52-53

2K 86 1
                                    


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  52-53

Unedited...
Alas singko na ng umaga. Pabalik na sila sa daungan.
"K-kuya, ahmm... D-dylan," alanganing tawag ni Cheska sa kapatid habang hawak nito ang kamay niya.
"P-p'wede ba tayong mag-usap?" tumigil ang mga ito. "Na tayong dalawa lang?" pakiusap niya. Nag-aalangan naman ito. "O sige, isama mo na si Ann." Nakasimangot na dagdag niya. As if my choice naman siya dahil panigurado, sasabihin naman nito sa asawa ang pag-uusapan nila.
"Sige..."
Sa isang Italian restaurant sila dumiretso sa Makati. Masyadong maaga pa kaya kaunti lang silang costumers. Kumuja si Dylan ng VIP room para sa kanilang tatlo.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni Dylan nang mai-serve na ang inorder nila. "Kain ka ng marami, Baby?" Iniabot niya ang soup sa kanina pa tahimik na asawa.
Napayuko siya. Nag-aalinlangan kung sabihin ba niya rito ang totoo o hindi pero hindi niya kayang ilihim ang lahat lalo na't namimiss na niya ang kaniyang kuya.
"K-kwan... Naalala mo pa ba si P-Princess?" yumuko siya at itinuon ang atensyon sa pagkain. Konti na lang ay patulo na ang kaniyang mga luha.
"P-paano mo nakilala si P-Princess?" kinakabahang tanong ni Dylan. Mataman na nakatingin siya sa nakayukong kaharap.
"N-nagtatanong lang. K-kilala mo pa ba siya?" tumigil siya sa ginagawa at tumulo ang mga luha.
"C-Cheska..." Napalunok ng laway si Dylan. Biglang nanayo ang mga balahibo nang may kung ano'ng pumasok na ideya sa utak. Tahimik na nakikinig si Ann habang kumakain. Hindi niya naiintidihan ang pinag-uusapan ng dalawa. Wala namang binabanggit ang asawa tungkol sa tinutukoy nilang si Princess.
"N-namimiss ka na k-kasi niya..." Nanginginig ang mga kamay niya kaya tuluyan na niyang binitawan ang kutsara. Iniangat niya ang luhaang mga mata at tinitigan ang lalaking kaharap.
"K-ku..." Sinisikap niyang makapagsalita at buuin ang isang salita na nais sambitin. Nilunok muna niya ang laway at huminga ng malalim bago magsalita kahit na nanginginig ang mga labi.
"K-kuya..."
Napaangat si Ann ng mukha sa narinig. Kahit ang asawa ay hindi makapagsalita sa nalaman.
"A-ako po 'yung iniwan mo, a-ako po ang k-kapatid mong mahilig kang yakapin. A-ang batang makulit po, a-ako po iyon." Parang batang sumbong niya.
"A-Ako po iyon, K-kuya."
"Ghad! P-Princess... Buhay ka," hindi makapaniwalang sambit niya. Noong nahulog ang kapatid sa yate nila, natulala siya, nanigas at hindi kayang igalaw ang buong katawan para humingi ng tulong. Nang nakarating na sila sa daungan ay hinanap ito ng mommy nila. Iyak ng iyak siya noon. Takot sa nangyari. Hinalughog na nila ang buong yate pero hindi nila makita si Princess. Saka lang siya nagsumbong nang paluin siya ng kaniyang daddy dahil sa galit. Halos magwala ang mga magulang nila sa nalaman. Iyon din ang unang araw ma inatake ang kanilang lola. Halos magwala na ang buong pamilya nang ilang araw nang hindi matagpuan ang katawan ni Princess. Kung saan-saan na nila hinanap pero wala. Hanggang sa nabalitaan nilang nakita na ang gutay-gutay na damit nito. Hinala nila ay naubos na ng mga pating o isda ang katawan.
"I-I'm sorry. Ghad! I'm sorry, Princess. H-hindi kita natulungan noon. D-Duwag si Kuya. I'm v-very sorry..." Tumayo siya at umiiyak na niyakap ang matagal nang nawawalang kapatid. Kaya pala ang gaan ng loob niya rito kahit na napakamaldita. Kaya pala palagi siyang nagi-guilty kapag masaktan o mapahiya ito dahil ito ang matagal na niyang nawawalang kapatid.
"K-Kuya, I m-miss you. Huhuhu." Gumanti siya sa yakap ng kapatid. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng kuya. Anim na taon siya noon kaya walang maipakita ang mommy niya na picture noong sanggol dahil hindi naman talaga niya tunay na magulang ang mga ito.
Nanlulumong nakatingin lang si Ann. Hindi rin niya alam ang gagawin o sasabihin pero ayon sa narinig niya ay may hinala siyang magkamag-anak ang dalawa.
"Fuck! What I have done?" kumalas si Dylan at nanghihinang napaupo sa silya. Nakatitig siya kay Cheska at naguguluhan. Paano niya nagawang makipagtalik sa kapatid?
"I-I'm sorry. H-Hindi ko talaga alam," napahilamos siya sa mukha. "S-si Mandy, ang a-anak natin... Ugh!" Malakas na sinuntok niya ang mesa.
"K-Kuya... H-Hindi ko rin alam," naguguluhang sagot ng dalaga. Hindi na napigilan ni Ann ang mga luha at nakiiyak na rin sa magkapatid. Awang-awa siya sa mga ito.
"Shit!" Sinipa ni Dylan ang silya sa sobrang inis!
"G-Gusto kong makausap sina Mommy p-pero n-natatakot ako," sobrang namiss na niya ang tunay na ina.
"P-P'wede bang huwag na muna? P-Pag-isipan natin ito. B-Baka hindi nila matanggap," natatakot na pakiusap ni Dylan. Napahawak siya sa kamay ng asawa na ngayon ay nakahaplos sa likod niya. Doon siya kumukuha ng lakas para maging maayos ang pakiramdam.
Nag-usap lang sila ng nais nilang gawin sa ngayon at pareho nilang napagkasunduan na huwag munang ipaalam kahit kanino ang nalaman.
Laylay ang balikat na umuwi sina Dylan sa unit. Inihatid muna nila si Cheska sa bahay nito.
Pagdating sa condo ay napaupo siya sa sofa at nakatitig sa kawalan. Nang hindi mapakali ay nilapitan ang asawa sa kusina na kumuha ng tubig. Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Uminom ka muna ng tubig, Bhe." Alok ni Ann pero hindi ito sumasagot. Sa halip ay mas hinigpitan ang mga yakap. Alam na niya ngayon kung bakit gusto niyang laging yakapin ang asawa. Dahil hanggang ngayon, hindi pa niya mapatawad ang sarili dahil sa nangyari. Sa pamamagitan sa pagyakap kay Ann ay para na rin niyang pinagbigyan ang laging hinihiling ng kapatid noon. Kahit sa lola at mommy niya ay naging palayakap siya. Hindi kasi mawaglit sa kaniyang isip na dahil sa yakap na ipinagkait niya, nawala ang kapatid.
"Baby, ang sama ko... Ang sama kong kapatid dahil pinabayaan ko ang kapatid ko at..." Hindi niya kayang masabi ang nasa isip.
"At binaboy ko pa siya. Ann, h-hindi ko sinasadyang may mangyari sa amin ni Cheska..." Kumalas si Ann at hinarap ito.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, bata ka pa noon." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.
"Hindi mo pa alam ang tama at mali. Isa pa, kapag tumalon ka, pareho kayong hindi makakaligtas kaya tama na, okay?" pag-aalo niya sa asawa. Naawa siya sa mga ito. Parehong pinaglaruan ng tadhana. Naalala tuloy niya noon ang pinapanood ng kanilang katulong sa face to face ni Tiyang Amy Perez. Ang babaeng may sugar daddy at ipinagmalaki niyang tiga suporta sa kaniya at nakatalik niya ay nalaman niyang ito pala ang kaninang tunay na ama. Same case lang sa asawa niya.
"P-Pero sinira ko ang f-future niya. A-Ako ang may kasalanan kung bakit hinuhusgahan siya ngayon ng lahat." Hinila ni Ann ang asawa para maupo sa sala.
"I feel so disappointed!" Bulalas ni Dylan.
"Tahan na. Hindi natin alam ang laro ng kapalaran. Parang kina Skyler," naalala naman niya ang nangyari sa mga Villafuerte.
"P-Pero hindi naman nangyari sa kanila ang nangyari sa akin. Baby, m-mapapatawadnpa kaya ako ni Mandy kapag magkaisip na siya? I-Ipagmalaki kaya niya ako na ako ang d-daddy niya?" nahihirapang tanonh niya.
"Oo naman. Matalino siyang bata. Balang araw, maiintindihan din niya ang lahat." Napahawak siya sa tiyan. Umaasa siya na sana kapag lumabas ang anak, maintindihan din nito ang sitwasyong kinasasadlakan nila.
"Sana nga..." Malungkot na sagot nito at hinila ang asawa para muling yakapin. Maswerte siya dahil sa mga oras na madilim amg lahat sa kaniya, nandiyan ang asawang nagsisilbing ilaw niya para dalhin sa liwanag.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay naisipan nilang pumunta sa mansion. Pagdating doon ay sakto namang dumating si Cheska bitbit ang anak.
"K-Kuya..." Masayang bati niya. Medyo naiilang pa ito.
"Hi. Akin na si Baby," kinuha niya ang anak at kinarga. Ngumiti si Ann kay Cheska. Tipid na ngiti naman ang itinugon ng dalaga.
"Lola!" Masayang bati nila papasok. Nasa sala ang mga ito kasama ang parents nila.
"Hey, andito ang apo ko!" Tuwang-tuwa na wika ni Patch at mabilis na kinuha ang sanggol kay Dylan.
"Aba! Ang cute ng baby," tumawa pa ang sanggol.
"M-Mommy..." Lumapit si Cheska at mahigpit na niyakap ang ina.
"Okay ka lang ba? M-May problema ba, hija?" nag-aalalang tanong ni Regine. Yumuyogyog kasi ang balikat nito habang yakap siya.
"W-Wala po. Masaya lang ako dahil nakabalik ako sa inyo," kumalas siya sa pagkakayakap at nilapitan si Demetrio.
"Daddy," niyakap din niya ito ng mahigpit. Daddy's girl siya noon.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Demetrio pero umiling lang ang dalaga. Malapit ang loob niya sa dalaga pero ayaw naman niyang ipakita dahil magiging bias lang siya. Gusto rin naman niya si Ann para sa anak pero may iba siyang nararamdaman para kay Cheska. Parang may something sa pagkatao nito na hindi lang niya matukoy. Magaan ang kaniyang loob dito kahit na may pagkamaldita at prangka.
Lumapit ito kay Lee at niyakap naman ang lolo. Sobrang na miss niya ang mga ito. Malungkot na nakatingin lang si Dylan. Ang hirap ipaalam sa mga ito ang tunay nilang kalagayan.
Kumain sila ng dinner nang sabay habang masayang nagki-kwentuhan.
"Okay ka lang po ba, Lola?" tanong ni Cheska.
"Okay lang. Medyo nahihilo lang ako. Alam mo na, tumatanda na." Sagot ni Patch. Ipinagpatuloy na nila ang kwentuhan lalo na ang tungkol kay Mandy at sa pagbubuntis ni Ann. Panaka-nakang sumasabat si Patch pero sa tuwing may nais lang siyang patunayan o obserbahan.
Nang makauwi na ang mga ito ay nagpaiwan muna siya sa hardin para magnilay-nilay. Nang mapagod dahil malalim na ang gabi ay pumasok na siya sa mansion at pumanhik sa kwarto. Pagkapasok niya sa silid ay siya namang paglabas ni Lee za shower room na nakatapis ng tuwalya lang.
"Kahit matanda na, may abs pa ang loko." Bulong niya saka napahagikhik.
"Hubby?" malambing na tawag niya sa asawa. "Ano 'yon, Wifey?" tanong ni Lee at lumapit ito sa asawa.
"Pa churva, churva." Nakangising sagot niya saka inilagay ang kamay sa matipunong dibdib ng asawa.
"Hahaha. Hanggang ngayon, wala ka pa ring sawang mag churva churva?" napailing si Lee.
"Sa 'yo lang naman!" nakasimangot na sagot ni Patch pero ang mga kamay ay naglalakbay na pababa sa puson ng asawa hanggang sa hinila na nito pababa.
"Waaaaah... Hubby, wala ka pa ring pinagbago. Ang hot pa rin talaga ng asawa mo." Pagmamalaking saad niya na ikinatawa ni Lee. Wala pa ring pagbabago ang asawa. Ito pa rin ang Patch na pasaway pero mahal na mahal niya.
"Pasaway!" Hinapit niya ito sa bewang at mariin na hinalikan sa mga labi. Si Patch ang naging dahilan kung bakit mas lalo pang naging masaya ang buhay niya kahit na tumatanda na sila. Gumanti naman si Patch sa mga halik nito. Mag-i-enjoy at magpakasawa muna siya sa machong katawan ng asawa bago isipin ang lihim na itinatago ng tatlo. Matalas ang kaniyang pakiramdam kaya hindi makalihim ang mga ito sa kaniya. Inutusan na rin niya ang asawa na paimbestigahan ang pagkatao ni Cheska dahil natuklasan nila na anak pala ito ng dating umutang sa kanila at sa pagkakatanda niya, wala itong anak noon.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon