32

271 12 0
                                    


CHAPTER  32

"Dylan, si L.L nasa pintuan na!" Hiyaw ni Ann nang makita ang anak na gumagapang palapit sa pintuan. Pina day off nila ang dalawang yaya dahil sabado naman ngayon.
"Sandali!" Inilapag ni Dylan si Lee Patrick saka mabilis na hinabol ang anak na papalabas na sa pinto.
"Dylan! Si John Jacob nandito sa kusina!" Hiyaw ni Ann. Puno ng cornstarch ang mga kamay niya kaya mabilis na tumakbo si Dylan sa sala at inilapag si L.L saka pinuntahan si John Jacob.
"Ann? Matagal ka pa bang matapos?" tanong ni Dylan. Kanina pa siya habol ng habol sa apat.
"Eh? Hayaan mo lang kasi silang gumapang. Kapag malapit na sa pinto, saka mo na sila kukunin." Napapangiti si Ann sa hitsura ng asawa. Basa na ito ng pawis sa kakahabol sa apat. Ang bilis pa namang gumapang. Kaninang pinapalitan nito ang diaper, hindi ito makatapos-tapos dahil ang tatlo ay kung anu-ano ang ginagawa.
"Ann? Huwag ka nang magluto. Nagpa-order na ako," ani Lola Patch nang dumating kasama si Cheska.
"Oo nga, mas mabuting huwag ka nang mag-bake. Nasisira ang  essence ng 'baking' sa iyo!" Suhestiyon ni Cheska. Kahit na ano ang mangyari, hindi talaga siya titikim sa luto ni Ann.
"Sige po..." Kinuha ni Ann ang apron.
Nagpunas siya ng kamay at inayos ang sarili. Pumasok naman sina Oliver at Lee. Mayamaya unti ay dumating na ang inorder nina Patch. Kinuha nina Oliver at Dylan ang pagkain. Sina Ann at Cheska ay inayos ang table habang si Patch ay binabantayan ang mga apo.
"Aanak-anak tapos ako ang pababantayin nila!" Bulong ni Patch habang inaayos ang mga damit ng apat.
Mayamaya pa ay dumating na sina Demetrio at Regine dala ang dalawang anak nina Cheska at Oliver kaya kumain na silang mag-anak.
"Lolo? Nabilhan mo po ba ako ng bag?" tanong ni Cheska kaya napayuko si Oliver.
"Oo, nasa kuwarto ko. Mamaya ko na ibigay," ani Lee. Hindi puwedeng mawalan ng pasalubong ang apo dahil magtatampo ito.
"Yehey! Salamat po!" Masayang sabi ni Cheska. Tinawag ni Patch ang dalawang katulong para pagsilbihan sila ng juice.
Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan sila sa gazebo. Si Cheska ay hinila ni Oliver papunta sa hardin para makausap ito ng masinsinan.
"H-Honey, puwede bang huwag ka nang magpabili ng mga mamahaling gamit sa pamilya mo?" nahihiya na talaga siya. Alam niyang magagalit ang asawa pero kailangan niyang kausapin ito dahil hindi siya matatahimik.
"Ano ba ang masama kung magpapabili ako? Pamilya ko sila at malaki ang utang nila sa akin. Isa pa, ilang beses ko bang sabihin na MAYAMAN kami!" Giit ni Cheska at tinaasan siya ng kilay.
"Oo, mayaman kayo pero mahirap lang ako kung ikumpara sa pamilya ninyo!"
"So?"
"Alam mo bang nakaka-frustrate sa side ko? Nakakahiya dahil may asawa ka na pero humihingi ka pa sa kanila? Honey naman! Nakaka-down sa pagkalalaki ko! Gusto kitang bigyan ng maganda at masaganang buhay pero hindi ko kaya ang mga hinihingi mo!" Desperadong sabi ni Oliver. Sinusubukan naman niya kaso napapansin niyang pataas naman nang pataas ang dene-demand ng asawa sa pamilya nito.
"Hindi ako humihingi sa iyo! Ano ba ang problema mo? Ano ang ikinabahala mo?"
"Hindi mo ako naiintindihan!" Desperadong wika ni Oliver. "Kahit kailan ay hindi mo maintindihan dahil mayaman ka! Wala kang pino-problema sa pera!" Napaubo si Oliver.
"AKALA MO LANG IYON! Akala mo, masaya ako! Akala mo, lahat ng hinihingi ko sa pamilya ko ay luho ko lang! Pero sana maisip mo na minsan lang ako humingi sa iyo! Oo, nag-demand ako noon pero matapos kong malaman na sa karera mo kinukuha ang pambili mo, never na akong humingi sa iyo!" Singhal niya kaya napalingon ang pamilya sa kanila.
Natameme si Oliver at nagtatanong ang mga mata sa asawa pero nakaramdam siya ng pagkahilo.
"B-Bakit ayaw mong aminin? N-Ngayon mo sa akin aminin na malubha na ang sakit mo!" Pinahidan niya ang mga luha. Ilang linggo na niyang tinitiis na huwag kausapin ito.
"H-Honey..." nanghihinang sambit ni Oliver.
"P-Paano na lang kung m-mawala ka na? P-Paano na lang kami nina Mandy? S-Sino na ang maging a-ama ng mga anak ko? A-Akala mo, matapang ako? A-Akala mo, h-hindi ako nasasaktan at w-wala akong pakiramdam? Pero Oliver, natatakot ako! N-Natatakot ako na mawala ka sa buhay ko. S-Sa amin!" Humagulgol siya sa pag-iyak. Natuklasan niyang may lung cancer ang asawa at nasa third stage na ito pero imbes na ibili ng gamot para sa sarili ay mas pinili nitong ibili ng mga luho niya.
"H-Honey," nanlalabo na ang mga mata ni Oliver. Sina Dylan ay nagtatakang lumapit sa kanila.
"O-Oliver, ayaw kong m-mawala ka. A-Ayaw kong mawalan ng ama ang mga anak ko. A-Ayoko! H-Hindi ko makakaya! Hindi talaga!" todo iling niya at pinahidan niya ang mga luha. Nakausap niya ng palihim ang doctor nito. Ang sabi ay ilang buwan na lang ang nalalabi sa buhay ni Oliver.
"C-Cheska, I-I'm sorry..." awang-awa siya sa asawa. Sa nanghihinang katawan ay nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap.
"T-Tama na..." pinipilit niyang huwag matumba dahil alam niyang mas lalong mag-alala si Cheska.
"O-Oliver, mahal kita! H-Huwag mo kaming iwan. H-Hindi ko talaga kaya. Kahit na wala kang maibigay sa akin, h-hindi ako magre-reklamo, m-mabuhay ka lang!" Pakiusap ni Cheska. Naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayakap ni Oliver sa kaniya at dumausdos ang katawan pahiga.
"FUCK!" sambit ni Dylan at mabilis an sinalo ang wala nang malay na kaibigan.
"O-Oliver, HONEY!" natarantang tawag ni Cheskam sa asawa. "K-Kuya, dalhin natin siya sa h-hospital!" Nanginginig na pakiusap niya. Kahit na ganito siya, ilang beses din naman niyang napatunayan na mahal siya ni Oliver. Palagi rin nitong ginagawa ang lahat para sa kanila ng mga anak nila.
Pinagtulungan nina Demetrio at Dylan ang katawan ni Oliver saka mabilis na itinakbo sa kotse para isugod sa hospital. Patakbo ring sumunod si Cheska. Iyak lang siya nang iyak habang nasa sasakyan.
Pagdating sa hospital ay agad na sinalubong sila ng doctor na tinawagan ni Ann pero hanggang sa makapasok ay hindi siya lumayo sa asawa.
"Cheska, anak, magpahinga ka muna..." awang-awa na sabi ni Demetrio. Namamaga na ang mga mata nito dahil sa walang humpay na pag-iyak. Kanina pa niya kinakausap ang asawa na gumising pero wala pa rin.
"M-Magkano po ang b-bayad sa pang-opera?" tumingala siya sa ama. Wala na siyang lakas. Wala na siyang mga luha. "D-Daddy, k-kahit magkano, babayaran ko, m-mabuhay lang ang asawa ko..." muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha.
"Huwag mo nang intindihin iyon, ako na ang bahala..." sagot ng ama.
"K-Kung inuna l-lang niya sana ang p-pagpagamot. K-Kung sinabi lang niya agad, s-sana, naagapan pa... K-Kasalanan ko 'to." Kinuha niya ang cellphone at tinatawagan ang bangko.
"Princess, huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan," ani Dylan saka niyakap si Cheska.
Tumayo siya at pinilit na kausapin ang bangko. Nang patayin na niya ang tawag ay humarap siya kina Dylan.
"D-Daddy, m-may pera na po ako. D-Dalhin natin si Oliver sa i-ibang bansa. Gagaling pa siya! M-Mabubuhay pa siya ng matagal!" Pakiusap niya. Lahat ng bags niya at mamahaling sapatos pati alahas ay ibinenta na niya kahapon pa para sana ipagamot sa asawa. Kaya naman siya humihingi palagi ng mga bags dahil balak niyang ibenta para ipagamot ka Oliver. Kahit siya man ay nahihiya kapag humingi ng tulong sa mga ito kaya pinapadaan na lang niya sa pasalubong.
"O-Oliver, m-magpapagamot ka na.
M-May pambayad na tayo..." hinawakan niya ito sa kamay. Mahigit dose oras nang hindi ito nagigising kaya natataranta na siya.
"Kamusta na siya?" tanong ni Regine nang makapasok kasama sina Ann at Patch. Hindi sila nakasunod kaagad dahil hindi pa nakarating ang mga yaya ng mga bata.
"H-Hindi pa ho siya nagigising." Lumapit siya sa ina at niyakap ito ng mahigpit. "M-Mommy, natatakot ako." Muli na namang tumulo ang masaganang mga luha niya at parang batang mahina na umiiyak sa bisig ng ina. Hindi siya iyakin pero ngayon, wala naman sigurong masama kung magpakita siya ng kahinaan.
"Hmmm..." kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at mabilis na nilapitan si Oliver.
"H-Honey, g-gising ka na..."
"C-Cheska? N-Nasaan tayo?" tanong ni Oliver at napaubo na naman.
"Sssh... Magpahinga ka, honey. M-Magpapagamot ka na, ha. G-Gagaling ka! Hindi mo kami iiwan, 'di ba?"
"Honey," pinahidan ni Oliver ang mga luha ng asawa at hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Ngayon lang naging mabait ang asawa sa kaniya. Ngayon lang din ito naging mahina sa harapan niya at masama mang isipin pero masaya siya! Masaya dahil pagmamahal ang isinisigaw ng mga mata ni Cheska. "H-Huwag ka nang umiyak, hindi kita iiwan. Pangako 'yan!" Hinaplos niya ang malambot na pisngi nito.
"Wifey? Kayo muna rito ang magbabantay kay Oliver," bulong ni Lee sa asawa.
"Ayoko nga!" mabilis na tanggi ni Patch sa asawa. "Magzu-zumba pa kami ni Mrs. Montenegro!" Na ang tinutukoy niya ay ang kaniyang amega na palagi niyang kasama sa zumba. Ang cool nga nito kaya naging close kaagad sila. Napag-alaman niyang ito ang lola ng triplets nina Skyler at Kimberly.
"Hindi ka ba talaga maasahan? Alam mo namang nasa critical na sitwasyon ang kalagayan ng asawa ng apo natin!" Galit na bulong ni Lee.
"Pakialam ko sa ubo na sakit ni Oliver! Diyan na nga kayo!" Padabog na lumabas si Patch dahil kanina pa tumatawag ang amega. Nasa meeting place na raw si Mrs. Montenegro kasama ang anak nitong si Nicole.
"Doc? Kamusta na po ang asawa ko?" tanong ni Cheska pero ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa mga kamay ni Oliver.
"Okay lang. Medyo mataas lang ang dose na inilagay siguro sa pagkain at inumin niya kaya ang tagal niyang magising," sagot ng doctor.
"P-Pampatulog?" nauutal na ulit ni Cheska.
"Yes, may naglagay na pampatulog sa inumin o pagkain niya." Sagot ng doctor.
"A-Ang c-cancer ho niya, doc?" naiiyak na naman siya.
"H-Honey? Ano ang cancer? Sino ang may cancer?" naguguluhang tanong ni Oliver. Kahit ang doctor na kaharap ay naguguluhan din.
"I-Ikaw. Huwag mo na ngang ilihim pa sa akin! Alam kong nasa stage three na ang lung cancer mo!" Saway ni Cheska.
"W-Wala akong cancer. Sino ba ang nagbigay ng ideya sa iyo ng ganiyan?"
"Ang doctor mo!"
"Sino?" nagtatakang tanong ni Lee sa apo.
"Si Doc Joseph po. Hindi ba, siya ang doctor natin? Sa kaniya kasi nagpa check-up si Oliver..." sagot ng apo.
"Oo, family doctor nga natin siya!" Naikuyom ni Lee ang kamao. Kaya pala parang balewala lang kay Patch ang mga nangyayari kanina!
"H-Huwag mong sabihing hindi totoo ang diagnosed ng doctor sa iyo?" nagdududa nang tanong ni Cheska.
"Fever and cough lang naman ang sinabi niya noong nagpakonsulta ako-- OUCH!" Reklamo niya nang hampasin siya ng asawa sa dibdib habang nakahiga.
"WALANG HIYA KA! Bakit ka umiiyak!" Galit na singhal ni Cheska. Makaiyak 'to kanina, akala mo, katapusan na nito.
"Eh kasi... naiiyak lang ako dahil sinabi mong mahal mo ako..." sagot ni Oliver. Narinig talaga niya kanina bago siya mawalan ng malay at paggising niya ay labis ang pag-alala sa mukha nito kaya nakakaiyak talaga! Na-touch siya!
"HUHUHU! ANG BAGS AT SAPATOS KO!" Umiiyak na wika ni Cheska nang maalala ang mga gamit na ibinenta.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon