14

1.1K 55 0
                                    

FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 14

"Ann? Magpahinga ka na. Alam kong pagod
ka," wika ni Dylan nang pagdating niya ay
buhat nito si Lee Patrick. Nasa hardin ang
mag-iina niya kasama sang dalawang yaya.
Kagabi pa ito walang tulog dahil palaging
umiiyak sina John Jacob at John Matthew.
"Ikaw ang magpahinga. Alam kong pagod ka
sa trabaho," sagot ni Ann at ibinigay ang
anak na binubuhat. Ayaw kasi tumahan ni
Lee Patrick kanina. Mabuti na lang dahil
hindi nakisabay ang tatlong kapatid.
"Nakapagpahinga na ako sa opisina. Hindi ko
nga namalayan na nakatulog pala ako," sabat
ni Dylan. Nang matapos niya ang
paperworks ay naisipan niyang mahiga muna
sa couch pero hindi niya inaasahang
nakatulog na pala siya. Hinayaan na lang
siya ng secretary niya dahil nakikita naman
nito na sobrang pagod si Dylan.
"Nag merienda ka na? Ipaghanda kita.
Nagluto ako ng baked mac kanina. Initin ko
na lang para sa 'yo." Gusto kasi niyang pag-
uwi nito ay may makain ang asawa na luto
talaga niya.
"Huwag ka nang mag-abala pa, kumain na
ako ng merienda. May dala kasing kakanin
ang secretary ko. Masarap pala siyang
magluto ng biko," sagot ni Dylan at
pinagmasdan ang maamong mukha ng
asawa.
"Yaya, gusto niya ng dragonfly. Ayaw niya
ng butterfly!" Natatawang sabi ni Ann kay
Lilibeth nang tumawa si L.L sa dragonfly na
dumapo sa bulaklak ng isang orchid.
Napangiti si Dylan nang pagmasdan ang
inosenteng mukha ng asawa habang
nakangiting nakatingin sa mga anak nila. Isa
sa pinakamagandang tanawin para sa kaniya.
Gusto man niyang ayusin ang iilang hibla ng
mahabang buhok na nakatakip sa mukha nito
habang nililipad ng hangin pero iyon pa nga
ang mas nakadagdag sa kagandahan nito.
Para sa kaniya, Ann is always beautiful in a
messy hair. Simple lang at walang kaarte-
arte sa katawan.
Bumaling ito at ngumiti sa kaniya.
"Magbihis ka na muna, Dylan, at
magpahinga."
"Sige, baby. Dito lang muna kayo ng mga
bata." Paalam ni Dylan at tinalikuran ang
asawa.
Napalis ang ngiti ni Ann nang tuluyan nang
makapasok ito sa bahay. Kanina-kanina lang,
pinipilit niyang maging masaya sa harapan
ng asawa kahit ang totoo, nasasaktan siya!
Sinisikap niyang ibaling ang atensiyon kay
L.L para 'wag ipahalata ang hapdi ng puso.
"Mas gusto niya ang inihanda ng secretary
niya kaysa sa akin," malungkot na sigaw ng
isip niya. Alam niyang hindi siya masarap
magluto pero kahit paano, nag effort naman
siya. Hindi gaya noon na kahit sobrang alat,
kinakain pa rin nito ang mga luto niya.
Minsan na nga lang niya nakakasama ito
dahil kapag may free time, diretso agad ito
sa opisina at kapag umuwi ay matutulog na
lang dahil pagod.
"Manilyn, kayo na muna ang bahala sa mga
bata. Papasok lang ako," paalam niya. Gusto
niyang sundan si Dylan para magkuwentuhan
naman silang dalawa.
"Sige ho, ma'am. Kami na ang bahala sa
dalawa," sagot ni Lilibeth habang hawak ang
dalawang stroller nina John Matthew at Lee
Patrick.
Pumasok siya sa mansion. Paakyat na sana
siya sa hagdan nang tinawag ni Patch sa
kusina kaya lumapit siya.
"Lola," bati niya. Naghahanda ito ng iluluto
sa hapunan. Kahit may cook sila, nakikialam
si Patch sa kusina kapag sinipag.

"Nasaan na ang guwapo kong apo?" tanong
ni Patch habang nilalagyan ng paminta ang
karneng minamarinate.
"Nasa labas ho sila." sagot ni Ann.
"Si Dylan ang tinutukoy ko. Hindi ang mga
apo ko sa tuhod," sagot ng matanda at
naupo sa silya na nasa harapan ni Ann. Hinila
rin ng huli ang silya at naupo.
"Nasa itaas po, Lola. Nagbibihis." Nanonood
siya sa ginagawa nito. Gusto talaga niyang
matutong magluto kaso kahit ano ang gawin
niya, hindi talaga niya makuha ang lasa ng
mga tumuturo sa kaniya.
"Lola, puwede po bang magpaturo ako sa
iyo?"
"Hindi ako magaling magluto pero alam
kong mas makain naman ang niluluto ko sa
iyo. Huwag mo nang subukang magluto.
May kalakip na lason ang mga inihahanda
mo." Prangkang sagot ni Patch. Tinikman
niya kanina ang niluto nitong baked mac at
sobrang asim. Tinanong pa nga niya ang
katulong kung nilagyan nito ng suka ang
niluto pero hindi naman daw nila nakita na
nilagyan ni Ann.
"Ganoon na ho ba ako kasamang magluto?"
malungkot na tanong ni Ann.
"Ay, hindi mo alam?" napasimangot siya sa
sagot ni Patch. Minsan, nakakasakit na
talaga ng damdamin ang mga banat ni Lola
Patch.
"Ang sakit mo naman pong magsalita."
Hinarap siya ng matanda at tumigil ito sa
ginagawa. "At ano ang gusto mo? Sasabihin
kong masarap kang magluto kahit na hindi
para lang mapasaya ka? Matanda na ako,
gagawin mo pa akong sinungaling? Ano
ako? Si Dylan? Na kahit magkakasakit na,
sige pa rin dahil lang mahal niya ang
nagluto? Ang mahal, mahal ng bilihin tapos
sinasayang mo lang." Mahabang litanya ni
Patch at namewang pa. Hindi nakakibo si
Ann.
"Naku, 'wag mong dibdibin ang mga
sinasabi ko. Masakit talaga ang katotohanan.
Naniniwala ka ba na the best way to a man's
heart is through his stomach?" tanong ni
Patch na ang mga mata ay sa mukha ni Ann.
Malungkot na tumango ang dalaga.
"Well, ako noong dalaga at mas sexy pa sa
iyo, naniniwala rin ako sa kasabihang iyan at
sinikap kong makapagluto para kay Hubby
Lee ko kahit na tamad talaga ako sa mga
ganito. At kahit paano, natuto ako at
nasarapan siya sa mga niluluto ko." Nakikinig
lang si Ann sa matanda. Kahit na ano ang
gawin niya siguro, hindi na niya magagawa
iyon. Nasa puso niya ang pagluluto pero
hindi nakikiayon ang senses niya.
"Pero nang makilala kita..." sumimangot si
Patch. "Hindi na ako naniniwala sa ganiyan.
Walang hiya ka! Ikaw lang pala ang
makakasira sa kasabihang iyan!" Hanggang
ngayon, hindi talaga niya maisip kung bakit
nagustuhan ng apo niya si Ann dahil kung
tutuusin, marami ang mas lamang dito.
"S-Sorry naman po," nahihiyang paumanhin
ni Ann. Sinisikap naman niyang magluto ng
masarap para sa asawa pero kapag ibang
tao na ang makatikim, bagsak na talaga.
"Hayaan mo na. Ano pa ba ang magagawa
mo? Magbayad na lang kayo ng kusinera
tutal, may pera naman ang napangasawa
mo." Ani Patch. "Maiba tayo. Kapag may
free time ka evert weekends, magtrabaho ka
sa opisina ng asawa mo. Ipapahanda ko na
ang magiging table mo sa labas ng office ni
Dylan."
"A-Ako ho?" sabay turo ni Ann sa sarili.
"Oo. Alangan naman ang yaya ng mga anak
mo?" pamimilosopa ni Patch. Ang
pinakaayaw talaga niya sa kausap ay iyong
tatanga-tanga. "Tutal, may mga yaya naman
ang mga apo ko kaya mag stay-in silang
dalawa rito."
"P-Pero..."
"Ano ang gagawin mo sa pinag-aralan mo?
Isa pa, napapansin ko kasing mas madalas
nasa opisina si Dylan kaysa pumirme rito sa
bahay." Saad ni Patch at nakakunot ang
noong tumingin na naman kay Ann.
"Nagchu-churva-churva pa ba kayo?"
Napayuko si Ann sa tanong ng matanda.
"Anyway, 'wag kang mag-alala, magaan lang
naman ang trabaho mo roon. Pero sikreto
lang natin iyon. Kunwari, may ginagawa ka
pero ang totoo, bantayan mo ang asawa
mo. Aba, kung ako sa kalagayan mo, hindi
puwede sa aking mas madalas pa niyang
nakikita ang mga tao sa opisina kaysa sa
akin na asawa niya!" Kahit na hindi siya
umiimik ay napapansin niya ang kilos ng
mag-asawa. Nasa terrace siya kanina at
nakapamasid lang sa dalawa kaya kahit
malayo, nakita niya ang lungkot ni Ann nang
pumasok na ang asawa.
"P-Pag-isipan ko po."
"Huwag mo nang pag-isipan. Sabihin mo
lang sa akin kung kailan mo balak magstart."
Tumayo si Patch at tinakpan ang ginagawa
kanina. "Maiwan muna kita. Ang dami ko
pang aasikasuhin sa kuwarto."
Tumayo si Ann at tumungo rin sa kuwarto.
"Dylan?" tawag niya pagkapasok at maingat
na isinara ang pinto. Mahimbing na
natutulog na ito sa kama. Pagtingala niya sa
wall clock na nakasabit sa dingding na nasa
uluhan ng kanilang kama, alas singko 'y
medya pa lang ng hapon.
Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang
mukha ng asawa. Kagaya ng dati, guwapo pa
rin ito pero napapansin niya ang nangingitim
na gilid ng mga mata nito. Halatang kulang
sa tulog. Ang maganda lang rito ay tumaba
si Dylan.
"Siguro, dahil sa mga kinakain niya sa
opisina," sigaw ng isip niya. Maingat na
hinaplos ang makinia at malambot na pisngi
nito.
"Do i deserve to be your wife? Or pasakit
lang ako sa iyo?" wala sa sariling tanong niya
sa nakapikit na asawa.
"Bakit mo nasabi 'yan?" muntik na siyang
mapatalon sa kama nang magsalita si Dylan
at malungkot na nakipagtitigan sa kaniya.
"K-Kasi..." nataranta siya. Hinawakan ni
Dylan ang kanang kamay nito saka dinala sa
mga labi nito kaya hindi niya mapigilang
mapaluha.
"K-Kasi palagi ka na lang p-pagod at wala
man lang akong magawa para mapasaya ka."
Naupo si Dylan at pinahidan ang mga luha
niya.
"Pagod man ang katawan ko but if you open
my heart, masaya ako at nawawala ang
pagod ko kapag makita at makatabi kita
gabi-gabi." Hinalikan niya sa noo si Ann.
"Huwag mong isipin ang bagay na iyan dahil
kahit kailan, hindi ka naging pabigat sa akin.
At kung ganoon ka nga, masaya akong
pasanin ka hanggang sa malagutan ako ng
hininga." Gusto niyang maniwalang binobola
lang siya ni Dylan pero kapag tumitig siya sa
mga mata nito, alam niyang seryoso ito.
"A-Ano ang gusto mong gawin ko para
mapasaya at makatulong ako sa iyo?"
namumulang tanong ni Ann dahil ang itim na
bilog nito sa mga mata ay biglang umiba
ang kulay. Nag-aapoy. Nagliliyab. Puno ng
pagnanasa.
"I don't ask for much, loyalty is good
enough." wika ni Dylan at hinawakan ang
magkabilang pisngi niya.
"I have to things na ihingi sa iyo," seryosong
sabi ni Dylan at nakipagtitigan sa mga mata
niya. Pareho lang silang masaya sa kanilang
posisyon. Nakaupo sa ibabaw ng kama at
nakipag heart to heart talk ang kanilang
mga mata.
"Ann, can I ask your TRUST and LOYALTY?"
madamdaming tanong ni Dylan.
"Y-Yes," sagot ni Ann kaya unti-unting
gumuhit ang mga ngiti sa mga labi ni Dylan.
"Thank you," pasalamat niya at masuyong
hinalikan si Ann sa mga labi. Mahal na mahal
niya ang asawa niya!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon