12

1.2K 52 0
                                    


FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 12

"Diane? Is that you?" napalingon si Ann sa
taong tumawag sa kaniya. Papalabas na siya
sa 7/11 dahil bumili siya ng blue water.
Ayaw naman sumama nina Divina at
Christian dahil pagod daw ang mga ito sa
kakagala kanina sa SM Trinoma.
"Ako ho ba ang kinakausap mo?" sabay turo
niya sa sarili at napalingon dahil mukhang sa
kaniya nga ito nakatingin pero wala namang
tao sa likuran niya.
"Yupz. Ikaw si Ann, 'di ba? Ang kakambal ni
Yna?" na kumpirma niya na siya nga ang
tinutukoy nito.
"Oo, ako nga. Kilala ba kita?" ayaw naman
niyang maging bastos sa kaharap. Isa pa,
ang guwapo nito.
"Yupz. Ako 'to, si Jairus!" Pagpakilala ng
binata pero nakakunot pa rin ang noo niya.
Wala siyang maalalang Jairus.
"Hindi ko talaga matandaan," magalang na
sagot niya. Nakakahiya man pero wala talaga
siyang maalala.
"Remember sa party ninyo sa Batangas? Di
ba noong bata pa tayo, doon kayo
nagpaparty ng family mo?" tama nga ito. Sa
resort nila palaging idinadaos ang party.
Kahit na hanggang ngayon nga e. Doon pa
nga unang nagkakilala sina Dylan at Yna
noon. "Ako iyong nasa kabilang resort lang.
Remember? The one you call Jay Jay?
"Jayjay?" napakunot ang noo ni Ann.
"Waaaah. Jairus? Ikaw na ba 'yan? My
ghad!" Bulalas niya nang maalala ito. Naalala
nga niyang may kalaro sila noon nina Yna sa
kabilang resort pero ibininta ng may-ari sa
kanila ang kalahati at magmula noon ay wala
na siyang balita rito.
"Oo. Mabuti naman at naalala mo na ako.
Halika nga muna. Maupo tayo," hinawakan
siya nito sa kamay at hinila paupo sa tabi
dahil nakakaabala na sila sa mga dumadaan.
"Saan ka galing? I mean, bakit ngayon ka
lang? Ay hindi, bakit hindi ka na namin
nakita?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi
na niya kasi inaasahan na darating ang araw
na muli silang magkita. Napasulyap siya sa
nakaupong binata.
"Nang ibenta ng parents ko ang ibang
properties namin ay lumipat na kami sa Paris
at doon ko na natapos ang aking pag-aaral.
Ikaw? Sa CTU ka?" napansin napatingin ito
sa unipormeng suot ni Ann.
"O-Oo. Tumigil kasi ako sa pag-aaral pero
heto, sa awa ni God, graduating na."
Nahihiyang sagot ni Ann. Ayaw nitong
ipaalam ang maaga niyang pagpakasal at
panganak.
"Masaya ako, Diane, dahil muli tayong
nagkita. Ilang beses kong sinubukang
hanapin ka sa social media pero hindi talaga
kita mahanap," ani nito. Ann was his first
crush at hanggang ngayon ay hindi pa rin
ito nagbago. May pagkamahiyain pa rin pero
alam niyang kapag nasa malapit na kaibigan
ay nagiging madaldal ito. Mabait naman ang
kapatid nitong si Yna pero mas gusto niya si
Ann since may pagkamahinhin itong kumilos
kaysa kay Diana.
"Ganoon ba? Ahm... May pasok pa kasi ako.
Baka ma late ako," tiningnan niya ang relo.
Kinse minutos na pala siyang late.
"Sorry Diane. Pahingi na lang ako ng
number mo kung puwede?" umaasa siya na
bigyan siya ni Ann dahil matagal tagal na rin
niyang inaasam na muling makita ang
kababata at makausap.

"Sige. Pahingi rin ako ng number mo,"
napalitan sila ng cellphone number.
Napakagat ng ibabang labi si Ann nang
makitang may ilang missed calls galing sa
asawa.
"Ihatid na kita," pagboluntaryo ni Jairus.
"Huwag na. Malapit lang naman. Sige, text-
text na lang tayo," nagmamadaling wika ni
Ann at patakbong lumabas ng 7/11.
Hinihingal na umakyat siya sa hagdan at
nagmamadaling lumapit sa classroom nila.
Nakita niyang nakatayo ang asawa sa labas
ng classroom nila na mukhang may
hinihintay.
"Baby? Saan ka galing?" nag-aalalang
tanong nito habang sinalubong ang asawa.
"Nasa labas lang. Bumili ng blue water,"
sagot ni Ann. Alam niyang galing pa ito sa
opisina.
"Gano'n ba? Nag-alala ako sa iyo dahil hindi
mo sinasagot ang tawag ko. Ang sabi nina
Divina, kanina ka pa lumabas kaya kung anu-
ano na ang iniisip ko," hinila siya nito at
mahigpit na niyakap. "Sa susunod na
lumabas ka, magpasama ka sa kahit sino
mang ka brod ko, ha. Hindi mo lang alam
kung gaano ako nag-aalala kapag wala ka sa
tabi ko."
"S-Sorry, mahaba lang kasi ang pila kaya
natagalan ako." Pagdadahilan niya. Hindi
naman kasi niya puwedeng sabihin na nakita
niya si Jairus dahil baka magalit ito.
"Okay na iyon basta sa susunod, magtext ka
sa akin para alam ko kung nasaan ka."
Mahirap na dahil hindi niya alam ang takbo
ng utak ng mga tao sa paligid. Minsan na
sila naging kampante at ayaw na niyang
maulit pa muli ang nangyari noon.
Tumango-tango si Ann..
"Pumasok ka na," ani Dylan nang kumalas sa
pagkakayakap.
"Ikaw din. Pumasok ka na. Pasensiya na
kung pinag-alala kita," paumanhin ni Ann.
Alam niyang busy ito pero ayaw na sana
niyang pati siya ay alalahanin pa ng asawa.
"Wala iyon. Ikaw pa rin ang priority ko. Busy
lang kasi ngayon," nahihiyang sagot ni
Dylan. Marami na siyang utang sa asawa
dahil ang free time niya ay inaabala pa niya
sa opisina.
Nakita ng guro na kasama niya si Dylan kaya
hindi na siya nito tinanong pa kung saan
nanggaling o pinagalitan nang pumasok.
"Saan ka galing? Alam mo bang kanina pa
naghihintay sa labas ang asawa mo?" tanong
ni Divina nang palabas na sila.
"Sa seven eleven. Bumili nga ako ng blue
water, 'di ba?" sagot ni Ann. Si Christian ay
nauna nang lumabas dahil may meeting pa
raw sila ng frat niya.
"Eh, ba't ang tagal mo?" usisa ng kaibigan.
"Alam mo namang mahaba ang pila."
"Aminin mo nga sa akin! Hindi naman talaga
sa seven eleven ka galing, noh?"
nagdududang tanong nito.
"At saan naman, aber?" totoo namang sa
seven eleven siya galing.
"Sa lalaki mo!"
"Seryoso ka? Tigilan mo nga ako!" Binilisan
na niya ang paglalakad.

"Sus, biro lang." natatawang sabi ni Divina.
"Ann? Gala tayo."
"Akala ko ba, pagod ka?"
"Mas nakakapagod kaya ang walang
magawa. Isa pa, mamaya pa ang next
subject natin. Ang boring!"
"Manood na lang tayo ng basketball. 'Di ba,
may practice sina Christian ngayon?"
suhestiyon ni Ann.
"Hmp, sige na nga! Nasa meeting pa siya."
"Susunod din naman 'yon. Mabilis lang
naman ang meeting nila. Hindi ka talaga
suportive na kasintahan," panunumbat ni
Ann.
"Hindi naman kasi ako sweet kagaya mo.
Nako-cornihan ako." sagot ni Divina.
Nasanay na kasi siyang palagi silang nag-
aasaran ni Christian.
"Pa minsan-minsan, magpakabait ka naman
kay Payatot mo nang hindi na maghanap ng
iba pa. Bili muna tayo sa cafeteria ng
makakain." May mga pumupunta na sa gym.
Ito kasi ang tambayan ng mga estudyante
kapag vacant o walang pasok dahil sa mga
nagga-guwapuhang players.
"Iyon ba ang ginagawa mo kay Dylan kaya
patay na patay siya sa beauty mo?" tukso ni
Divina.
"Tigilan mo nga ako! Sa inyo ang topic
tapos biglang napunta sa amin?" saway ni
Ann. Malapit na sila sa cafeteria at mahaba
na naman ang pila.
"Eh kasi po, kayo lang naman ang perfect
couple na nakilala ko." ang iingay ng mga
estudyante nang pumila sila sa likuran.
"Hindi kami perfect. Marami rin kaming
problema at alam mo iyan," hindi lang
siguro halata pero marami rin siyang
pinagdadaanan. Financially, nandiyan ang
asawa pero physically at emotionally,
madalas na wala dahil busy ito palagi. Kapag
umalis ng bahay, maaga pa. Kapag umuwi,
sobrang gabi na. Kapag may vacant, takbo
agad sa opisina. Siya naman, busy din sa
mga bata lalo na sa gabi kaya nawawalan sila
ng time sa isa't isa.
"Wala namang perpektong relasyon. Ang
mahalaga, masaya kayo sa piling ng isa't isa.
Ano ba 'yan! Nagiging makata na tayo dahil
sa pag-ibig na iyan!" Natatawang sabi ni
Divina kaya tumahimik na si Ann. Masaya
nga ba talaga sila ni Dylan? Hindi niya rin
alam. Basta sigurado siyang mahal siya nito
at mahal din niya ang asawa.
Nang matapos ang halos kalahating oras sa
pagpila ay pumunta na sila sa gym. Ayaw
namang gamitin ni Ann ang priority lane
para sa kanila dahil gusto niyang ipakita sa
mga estudyante na walang favoritism sa
paaralang ito. Maliban na lang kina Dylan at
Cheska. Ayaw talaga magpautang ng dalawa.
"GO CHRISTIAN!" sigawan ng lahat. May
dalawang kupunan na naglalaban at biglang
ipinasok si Christian.
"GO CHRISTIAN!" Sigaw ni Ann at masayang
hinila ang kaibigan para maghanap ng
mauupuan.
"AKIN KA LANG, CHRISTIAN!" Sigaw ng isa
na kasama ang sorority sisters niya. Halos
lahat naman ng babae sa school ay
miyembro ng sorority o frasority. Iyan ang
isa sa mga pangunahing rason kung bakit
pumapasok sila sa paaralang ito.
"Psh! Nagpakitang gilas pa ang loko!"
Bulong ni Divina at masakit na nakatingin sa
kasintahan.
"Selos ka lang, eh." Wika ni Ann at kinuha
ang iphone dahil nag vibrate ito.
"Hello?" bungad niya. Si Divina ay kinuha
ang headset para pagtakpan ang tainga.
"Diane?" kilala na niya ang tumatawag. Ito
lang naman ang palaging tumatawag sa
kaniya na "Diane".
"Napatawag ka, Jairus?" napangiti siya.
"Free ka ba mamaya? Pasyal tayo." Yaya
nito.
"Sorry, busy ako this week." Sagot niya.
"E di, nextweek na lang. Baka may free time
ka."
"T-Titingnan ko kung mayroon," atubiling
sagot ni Ann. Wala na kasi siyang time para
gumala dahil sa pag-aalaga ng mga anak.
"Sige. Mukhang maingay diyan. Tawag na
lang ako mamaya," paalam ni Jairus. Tumigil
si Christian sa paglalaro at lumalapit sa
kanila.
"Sige. Bye," ani niya at pinatay ang tawag.
"Boyfriend mo," sabay siko kay Divina.
"Hayaan mo siya!"
Parehong nanlaki ang mga mata nila nang
may humarang dito at hinalikan ito sa
pisngi.
"Harapan na ang AHASAN!" Galit na sambit
ni Divina. Mabilis namang itinulak ito ni
Christian at namumulang lumapit sa kanila.
"Siya ang unang humalik sa akin. Fan ko lang
kasi siya," mabilis na depensa nito bago pa
nakapagsalita si Divina.
"Talaga lang, ha! Hahalik na lang siya bakit
hindi sa lips pa?" sarcastic na sagot ni
Divina.
"Alam kasi nila na para lang sa iyo ang
kissable lips ko."
"Ganoon naman talaga ang mga manloloko,
magaling mambola at magpakilig sa mga
biktima nila!"
"Bakit? Napakilig ba kita? Alam kong
guwapo ako." Pagmamalaki nito. "Guwapo
na marunong sumeryoso. Maniwala ka."
"Ewan ko sa iyo!" Nagtatampong wika ni
Divina.
"Sus, huwag ka ngang magtampo diyan,
Chabilita. Sige ka, tataba ka niyan."
Natatawang tukso ni Christian. Kapag
magalit kasi ito, mas lalo itong gumaganda
sa paningin niya. Iyon naman ang
nakalakihan at nakasanayan niya-- ang asarin
ang kababata na ngayon ay kasintahan na
niya.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon