31-32

2.5K 88 0
                                    


Port:

Port:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  31-32

Unedited....
Third Pov
"Bakit parang puyat na puyat ka?" Kakaupo lang ni Ann nang mapansing nakatulala ang kaibigan.
"W-wala. Hindi lang ako nakatulog kagabi. Sinumpong ng insomia," walasa sariling sagot ni Divina. Palaisipan pa rin sa kaniya kung totoo ang panaginip.
"Pwede bang managinip ng totoo?" tanong niya kay Ann na ngayon ay parang pasan na rin ang mundo.
"Panaginip nga tapos totoo pa? Ang gulo mo. Kasing gulo ng buhay ko," reklamo nito na ikinakunot ng noo ni Divina.
"Alam mo, Ann. May hindi ka pa sinasabi sa amin ni Christian," nagtatampo siya kay Ann dahil pinaasa lang nito si Christian. "Kapag kasi wala kang gusto sa isang tao, 'wag mo siyang paasahin," automatic na tumaas ang kilay ni Ann.
"Pinagsasabi mo?"
"Nakita ka namin ni Christian kahapon, kasama si Dylan."
"K-kwan... may pinag-usapan lang kaming importanteng bagay," napakagat siya sa ibabang labi.
"Kasama ang pag kiss niya sa noo mo? Magpapa schedule nga ako. Baka sakaling mag-usap din kami ni Dylan at i kiss niya ako sa noo." Naiinis siya sa kaibigan. Alam niyang may something talaga sila ni Dylan pero hindi man lang nito ipinapaalam sa kaniya.
"Akala ko ba, magkaibigan tayo, Ann? Bakit may inililihim ka sa akin?" sumbat ni Divina. Iilan pa lang sila rito sa classroom dahil maaga pa silang pumasok.
"Eh... K-kwan..." Nag-aatubili siya kung aamin ba o ililihim na lang ang tunay na estado nila ni Dylan.
"May relasyon kayo, noh?" Pag-uusisa ni Divina na parang detective ang mga mata. Hinawakan pa nito ang salamin at hinila ang upuan palapit sa kaniya. Bumulong ito, "Aminin mo, may relasyon kayo ni Dylan, noh?"
Isang malalim na buntong hining ang pinakawalan ni Ann bago tumango na nakakagat sa ibabang labi.
"Waaaaah. I knew it!" Tili nito na ikinatingin ng mga kaklase.
"Ssssh..." Kinurot siya ni Ann sa tagiliran.
"Sorry classmates, namatay na kasi ang aso sa kapitbahay namin kaya masaya ako dahil kinagat ako no'n three years ago," pagbabalita niya w/c is totoo naman. Kaninang umaga ay nabalitaan niyang inilibing na ito. Swerte lang niya dahil walang rabis ang chihuahua kaya buhay pa siya. Sa kilay kasi talaga siya kinagat. Binuhat niya ito noon pero hindi niya akalaing kagatin siya nito. Mabuti na lang dahil walang naiwang peklat.
"Waaaah... friend. Totoo? May relasyon kayo? My gosh!" Mahinang tili niya na kinikilig pero maya't maya pa ay sumimangot ito. "Paano si Christian? Pinaasa mo lang siya. Alam mo bang masakit din sa kaniya iyon?"
"Alam ko," nahihirapang sagot ni Ann at nag-ala Ninoy Aquino na nasa limang daan. "Mahirap din kasing aminin na kaya wala siyang pag-asa sa akin ay dahil kay Dylan. Okay lang sana kung ibang lalaki ang dahilan," si Dylan kasi ang kalaban nina Christian at isa pa, masyadong impossibleng magustuhan siya ng binata at hindi rin niya maintindihan ang relasyon nila. Kapag ipagkalat niya ito ay baka isipin ng asawa na feeler siya at ambisyosa.
"Kung sa bagay, pero kawawa talaga si Christian. Alam mo bang nasaktan talaga siya?" kahit na hindi ito masyadong nag-o-open up kahapon ay nararamdaman niyang nasasaktan ito.
"Kaya ba kayo abseng kahapon? Saan kayo nagpunta?" usisa ni Ann.
"H-huh? S-sa... Condo niya," umiwas siya ng mga mata. Baka kasi kung ano na naman ang iisipin ng kaibigan at bigyan ng malisya.
"Kayo lang ang nando'n?"
"Wala naman kaming ginawang masama. Dinamayan ko lang ang tao dahil iyon nga. Masyadong siyang nasaktan sa panloloko mo," depensa niya.
"Grabe ka naman. Wala naman akong sinasabi. Nagtatanong lang ako, napaka defensive mo. Kayo na lang kaya ni Christian, mas bagay kayo, friend." Suhestiyon ni Ann na ikinapula naman ni Divina.
"Hoy! Grabe ka, ha. Ayoko! Lagi niya akong inaaway. NEVER!" Todo iling niya. "Sus... Pwede 'yan. Parang sa wattpad lang. Kunwari, inaaway si girl ni guy o si guy ni girl pero ang totoo, may lihim na pagtingin naman sila." Natatawang saad ni Ann. Mas nakakakilig kasi sa kaniya ang gano'ng plot.
"Tse! Kawawang Ann. Tuluyan nang nilamon ng wattpad," pa-iling-iling na saad ni Divina.
"Hindi, ah. What if lang naman. Defensive mo," natatawang sagot ng kaibigan. "Uy, Rhodalyn, kailan ba ang business trip natin? Alam ninyo?" tanong ni Ann sa kakapasok lang na mga kaklase.
"Balita ko, nextweek daw." Sagot ni Melody. "Oo. Naku! Excited na ako. Saan kaya tayo? Sana sa Europe rin," sabat ni Rhodalyn. Lastyear ay nasa France ang graduating kaya inaasahan na nilang somewhere in Europe rin sila.
"Oo nga. Ayiee ang saya!" Masayang wika ni Divina.
Tumahimik sila nang pumasok si Christian. "May problema ba, dude?" tanong ng tomboy nilang kaklase. Tahimik lang kasi itong naupo.
"Wala. Medyo hindi lang maganda ang gising ko," sagot nito at napasulyap sa gawi nina Ann.
Nag-umpisa na ang klase. Pinakiramdaman ni Ann si Christian pero hindi man lang ito umiimik.
"Class dismissed," agad na umayo ang binata. "Friend, pwede bang sundan mo siya? Para sa akin, please." Pakiusap ni Ann. Alam niyang hindi siya kakausapin nito.
"Okay," hinabol ito ni Divina.
Naglalakad sa hallway si Ann. Doon na niya hintayin ang dalawa sa cafeteria. Gusto niyang kausapin si Christian at humingi ng sorry dito. Alam naman niyang mali talaga ang ginawa sa binata.
"Bitiwan mo ako! Sis, help!" Napatigil siya sa paglalakad nang makita sa hindi kalayuan sina Nancy at Cheska.
"Ilalampaso kita, bitch!" Nanggigigil si Cheska habang hila-hila ang buhok ni Nancy.
"Help!" Maarteng sigaw ni Nancy.
"Huwag ninyong tulungan. Ikaw ang princess? Pwes! Lumaban ka ng patas at ipakitang matapang ka!" Huhubaran na nito si Nancy. Naiinis siya dahil nilambatan siya ng mga ito kanina habang naglalakad at sinaway tungkol kay Dylan.
"Akin lang si Dylan at h'wag mong ipakita ang tapang mo kapag magkasama lang kayo ng sorority members mo!" Hinatak niya muli ang buhok nito. Umiiyak na si Nancy.
Tutulong sana ang mga ka-sis nito pero may usapan sila kanina na silang dalawa lang ang mag-rambulan.
"Mga wala talagang delikadesa," bulong ni Ann at umiba ng daan. Ayaw niyang dumaan sa kanila dahil baka tatlo na sila mamaya magsapakan.
Malapit na siya sa cafeteria nang makakasalubong naman niya ang asawa.
"Baby," nakangiting tawag ni Dylan.
" Haist! Malas!" bulong niya sabay talikod. Ito pa naman ang pinaka iniiwasan niya mula pa nang makauwi sila kagabi.
"Baby, sandali!" Hinabol siya nito.
"Dylan napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" napipikong paalala niya. Hindi pa rin niya nililingon ito.
"Ann, may ano. K-kwan... Dugo sa ano mo," naiilang na bulong ni Dylan na ikinatigil ng asawa.
"Lakad lang. Tatakpan kita. Dito lang ako sa likuran mo," para silang naglalaro ng snake. Si Ann ang ulo at si Dylan ang buntot. Tinataasan na nga sila ng kilay ng mga babae. Pero dedma lang nila hanggang sa nakarating sila sa likuran ng building.
"Oh, ginagawa niyo? Para kayong ewan." Natatawang saad ni Jestoni na katabi si Rhodalyn. Si Oliver ay nakaupo lang sa tabi at naglalaro ng PSP.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Ann?" tanong ni Rhodalyn.
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Ann sa kaklasw. Mabait naman ito lalo na noong nagkasama sila sa Tagaytay kina Divina.
"Siya ang new girlfriend ko," sabat ni Jestoni. Inakbayan pa nito ang kasintahan.
"Wala na kayo ni Shana?" na ang tinutukoy ni Ann ay ang kaklase rin nila.
"Wala na. Nahuli ko siyang may katalik na iba," parang balewala na sagot ni Jestoni.
"Teka Ann, ano ang ginagawa mo rito? Bakit kasama mo si Dylan?" ulit na tanong ni Rhodalyn.
"May relasyon kayo? Kaya pala hindi maipinta ang mukha kanina no Christian!" Ani Rhodalyn.
"Haist! Ikaw babae," tawag ni Dylan kay Rhoda.
"Ibili mo nga ng tampon si Ann." Utos niya.
"Aba! Huwag mong utusan ang girlfriend ko," saway ni Jestoni.
"Edi, ikaw ang bumili."
"Ba't ako? Ayoko!" Todo tanggi na sagot ni Jestoni.
"Hoy Oliver!" Tawag ni Dylan. "Bumili ka nga ng tampon doon sa 7/11," ito kasi ang pinakamalapit sa kanila.
"Hala! Ayoko!" Todo tanggi ni Oliver at ipinagpatuloy ang paglalaro.
"Ang kapal ninyo!" Inisa-isa niyang binatukan ang mga ito. "Bibili kayo o ililibre niyo na naman ang lahat ng brod natin?" pagbabanta niya.
"Ililibre ko na lang sila," mabilis na sagot ni Jestoni. Mas pipiliin pa niyang maubos ang allowance kesa sa bibili ng napkin.
"Ako rin," sagot ni Oliver.
"Haist! Mauubusan na ng dugo si Ann. Hindi talaga kayo maaasahan!" Galit na saad niya. "Dito ka lang, baby." Bilin niya sa asawa saka mabilis na naglakad palabas ng gate.
Pagdating niya sa 7/11 ay may iilang nakatingin sa kan'ya pero dire-diretso lang siya sa loob.
"Miss," tawag niya sa babaeng nakatalikod. Kinalabit pa niya ito para lumingon dahil nag-uusap sila ng tatlong kaibigan.
"What?" singhal ng babae pero pagharap sa kaniya ay namutla ito. "D-dylan," mahinang sambit niya. Natulala naman ang mga kasamahan.
"Saan dito ang napkin?"
"What?" ulit ng babae. Baka kasi nabibingi lang sila.
"Haist! Ang napkin. Saan nakalagay ang mga napkin. Hindi niyo kilala ang napkin, tampon, pantapal o ano man ang tawag do'n? 'Yong kapag dinudugo kayo? Saan nakalagay 'yon?" napipikon niyang tanong. Tumaas na rin ang boses niya. Hindi na niya pinansin ang mga nakatitig sa kaniya.
"K-kwan... Sa dulo. Sa tabi nung mga cologne," turo ng babae.
"Psh! Salamat!" Inilang hakbang lang niya papunta rito.
"Ano ba ang gamit niya?" tatawagan sana niya si Ann pero hindi pala niya nadala ang cellphone dahil iniwan niya kanina sa locker nang mag practice sila ng basketball.
"Tsss... Miss, ano ba ang maganda?" tanong niya sa katabing babae na pumipili rin.
"D-depende sa kung ano ang nagustuhan," naiilang na sagot ng babae.
"Lahat na nga!" Kumuha siya ng isang pack sa lahat ng nakita. Whisper, modess, sisters, charmee, those days at kung ano pa." Halos hindi na makuha ang mukha niya dahil da hinakot na niya ang iba't-ibang sanitary napkins. May with and without wings na sari-saring kulay. Basta lahat! Kahit panty liner ay hindi rin niya pinalagpas.
"Ano'ng nakain ni Dylan?" bulong ng schoolmates nila. Pinipigilan lang ang sariling matawa.
"Hehehe baka may challenge lang sa frat nila? Kilala mo naman sila, mga maloloko." Sagot ng isa.
"Pwede bang mauna? Baka kasi maubusan ng dugo ang girlfriend ko?" pakiusap niya. Tumabi naman ang mag babae. Natatakot siya na baka pagdating doon ay naliligo na sa dugo ang asawa.
"Haist! Aabot ba ito sa tatlong libo?" napipikong tanong niya dahil ang bagal mag punch ng nasa counter.
"Hindi naman po, Sir." Sagot ng babae.
"Oh! Ito dalawang libo. Keep tha change! Pakilagay na sa supot." Utos niya. "Huwag mo ka nang tutunganga. Gagawin mo o mapapatalsik ka?" pagbabanta niya.
"Y-yes, Sir." Natarantang sagot ng babae. "Hoy kayo! Tulungan nga ninyo kami!" Pakiusap niya sa mga estudyanteng nakamasid sa kanila.
Mabilis namang tumulong ang mga ito.
Bitbit ang dalawang malalaking supot ay patakbo siyang pumasok sa campus at dumiretso sa likuran.
"Oh, hahaha bakit ang dami niyan?" natatawang tanong ni Oliver.
"Okay ka lang, Ann? Nanghihina ka ba?" ngayon lang kasi siya nakakita ng babaeng tinagusan. Kahit sa mommy at mga pinsan niya ay hindi pa niya naranasan.
"Okay lang. Salamat," namula siya dahil sa ginawa ng asawa. Hindi niya ma-i-imagine kung paano nito binili ang sa pagkadami-daming napkins.
"Halika, bihis ka na. Hoy Oliver, akin nga muna ang jacket mo. Ilagay lang sa likuran ni Ann," inihanda na niya ang kamao kung sakaling tututol ito pero hindi naman.
"Oh. Pakitapon na lang pagkatapos," nandidiring wika ni Oliver.
Inilagay ni Ann ang jacket at pumunta sa CR.
"Akin na ang susi. Kukunin ko na ang extra skirt mo sa locker room," ibinigay naman ito ng asawa. "Dylan? Pakidala na rin ng binili mo. Ito lang ang kailangan ko," pakiusap niya. Hawak na niya ang whisper with wings na kulay purple.
"Sure ka?"
"Oo." Napangiti siya habang nakatingin sa palayong asawa. Nasa gate na ito kanina nang tawagin niya pero hindi ata siya nito narinig. Hindi naman niya inaasahan na bibili ito ng napkin sa labas dahil hindi naman ito nagtanong sa kaniya kaya no'ng bumalik ay mas pinili na lang niyang huwag ipaalam na may extra napkin naman siya sa bag.
Nasa loob siya ng cubicle nang biglang umingay sa labas.
"Dylan!" Nagulat sila nang pumasok ang binata.
"Ann? Saan ka?" tawag ni Dylan. Napakagat labi si Ann. Mati-tsismis na naman sila nito dahil nagiging careless ang asawa.
"Ann! Saan ka? Sumagot ka naman. Okay ka pa ba?" sinipa na nito ang ibang pinto.
"Nasa dulo!" Sigaw niya. Baka kasi iba ang mabuksan nito.
"Ito na ang uniform mo," ipinadaan niya ang nakasupot na palda sa ilalim ng pinto.
"Salamat!" Ani niya.
Ang mga babae ay kunwari nagme-make-up pero halatang hinihintay na lumabas ang babaeng nasa cubicle.
"Pagkatapos magbihis ni Ann ay inilagay niya sa supot ang paldang may tagos. Ang laki ng mantsa ng dugo sa likod kaya pala nataranta ang asawa.
Pagbukas niya ng pinto, "Dylan!" bulalas niya. Nasa harapan niya ang naghihintay na asawa. Akala kasi niya ay lumabas na ito kanina.
"Ang tagal mong lumabas. Tara na," hinawakan siya sa kamay at hinila palabas. Gusto niyang pagtakpan ang mukha dahil sa sobrang hiya. Paglabas nila ay napayuko siya dahil sa mga nagbabagang mata na nakatitig sa kaniya.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon