46-47

2.1K 78 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  46-47

Unedited .
"Bakit ba nagmamadaling umuwi si Divina?" reklamo ni Rhodalyn. Kaninang nasa mall sila ay mabilis na lumabas ito at sumakay ng taxi.
"Na LBM daw," tipid na sagot ni Ann.
"Sus! Grabe 'yung metabolism niya. Lagi na lang siyang ganiyan," napapansin nilang kapag matapos ang silang kumain ay after ng ilang oras ay naghahanap ito ng CR.
"Gano'n din naman ako noon. Kaso, pinabawasan na nina mommy ang pagpakain sa aking ng pagkain rich in fiber. Napapansin ko kasing iyon ang lagi niyang ino-order," sagot ni Ann.
"Nagda-diet kasi para kay Christian." Napailing na wika ni Rhodalyn.
"Sus! Hindi naman siya mataba. Naniwala naman siya kay Christian, e kahit siya na ata ang pinakapayat na babae sa mundo e, baboy pa rin ang itatawag ni Christian sa kaniya."
"Sinabi mo pa! Endearment lang kaya 'yon ni Christian sa kan'ya. Hindi pa ba niya nahahalata? Matagal nang may gusto iyong tao sa kaniya."
Naglalakad sila papunta sa likurang bahagi ng school. Pagtawid kasi ng kalsada ay dagat na. Dito rin gaganapin ang kayaking nila bukas.
"Ano bang meron?" tanong ni Ann.
"Ewan! Ang boring naman do'n sa school kaya roon muna tayo tatambay. Nag walk out ka kasi kanina kaya hindi tayo nakapanood ng basketball," nakasimangot na wika ni Rhoda. Gusto pa naman niyang mamaos sa kakasigaw para suportahan sina Jestoni pero wala rin, nag-ala reyna ang kaibigan. Kahit siya ay nagulat dahil hindi niya inakalang kasal na pala ito kay Dylan.
"Hindi ka na rin pala virgin, Ann." Tumigil si Ann sa tanong nito. Namumula ang mukha dahil sa pagkahiya. "Sus. Huwag ka nang mahiya sa akin. Tayo lang naman, e. Hindi na rin ako kaya okay lang." Nakangiting saad niya. Si Ann kasi, hindi siya sanay na pag-usapan ang ganitong bagay dahil nagagalit si Kuya Tyron niya noon.
"Pasensiya na, privacy niyo na pala iyon. "
"Okay lang."
"Ay! Mamaya na pala tayo pumunta roon. Nagtext si Jestoni. Nasa tambayan sila," masayang sabi ni Rhodalyn. Hindi na nakatanggi ang kaibigan nang hilain niya ito patungo sa tambayan na nasa loob ng tree park.
Pagbukas ni Ann ng pinto ay ang naka half-naked na asawa at mga kasamahan ang nadatnan. May isang babae at tomboy nakisama sa pag selfie nila kaya napasimangot siya. Kakatapos lang nilang maglaro ng basketball pero puno ang shower room kaya rito na naligo ang iba.
"Ann," lumapit si Dylan at hinalikan siya sa pisngi. "Magbihis ka na nga! May mga babae kayong kasamahan tapos naka ganiyan ka lang?" Nakasalubong ang kilay niya.
"Sige. Wait lang, baby." Pumasok na ito sa kwarto. Si Oliver ay nasa isang sulok at busy sa pagbubuhat ng barbell. Mukhang may malalim na iniisip.
"May problema ka ba, Oliver?" nilapitan niya. Si Rhodalyn ay nakipag-usap na ngayon sa kasintahan.
"Wala." Tipid na sagot nito.
"Talaga? Alam kong meron. Ano ba iyon?" tumigil si Oliver sa ginagawa at tinitigan siya.
"Wala nga. Badtrip lang ako dahil hindi ako nakasali sa basketball kanina," pagmamaktol niya.
"Hmp! Saan ka ba nagpunta?" naupo si Ann sa sulok.
"May hinabol na daga," tipid na sagot niya.
"Huh? Bakit mo hinabol?" nagtatakang tanong niya.
"Ayaw mo pa no'n? Mahuhuli ko na ang daga? Haist! Huwag mo na nga akong intindihin. Puntahan mo na sa kwarto ang asawa mo. Baka kailangan niya ang tulong mo," nakangising wika ng binata.
"Tulong? E nagbibihis lang naman 'yon." Naiinis na sagot niya. Ang pinakaayaw niya ay ang maghubad ang asawa sa harapan ng ibang babae. Mas kumulo lalo ang dugo niya nang maisip si Cheska. Nanlulumo siya. Masakit isipin na ang asawa mo ay minsan nang pinagsawaan ng iba kahit na sabihing isang gabi lang iyon.
"Baka kailangan niya ng tiga-hubad," nakakalokong sagot nito.
"Heh! Huwag ka nga diyang ano!" Tumunog ang cellphone na nasa tabi niya na nakapatong sa bag ni Dylan. Tiningnan niya ang tumatawag at 'Cheska' ang pangalan ng tumatawag.
"May contact silang dalawa?" usal niya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang cellphone ni Dylan at mabilis na lumabas sa tambayan. Naiinis siya! Gusto niyang sumbatan si Dylan kung bakit may number pa ito kay Cheska. Lahat ng batong madadaanan ay sinisipa niya.
"Kahit bato na sila, nasasaktan din sila!" Hindi niya namalayang makakasalubong niya si Christian.
"Hindi sila masasaktan dahil bato sila. Matigas ang mukha at walang pakiramdam. Habang sinisipa ko sila, ako ang labis na nasasaktan!" Ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad. Nakabuntot naman ang kaklase sa kaniya.
"May problema ka ba, Ann?" sinabayan na siya nito sa paglalakad.
"Wala. Pagod lang ako," pagod na sagot niya. Hindi niya matukoy kung ano o saan napapagod. Sa pagsipa ba ng bato o pagod dahil sa kakaisip na ano mang oras ay makuha ng iba ang asawa?
"Maupo muna tayo sa bench. Mukhang pagod ka na nga," nagpatianod siya nang akayin siya nito papunta sa mahabang bench.
"Ano ba ang problema, Ann? Nag-away na naman ba kayo? Sinasaktan ka ba niya?"
"Bakit gano'n kayo? Hindi pa kayo ma kuntento sa isa. Kailangan pa ninyong maghanap ng iba," panimula nito habang nakayuko at nilalaro ang daliri.
"Mahirap ang sitwasyon ninyo. Ayokong magbigay ng payo dahil baka magiging bias lang ako. Pero sa nakikita ko, mahal ka naman ng loko." May konting kirot siyang naramdaman. Chance na sana niya ito para siraan ang mahigpit na kalaban pero ayaw niya ng maduming laban. Hindi siya iyong tipo ng lalaking samantalahin ang kahinaan ng babae para lang makuha ito.
"Ngumiti ka na nga. Papangit ka niyan," biro niya sabay kuha ng panyo sa bulsa at pinunasan ang namumuong pawis sa noo ni Ann pero nagulat siya nang may mahigpit na humawak sa kamay niya. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino
"Lumayo ka sa ASAWA ko!" Mahina pero may diin na wika ni Dylan saka binitawan ang kamay niya. Napasimangot naman si Ann.
"Alam kong ASAWA mo na siya. Hindi ko naman kini-claim 'yan," sagot ni Christian at tumayo.
"Mauna na ako, Ann. Wala ako sa mood para makipagsagutan sa mga bipolar na tao."
"Naghahanap ka ba ng gulo, Christian?" napipikong tanong ni Dylan.
"Wala akong sinabi at ginawa na kailangang dalhin pa natin ito sa sapakan. Mahiya ka naman sa asawa mo, nasa harap niya tayo tapos makipagsuntukan ka? Tsk!" Tumalima na siya bago pa sila magkainitan.
"Ano ang ginawa ninyo? Bakit kayo magkasama?" nakasalubong ang kilay na tanong ng asawa.
"May pakialam ka ba? Wala naman, 'di ba?" tumayo si Ann at naglakad.
"Ann. May problema ba? Sabi kasi ni Oliver, badtrip ka." Hinabol niya si Ann pero hindi na ito nagsasalita. Hindi naman niya ito makausap ng maayos dahil marami na ang tao. Patungo na sa dagat ang kanilang binabalagtas.
"Bitiwan mo ako!" Singhal ni Ann pero mahigpit na hinila niya ito.
"Kuya, sasakay po kami." Wika ni Dylan at binuhat ang nagpupumiglas na asawa at isinakay sa bangka.
"Dylan, ano ba!" Singhal niya.
"Ayaw mo kasing kausapin ako. Ano ba ang problema, Ann?" nahihirapang tanong niya. Hindi niya makakayang ganito sila ng asawa.
"Ann naman, pag-usapan natin 'to." Ngayong buntis ito ay ayaw niyang sumama ang loob ng asawa sa kaniya.
"Please, baby." Hinawakan niya ito sa kamay.
"Bakit may kontak ka pa kay Cheska?" mahinahong tanong niya pero sumisikip na nag dibdib nito. "Bakit? Ngayon, ikaw na naman ang hindi makapagsalita?" sumbat niya.
"K-kasi..."
"Kasi ano?" napipikong tanong niya.
"Kasi baka kung ano ang mangyari sa anak namin kaya kinuha niya ang number ko," paliwanag niya. Kaya pala nakita niyang wasak na ang cellphone. Hindi naman siya makatanggi noon dahil nasa harapan nila ang Lola Patch niya.
"Para lang naman sa baby namin iyon, Ann. Hindi ko naman sinasagot ang text o tawag dahil hindi naman importante."
"Kapag ganito tayo, hindi tayo matatahimik kahit kailan. Habang may anak kayo, hangga't mahal ka pa niya, magugulo at magugulo lang ang buhay natin." Mahinang sambit ni Ann.
"Ano ang balak mo, Dylan?" tanging ang paghampas ng alon sa gilid ng kanilang bangka ang naririnig. Sa 'di kalayuan ay may iilan ding bangka na magkasintahan ang mga nakasakay. Ito ang special treat ng paaralan sa mga lovers.
Napaisip si Dylan at tinanong ang sarili kung ano nga ba? Ang alam lang niya ay mahalin at ipaglaban ang asawa pero paano?
"Ano? Sumagot ka!" Pinanlakihan na siya ni Ann ng mga mata. Gigil na gigil na siya sa asawa.
"Susuportahan ko ang bata. Bibigyan ko siya ng pangalan pero pagdating kay Cheska, wala na talaga. Hindi ko siya mahal at minahal. Baby, alam kong nahihirapan ka na. Alam kong mahirap mag-adjust dahil sa kasalanang nagawa ko. Alam kong hindi basta-basta ang sitwasyon natin ngayon. Kahit ako man ay nahihirapan at naiipit din. Kung p'wede lang sana kitang itakas at magpakalayo, gagawin ko pero paano si Mandy? Anak ko rin siya," tumingin siya sa malayo. Natatanaw niya sa dulo ang tubig na tila humalik sa bughaw na kalangitan. Mapayapa at tahimik ang paligid pero ang mga utak nila ay parehong magulo. Basta ang nasa isip ay hindi p'wedeng madamay ang anak nila.
"I know my sorry isn't enough but please, bigyan mo ako ng sapat na oras para mapatunayang ikaw ang mahal ko at ipaglalaban ko kita. Alam ko na alam mong mahal kita. Hinawakan niya ito sa kamay at nakipagtitigan sa asawa.
"Pero Dylan, hindi mo p'wedeng pagsamahin ang dalawang prinsesa sa iisang palasyo. Hindi talaga," nahihirapang wika ni Ann.
"I promise, hinding-hindi kita pababayaan. As long na kaya ko, po-protektahan kita, kayo ng anak o magiging anak natin. Wala naman akong balak na pagsamahin kayo sa iisang palasyo dahil You're my only Queen." Sincere na sagot ni Dylan at matamis na ngumiti sa asawa.
"I love you. Malalampasan din natin ito. Hindi pa sa ngayon but I know, someday. In God's perfect time," pa unti-unti niyang inilapit ang gwaponv mukha sa asawa. Napapikit si Ann nang masamyo ang mabango nitong hininga.
"Open your eyes." Utos ni Dylan.
Kusa na siyang bumigay nang maglapat ang mainit at malambot na mga labi ni Dylan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon