! Sumusobra ka na, Divina!" Pabirong saad niya.
"Tigilan mo nga akong payatot ka!"
Pagpasok nila sa classroom ay ang mga maiingay na kaklase ang sumalubong. Tahimik na lumayo si Christian sa kaniya at tumungo sa pinakadulong upuan. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni Ann. Asang-asa pa naman siya na sasagutin siya nito pero may Dylan na pala ito.
"Ann? Ba't ganiyan ang mukha mo? May problema ba?" naupo siya sa tabi nito.
"Si Dylan kasi, kagabi pa hindi tumatawag." Malungkot na sagot ni Ann. Napayuko si Divina. Base sa mukha ng kaibigan ay wala pa itong kaalam alam sa mga nangyayari.
"Baka may inaasikaso lang siya sa family nila at napagod kaya hindi ka niya matawagan," kinuha niya ang cellphone at pinindot-pindot. Ayaw niyang tumingin sa kaibigan. Awang awa siya kay Ann.
"Hindi, e. Alam kong may mali." Kinagat nito ang kuko sa hinlalaki. Ganito siya kapag sobrang nag-aalala. "Noong isang araw, umiiyak siya habang naghihiwa ng sibuyas at habang kinakain ang niluto ko. Alam ko talagang may problema kami. Nagbago na siya at nararamdaman ko iyon." A woman knows by intuition or instinct kaya kahit hindi man sabihin ni Dylan, malakas ang kutob niyang may problema sila. Pinipilit lang itago ng asawa.
"P-paano kung meron nga?" Gusto niyang ipaalam pero wala siyang karapatang pangunahan si Dylan. At kung p'wede lang, ataw na niyang malaman pa ng kaibigan dahil ayaw niya itong masaktan. Ito ang firt boyfriend ni Ann kaya masasabi niyang sobrang sakit nito sa kaniya.
"Dapat, ipaalam niya sa akin para mapag-usapan namin. Hindi 'yung sinu-solo niya lang." Pagtatampo niya.
"Friend, If you need my help, I am always here for you if you need a shoulder to cry on," malungkot na pahayag niya. Gusto niyang yakapin ang kaibigan and cry with her pero mahahalata nito na mayroon siyang alam.
"Thanks, Friend." Pilit na ngumiti si Ann. Gusto niyang ipakita na okay lang siya. Hihintayin niya na lang na si Dylan ang kusang mag-open up sa kaniya.
Matapos ang first subject ay lumabas na sila para mag breakfast sa cafeteria.
"Bhe!" Tawag niya kay Dylan na nakangiting palapit sa kanila.
"Baby," nakangiting tugon ng asawa saka niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Na miss kita," bulong ni Dylan saka inakbayan ang asawa.
"Bakit hindi ka tumawag o ni hindi mo man lang sinagot ang tawag at messages ko?" naka pout na tanong ni Ann.
"Sorry, busy lang." Napaismid si Divina. Masama ang loob niya kay Dylan dahil sa panloloko nito sa kaibigan. Gusto niyang sumbatan kung bakit nito nagawang lokohin ang mabait niyang kaibigan.
"Hmp! Baka iba na 'yan, ha." Pagtatampo niya saka napakapit sa braso ng asawa. Sobrang na miss niya ito kahit isang gabi lanh silang hindi nagkasama. Naiinggit ang nga nakakakita pero hindi na binigyan pansin ni Ann. Ang mahalaga ay masaya sila ng asawa.
"Ann?" Tumigil sila sa paglalakad sa gitna ng hallway. Tumingala si Ann sa asawa.
"Ano 'yon, Bhe?"
"I love you," pagkabigkas ng nga salitang iyon ay niyakap niya si Ann nang nahigpit. Sobrang namiss niya ito. Ang totoo ay hindi na siya pinayagan ng lola na uwian ang asawa. Ilang beses niyang tinangkang tumakas pero may mga nakabantay sa paligid.
Pinakiusapan siya nitong makipaghiwalay na sa asawa pero hindi siya pumayag at kahit kailan ay hindi siya papayag. Handa niyang ipaglaban ang asawa hanggang kamatayan. Hindi rin siya pipirma sa annulment paper na ibinibigay sa kaniya at lihim na ipinapanalangin niya na sana ay huwag ding bumigay si Ann kung sakali mang kausapin na siya ng pamilya. Ang anak niya ay nasa mansion nila.
"Hmp! Matapos mo akong hindi uwian?"
"Kahit na hindi kita uuwian, ikaw lang naman ang laging laman ng puso't isipan ko." Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad.
Umorder si Dylan para sa kanilang tatlo.
"Baby? Gusto mo bang magbakasyon tayo?" napasulyap si Divina kay Dylan. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng dalawa. Kung wala lang siyang alam, malamang hindi niya mahahalatang nahihirapan si Dylan. Sa ilang buwan ang lumipas ay naging saksi siya sa kung paano tratuhin at alagaan nito si Ann.
"Sige. Kailan ba? After exam prelim na lang. U-week pa natin nextweek," excited na sagot niya saka kinagat ang hotdog sandwich.
"H-hindi ba p'wedeng mamaya?" Ang totoo ay gusto niyang itakas ang asawa. Kapag sumama ito mamaya ay hindi na niya ito ibabalik at doon na rin niya aaminin ang lahat.
"Loko ka! May pasok tayo bukas. Nextime nalang," nakangiting sagot niya saka sinubuan ang asawa.
Napalingon sila dahil sa iyak ng bata. Si Cheska, kakapasok lang sa canteen at may bitbit itong bata. Nasa likuran niya si Patch.
"Fuck!" Lihim na napamura si Dylan. Clueless siya kung ano ang ginagawa ng anak dito at kung bakit kasama ang Lola Patch niya.
"Kaninong anak 'yon?" nagtatakang tanong ni Ann kay Divina.
"H-huh? Ah... Kay..."
"Dylan, Apo. Kunin mo nga ang anak ninyo. Ayaw tumahan kapag si Cheska ang karga," tawag ni Patch habang palapit sa kanila.
"A-anak?" Ulit ni Ann. May kung ano'ng lumukop sa katawan niya. Nanlalamig siya at biglang lumakas ang pagkalabog ng dibdib.
"B-baby," hindi makatingin si Dylan. Nahihirapan siyang ipaliwanag lalo pa't marami ang tao sa paligid na nakikinig.
"Punta ka na kay Daddy, Mandy." Masayang sabi ni Cheska sa hawak na tatlong buwang sanggol.
"Ano ang ibig sabihin nito, DYLAN?" Galit na tanong ni Ann. "Sumagot ka!"
"Huwag mong sigawan ang daddy ng anak ko! Oh, hindi pa pala sinabi sa iyo ni Dylan? May pamilya na kami. See? May baby na kami kaya layas ka na sa buhay niya! Nakakasira ka ng pamilya!" Napasinghap ang mga nasa paligid. Ang lakas na ng bulungan nila.
"Hala! May anak na si Dylan?"
"Ibig sabihin, siya talaga ang kasintahan at third party lang si Ann?"
"Kung sa bagay, sino pa naman ang seseryoso sa kaniya? Asa pa siya na mahal talaga siya ni Dylan." Natatawang wika nila.
"Grabe! Akala ko, seryoso na si Dylan. 'Yon pala, isa rin siya sa mga pinaglaruan niya? Pathetic!"
Huminga ng malalim si Ann. Pilit na pinapakalma ang nanginginig na katawan. Kahit ang mga luha ay pinipigilan niya dahil hangga't maaari, ayaw niyang pumatak ang mga ito.
"Totoo ba ito?" naikuyom niya ang kaniyang kamao na ngayon ay hinahawakan na ni Divina.
"Ann--"
"Just answer me the fuckin' truth! Yes or No? Anak mo ba ang batang iyan? Ikaw ba ang ama ng anak ni Cheska?" Hinuhuli niya ang mga mata nito pero yumuko si Dylan. Anak niya si Mandy at ayaw niyang i-deny ang bata sa harap ng marami.
"Y-YES." Nahihirapang sagot niya. Labag sa kalooban niya ang pag-amin pero ayaw niyang madawit ang anak. Sana ay binugbog o sinundok na lang siya ng lahat ng fraternity leader, mas makakaya pa niya iyon kesa saktan ang damdamin ng asawa.
Ngumiti si Ann kahit na ang sakit ng nararamdaman. Nadudurog na ang puso ni Dylan dahil alam niyang sa likod ng pilit na mga ngiti nito ay ang isang pusong umiiyak, dumurugo at naghihinagpis. "Kung sabagay, kamukha mo nga siya. Congrats!" Tumayo si Ann saka naglakad palayo sa asawa.
"Ann!" Hahabulin na sana siya ni Dylan pero hinarangan ni Patch.
"K-kailangan ako ni Ann." Usal niya. Kung wala lang ang lola niya ay kanina pa siya nagwala.
"Oras na habulin mo siya, hindi ko na ipapakita ang anak mo sa 'yo!" Kinabahan siya sa sinabi ng lola. Mahigpit na ibinilin din nito na 'wag ipaalam sa campus na mag-asawa na sila ni Ann dahil magulo pa nag sitwasyon.
Napasimangot si Divina sa narinig. Tumayo siya at hinabol ang kaibigan. Nakita niyang patakbong paakyat ito sa rooftop.
"Ann!" Hinihingal na wika niya. Nakaupo ang kaibigan sa hagdan. Tulala na tila wala sa sarili.
"Ann," tumabi siya sa kaibigan at hinaplos ang likuran nito. Nang hindi ito sumasagot ay tumulo na ang luha ni Divina. Siya ang nasasaktan at naiinis para sa kaibigan. Nangigigil siya na sampalin at sabunutan ang step-sister.
"M-mahal ka ni D-dylan..." Dinukot niya ang panyo sa bulsa ng palda at pinahidan ang mga luha. "N-narinig kong ginigipit siya ng kaniyang lola," sumbong niya.
"B-bakit nagsinungaling siya sa akin? B-bakit kailangang m-magkunwari siya na wala lang? B-bakit nagawa niya ito sa akin? A-ang sabi niya, m-mahal niya ako pero b-bakit may anak siya? M-masakit! A-ang sakit sakit!" Ang kaninang mga luhang pinipigilan niya ay tumutulo na.
"H-hindi naman ata niya sinasadya?" tuloy pa rin ang hagod niya sa likod ng kaibigan.
"A-ano'ng hindi? P-paano nabuo ang bata kung hindi? N-niloko niya ako... S-sinungaling siya. Ang sabi niya, a-ako lang huhuhu." niyakap siya bi Divina pero kahit ang yakap ng kaibigan ay hindi nakabawas sa sakit na nararamdaman niya. Katumbas ng isang libong matatalim na punyal ang tumarak sa puso at pagkatao niya. Walang kasing sakit ang ginawa ni Dylan!
"K-kung nambabae siya, m-matatanggap ko pa p-pero... Pero ang bata, h-hindi ata? H-hindi ko kayang a-awayin ang i-inosenteng bata. H-hindi na ako ang p-priority ni Dylan. H-hindi na ako ang m-mamahalin niya. H-hindi na siya akin." Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa nalaman.
"Ann, t-tahan na. Pag-usapan ninyo ito ni Dylan, ha. Huwag ka munang magpadalos-dalos ng desisyon." Pagbibigay payo ni Divina.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko. M-mahirap tanggapin. H-hindi ko pinangarap na s-sumira ng pamilya at t-tanggalan ng ama ang isang walang ka muwang-muwang na bata." Luhaang sabi niya at pinahiran ang mga luha. Isa lang ang nabuong desisyon sa kaniyang isipan. At iyon ay umuwi sa kaniyang pamilya!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon