21-22

1.6K 74 4
                                    

FRATERNITY KING 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  21-22

"Jairus? Salamat ha. Nag-abala ka pang pumunta dito," kakatanggap lang niya ng text ni Jairus na nasa labas ito ng paaralan nila.
"Inihatid ko lang si Mommy diyan sa kabilang kanto," sagot nito.
"Ganoon ba? Nagmerienda ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa. Kaya nga tinext kita para yayain sana kita kung okay lang?" tanong nito kaya ngumiti si Ann.
"Oo naman. Ikaw pa ba?" sagot niya at hinawakan ito sa kanang kamay para hilain papunta sa pinakamalapit na fast food.
"Diyan na lang tayo sa burger king," suhestiyon ni Ann. Ayaw na niyang lumayo pa.
"Sure. Kamusta ang pag-aaral?" tanong nito habang naglalakad sila.
"Okay lang. Medyo busy na."
"Kamusta na kayo ng asawa mo?" kahit na nalulungkot ay ayaw niyang ipahalata kay Ann. Hindi akalaing uwian niya ito na may asawa na pero umaasa siya na sana ay maging magkaibigan pa rin sila nito. Iyon lang ay masaya na siya.
"Huwag na nga nating pag-usapan," hanggat maaari ay ayaw niyang pag-usapan si Dylan. Noong pumunta ito noong isang araw sa bahay nila at sinumbatan siya, todo iyak siya kinagabihan. Nagi-guilty siya. May asawa na siya pero nagkakaroon pa siya ng crush kay Jairus. Alam naman niya sa sarili na mas mahal niya si Dylan at kahit ano mang mangyari ay hindi niya ito ipagpalit kahit kanino pero gusto lang niyang hanapin ang sarili. Paulit-ulit ding bumabalik sa utak niya ang tanong nito kung mahal ba talaga niya ang asawa o mahal lang niya dahil kasal sila?
Nauna na siyang umupo sa pinakasulok at si Jairus na ang nag-order.
"Kain na, dapat maubos mo itong burger," sabi ni Jairus at naupo sa harapan niya.
"Huwag kang mag-alala, mauubos ko 'yan. Tamang-tama, gutom ako." Kaunti lang ang nakain niya kaninang tanghalian dahil dumating si Dylan sa cafeteria kaya umalis siya kaagad.
Matapos ang trenta minutos ay tapos na sila kaya nagyaya siyang bumalik sa paaralan dahil sa last subject nila ngayong hapon.
Pagkalabas nila ay masaya silang nag-uusap ni Jairus nang tumabi sila dahil sa dalawang motor na humaharurot palapit sa kanila at mukhang naghahabulan.
"TABI!" Narinig ni Ann na may sumigaw sa likuran niya saka itinulak siya para iwasan ang itatapon ng mga nakasakay sa motorsiklo. Buti na lang ay hindi natamaan si Ann dahil sa katawang nakaharang sa kaniya.
"DYLAN!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Dylan na nakahawak sa kaliwang binti na napaso.
"D-Dylan!" Natarantang sabi ni Ann at inalalayang tumayo ang asawa.
Tumulong na rin si Jairus dahil hindi kayang patayuin ni Dylan ang asawa.
"Bitiwan mo nga ako!" Itinulak ni Dylan si Jairus palayo.
"Ikaw na nga ang tinutulungan, eh." Sagot ng binata.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo!"  Napangiwi siya dahil sa kirot na naramdaman.
"D-Dylan, napaso ka." Hindi alam ni Ann ang gagawin. Naiiyak na siya dahil sa kalagayan ng asawa. Humarap si Dylan kay Jairus at nagsalita.
"Sa susunod na kasama mo ang asawa ko, siguraduhin mo lang na kaya mo siyang protektahan dahil ni minsan, hindi ko hinahayaang mapahamak siya noong KAMI PA!" Ramdam ni Jairus ang pagbabanta sa bawat salitang binibitiwan nito.
"D-Dadalhin kita sa hospital," naiiyak na sabi ni Ann.
"Kaya ko na ang sarili ko!" Tumigil ang ducati na sakay si Oliver.
"Sakay na brod," sabi nito. Nakita nila ang nangyari sa hindi kalayuan at hinahabol na ng iba pa nilang kasama ang mga nagtaboy ng asido.
Gusto ni Ann na sumunod kay Dylan pero alam niyang nagtatampo ito sa kaniya kaya nanlulumong pinagmasdan niya ito palayo.
"Mahal ka talaga niya," napatingin siya kay Jairus na pilit ngumingiti sa kaniya. "Lalaki ako at alam ko kung paano basahin ang bawat kilos ng kapwa lalaki ko."
"J-Jairus..." sambit niya.
"Umuwi ka na. Alagaan mo siya. Iilan lang ang lalaking kayang ipagtanggol ang babaeng mahal nila," namulsa ito at ngumiti kay Ann.
---------
"WALANG HIYA KA TALAGA!" Kakapasok lang ni Cheska sa kuwarto kung nasaan naroon ang kapatid niya pero sa halip na lapitan si Dylan ay sinapak muna niya si Oliver.
"Honey naman. Masakit!" Reklamo nito.
"Ah, masakit? Alam mo namang parating na ako tapos wala ka na pala sa parking lot?" ang nurse ay napatulala lang sa kanila.
"Sorry. Si Dylan kasi..." paumanhin ni Oliver.
"Sorry ka diyan!" lumapit si Cheska kay Dylan.
"Kuya Lan-Lan, okay ka lang ba? Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Cheska sa kapatid na may bentahe sa hita.
"Okay lang ako. Mabuti na lang dahil hindi napuruhan ang mukha ko," naniningkit ang mga matang sagot niya. Kanina pa siya napaisip kung sino na naman ang may kagagawan no'n sa asawa dahil hindi naabutan ng mga kagrupo niya ang mga salarin.
"Ang Black Dragon Gang ang may kagagawan no'n, brod." Siguradong sabi ni Oliver na papalapit sa kaniya.
"Bakit nila gagawin iyon?"
"Dahil matagal ka na nila gustong makalaban sa karera," sagot ni Oliver. Sa tuwing may laban ay si Dylan ang hinahanap nila.
"Tapos si Ann ang inaaway nila?" maarteng sabi ni Cheska kaya napahigpit ang hawak ni Dylan sa kumot. Alam niya ang balak ng mga ito.
"Wala sa utak ko ang patulan sila." Wala sa modong sabi niya. Mayamaya pa ay pumasok ang doctor at binigyan siya ng gamot para sa kirot at cream.
"Galit ka?" tanong ni Oliver at tumabi sa asawa na nakaupo Sa mahabang upuan.
"Hindi naman. Medyo lang," wala sa mood na sagot ni Cheska. "Oliver?"
"Hmmm?"
Humarap si Cheska sa kaniya saka iniabot ang maliit na paper bag na galing sa shoulder bag.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Oliver.
"Uminom ka ng gamot. Mataas ang lagnat mo kagabi!" Nakasimangot na sagot niya. Kaya nga gusto niyang hintayin siya nito dahil alam niyang may lagnat pa ito.
Pinagmasdan ni Oliver ang mukha ng asawa. Napangiti siya.
"Salamat," sa totoo lang, hindi niya inaasahang mapapansin nito ang lagnat niya at bibilhan siya ni Cheska ng gamot.
"Huwag kang magpasalamat. Ako lang ang sisihin ng parents mo kapag may masamang mangyari sa 'yo!" Sagot niya. Si Dylan ay nakikipag-usap pa sa doctor at nurses.
"Oo na lang. Psh, ayaw pang aminin na concern ka talaga sa akin," wika ni Oliver.
"Para ano?"
"Kasi mahal mo ako..." nakangiting sabat ni Oliver. May mga times na nararamdaman naman niyang mahal siya ni Cheska pero minsan nga lang. Minsan sa isang blue moon. Kapag manganib lang ang buhay niya. Bato naman talaga ang asawa. Madalas ay walang pakiramdam at hanggang ngayon ay naghahanap pa siya ng kasagutan kung bakit minahal niya ito.
"Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan!" Reklamo ni Cheska at iniwas ang mga mata sa asawa. Hindi siya sanay lalo na't nakikita niya ang pagmamahal sa mga mata nito.
Siguro dahil mula nang mawalay siya sa tunay na pamilya ay palagi na lang siyang nangungulila sa pagmamahal na kahit ipinaparamdam ng mga kumupkop sa kaniya ay hindi pa rin sapat.
"Yang hikaw mo na 'yan, isaksak ko talaga sa baga mo!" Naiinis na sabi niya nang mapansin ang hikaw ng asawa.
"Puwede na kayo makauwi," sabi ng doctor.
"Salamat, Doc." Tumayo si Dylan kaya maagap na inalalayan siya ni Oliver.
"Kaya ko na. Hindi naman ganoon kalawak," sabi ni Dylan at paika-ikang naglakad. Suwerte lang niya dahil makapal ang suot na pantalon kaya nasa first degree burn lang.
Pagdating sa bahay ay wala si Patch dahil nasa opisina pa raw ito kaya nakahinga siya ng maluwag. Tiyak, kung anu-ano na naman ang sasabihin ng lola.
Sa pintuan pa lang ay naririnig na niya ang iyak ng mga bata kaya binilisan niya ang paglalakad.
"Shit! Mahuli ko lang kayo, talagang babalatan ko kayo ng buhay!"Bulong niya habang paakyat ng hagdan dahil ang sakit pa ng hita niya. Mas kumulo ang dugo niya nang maalala ang asawa. Paano na lang kung ito ang natamaan? Talagang hahanapin niya ang kaluluwa ng mga ito sa impiyerno
kung nagkataon. Saktan at galawin lang nila ang iba pero 'wag lang ang asawa niya.
"Lilibeth? Nasaan ang mga bata?" tanong niya sa isang yaya nang nagmamadaling lumabas ito sa kuwarto bitbit ang napalitang diaper ng mga bata.
"Nada loob po. Itatapon ko lang ito, Sir." Paalam nito at bumaba na ng hagdan. Marahang binuksan niya ang pintuan dahil tumahimik na ang mga anak. Baka tulog na ang mga ito at magising pa niya.
Pagkapasok niya ay ilang beses pa siyang napakurap dahil baka namamalikmata lang siya sa nakikita. Apat na ang mga anak niya sa kama at kasama ng mga ito ang ina nila.
"A-Ann," sambit niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayong nasa pamamahay na niya ito kahit na ang totoo ay gusto na niyang yakapin ng mahigpit dahil sa pananabik pero naiilang siya.
"O-Okay ka na ba?" tanong ni Ann na ang mga mga ay sa hita niya.
"Oo, huwag kang mag-alala. Makirot lang pero matatanggal din ito. Daplis lang," naupo siya sa kama at pinagmasdan ang kanilang mga anak.
"A-Ann," nauutal na tawag niya. Pinapagalitan niya ang sarili dahil sa ikinikilos. Para siyang bata na nasa harapan ng crush niya. Tumikhim muna siya para tuloy-tuloy ang salita. "Dito ka na ba sa bahay matutulog? Uuwi ka na rito?"
"Ayaw mo ba?" malungkot na sagot ni Ann.
"NO! Of course, gusto ko." Mabilis na sagot niya. Takot lang niya dahil baka aalis na naman ito.
"Okay. Ipinaayos ko na ang kabilang kuwarto," sagot ni Ann.
"Kabilang kuwarto?" nagtatakang ulit ni Dylan.
"Oo. Sa kabilang kuwarto ako matutulog." parang balewala na sagot ng asawa kaya laglag ang panga ni Dylan.
"Bakit? Ayaw mo ba ako makatabi?"
"Sa ngayon, ayaw ko pa." Diretsahang sagot ni Ann.
"Okay," tipid na sagot ni Dylan. "Hindi pa naman okay ang hita ko." bulong niya pero narinig naman ni Ann.
"Eh ano kung hindi pa okay ang hita mo?" nakataas ang kilay nito.
"H-Ha? Wala. Doon ka na mahiga sa kabilang kuwarto," sagot niya at napakamot sa batok.
"Lilipat ka rin sa kuwarto natin," ipinangako niya sa sarili at lihim na napangiti habang nakatingin sa mukha ng maganda at inosenteng asawa.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon