10-12

2.8K 103 0
                                    


Port:

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  10-11-12

CHAPTER 10
"Hi." Bati ni Dylan nang pagbukas niya ng pinto ay nasa dining area na si Ann. Pagdating niya kanina, wala pa ang dalaga kaya nagbihis muna siya at natulog.
Napasulyap siya sa orasang nasa dingding mag-aalas siyete na ng gabi kaya madilim na nang dumungaw siya sa balcony ng unit.
"Hello. Kain ka na," nakanginting sabi ni Ann habang inaayos ang mga plato. Bumalik ito sa kusina at pagbalik ay may dala ng malaking mangkok.
"Ano ang niluto mo?"
"Ang paborito mo, beef steak." Napanganga si Dylan sa sagot ng asawa. Gusto niyang magreklamo at pakiusap dito na iyon na sana ang huling pagluto niya.
"Ayaw mo?" disappointment is written all over her pretty.
"H-huh? Ahmmm. Marami ka bang sinaing? M-mukhang maparami ang kain ko kasi ikaw ang nagluto," napakamot siya sa batok.
"Oo. Alam ko namang maparami ang kain mo, e." Tuwang-tuwa na sagot ni Ann.
"Oo. Basta ikaw ang nagluto. Makakaasa ka talagang mapaparami ang kain ko. Pakihanda na rin ng isang pitsel na malamig na tubig. Please," pakiusap niya. Agad lumapit ang dalaga at kumuha ng inuming tubig at inilagay sa gitna ng mesa.
Nag cross sign muna sila bago kumain.
"Sabi ko na nga ba, e." Bulalas ni Dylan saka sumubo ng ilang kutsarang kanin. Mukha pa lang ng karne ay toyo na.
"Huh? Hindi ba masarap?" nag-aalalang tanong ni Ann.
"M-masarap nga, e." Napipilitang sagot nito. Ayaw naman niyang mapahiya ito at ma disappoint.
"Talaga! Hayaan mo, lagi na kitang ipagluluto." Napatigil siya sa pagsubo at poker face na tinitigan ang asawa.
"Huwag na lang kaya, Ann. Last na pagluluto mo na ito. Mas maganda kapag mag-order na lang tayo sa labas para hindi ka na mahirapan," suhestiyon niya.
"Okay lang. Wala naman akong ibang pinagkaabalahan. Magluluto ako palagi dahil alam kong paborito mo ito," tumahimik na siya. Isang hiwa, tatlong kutsara ng kanin sabay inom ng malamig na tubig.
"Busog na ako. Salamat sa pagkain, Ann." Labas sa ilong na pasalamat niya. Kung ibang tao lang ito o katulong nila ay malamang, masisigawan na niya pero asawa niya ito at ayaw niyang magkatampuhan sila.
"Walang anuman. Salamat din. Kamusta pala ang family dinner ninyo sa Batangas?" usisa niya habang nagliligpit na ng pinagkainan. Tinulungan na rin siya ni Dylan sa pagdala sa lababo.
"Okay lang. Hinahanap ka nina mommy," tugon ng binata. Hindi si Ann ang tipo ng babaeng mahahatak mo palapit sa bahay nila. Mas pipiliin pa nitong magkulong sa kwarto at magbasa.
"Psh! Nextime na lang," nakasimangot na sagot niya. Mababait naman ang pamilya ni Dylan maliban sa lola Patch nito. Noong una nilang pagkikita ay tinaasan siya ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bahala ka. Mauna na ako. May gagawin pa ako sa kwarto," paalam ni Dylan. Naiwan ang dalaga habang pakanta-kantang naghuhugas. Nagha-hum pa siya ng It Might Be You na kanta.
Pagkatapos mailigpit ang lahat ay pumasok na siya sa kwarto para magbihis. Naligo muna siya. Nang matapos mapatuyo ang buhok gamit ang blower ay naupo siya sa kama at kinuha ang cellphone. Napangiti siya nang may nakita sa notifications ng wattpad. Apat sa stories niya ang nag-update.
Bubuksan na sana niya, "What? Wattpad's servers cannot be reached?" bulalas niya. Ilang beses niyang ini-off ang wifi at open ulit pero wala talagang signal.
Sinubukan niya sa laptop pero wala pa rin.
"Waaaah. Dylan!" Tawag niya sa asawa habang palabas ng kwarto.
"Dylan! Open this door!" Kumatok siya pero walang sumasagot. Pinihit niya ang seradura. Hindi naman lock ang pinto kaya pumasok na siya. Ngayon lang siya nakapaaok dito. Iginala niya ang paningin. Mas malapad kesa sa kwarto niya. Ang mga gamit ay nasa maayos din maliban sa comforter na medyo magulo. Halatang may taong natutulog o gumalaw nito kanina.
"Dylan?" tawag niya pero walang sumasagot. Napadapo ang tingin ni Ann sa side table. Napangiti siya nang makita ang picture ng kapatid at ng asawa. Nakakita ang mga ito at tila masaya.
"Kapag ba hindi ka nainlove kay Kyler, malamang, ikaw ang nasa pwesto ko ngayon at masaya kayo ni Dylan." Kinakausap niya ang kapatid na nasa larawan. Napailing siya.
"Kapag kayo talaga, kahit ano man ang pagsubok na dumating, ibabalik at ibabalik ka ni God sa taong nakatadhana para sa 'yo. Basta't ipaglaban mo lang siya," bulong niya na ang tinutukoy ay ang lovelife ng kakambal na si Yna. Good catch si Dylan pero mahal talaga ni Yna si Kyler at wala na silang magagawa pa roon. Alam niyang sobrang mayaman talaga ang asawa dahil sa tinatamasa niya ngayon. Shopping all you can siya kapag ginusto. Kahit gaano kalaking bahay ang hilingin nito ay kaya pero hindi lang talaga siya maarte. Dati, gusto niyang gumala pero wala na siyang kasama. Iniwan na sila ni Aira at nagpakasal na rin si Yna. Ang kuya Tyron niya ay wala na ring time sa kaniya dahil busy sa mga negosyo ng pamilya.
"Shit!" Napalingon siya sa asawa. Hawak nito ang puting tuwalya na pinupunasan ang basang buhok.
Napatulala siya. Hindi niya kayang gumalaw nang mapadako ang mga mata sa ibaba ng puson ni Dylan. Wala itong kahit ano mang saplot kaya kitang-kita niya ang lahat ng pwedeng makita.
Si Dylan ang unang nakabawi sa pagkabigla.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Ann." Naglakad ito palapit sa kaniya. Nasa kama kasi nito ang isusuot niya. Kaya gusto niyang mapag-isa dahil ganito siya. Hindi niya ugaling magsuot ng kahit ano kapag lumabas siya sa shower room. Sanay siyang mag-isa dahil wala naman siyang kapatid na nangungulit sa kaniya.
"Ann?" napapitlag ang dalaga nang marinig ang boses ni Dylan. Bigla siyang nanlamig at pinawisan. Napalunok pa siya ng laway dahil hanggang ngayon ay nakikita pa rin niya ang kabuuan ng asawa kahit hindi na siya nakatingin. Ilang segundo o minuto ring napako ang mga mata niya roon.
"Yung... 'y-yong internet, na... n-naputol," nauutal na sagot niya. Sa peripheral vision ay nakikita niyang nagbibihis ang asawa. Pinipilit niyang huwag tumingin sa katawan na may abs ni Dylan.
"Tapos? Gusto mong ayusin ko? Importante na ba 'yan ngayon?" casual na tanong ni Dylan.
"H-hindi na. Matutulog na ako," umiiwas siya ng tingin. Napangiti naman si Dylan at pilit na hinuhuli ang mga mata ng asawa.
"Bakit pinagpapawisan ka, Ann?" lumapit siya rito.
"H-huh? W-wala. Mainit kasi..." sabay paypay ng kamay sa mukha na tila init na init.
"Masyado bang hot?" nakangising tanong ni Dylan. Ang alam niya ay nasa number 6 super quite naman ang aircon niya.
"O-oo. Sobrang hot. Sige na, Dylan. Matutulog na ako," paalam niya saka tumalikod. Kahit na nanginginig ang mga tuhod ay pinilit niyang ihakbang ang mga paa.
"Goodnight." Napailing na lang si Dylan. Sanay naman siyang maghubad sa harapan ng mga babae pero nakakatawa lang ang mukha ng asawa dahil pulang-pula na ito at literal na pinagpapawisan.
"Ita-try ko talagang makatulog," bulong ni Ann nang maisara ang pinto.
Kinaumagahan, maaga pang nagising Ann. Nagluto muna siya ng tocino. Pagkatapos magluto ay mabilis na siyang umalis. Natatakot na baka magkaabutan sila ni Dylan kaya sadyang inagahan talaga niya. Isa pa sa dahilan ay wala pa siyang tulog.
Pagdating sa school ay para siyang zombie hanggang matapos ang first class. Naglakad na sila patungo sa swimming pool na masa tabi lang ng basketball court.
"Hindi ka na naman ba nakatulog kagabi dahil sa kaka-wattpad?" tumabi si Divina sa kaniya. Kakabihis lang nila ng swimsuit at naupo sa gilid ng pool.
Hindi sumasagot si Ann. Nakatitig lang ito sa hawak na ruler habang nilalaro sa kamay.
"Ano'ng gagawin mo diyan sa ruler at parang titig na titig ka diyan?" nagtatakang tanong ni Divina. Ang lalim kasi ng iniisip ni Ann at ilang beses pa itong kumawala ng malalim na buntong hininga.
"Ha? K-kwan. Tinatantiya ko lang kung gaano ka haba?" Hanggang ngayon ay hindi pa talaga mawala sa balintataw niya ang nangyari kagabi. At higit sa lahat, ang nakita. Napalunok na naman siya ng laway.
"Ano'ng mahaba?" curious na tanong ni Divina.
"H-ha? Ahmmm..." napakagat siya sa ibabang labi. Hindi niya napapansin ang mga sinasagot sa kaibigan. Nawawala na ata ang utak niya. "Ang ahas... Oo. Tama! Ang ahas na pumasok sa bahay namin k-kagabi," palusot niya.
Nagkaroon ng ingay sa loob ng pool. Mga nagtitilian at kinikilig. Pumasok ang klase nina Dylan dahil swimming lesson din nila. Olympic-size naman ang pool kaya kasya ang dalawa hanggang tatlong klase.
Nagkatitigan pa sila ni Dylan nang malapit na ito sa kinauupuan nila. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso at alam niyang namumula na ang kaniyang pisngi. Pilit na iniiwasan niyang bumaba ang paningin sa gitna ng katawan nito.
"Hoy! Ang tanong ko, gaano ba kalaki ang ahas na nakapasok sa bahay ninyo kagabi at tinatantiya mo pa kung gaano ka haba? Naku! Paano ba nakapasok iyon? Ano bang klaseng ahas 'yon? " nanlaki ang mga mata niya. Medyo malakas pa ata ang boses ng kaibigan dahil biglang tumigil sina Dylan sa harapan nila.
"K-kwan... ma... m-mahaba naman. M-may pagkacobra na anaconda? Basta!" namumulang sagot niya at napayuko. Nilalaro niya ang daliri dahil sa sobrang hiya. Nararamdaman kasi niya ang mga titig ni Dylan.
"Talaga? Hala! Baka makamandag. Nakagat ka ba?" natatakot at worried na tanong ng kaibigan. Wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari.
Napariin ang pagkagat niya sa ibabang labi nang magsalita si Dylan, "Hindi pa nga, e." Napapikit si Ann dahil sa kaniya nakatingin ang asawa. Wala na siyang mukhang ihaharap dito.
"Hindi pa ako kumakain. Tara na, brod. After ng swimming class na lang tayo kakain," dagdag nito pero bago pa siya nilampasan, binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti na tila nagpapahiwatig na alam nito kung ano ang iniisip niya.
Nakahinga ng maluwag si Ann nang ipinagpatuloy na ng magbarkada ang paglalakad patungo sa shower room.
"Namumutla ka, friend. Naku! Alam kong nakakatakot talaga ang makakita ng ahas. Baka magkaroon ka ng trauma?"
"Oo. Nakakatakot nga talaga," sagot na lang ni Ann na pinagpapawisan na naman.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon