13

1.2K 57 0
                                    

FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 13

"Ann? Dapat ba pinapaburp sila pagkatapos
dumede?" tanong ni Dylan.
"Oo." sagot ni Ann habang nagpapalit ng
diaper ni John Matthew pero hindi niya
matapos tapos dahil gumagapang si L.L.
"Dylan, pakikuha muna si L.L. Hindi ko
matapos-tapos itong ginagawa ko, eh."
"Halika rito, baby." Binuhat ni Dylan ang
anak at itinaas taas sa ere para laruin. Ang
lakas naman ng tawa ng sanggol. "Gusto mo
'to?" mas lalo pa itong humalakhak.
Napangiti si Ann nang marinig ang tawanan
ng mag-ama niya.
"Itatapon kita sa bintana?" napatigil si Ann
sa sinabi ng asawa. Kahit si L.L ay tumahimik
din at nakatitig lang sa mukha ng ama na
tila ba naiintindihan nito ang sinasabi. "Biro
lang baby," sabay bawi ni Dylan at muling
nilaro ang anak.
"Isa pang biro at ikaw ang itatapon ko!"
nakasalubong ang mga kilay na pagbabanta
ni Ann at kinurot ito sa tagiliran.
"Biro lang, baby. Ang cute mong magalit,"
natatawang sabi ni Dylan. "As if na kaya ko
namang gawin iyon sa mga anak natin."
"Alam mo namang sensitive ang mga bata
kahit na hindi pa sila nakakaintindi!"
"Biro lang talaga 'yon. Magbihis ka na para
sabay tayong pumasok," ani Dylan.
"Himala. Sabay tayong papasok ngayon?"
"Oo naman. Ayaw mo?"
"Gusto. Sige na, ligo muna ako."
"Sabay na tayo?" nakangiting tanong ni
Dylan.
"Nakatatlo ka na kagabi. Pahingain mo
naman ako!"
"Kung puwede nga lang na huwag ka nang
magpahinga," mahinang wika ni Dylan.
"ANO?"
"W-Wala. Maligo ka na, baby. Baka
magpumilit akong sabayan ka. Sige ka..."
Pagkatapos niyang mag shower ay isinuot
niya ang roba at lumabas. Wala na ang mga
bata dahil kinuha ng mga yaya habang
naliligo siya. Lumapit siya kay Dylan na
tinitingnan ang mga photos sa album. Naku-
curious siya dahil nakangiti ito.
"Ano ang tinitingnan mo?"
"Wala naman. Naalala mo pa ba ito?"
ipinakita niya sa asawa ang mga litrato kaya
napangiti ito. Mga pictures nila noong
ikinasal sila. Kahit sa camera, hindi
nakaligtas ang labis na pagmamahal ni Dylan
sa asawa.

"Ann, isa iyan sa pinakamasayang nangyari sa
buhay ko." habang nakatitig sa litratong
hawak na ni Ann.
"Sus, dapat ako nga ang maging masaya
dahil marami ang babaeng nangangarap na
maikasal sa iyo pero ako ang napili mong
iharap sa altar." Tiniklop ni Ann ang album
at humarap sa asawa. "Dylan? Salamat sa
lahat. Sa pagmamahal at sa pagiging
mabuting asawa," hinapit siya ni Dylan sa
bewang saka masuyong hinalikan sa noo.
"Kahit ilang babae pa ang iharap mo sa akin,
ikaw lang ang mamahalin ko. Tandaan mo
iyan," napalunok siya ng laway nang
bahagyang natanggal ang tali ng roba nito.
"Magbihis ka na. Hintayin kita sa baba,"
kumalas siya sa pagkakayakap at lumabas na
sa kuwarto.
Sabay silang pumasok sa paaralan. Inihatid
muna siya ni Dylan bago ito pumunta sa
opisina.
"Ang aga naman yata ni Dylan?" tanong ni
Divina nang maupo siya sa tabi nito.
"Pupunta pa siya sa opisina. May pipirmahan
lang tapos balik din kaagad dito," sagot ni
Ann.
"Hindi ka na talaga bumalik sa opisina niya?"
napasimangot si Ann sa tanong nito.
"Huwag mo na ngang ipaalala sa akin ang
tungkol sa opisina nila!" Hindi niya
makakalimutan ang mga nangyari sa kaniya
noon. Sobrang napahiya talaga siya sa mga
empleyado ni Dylan lalo na't napagkamalan
siyang katulong.
"Alam mo, kung ako sa iyo, paminsan-
minsan, bisitahin mo rin ang asawa mo.
Madalas na ang pagtungo niya sa opisina ah.
Kulang na lang sigurong doon na siya titira."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Alam mo na, kapag wala ang pusa,
naglalaro ang mga daga." Makahulugang
sagot ni Divina kaya napaisip si Ann.
"Kung ako sa iyo, bantayan mo ang asawa
mo. Alam naman nating mahal ka ni Dylan
pero 'wag kang masyadong makampante.
Ang ahas, walang pinipiling panahon at lugar
iyan."
"Pero may tiwala ako kay Dylan. Hindi niya
magagawang lokohin ako," ani Ann.
Sigurado siyang mabuting asawa si Dylan.
"Pero hindi ba, ang ahas, nanunuklaw nang
hindi natin nalalaman?" biglang kinabahan si
Ann lalo na nang maalala ang mga babae na
nasa opisina. Mga magaganda at mayayaman
ang mga ito.
"Huwag mo ngang bilugin ang ulo ni Ann.
Baka mamaya, umpisa pa iyan ng away
nilang mag-asawa." Saway ni Christian at
naupo silyang nasa likuran nila.
"Wala naman akong sinasabi. Ang akin lang
naman, ang mga possibilities lang naman.
Mahirap na. Ikaw nga, ang dami ring ahas sa
paligid mo!" Depensa ni Divina.
"Hindi naman ako nagpapatuklaw! Isa pa,
mas maganda ka sa kanila."
"Sige, bolahin mo ako, Christian!"
"Tamang hinala ka talaga!" Napakamot na
lang sa ulo ang binata.
"Bakit kayong mga babae, hindi pa nga
namin ginagawa, sa inyo, tapos na!"
"Bakit? Totoo naman!" Pakikipagtalo ni
Divina.
"Tama na nga 'yan." Saway ni Ann sa
magkasintahan. "Basta ako, hindi ako
naniniwalang lolokohin ako ng asawa ko."
"Tama, Ann. Dapat kasi, sinagot mo na lang
ako noon para ako na lang ang lalaking
masuwerte." Nakangiting sabi ni Christian.
"So? Malas ka pala sa akin?" sabay hampas
ni Divina sa balikat nito.
"Siyempre masuwerte pa rin ako sa iyo,"
Pagmamalaki ni Christian saka inakbayan ito
at panakaw na hinalikan sa pisngi.
"Lumayo ka nga sa akin!"
Buong araw na busy sila sa klase. Pagka
lunch time ay naunang lumabas sina Divina't
Christian dahil dumating daw ang mommy ni
Christian galing Thailand kaya sabay na
silang mananghalian.
Napapaisip si Ann tungkol sa sinabi ni Divina
habang naglalakad. Masyado na ngang busy
ang asawa sa opisina. Kahit na hindi office
hour ay agad itong pumupunta roon. Mas
marami pa nga ang iginugugol nitong oras
sa opisina kaysa sa kanila ng mga anak niya.
May mga times na hating-gabi na ito
umuuwi kaya tulog na siya. Ang sabi lang
nito ay over time.
"Salamat sa papicture!" napukaw siya sa
pag-iisip nang marinig ang kinikilig na boses
ng babae.
"Wala iyon," bumilis ang tibok ng puso ni
Ann nang makita ang asawa habang kasama
ang limang babae sa hallway na
nagpapapicture sa kaniya.
Tumigil siya at nakamasid lang sa mga ito.
Alam naman ng lahat sa campus na kasal na
sila pero hindi maiwasang may iilan pa ring
humahang kay Dylan lalo na ang mga first
year o tranferees.
"Sige na, nandiyan na pala ang asawa ko."
Paalam ni Dylan sa mga ito at ngumiti nang
makita si Ann.
"Ay, sayang!" Nanghihinayang na sabi ng isa
kaya uminit bigla ang ulo ni Ann.
"Baby!" Tawag ni Dylan habang palapit sa
kaniya.
"Oh, bakit iniwan mo sila?" pagsisinuplada
ni Ann at tinalikuran ito.
"Siyempre nakita kita!" Nilakihan ni Dylan
ang hakbang para maabutan ang asawa.
"So? Kung hindi mo ako nakita, hindi ka
aalis sa kanila?" tumigil si Ann sa paglalakad
saka hinarap ito. "Ano?"
"Siyempre aalis. Nahihiya lang akong
tumanggi dahil baka isipin nila, ang bastos
ko."
"Ah, hindi bat kabastusan ang iwan sila?"
nakapamewang na sagot ni Ann.
"Hindi naman. Siyempre, asawa kita. Mas
importante ka kaysa sa kani-- teka lang."
kumunot ang noo ni Dylan. Umarko ang
kanang kilay nito at nakangiting tumitig sa
asawa.
"Ano ka?" nagkasalubong ang mga kilay ni
Ann.
"Nagseselos ka noh?" todo ngisi si Dylan at
mas inilapit ang katawan sa asawa.
"Hindi, ah." Todo tanggi ni Ann.
"Kitang kita sa mukha mo. Lumalaki ang
butas ng ilong mo, oh. Uy, nagseselos ang
baby ko." Tukso niya saka mas lalong
lumapad ang mga ngiti nang namula ang
mukha pati talaga ni Ann. Hindi na talaga
naipinta ang mukha nito.
"Oo na. Pero baby? Ang cute mong
magselos." Hinawakan niya ang kamay nito
at hinila papunta sa cafeteria.
"Hindi nga ako nagseselos!" Giit ni Ann.
"Sige na nga. Hindi na." Inakbayan siya ni
Dylan at ginulo ang buhok.
"Ano ba? Ginagawa mo naman akong bata!"
Reklamo ni Ann at inayos ang magulong
buhok.
"E baby naman talaga kita." Bulong ni Dylan
nang makasalubong ang maraming
estudyante na kakalabas lang sa classroom.
"Lumayo ka nga sa akin. Baka isipin nila na
yaya mo ako." Sabay tulak ni Ann na
ikinatawa lang ng asawa.
"Alam mo, baby? Gusto ko 'yan." Pati mata
ni Dylan ang ngumingiti na.
"Gusto ang ano?" galit na tanong ni Ann
nang lumampas na sila sa maraming
estudyante.
"Na paminsan-minsan, magselos ka naman."
"HINDI NGA AKO NAGSESELOS!" Singhal ni
Ann na ikinalingon ng mga estudyante.
"Biro lang." Bawi ni Dylan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon