64-65

2.2K 74 2
                                    



FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  64-65

Unedited.....
"Oliver, kapag ba ang adobo, lagyan ng asukal, ano'ng lasa?" tanong ni Cheska habang hinihiwa ang sibuyas.
"Okay pa rin. Nilalagyan naman talaga 'yan ng asukal ng iba," sagot ni Oliver. Nililinisan niya ang manok dahil magluluto sila ng adobo para baon daw nila mamayang tanghalian.
"Talaga? Lagyan mo ng asukal, ha. Gusto kong matikman," excited na sabi ni Cheska.
"Bakit ba puro ka asukal?" hindi siya sanay magluto nang may asukal.
"Wala lang. Para sweet?" patanong na sagot ni Cheska. Na curious lang siya.
"Sweet naman tayo, a." Nakangising bulong ni Oliver at niyakap siya mula sa likuran. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito.
"Heh! Bitiw!" Reklamo ng dalaga habang iwinasiwas ito.
"Sus, ang arte mo. Ang sarap kaya ng yakap ko," napailing na sabi ng binata.
"Bilisan mo na nga riyan. Maliligo na ako para pagkatapos ko ay tapos ka na sa pagluluto," mamayang alas otso pa pareho ang klase nila. Mag-aalas sais pa lang ng umaga.
"Hindi ka ba kakain muna?"
"Ayoko. Diet ako," sanay siyang hindi nagbe-breakfast.
"Tss... Masyado naman kayong body conscious. Dapat kumain ka dahil ang payat mo na," reklamo ng binata.
"Pakialam mo? Sunduin mo mamaya si Mandy kina Mommy para makasama naman natin siya." Utos niya sa binata.
"Oo na. Basta tabi tayo sa pagtulog," nakangising wika ni Oliver.
"Bahala ka," ayaw niyang makipagtalo rito. Ang gusto lang niya ay makita na ang anak.
Pagdating sa paaralan ay nakasalubong nila sina Dylan at Ann.
"Akala ko ba, complete bed rest ka?" tanong niya.
"Papasok ako. May quiz pa kami mamaya," napatingin si Cheska sa kapatid na ngayon ay nabahala na para sa asawa.
"Ang tigas ng ulo mo! Kapag may mangyaring masama sa 'yo, bahala ka." Tinalikuran na ni Cheska ang mga ito. Ano pa nga ba ang magagawa niya, e mukhang under de saya ang kapatid niya.
"Huwag kang magpagod, baby. Baka kung ano ang mangyari sa inyo ni Baby," ihahatid niya ito sa klase. Kanina pa sila nag-aaway sa mansion pero naging mapilit ang asawa.
"Okay na nga ako. Hindi p'wedeng umabsent ako dahil hindi na nga ako nakasama sa tour, tapos hindi pa ako papasok?" alam niyang mabuti na ang kaniyang pakiramdam. Hindi p'wedeng hindi siya papasok dahil baka hindi siya maka graduate.
"Pero baby, alam mo namang buntis ka."
"Hindi dahilan ang pagbubuntis ko para tumigil sa pag-aaral. Walang mangyaring masama sa amin ng anak natin," pagmamatigas niya. Alam niyang malakas na siya.
"Sige na, umalis ka na." Pagtataboy niya.
"Divina, pakibantayan si Ann." Pakiusap ni Dylan.
"Oo na." Kahapon pagkadating nila galing sa Barcelona ay dinalaw nila ang kaibigan sa mansion para kamustahin at ibigay din ang pasalubong.
"Bakit pumasok ka?" ang alam nila ay hindi pa ito p'wedeng pumasok. Napasulyap si Divina kay Christian.
"Okay na ako. Bakit parang iba ang tinginan ninyo ni Christian?" nagdududang tanong ni Ann. Nahuli niyang iba ang titig ng binata sa kaibigan.
"Wala naman. Ano bang iba ang sinasabi mo diyan?"
"Naku, 'wag kang maniwala diyan friend, may something talaga sa kanila ni Christian. Sila lang parati ang magkasama at ang sweet pa nila," sabat ni Rhodalyn. Napapansin niyang laging nawawala ang kaibigan at nahuhuli nilang nakikipag-usap kay Christian sa lobby ng hotel.
"Wala nga talaga. Ano pa ba ang bago, e palagi naman kaming magkasama." Todo tanggi niya. Wala namang sinabi si Christian na ipaalam nila ang relasyon nila at ayaw rin naman niyang pangunahan ito.
"May something talaga, e." Giit ni Ann.
Malakas ang kutob niya na may itinatago ang dalawa. Hindi siya p'wedeng magkamali dahil matagal na niyang nakakasama ang dalawa. Isa pa, malakas ang pakiramdam ng mga buntis.
"Grabe ang paglilihi mo, ha. Ang aga. Hakbangan mo kasi si Dylan para siya ang maglihi para sa 'yo," pag-iiba ni Divina.
"Totoo ba 'yon?" tanong ni Rhodalyn.
"Oo raw," sagot ni Divina.
"Sa iba lang. Ilang beses ko nang ginawa 'yan, wala talaga." Sagot ni Ann. Mahigit sampu nang pinagawa sa kaniya ng asawa dahil sobrang naaawa raw ito sa kaniya pero wala talaga.
"Mahal ka talaga ni Dylan. Ayieeee..." Tukso ni Melody nang lumapit sa kanila.
"Tumigil na nga kayo," nakangiting saway ni Ann na mas lalong lumakas pa ang tukso ng mga ito.
"Wait lang, ano na pala ang nangyari kina Nancy? Wala na akong balita, a. Buhay pa ba?" tanong ni Rhoda.
"Ewan ko sa mga kabayong iyon. Baka ginawa nang tapa?" natatawang sagot ni Ann. Iba pa rin talaga kapag masama ang pakiramdam mo pero kasama mo ang iyong mga kaibigan.
"Hayaan na ninyo sila..." Ani Divina na napatingin sa cellphone. Nagtext si Cristian ng "good morning" kaya napangiti siya. Panay ang palitan nila ng sweet messages nitong nakaraang araw. Halos inumaga na nga siya kung matulog sa Barcelona.
Mayamaya pa'y tahimik na sila dahil sa professor na dumating. Nagbigay ito kaagad ng long quiz dahil noong nakaraang linggo bago sila nagtungo sa Barcelona ay wala ito. Si Ann naman ay pinagawa ng report about sa ekonomiya ng Barcelona. Mabuti na lang dahil tinulungan siya ni Dylan. Pinatawag nito ang secretary ng ama para kumuha ng impormasyon tungkol sa daloy ng ekonomiya ng nasabing bansa.
"P'wede ba tayong sabay kumain?" yaya ni Christian na nakatingin kay Divina.
"Ayie... Oo na 'yan. Hindi namin siya kaibigan kaya sa 'yo na muna," tukso nina Rhodalyn.
"Ang sama ninyo!" Kunwaring nagtatampong sabi ni Divina.
"Sus, kunwari pa. Sige na, umalis na kayo. May baon ka bang trust, Christian?"
"Heh! Ano'ng trust ang pinagsasabi mo diyan, Rhoda? Huwag mo kaming igaya sa inyo ni Jestoni mo," saway ni Divina.
"Ano ba talaga ang real score ninyo?" tanong ni Ann. Pareho niyang kaibigan ang dalawa kaya masaya siya kung sila na nga talaga. Parehong natahimik ang dalawa.
"We're friends," si Divina na ang sumagot dahil mukhang walang balak na umamin si Christian.
"Sa tambayan lang kami Divina kung isauli ka na ni Christian," ani Ann. Ayaw niyang piliting umamin ang mga ito.
Sa Robinson siya dinala ni Christian para kumain sa Chowking.
Si Christian na ang nag-order. Walang kibuan silang kumakain. Kapwa pinapakiramdaman ang galaw ng bawat isa.
"Mahal mo ba ako, Christian?" si Divina na ang bumasag na katahimikan. Tumigil ito at sinalubong ang kaniyang mga mata.
"Lahat naman ng sinabi ko sa iyo sa Barcelona ay totoo, 'di ba?"
"A simple yes or no ang kailangan ko." Kanina nang tinanong sila ni Ann, nakaramdam siya ng kakaiba lalo na't hindi kaagad ito umamin.
"Yes, mahal kita." Pag-amin nito nang pag-aralan niya ang mga mata nito ay parang may iba. Unlike noong nasa Barcelona pa sila.
"Then why do I feel as if you don't?" usal niya at nilaro ang chopstick.
"Mahal kita. Tapusin mo na ang pagkain, babalik na tayo sa paaralan. May meeting pa kami ng mga brod ko," matamlay na wika ng binata.
"Okay..."
Hindi na siya nagpahatid kay Christian. Bumalik siya sa school na mag-isa. Sa labas ng tambayan ay nakita niya sina Cheska at Oliver na parang may tinitingnan sa cellphone.
"Tingnan mo, ang cute ni Mandy dito." Nakangiting wika ni Oliver. Noong pumunta sila sa mansion ay kinunan niya ito ng litrato.
"Mabuti na lang dahil hindi sa 'yo nagmana ang anak natin, noh?" wika ni Cheska habang nakatingin sa cellphone nito. Pumasok na si Divina sa loob.
"Nahiya naman ako sa mukha ng kapatid mo," napipikong sagot ni Oliver. Siguro noong buntis ito ay si Dylan ang palaging iniisip niya kaya naging kamukha ito ni Mandy.  "Bakit ba kasi si Dylan ang palagi mong iniisip noon?" naiinis talaga siya.
"Wow! Alangan naman ikaw ang isipin ko? E hindi ko nga alam ang adik na pagmumukha mo!"
"Makaadik ka naman! Pero pustahan, ang mainit na katawan ko ang palaging iniisip mo," tukso nito.
"Kapal mo! Si Kuya ang iniisip ko," depensa ni Cheska.
"Oo na. Si Dylan ang iniisip mo pero ako ang hanap ng katawan mo," natahimik si Cheska. Hindi lang niya alam kung tama ito o mali. Basta ang natatandaan lang niya ay paulit-ukit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila noon. Kahit na lasing siya ay natatandaan pa rin niya ang init ng katawan nito.
"P'wede naman nating gawin ulit iyon mamaya, honey." Bulong ni Oliver. May dumaan kasing magbarkada.
"Heh!" Tinalikuran niya ito at pumasok sa loob tapos ibinagsak pasara ang pinto. Sabay namang napatingin ang mag-asawa na nakaupo at kumakain.
"Trip niyo?" hindi kasi niya alam kung ano ang kinakain ng mga ito.
"Wala naman. Gusto mo?" alok ni Dylan.
"Ayoko nga!" Parang sliced oranges lang naman ang laman ng box.
"Ang weird ninyong mag-asawa," pagsisinuplada niya. Hindi pa rin siya maka get over sa pagkapahiya kay Oliver.
"Sabing akin lang 'yon, e!" Lahat sila ay napatingin kay Ann nang naiinis na itinapon ang kinakain.
"Sorry, baby. Hindi mo naman sinabing gusto mo pala 'yon," natarantang sabi ni Dylan. Kinain kasi niya ang nasa dulong linya ng orange, e ang sabi ni Ann, sa kaniya raw iyon.
"Wala na! Ayoko nang kumain." Nakasimangot na sabi niya. Gusto talaga niya 'yung nasa dulo ng tupperware na hawak ng asawa pero kinain nito kaya naasar siya. Alam niyang mali pero hindi lang niya mapigilan ang sarili. Dagdagan pa ng amoy ng asawa kaya gusto niyang magwala.
"Alam mo bang masama ang magtapon ng pagkain?" hindi na napigilan ni Cheska ang makialam. Marami-rami rin kasi ang mga brod ni Dylan dito. "Ikaw na buntis ka, napakaabuso mo na, a! Hindi ba't pinagsabihan na kita? Hindi naman tamang ipahiya mo ang asawa mo sa harap ng maraming tao! Matuto kang ilagay sa tama 'yang pag-uugali mo!"
"Princess..." saway ni Dylan.
"Hindi kuya, e. Sumusobra na siya! Paminsan-minsan, matuto ka namang humindi sa kaniya. Huwag mong masyadong i-spoiled 'yang asawa mo! Naging bastos na, e." Tumaas ang boses ni Cheska. Sa sobrang inis ay lumabas na siya na agad namang sinundan ni Oliver.
"Pasensiya ka na kay Cheska," baling ni Dylan. Tahimik lang si Ann. Pinipilit niyang huwag umiyak. Tumayo siya at tumakbo sa kwarto na sinundan ni Dylan.
"Baby, huwag mo nang dibdibin ang sinabi ni Cheska. Naiintindihan naman kita," malumanay na wika niya saka niyakap ito.
"A-Ang sama ko na. Ang s-sama, sama ko na..." luhaang sabi niya. Nagi-guilty siya.
"Hushh... Hindi totoo iyan. Buntis ka lang," iniharap siya ni Dylan at pinahidan ang mga luha niya.
"Kahit ikaw ang pinakamasamang nilalang, mamahalin pa rin kita." Pag-aalo niya rito.
"S-Sorry, h-hindi ko lang talaga m-mapigilan," parang batang sumbong niya. Sinusubukan naman niya pero may mga times talaga na naiinis siya.
"Wala iyon. Tahan na... Hindi nakakabuti sa inyo ni Baby," hinalikan niya ito sa noo, sa ilong at sa labi sana pero umiwas si Ann.
"Galit si Cheska..." nag-aalalang wika niya.
"Wala iyon. Magiging okay din kayo," saka pinahidan ulit ang mga luha ng asawa hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak.
Nang mag-uwian na ay nagulat silang lahat dahil sa nakapaskil sa bawat sulok ng school campus. Puro invitation sa kasal nina Oliver at Cheska.
"Hala, magkapatid sina Dylan at Cheska? Akala ko ba, may anak sila?" nagtatakang tanong ng mag estudyante.
"Grabe, pakulo lang ng pamilya ang tungkol kina Dylan. Ang totoo ay isa talaga itong Lacson. Baka sinusubukan lang nila ang mga estudyante rito? Social experiment ba." saad ng bakla. Napanood kasi niya sa youtube na ang mga mayayaman ay nagpapanggap na mahirap.
"Oo nga. Grabe, ang galing ng arte nila. Baka inilihim talaga nila na may kapatid si Dylan sa ibang bansa." Sang-ayon ng isa.
Hinila na ni Dylan si Ann patungo sa sasakyan. Pagdating ng mansion ay nagpahinga muna si Ann. Alas singko palang naman ng hapon.
"Gisingin kita kapag dinner na," sabi ni Dylan.
Nagising si Ann dahil sa tunog ng cellphone. Si Yna ang tumatawag. Nag-usap muna silang magkapatid at nang matapos ay saka niya napansing wala si Dylan sa loob ng kwarto. Dali-dali siyang bumaba pero wala ito sa sala. Sa kusina ay wala rin kaya lumabas siya sa swimming pool. Walang katao-tao.
"Ma'am, may hinahanap po kayo?" nakasalubong niya ang katulong sa pasilyo.
"M-anang, si Dylan po?" kinakabahang tanong niya.
"Nasa library kanina," magalang na sagot nito. Tumakbo siya paakyat pero pagdating sa library ay nadismaya siya nang wala ang asawa.
Pumunta siya sa kwarto nina Patch. "Lola!" tawag niya habang kumakatok.
"O, ano'ng problema mo?" nagtatakang tanong ni Patch. Namumula kasi ang mga mata nito.
"S-Si Dylan po?"
"Umalis," simpleng sagot ng matanda.
"Umalis? S-Saan po nagpunta?"
"Sumama sa walang silbi niyang lolo." walang ganang sagot ni Patch.
"Babalik pa ba sina Lolo Lee?" natatakot siya. Baka sinunod nito an payo ni Cheska na iwan siya.
"Sana huwag na ngang umuwi ang matandang iyon. Bakit ganiyan ang mukha mo?" bahagyang napakunot ang noo ni Patch.
"Huhuhu... Iniwan na ako ni D-Dylan... H-Hindi na niya ako babalikan," pinahidan niya ang mga luha.
"Ay, na bata 'to. Tumigil ka nga sa kakaiyak. Babalik 'yon kapag mainip na. Baka nextweek," saway ni Patch.
"Iiwan na po niya ako..." wala sa sariling sambit niya saka napaupo na sa kakaiyak. Wala na siyang Dylan na aawayin at mag-aalo sa kaniya. Wala na siyang Dylan na katabi sa pagtulog.
"Naku, lintik! Huwag ka ngang ganiyan. Maupo ka nga muna. 'Yung apo ko, baka mapano." Natarantang sabi ni Patch. Sakto namang napadaan ang isang katulong.
"Tawagan mo nag si Dylan. Sabihin mong umuwi na." Utos ni Patch. Gamit ang landline ay tinawagan naman ng katulong.
"Tama na. My ghad! Huwag ka ngang O.A diyan. Babalik ang asawa mo. Ayaw mo kasing makipag ano sa kaniya," makahulugang sabi niya. Nakausap niya kanina si Cheska at sinumbong sa kaniya ang nangyari. Naaawa rin siya sa apo dahil alam niya ang hinahanap nito.
"Sana man lang, bigyan mo rin ng pakunswelo ang apo ko sa lahat ng ginagawa niya sa 'yo araw-araw." Napayuko si Ann pero patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Tama na. Bumili lang ng buko ang asawa mo, kasama si Alex." Pag-amin ni Patch. Baka kasi maghanap na naman ito dahil ubos na pala ang buko juice niya. Iyak pa rin ito nang iyak.
"Ann..." Natarantang sabi ni Dylan nang pumasok sa kwarto.
"B-Bhe..." Luhaang sambit niya at tumayo saka mahigpit na niyakap ang asawa.
"Hey, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni Dylan.
"Huhuhu... Bumalik ka," masayang sabi ni Ann.
"Bakit? Wala naman akong ibang pupuntahan..." nagtatakang tanong ni Dylan. "Tara na sa kwarto..." Hinila na niya ito. Tahimik lang si Ann na nakaupo sa kama. Okay na siya pero ayaw niyang umalis si Dylan sa tabi niya kaya nagpadala na lang sila ng pagkain sa kwarto. Matapos kumain ay naunang naligo si Dylan. Pinakuha naman ni Ann ang kinainan sa katulong.
Napaupo si Dylan sa kama habang hinihintay na lumabas ang asawa sa shower room. Naguguluhan siya sa ikinilos nito kanina. Ayaw namang magsalita nito. Binuksan niya ang sliding door ng kwarto para makapasok ang preskong hangin.
"Baby," sambit niya nang lumapit ang asawa na nakatitig sa kaniya.
"Dylan..." nakatingala si Ann sa kaniya.
"Bakit?" napangiti siya nang matamis na ngumiti ang asawa. Namumula pa ang pisngi nito at parang may sasabihin sa kaniya.
"W-Wala..." Tatalikod na sana ito pero napigilan niya sa braso.
"Bakit nga? Sabihin mo na," napangiti na siya. Para silang mga teenager na ayaw mag-aminan. Tahimik lang si Ann. Kinakabahan siya na nahihiya.
"What?" natawang tanong ni Dylan. Alam niyang may sasabihin ang asawa.
"K-Kwan..." Tinitigan siya ni Ann. Pareho pa silang napangiti nang nagkasalubong ang kanilang mga mata.
"What is it? Sabihin mo na, baby. Huwag kang mahiya," pinisil ni Dylan ang hawak niyang kamay nito.
Tumingkayad si Ann at hinalikan siya sa mga labi.
Nagulat siya sa ginawa ng asawa lalo na nang ipinalupot nito ang mga kamay sa leeg niya. Nang hindi makatiis ay hinapit niya ito sa bewang at siniil ng halik. Namimiss niya ang asawa. Sobrang namimiss niya kaya walang pakundangang hinubat niya ang mga damit nito. Pareho lang silang nagmamadaling naghubad. Kahit si Ann ay tinulungan na siyang hubarin ang boxer shorts niya.
Maingat na inihiga niya ito sa kama habang nakahiyang pa rin ang mga labi nila.
"I miss you," bulong ni Dylan habang naglalakbay ang mga kamay sa buong katawan ng asawa.
"I missed you too..." Napaliyad si Ann dulot ng mainit na haplos nito. Mayamaya pa ay pawang mga ungol na ang maririnig sa bawat sulok ng silid.
---------
"I am so proud of you, apo." sambit ni Patch.
"Ano'ng ginagawa mo rito Patch?" papunta na si Lee sa kwarto nila nang mapansing nasa labas si Patch ng kwarto nina Dylan at idinikit pa ang tainga sa pinto.
"Wala!" Padabog na nagmartsa si Patch papunta sa kwarto nila. Hanggang ngayon, galit pa rin siya kay Lee!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon