58-59

2.2K 81 3
                                    



FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 58-59

Unedited...
"May problema ka ba anak?" tanong ni Georgina kay Cheska. Hindi ito pumasok ngayong araw. Napansin niya ang pagkatamlay nito. Hindi ito kumain ng breakfast at lunch at ngayong alas tres ng hapon lang ito lumabas ng kwarto.
"Nothing. I only wanted to be alone, Mom."
"Is it tungkol sa paglipat mo ng bahay?" malumanay na tanong niya sa anak. Nalulungkot siya dahil bukas ay lilipat na si Cheska sa mansion ng tunay na magulang. Alam naman niyang pinahiram lang siya ng nasa itaas para maramdaman din niya kung ano ang pakiramdam na may anak. Hindi nila ito pagmamay-ari kaya kailangan na niyang isauli.
"Mommy! Wala iyon. Isa pa, 'wag ka nang malungkot. You will always be my mommy. Hindi na po mababago iyon. Masaya po ako dahil kahit hindi mo ako tunay na anak ay higit pa roon ang ipinakita at ipinaramdam mo sa akin," isang matamis na ngiti ang itinugon niya sa kinilalang ina. Hindi sumama ang loob niya rito.
"Mom, hindi naman po ako nawalan dahil alam kong nandiyan ka pa rin... Kayo ni Tito Gab. Mahal ko kayo. Hindi ako nabawasan kundi mas lalong nadagdagan pa ang pamilya ko."
"Salamat Cheska," masaya si Georgina dahil kahit paano ay malawak ang pag-iisip ng anak. Kahit ang mga Lacson ay hindi rin sila sinampahan ng kaso. Mas nagpasalamat pa nga sila dahil iniligtas nila ang buhay ni Cheska. Mahirap pa naman kalabanin ang mga ito. "Si Mandy, alam na ba ninyo kung sino ang tunay niyang ama?" ipinaalam na ng dalaga sa kanila ang tunay na nangyari.
"H-Hindi pa p-po," umiwas siya ng tingin sa ina. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipaalam ang tunay na ama ni Mandy. Lahat na naman ng dugo ay umakyat sa ulo niya at nakikita sa balintataw ang mukha ni Oliver.
"Excuse me, Mom. Kailangan ko pang
ayusin ang mga gamit ko," paalam niya at tumayo na.
"Sige. If you need my help, do not hesitate to call me. My time is always free for you."
"Mom, dito lang din naman ako sa Pinas. Kahit everyday pa tayong magkikita ay p'wede." Nag decide na ang mga ito na dito na sa Pilipinas manirahan para makabawi naman daw si Gab kay Divina.
"Okay. Sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo. Alam ko namang excited ka nang makasama ang parents mo," pumanhik na ang dalaga sa kwarto niya.
Pumasok muna siya sa CR at naligo. Paglabas niya ay siya namang tumunog ang cellphone. At first ay nagdududa pa siya kung sasagutin ang caller dahil hindi niya kilala ang number pero naisip niya na baka ang mga magulang ito.
"Yes?"-siya.
"Akala ko, hindi mo na sasagutin ang tawag ko?"
"What the fuck! Saan mo nakuha ang number ko?" singhal niya. Mas nainis pa siya nang marinig ang mahinang pag chuckle ng binata.
"Honey naman, relax! Baka malaglag si Baby?"
"Letse! Baby mo mukha mo!"
"Hehehe shooter ako, 'di ba? Malay mo--" pinatay na niya ang cellphone at itinapon sa ibabaw ng kama. Tumunog naman ito muli pero hindi na niya tiningnan pa.
"Ang kapal ng rapist na iyon! Mapagsamantala talaga!" Pabalik-balik siya sa loob ng kwarto. Kinakagat niya pa ang hinlalako dahil nate-tense siya. Paano kung malaman nina Patch ang lahat?
"No. Hindi p'wede!" Lahat ay gagawin niya para hindi lumusot sa pamilya niya ang balita.
Kinuha niya ang pouch at bumaba. Pupunta siya sa kapatid niya. Pagbaba niya ay wala si Georgina.
"Manang, please tell Mommy na pupunta lang ako kina Kuya." Paalam niya sa katulong na nasa hardin.
"Opo, Ma'am."
Sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa condo nina Dylan. Nasa unit na raw ang mga ito kaninang tumawag siya.
Pagdating doon ay nakailang pindot pa siya bago pagbuksan ni Dylan.
"Bakit ang tagal mong magbukas, Kuya?" nakasimangot na tanong niya.
Nakita niya si Ann na nakatulala sa isang sulok.
"Problema no'n?" sabay nguso niya.
"W-Wala. May iniisip lang," napataas ang kilay niya sa sagot ng kapatid. "Bakit napadpad ka?"
"Ayaw mo ba? Storbo ba ako?" nakalabing tanong niya.
"Hindi, a. Loko ka. May problema ka ba?" tanong ni Dylan. Hindi tama ang pagpunta ni Cheska dahil nag-aaway sila ni Ann kanina pa.
"K-Kuya, kapag ba malaman nina Lola kung sino ang tunay na ama ni Mandy, ano sa tingin mo ang gagawin nila?" naalala niya ang narinig kahapon. Sa nakikita niya ay wala itong balak na ipaalam sa kanila.
"Hindi ko rin alam..." sagot niya. Ayaw niyang pangunahan ang pamilya pero sigurado siyang kasal agad ang unang papasok sa utak ng lola.
"Dylan..." pareho silang napalingon kay Ann na ngayon ay parang batang pulubi ang mukha na ewan.
"Punta tayo sa man--"
"HINDI P'WEDE!' Mabilis na sagot niya. Kanina pa sila nagpipilitan sa nais nito. Nagitla naman ang asawa. Malungkot na nakatitig lang ito sa kaniya.
"Ann please, sa susunod na araw na lang. Marami pa akong gagawin mamaya," desperadong sagot niya. He hates to shout at her pero napipikon na siya.
"I hate you!" Singhal ni Ann saka tumayo at naglakad patungo sa kwarto.
"I know!" Pahabol niya.
"Mukhang may problema ata kayo? Alis na ako, Kuya. Pupunta pa ako Sa mall para bumili ng gatas ni Mandy," paalam niya.
"Pasensiya ka na. Mainit lang talaga ang ulo ko," paumanhin niya.
"It's okay."
Pagkalabas ng kapatid ay sinundan niya ang asawa sa kwarto.
"Damn! Ann, open this door!" Sigaw niya habang pilit na binubuksan ang seradurang naka lock. Nang hindi pa rin binubuksan ang pinto ay kinuha na niya ang duplicate sa kabilang kwarto.
"Baby!" Bulalas niya nang makita itong dumuduwal sa CR.
"Umalis ka!" Saway ni Ann habang tumutulo ang laway sa inodoro.
"Okay ka lang? D-Dalhin kita sa hospital," natarantang tanong niya.
"Ayoko!" Finlush niya ang toilet at tumayo saka nagmumog.
"P-Pero nasusuka ka na. Bakamay masamang mangyari sa inyo ni Baby," sinundan niya ang asawa sa kama.
"Gusto kong pumunta sa MANSION! GUSTO KO! GUSTO KO! At GUSTO KO!" Malakas na sigaw ni Ann. Pumikit si Dylan para hindi niya masigawan ang asawa.
"Baby... Hindi nga p'wede," mahinahong sagot niya.
"Huhuhu ang sama mo!" Padapang nahiga ito at isinubsob ang mukha sa unan habang umiiyak.
"K-Kung ano ang masamang m-mangyari sa akin, h-hindi kita mapapatawad, Dylan!"
Naguguluhan siya sa nangyayari. "Bakit ba kasi gusto mong pumunta roon? E alam mo namang ayoko!" Nag-aalala siya. Mas lalong naging tama ang hinala niyang may gusto ito sa pinsan niya kaya sobrang nabahala siya. Nasasaktan siya sa inaasal ng talaga.
"D-Dahil nando'n si Alex. Huhuhu... G-Gusto kong makita si Alex!" Napanganga siya sa sagot nito.
"Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Hindi maari dahil nandito naman ako! Ako ang asawa mo! For christ's sake naman, Ann!"
"Gusto ko si Alex! Si Alex at si Alex!" Naupo ito. Pulang pula na ang mga mata.
"AYOKO! Kumain na nga tayo!" Pagmamatigas niya.
"G-Gusto kong pumunta sa mansion... Bwuak..." Hindi na nito napigilan at sumuka na sa sahig.
"Baby... Teka, t-tubig." Hinimas niya ang likod ng asawa.
"P-Please, Dylan. N-Nakikiusap ako, g-gusto kong makita si Alex. Huhuhu..." Napaupo na ito sa sahig. Pulang pula ang mga mata at gulong-gulo ang buhok.
"Fine!" Wala na siyang choice.
"Yehey!" Niyakap siya ng asawa sa sobrang tuwa.
"Shit ka, Alex!" Bulong ni Dylan. Galit na galit na talaga siya sa pinsan. At the same time ay labis na nasasaktan. Nababahala siya na baka iiwan na ng asawa dahil kulang na lang ay bubukaka ito sa pinsan niya.
Pinasuot niya ng sweater ang asawa bago pumunta sa mansion. Magtatakip silim na nang makarating sila. Kakapark lang ni Dylan nang mabilis na bumaba ang asawa at patakbong lumapit kina Patch na nasa labas at nag-uusap sa gilid ng pool.
"Alex!" Tawag ni Ann nang makitang palabas ang binata sa mansion.
"Hey..." Nagtatakang wika niya nang mahigpit siya nitong niyakap.
"I miss you," bulong ni Ann at inamoy amoy pa ang binata pero may humila na sa kamay niyang nakapulupot sa bewang nito.
"Dahan-dahan ka nga, Ann!" Nakasalubong na ang kilay ni Dylan.
"Lumayo ka nga sa akin, Dylan! Ayoko ng amoy mo!" Singhal ng asawa. Yayakap pa sana ito kay Alex pero mahigpit na hinawakan na ng asawa sa braso.
"Ano'ng ayaw mo? Ikaw ang pumili nito. Lumayo ka nga sa asawa ko! Gusto mo naman, e!" Napailing si Dylan. Nagtataka na talaga siya sa ikinikilos ng asawa.
"Patay ka! Ako ang pinaglilihian ng asawa mo. Hahaha..." Natigilan siya at napatingin sa lolo't lola na nakaupo.
"Naku! Naglilihi lang ang asawa mo, Hijo." Sabat ni Patch. "Dapat lalaki 'yan, ha." Excited na si Patch sa magiging apo.
"Bakit kay Alex?" naguguluhang tanong niya at tumingin sa asawang nakatulala sa pinsan. "Baby, ayaw mo ba ng mangga?" umiling si Ann.
"Santol? Singkamatas?" sunod-sunod na umiling ito.
"Kamatis? Mas masarap iyon at healthy pa." Umiling ito muli.
"Damn! Saging?" giit niya.
"Ayaw!" Nanlulumo na siya. Mukhang ang pinsan na nga talaga niya ang kailangan ng asawa.
"Baby naman. Bakit siya? Nandito naman ako." Blangko ang mukha ni Ann kaya niyakap na lang niya ito.
"Ayoko talaga ng amoy mo! Nasusuka ako," sabay tulak ni Ann.
"Ako na lang muna ang papalit sa 'yo, 'Insan. Ako na ang tatabi sa kaniya para sa baby ninyo?" todo ngisi ni Alex. "Ganito talaga kapag gwapo," nagpogi sign pa ito sa ilalim ng baba.
"Shutup!" Singhal niya na mas ikinatawa ng pinsan.
Naglakad si Ann at naupo sa tabi ni Alex. "Dylan, tama ba ang sinabi ng daddy mo na ang kaibigan mo ang ama ng apo ko kay Cheska?" pangungumpirma ni Patch.
"Yes, Lola." Naupo siya sa kaliwang bahagi ng asawa para nasa gitna nila ito ni Alex.
"Gano'n ba? Ano ba ang address ng lalaking iyon?" sa tono ng pananalita ni Patch ay mukhang may binabalak itong hindi ka nais-nais. "Alam naman pala niyang siya ang ama tapos hindi pa ako kinakausap o kahit si De-- Regine man lang?" nakasalubong ang kilay niya. Pinakaayaw niya ay ang iresponsableng lalaki lalo na sa mga anak. Galit siya sa mga lalaking hindi man lang sinusuportahan at kinakamusta ang mga anak nila lalo na kapag unahin pa ang babae nito kesa sa sariling pamilya.
"Baka humahanap lang po ng buwelo, Lola." sabat ni Alex. Kung siya ang lalaki at malalaman niyang si Patch ang lola ng napupusuan niya ay baka uurong din siya. May pagka tigre kasi ang ugali nito.
"Kahit na! Kapag mahal mo ang pamilya mo, hindi ka na magdadalawang isip pa kahit na sino pa ang mabangga mo para lang makasama ang mag-ina mo. Hindi p'wedeng kantot tapos 'pag mabuntis, iwan na. Ano'ng akala niya sa apo ko? Tae na kapag matapos ma flush sa inodoro ay pandirian at iiwan? Gago 'yon, a!" Galit na wika niya.
"Patch, ang bunganga mo, Wifey!" Saway ni Lee. Wala na kasing preno ang asawa.
"Isa ka pa! Tutal, wala ka namang silbi na asawa, sa labas ka na naman matulog!" Galit siya kay Lee. Dalawang araw na niya itong pinapatulog sa baba ng kama.
"Lola, alam niyo na po ba kung sino ang may kagagawan ng DNA result?" tanong ni Dylan.
"Hindi ba't sabi ko, ako na ang bahala sa walang kwentang taong iyon? Huwag kayong mag-alala. Pa unti-unting pagbabayaran ng hayop na taong iyon ang kababuyang ginawa niya!" Matapang na sagot ni Patch.
"Hija, huwag mo namang masyadong saktan ang damdamin ng apo ko..." Saway niya kay Ann na ngayon ay nakahawak na sa kamay ni Alex. Pasimple namang tinanggal ito ni Ann. "Naintindihan naman kita dahil gano'n talaga ang nagbubuntis pero kontrolin mo ang sarili mo dahil may asawa kang tao. Isipin mo rin ang damdamin ng asawa mo," pagbibigay payo niya.
"Opo, Lola." Nahihiyang sagot ni Ann.
"Kita mo, mali talaga ang ginagawa mo." Nakasimangot na wika ni Dylan sa asawa.
"Ikaw naman. Alam mong buntis ang asawa mo kaya intindihin mo rin siya dahil hindi rin niya 'yan mapipigilan ang sarili minsan. Habaan mo pa ang pasensiya dahil titigil din ang inaasal niyang ganiyan," napakamot na lang si Dylan sa ulo.
"At ikaw Alex, isipin mo rin ang pinsan mo. Wag mong samantalahin ang sitwasyon nila. Bawal ang tuhog-tuhog sa pamilya. Buntis na 'yan, mahiya ka namang tusukin pa!" Gusto mang sumabat ni Lee ay alam niyang hindi siya mananalo kay Patch lalo na sa sitwasyon nila ngayon.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon