29-30

1.7K 57 1
                                    

FRATERNITY KING 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  29-30

"Sigurado ka rito, brod?" tanong ni Oliver kay Dylan habang sinusuot nito ang helmet.
"Wala naman sigurong masama kung patulan ko sila at nang matahimik na?" wala sa mukha niya ang pag-urong sa mga katunggali. "Dapat na bigyan ko lang sila ng magandang laban."
"Pero brod, madaya sila kung lumaban." Paalala ni Patrick. Napapalibutan siya ng mga kasamahan nila. Ang sa kabilang kampo naman ay ganoon din. Lahat ng frat leader ay kasali sa paligsahan pero ang pinakapunterya ng Black Dragon na matalo say siya.
"Bakit wala pa si Christian?" tanong niya.
"Hindi makakadalo. Ang vice president lang nila ang sasali," ani Oliver. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi sumasagot si Christian.
"May nangyari yata kay Ate Divina..." sabat ni Denise.
"Hindi naman si Christian ang main target nilang matalo kundi ikaw kaya okay lang sa kanila kahit na wala ang ibang leader."
"KUYA LAN-LAN!" Sigaw ni Cheska habang palapit sa kanila.
"Ano ang ginagawa mo rito, Cheska?" bulalas ni Oliver nang makita ang asawa. Sagot si Cheska.
"CHESKA NA LANG? Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang ipinunta ko rito, OLIVER!" Diniinan talaga niya ang pangalan ng asawa.
"Honey naman. Nagulat lang ako. Ano ang ginagawa mo rito?" inakbayan niya si Cheska.
"Gusto kong manood! Moral support kay Kuya dahil wala ang butihin niyang asawa!"
"Hindi alam ni Ann na nandito ako," atubiling sagot ni Dylan. Hindi pa siya nakauwi sa bahay nila. Ang sabi lang niya ay may hazing sila rito sa Tagaytay kaya abutin siya ng madaling araw.
"Hmp, kapag malaman niya, lagot ka na naman sa isip batang babaeng iyon!" Pananakot niya sa kapatid.
"Huwag mo na lang ipaalam, please. " Pakiusap ni Dylan.
"Okay. Basta, pahingi ako pambili ng Hermes bag." Pangba-blackmail niya sa kapatid.
"Honey naman. Mahiya ka naman sa Kuya mo," saway ni Oliver.
"So? Kuya ko naman siya kaya hihingi ako ng gusto ko! Kaysa naman sa iyo ako hihingi! Eh, wala ka namang maibigay sa akin!" Prangkang sagot ni Cheska kaya hindi nakapagsalita si Oliver. Nahihiya na siya sa mga Lacson dahil panay ang hingi ng asawa sa pamilya na pambili ng kung anu-ano. Baka isipin ng mga ito ay wala siyang kuwentang asawa dahil hindi niya ito kayang bilhan. "Hindi na nga ako humihingi sa iyo kaya huwag kang mag-alala. Normal lang na bigyan o bilhan nila ako dahil afford naman namin!"
"Sige, bibili ako ng latest edition ng hermes bag." pakikipag-deal ni Dylan.
"See? Mahal ako ni Kuya!" Pagmamalaki ni Cheska.
"Mahal din naman kita." Nagtatampong wika ni Oliver.
"Hindi kita mahal!" Mabilis na sagot ni Cheska.
"Kailan mo pa ako minahal? Katawan ko lang naman ang habol mo," ani Oliver.
"Kung maperahan lang sana natin ang pagiging makapal ng mukha mo, e di, tayo na ang pinakamayamang mag-asawa sa mundo!" Pambabara ni Cheska at tumingin sa ka-brod nina Dylan. "Maupo ako. Pakikuha ng upuan!"
"Ito oh..." inilagay ni Denise ang isang upuan sa tabi ni Cheska. Parang reyna na naupo ito habang minamasdan ang kapatid na lumalapit sa sasakyan.
"OLIVER! Is that you?" napalingon sila nang may tumawag na babae sa pangalan ni Oliver.
"RICA?" hindi makapaniwalang tanong ni Oliver nang makita ang dalaga. Kapitbahay nila ito sa Barcelona. Naka black mini-skirt at black sleeveless ito.
"Yes, it's me! Where have you been? Ang tagal na nating hindi nagkita!"
"Dito na ako nag-aaral sa Pinas. Ikaw?kamusta ka? Ang slim mo na!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Dati itong payatot pero ngayon, ang ganda na ng katawan.
"Salamat! Nagpapayat talaga ako para kapag magkita na tayo, mai-inlove ka na sa akin." Natatawang sagot nito saka mariing hinalikan si Oliver sa pisngi bilang pagbati.
"Bakit ka nandito?"
"May laban kasi ang kapatid ko kaya sinusuportahan ko." Sagot nito. "Ikaw? Huwag mong sabihing, member ka ng frat?" pinagmsdan niya ang mga lalaki na nasa paligid nila.
"Oo, Asirho ako." Sagot ni Oliver.
" Sige lang, magpakasaya kang lalaki ka!" Bulong ni Cheska habang naka crossed arms and legs na nakikinig lang sa usapan ng dalawang nasa harapan.
"Nasaan na ang girlfriend mo?" tanong ng babae.
"Wala akong girlfriend... Asawa lang," sagot ni Oliver saka napasulyap kay Cheska na hindi na maipinta ang mukha.
"Talaga? Kailan ka pa nawalan ng asawa? Seryoso ka ba sa kaniya? Lahat naman ng kasintahan mo, asawa ang tawag mo." Natatawang sabi nito saka hinampas pa si Oliver sa dibdib at tiyan. Mula noon, crush na niya ang lalaki dahil maliban sa guwapo, may abs din ito.
"Seryoso ako sa kaniya. Actually, nandito siya." Nilapitan niya ang asawa. "Baby, si Rica pala. Kapitbhay namin sa Barcelona. Rica, si Cheska, asawa ko," pagpakilala ni Oliver sa dalawa.
"Oh, ikaw pala ang asawa ng kaibigan ko," palahaw na tumawa ito at nakipaghandshake pero tinitigan lang ni Cheska ang nakalahad na kamay ng babaeng kaharap.
"Oo, ako nga ang asawa ni Oliver." Sagot ni Cheska. "May gusto ka ba sa asawa ko?" prangkang tanong niya saka tinaasan ito ng kilay. Hindi niya ugaling makipagplastikan! Ang mga brod ni Oliver ay makahulugang tumingin kay Oliver dahil kilala na nila ang ugali ni Cheska. Kapag may makitang nagkakagusto sa asawa ay diretsahan niyang tinatanong.
"Ah..." hindi makapagsalita ang dalaga.
"Sabihin mo lang kung may gusto ka sa asawa ko. Mabait naman ako. Aminin mo lang, ako mismo ang mag-aasikaso ng kabaong at libingan ninyo ng ASAWA ko!" Napalunok ng laway si Oliver.
"Honey," saway niya sa asawa saka hinawakan ito sa braso.
"W-Wala akong gusto sa kaniya. Magkaibigan lang talaga kami," napipiyok na sagot ni Rica. Familiar sa kaniya si Cheska. Ngayon lang niya natandaan na ito pala ang nawawalang apo ng sorority queen.
"Good! Sa susunod na lumandi ka, siguraduhin mong walang asawa! KING INA! Asawa ko pa ang landiin mo? PAK YU KA!" Nakapamewang na singhal niya. "Ano pa ang hinihintay mo? LAYAS NA!" Sabay turo sa kabilang grupo na hindi naman talaga niya kilala. Basta umalis lang ang bruha sa harapan nila.
"P-Pasensiya na," mabilis na tumalikod ito at lumayo sa kanila. Ni hindi na nga nakapagpaalam kay Oliver. Napapangiti na lang ang mga nasa paligid. Kabisado na nila ang ugali ni Cheska.
"Ikaw naman," hinarap niya si Oliver. "Sa susunod na may babaeng lumandi sa iyo, isipin mo rin na nasa paligid lang ako. PEKTUSAN kita diyan, eh!"
Pinasadahan niya ng tingin si Oliver. "Magpaligo ka ng alcohol pag-uwi natin! Ayaw kong humipo't pumisil sa abs na may germs! EWW!" Nandidiring bilin niya.
"May damit naman--"
"So? Kung may damit, wala kang balak na magpunas? Mahiya ka naman! Nanumpa ka na sa akin na akin lang ang abs mo! Ano iyon? Pangako na napako dahil may chicks na nakabukaka?" hinampas niya sa balikat si Oliver sa sobrang inis! Kaunti na lang talaga ay iiyak na siya! Paano na lang kung hindi siya marunong lumaban? E di, etchepuwera siya?
"Sorry na, pangako, sa iyo lang itong abs ko." napabuntong-hininga si Oliver. Isa sa pinaka-ugali ng asawa ay ang karamutan nito. Ayaw nitong may kahati!
----------------
"Handa ka na bang matalo?" nakangising tanong ng leader ng Black Dragon Gang.
"Wala sa dictionary ko ang salitang 'talo'," sagot ni Dylan habang inilalagay ang helmet sa ulo. Malapad ang space na pagkarerahan nila. Umilaw na rin ang lahat ng street lights para mas makita nila ang daan.
"Well, magkakaroon na niyan pagkatapos ng laban natin!" Mayabang na sagot nito habang inaayos din ang helmet. Sampu silang maglalaban pero ang tunay na laban ay sa pagitan nilang dalawa.
"Kapag talo ka, bigyan mo kami ng permit para maging legal ang gangster dito sa Pilipinas." Wika nito. Napatingin si Dylan sa kausap. Naikuyom niya ang kamao. It's a big NO! Kapag magkaroon sila ng permit, para na rin niyang pinayagang magkaroon ng karapatan ang mga ito na gumahasa ng kababaihan at magrambulan sa kung saan mang lansangan.
"Deal!" Sagot ni Dylan kaya nagulat ito sa sagot niya. "Sa isang kundisyon..."
"Ano?"
"Kapag matalo kayo, lisanin ninyo ang bansa at huwag nang bumalik pa!"
"As if na manalo ka!" Panunuya nito.
"So, is that a deal?" tanong ni Dylan.
"Deal!" Sagot nito.
Lumapit ang mga lalaki sa likuran nila para umalalay sa kanila.
"Good luck, brod!" Wika ni Oliver na nakatayo sa gilid niya para magbigay ng signal. Ganoon din ang mga kalaban niya.
Nang nagbigay na ng hudyat si Oliver ay mabilis na pinaharurot ni Dylan ang motorcycle. Nagsimula na ring umingay ang buong paligid.
Mabilis na pinatakbo ni Dylan ang ducati. Nakatutok lang ang mga mata niya sa unahan. Hindi siya puwedeng magpatalo. May mga nasa gilid na dumi-distract sa kaniya pero hindi niya pinapansin.
"Shit!" Sambit niya nang igitgit siya ng nasa kanan. Halatadong nagsasakripisyo ito para manalo ang nagmamaneho sa itim na ducati na nakadikit sa kaniya.
Sigurado naman siyang walang armas ang mga ito dahil mahigpit ang guards pero ang pisikalan na labanan habang nagkakarera ay hindi na iyon mapigilan pa ng guwardiya.
Nang muli siyang lapitan ng isa ay sinalpok niya ito sabay sipa ng malakas sa kalaban. Hindi nito inaasahan na lalaban siya kaya sumimplang.
"HIYAH!" Hiyaw ng mga kalaban niya na para bang excited sa pakipagkarera sa kaniya. Nasa peripheral vision niya na hinahabol siya ng nasa kaliwa at gustong masabayan. Sa kalsada, walang linya kaya puwede kang mag cross ng daan. O puwede mong harangan ang nasa likuran. Mabilis ang pagkilos niya at iniyuko ang ulo pero kalkulado ang pagpatakbo nang mapansin ang lumilipad na helmet palapit sa kaniya. Itinaas niya ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nasa handle para masalo ang helmet. Napangiti siya nang hawak na niya ito. Sa side mirror siya nakatingin at galit na hinagis niya pabalik sa lalaking malapit na sa kaniya. Sapul ito sa mukha at pagiwang-giwang ang pag-drive.
Malapit na sila sa finishing line! Ang leader ng Black Dragon ay pantay lang sa kaniya kaya itinodo na niya ang pagmaneho.
Napansin niya ang ducating nasa kaliwa na pilit dumidikit sa kaniya. Matatalo siya kapag maabutan siya nito at guluhin. "DAMN!" Desperadong sambit niya at mas lalong napahigpit ang hawak sa manibela.
"Boom!"
Nakita niya sa side mirror ang pagkatumba nito kasama ang sumalpok na motor. Sumenyas ang isa na ipagpatuloy niya ang laban.
"Thanks!" Bulong niya sa treskilion. Isinakripisyo nito ang laban para lang manalo si Dylan. Iyon ang utos ni Christian, na protektahan si Dylan alang-alang sa fraternities nila.
Napangisi si Dylan nang lumagpas na siya sa finishing line. Dikit lang sa leader ng gangster.
Tinanggal niya ang helmet at hinintay na huminto ito.
"Paano 'yan? Panalo ako at talo kayo. Maaari na ninyong lisanin ang Pilipinas bago ko pa kayo patulan!"
"Magaling ka nga! Umaasa ako na hindi ito ang huli nating laban!" Napa smirk ito na tila suyang-suya kay Dylan.
"Wala nang susunod pa! Umalis na kayo at 'wag guluhin ang bansa dahil kapag malaman ko, ako mismo ang magpapalayas sa inyo pabalik sa pinanggalingan ninyo!"
"Matapang ka talaga! Isang paalala, hindi ninyo kayang linisin ang gangster dito sa Pilipinas! Someday, gangster will rule this country!"
"Your someday will always be SOMEDAY!" Matapang na sagot ni Dylan. Hanggat may Lacson sa Pilipinas, sinisigurado niyang mananatiling kontrolado ang kapatiran at gangster. Walang patayan, walang gulo!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon