76-77

1.9K 68 0
                                    


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 76-77

Unedited...
Isang linggo na ang nakaraan buhat nang muntik nang makidnap si Ann. Tatlong araw din siyang hindi pumasok at binantayan ang kaniyang health condition lalo na ang sanggol na nasa sinapupunan niya.
"Ann, dapat hindi ka na pumasok." Wika ni Divina na palakad sila sa hallway.
"Graduating ko na kaya hindi puwedeng tumigil ako. Nakabantay naman ang tauhan nina Dylan kaya okay lang," napangiti si Divina. Kahit gaano na ka problemado at stress ang sitwasyon ng kaibigan, maganda pa rin ito.
"Hindi ba si Dylan iyon?" turo ni Divina. Nasa second floor ito at nakatingin sa kanila. Kakatapos lang ng swimming class ng mga ito.
"Uy, bantay sarado siya ng asawa." Tukso ni Divina sabay siko sa kaniya. Buhat nang pumasok sila ay minu-minuto ay nakikita niya ang asawa sa hindi kalayuan. Minsan ay ang mga brod nito ang tumitingin sa kaniya.
"Natatakot lang kasi siya na baka may masamang mangyari sa akin," malungkot na sagot niya. Sa tuwing magigising si Dylan na wala siya sa tabi nito, nagpapanic na kaagad ito kaya ang ginagawa ni Ann, hinihintay muna niyang magising bago mag-ayos.
"Sino kaya ang dahilan ng lahat ng ito? Baka iyong nagsabotahe rin ng paternity DNA ni Mandy at Dylan?" usisa ni Divina. Isang malaking palaisipan sa kanila ang mga nangyayari lalo na ang pagkawala ni Oliver. Naupo sila sa bench at nanonood ng nagpapractice sa soccer field.
"Hindi ko alam. Pero sabi ni Lola Patch, siya na raw ang bahala sa DNA test. Ayaw naman niyang ipaalam sa amin kung sino ang may kagagawan no'n dahil ayaw na niyang problemahin namin," ani Ann. "Hindi ba't kilala mo ang papunta rito?" tanong ni Ann sa lalaking papalapit sa kanila.
"Hi, Divina. Puwede ba kitang makausap?" tanong ni Geron.
"Paano ka nakapasok rito?" bawal kasi ang taga ibang paaralan lalo na kapag wala namang activities na gaganapin. Mahigpit din ang seguridad ngayon.
"Sabi ko, mag-i-inquire ako. Isa pa, halos hubaran na ako ng guards bago pa ako nakapasok." Napakamot siya. Mahigpit din ang security ng Westbridge pero mas double naman ang CTU lalo na't nakita niyang marami ang bantay sa labas at may K-9 pa. Nabalitaan niya ang nangyari noong isang linggo kay Ann. Mabilis lang kumalat ang balita lalo na sa kanilang fratmen dahil may iilang nakakita sa nangyari.
"Alis muna ako, friend." Paalam ni Ann nang nakasalubong ang kilay ng asawa na papalapit sa kanila. Nang makita nito si Geron ay mabilis itong bumaba para lapitan ang asawa. O.A na kung O.A pero kailangan niyang makasigurado dahil ano mang oras ay puwedeng sumalakay ang mga kalaban nila.
Naiwan sina Divina at Geron na nakaupo sa bench.
"Bakit napadpad ka rito?"
"Wala lang. Gusto lang kita kausapin tungkol kay Christian," mahinahong wika ni Geron. Mabait ito kay Divina at walang maireklamo ang dalaga sa kaniya. Nitong nakaraang araw ay si Geron ang palaging nandiyan para sa kaniya. Nagpapatawa at napagsabihan niya ng problema.
"What about him?" kung puwede lang ay ayaw na niyang pag-usapan ang kababata. Pagod na siya at kahit masakit, inuunti-unti niyang turuan ang sarili na layuan ito.
"Nag-usap kami kagabi. Pinuntahan niya ako sa bahay. Ang sabi niya, lubayan na raw kita." Naningkit ang mga mata ni Divina sa inis.
"At sino siya para himasukan ang personal kong buhay? Bakit niya pipigilan ang mga taong gusto kong maging kaibigan?" bulalas niya. Pagod na siya kay Christian. All her life ay sa kababata lang umiikot ang buhay niya na hindi naman masaya.
"Sabi niya, hiwalayan na raw kita. Dahil siya ang mahal mo? Nakapagtataka lang dahil wala namang tayo?" napailing si Geron. Hindi niya maisip kung saan ng kaibigan nahagilap ang ideyang magkasintahan sila ni Divina gayong hanggang kaibigan lang ang turing niya sa kababata.
"A-Ano'ng sabi mo?" kinakabahan si Divina. Baka kasi sinabi ni Geron ang totoo kay Christian.
"Ang sabi ko, wala naman tayong relasyon at magkaibigan lang talaga tayo." Nalaglag ang panga ni Divina sa nalaman. Kulang na lang ay ihiling niya na lamunin siya ng lupa. Sinabi pa naman niya kay Christian na sila na ni Geron para na rin ma boost ang ego niya.
"G-Gano'n ba?"
"Oo. O, ayan na pala siya." May iilang babae na nagpapa-picture rito. Lastweek lang ay pinasok na nito ang mundo ng showbiz. Tumanggap ito ng endorsements at nag guest na rin sa sikat na teleserye ngayon kaya mas lalong tumaas ang rating ng nasabing teleserye.
"Naalala mo ba noong birthday ko? Susunduin ko sana si Linette para dumalo pero ayaw niya dahil nagtatampo kaya dumiretso na lang ako sa bahay ninyo," pag-amin ni Geron.
"Sino siya?" napasimangot si Divina nang makitang hinalingan ng barkada nina Nancy si Christian.
"Girlfriend ko. Buntis pala siya kaya masyadong masungit. Aalis na kami bukas. Doon na kami titira sa bahay nila sa Taiwan kaya nagpunta lang ako rito para magpaalam," malungkot na tumingala siya kay Geron. Mawawalan na naman siya ng kaibigan.
"Don't worry, may skype, instagram at viber naman ako." Sabay wink ng binata na ikinangiti ni Divina. Gwapo ito at dati rin niyang crush.
"Akala ko ba, nakaalis ka na?" nakasimangot na wika ni Christian nang nakalapit sa kanila.
"Paalis palang. Nagpaalam lang ako sa kaniya. Ikaw na ang bahala kay Divina, ha. Huwag mo siyang masyadong asarin," bilin ni Geron at tumayo na.
"Oo na. Umalis ka na nga. Pakibilisan!" Pagtataboy ni Christian na ikinatawa ng kababata.
"Oo na. Atat lang? Alis na ako, Divina."
Nasa gate na si Geron kaya naisipan ni Divina na puntahan si Ann.
"Sandali lang!" Pigil ni Christian na hinawakan pa siya sa braso.
"Mag-usap naman tayo, kahit sandali lang," pakiusap nito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa!"
"Meron. Mahal talaga kita at handa akong patunayan iyon," seryosong sabi ni Christian.
"Wala akong pakialam pero hindi na talaga kita mahal at ayoko na!" Nagmahal siya at umaasa pero hindi lahat ng oras ay aasa na lang siya. Marunong din siyang mag move-on at sumuko sa mga bagay-bagay.
"Mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapa sa akin ka!" Mahinang giit ni Christian. "Alam kong mali ang ginawa ko noon pero maniwala ka, nakipaghiwalay na ako kay Precious at hindi na matutuloy ang kasal namin. Kinausap ko na ang parents niya," pangungumbinse ni Christian.
"Wala akong pakialam kung matutuloy ang kasal mo o hindi. Kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na
talaga! Umalis ka sa harapan ko dahil hinding-hindi mo na ako maloloko!" Mas mabuti nang maglagay na siya ng harang laban kay Christian kesa sa masasaktan na naman siya. Sapat na ang pagkadapa niya noon para matuto.
"Hindi naman kita maloloko dahil seryoso talaga ako sa 'yo," muling giit ng binata.
"Umalis ka sa daraanan ko!" Pagtataboy niya nang makita si Ann kasama si Rhodalyn.
"Mapapatunayan ko rin na mahal kita." Wika ni Christian nang lagpasan siya ng dalaga.
"Kapag mapatunayan mo, iyon din siguro ang oras ng kamatayan mo kaya huwag ka nang umasa pa! Masakit ang umasa, doon na ako nanggaling." Walang emosyon na wika ni Divina bago talikuran ang kababata.
"Ann, saan kayo pupunta?" tawag ni Divina sa dalawang kaibigan.
"Uuwi na kami ni Dylan. Wala na tayong pasok," sagot ni Ann.
"Mauna na ako. Ngayon darating ang dad ko," paalam ni Rhodalyn.
"Gusto mong sumabay?" tanong ni Ann sa kaibigan.
"No, thanks." Sagot ni Divina. Sakto namang tumawag ang daddy niya na nasa labas na raw ito ng gate. Mamamasyal sila sa mall.
"Baby, akala ko ba, may practice pa kayo?" nakasakay na sila sa sasakyan ni Dylan.
"Sa bahay na lang mamaya para makapagpahinga ka na," pinaandar na nito ang sasakyan palabas ng paaralan. Pagdating sa bahay ay lumabas si Dylan bitbit ang bola.
Naglalaro siya ng basketball sa likod-bahay nang bumaba si Ann kaya napangiti siya. "Gusto ko ring magkaro ng basketball," nasasabik na pahayag ng asawa. Naka orange jersey pa ito na kapares ng maong shorts. May bitbit din itong bola.
"Hindi puwede, baby. Baka mapa'no ka. Alam mo namang maselan ang pagbubuntis mo nitong mga nakaraang araw," wika niya at lumapit sa asawa.
Natigilan si Dylan at napangiti habang nakaharapnsa asawa. "Mukhang lalaki ang baby natin, a. Kapag lalaki siya, gagawa pa tayo ng marami para makabuo tayo ng isang team sa PBA tapos hearthrobs pa kasi pogi ako at maganda ka." Excited na sabi ni Dylan.
"Kapag lalaki siya, babae na ang kasunod." Nagtatampong sagot ng asawa.
"Lalaki. Alam ko na kaya kung paano gumawa ng lalaki. Deep penetration lang 'yon, baby." Iyan kasi ang turo ni Lola Patch niya. "Dapat pasok lahat!"
"Mana ka talaga sa lola mo, ang dumi ng utak! Gusto ko talagang maglaro ng basketball!" Nakalabing pakikipagtalo ni Ann at inupuan ang bola. Kanina nang malaman niyang maglalaro ang asawa ay excited siya rito.
"Ganito na lang, ako ang maglalaro at manood na lang kayo ni Baby, okay?" tumingala si Ann sa asawa at sumimangot. "Ann, gusto mo bang mapahamak si Baby?" umiling si Ann.
"Good. Kaya maupo ka na lang at manood," bumalik na si Dylan sa ilalim ng court.
"Kapag pala maka shoot ako, dapat may kiss." Todo ngiti ng loko.
"Hala! Ayoko!" Todo tanggi ni Ann na nakaupo pa rin sa isang tabi at nanonood sa asawa.
"Hahaha. Sige na. Huwag kang mag-alala, maso-shoot ko naman lahat kaya palagi kang may kiss." Ani Dylan.
"Ayoko! Maglaro ka na nga!"
Nag jump shot si Dylan at kasabay ng paglapag ng kaniyang paa ay saka naman pumasok ang bola sa ring.
"Hahaha. Baby, pasok." Sabay takbo kay Ann at mabilis na hinawakan ang pisngi at hinalikan sa mga labi.
"Ano ba! Sabing ayoko, e!" Singhal ni Ann sabay pahid sa mga labi na tila nandidiri.
"Sus. Sige na kasi. Kada shoot, isang kiss." Giit ni Dylan.
"Oo na. Basta huwag mo lang i-shoot lagi," nakapout na si Ann.
"Sure!" Tuwang-tuwa na sabi ni Dylan.
Matapos ang kinse minutos...
"Ayoko na! Ang daya mo, Dylan! Sabi ko, 'WAG MONG I-SHOOT!" Sigaw ni Ann. Pakiramdam niya ay manipis na ang mga labi dahil sa halik ng asawa.
"Pasensiya na, baby. Shooter ako, e." Proud na sabi nito habang idinakdak ang bola.
"Dunk 'yun kaya 3 minutes kiss," lumapit si Dylan. Hahalikan na sana si Ann pero napansin niyang palabas ng mansion si Cheska.
"Princess, saan ka pupunta?"
"Kuya, uuwi muna ako sa condo ko. Doon na ako matutulog," paalam ng dalaga.
"Ihahatid na kita," pagpresinta ni Dylan.
"Huwag na. Ang driver na lang ang hahatid sa akin. Magpapasundo na lang ako kung kailan ako babalik," pagtutol ng kapatid.
"Ingat ka. Tawagan mo kami kapag nandoon ka na," umalis na si Cheska. Kailangan niyang ayusin ang mga gamit dahil wala na siyang balak pa na manatili sa condo na iyon. Naaalala lang niya si Oliver at ang kakulitan nito roon.
Inihatid siya ng driver sa condo at umalis din kaagad ito. Naalala niyang may damit pa pala siya sa kotse ni Oliver noon kaya naisipan niyang dumaan muna sa parking lot para dalhin na sa unit. Alas singko na ng hapon kaya medyo madilim na rito sa parking area dahil hindi pa nakabukas ang mga ilaw.
Tumigil siya sa paglalakad dahil nakaramdam siya na para bang may sumusunod sa likuran niya.
Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa at maingat na hinawakan ang pepper spray sa bag. Sa bawat hakbang niya ay gano'n din ang hakbang na ginagawa ng nasa likuran.
Tumindig ang kaniyang balahibo lalo na't tumunog ang alarm ng isang sasakyan sa hindi kalayuan. Paglingon niya ay walang tao kahit na anino man lang nito ay wala na kaya tumakbo siya palapit sa kotse ni Oliver. Gano'n na lang ang pagkasindak niya nang may makitang lalaki na nakaitim na jacket palapit sa kaniya. Hindi niya maaninag ang mukha dahil nakayuko ito.
"Shit!" napahawak siya sa dibdib nang may mabilis na dumaan sa peripheral vision niya na tumakbo sa gilid niya. May tao rin sa likuran niya kaya napasiksik siya sa kotse. Marami sila at napapalibutan siya!
Nangiginig ang mga kamay na binuksan niya ang bag para kunin ang cellphone at tawagan ang kapatid pero may sumipa sa kamay niya na galing sa likuran ng kotse kaya tumilapon ang cellphone. Bago pa siya makakilos ay may tumakip na sa bibig niya dahilan para mawalan siya ng malay.
Gabi na nang nagkamalay si Cheska. Napabalikwas siya pero hindi naman makagalaw dahil nakagapos ang mga kamay at paa niya.
"Tanggalan ninyo ng tali." Utos ng lalaki sa dalawang nagbabantay na nakatayo sa gilid mg pinto.
"S-Sino kayo?" hindi niya kilala ang mga ito pero magkasing edad lang silang lahat. Sa halip na sumagot, ngumisi lang ang mga ito.
"Bumaba ka na at kumain. Huwag mong pagtangkaang tumakas dahil mahuhuli ka lang namin." Pagbabanta nito. Kinalagan na siya ng dalawang lalaki na kasing edad lang niya. Ang isa ay nasa paa at ang isa ay nasa mga kamay niya.
"Bumaba ka na raw," wika ng isang may katangkaran pero medyo payat. Natigilan siya nang napansing may baril ito sa tagiliran.
"Uuwi na ako!" Matigas na sagot niya.
"Subukan mo. Tingnan natin kung makakatakbo ka pa kapag pinagbabaril ka namin sa ulo!" Tumayo siya at napaatras nang humakbang ang isa palapit sa kaniya.
"Ang ganda pala ng kapatid ni Dylan. Sayang at hindi natuloy ang kasal mo," nanghihinayang na sabi ng mas maliit sa kanila.
"Lumayo kayo sa akin!" Binuksan niya ang pinto at tumakbo pababa ng hagdan pero natigilan siya nang may mga lalaki sa sala na nakatingala sa kaniya.
"S-Sino kayo?" kinakabahang tanong niya. Pagsulyap niya sa pintuan ay may mga nakabantay sa paligid. Resthouse ito at mukhang mayaman ang may-ari dahil sa mamahaling gamit. Walang sumasagot sa kaniya kaya naglakad siya patungo sa dining area. Umaasa na may mahagilap na panlaban sa mga ito. Maybe kutsilyo? O kahit ano'ng matalim na bagay basta maipagtanggol lang ang sarili.
Agad na napatigil siya. Nagkasalubong ang mga kilay niya nang makita ang nakaupo sa mesa at mukhang nasa malalim na pag-iisip.
"O... O-Oliver..." Sambit ng dalaga na nakatitig lang sa mukha ng binata. Sa dami ng gusto niyang sabihin dito ay lumipad na ang lahat ng mga salita. Pagtataka, pagkagulat at pagkainis ang kaniyang naramdaman.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito nang makita siya. "Mabuti naman at gising ka na, Aking Prinsesa?" natulala si Cheska. Ibang Oliver ang kaniyang nasa harapan. Ang adik sa paningin niya noon ay mas lalong nadagdagan dahil sa nanlilisik na mga mata. Mukhang adik na naulol ito kaya napaatras siya. Ang mga daga sa dibdib niya ay nagsitakbuhan na lalo na nang masulyapan niya ang .45 caliber pistol na nasa tabi ng plato ni Oliver. Ito ng nililinis nito noon sa condo nila.
"Ooops... Saan ka pupunta? Kumain ka. Alam kong nagugutom ka na," pagkatayo ni Oliver ay tumakbo siya palayo rito. Takot siya! Hindi na ito ang Oliver na nakilala niya. Ang dating tuta ay naging tigre na na handang manlapa.
"Bitiwan mo ako! U-Uuwi na ako!" Pinagsusuntok niya ang lalaking nakasalubong niya na nakahawak sa braso niya pero nagmistula siyang batang tatlong taong gulang na dinadampot ng mga pulis at walang kalaban-laban. "Ano ba!"
"Bitiwan mo siya!" Makapangyarihang utos ni Oliver sa kasamahan. "Kahit ano pa ang pagtatakbo mo, hindi ka makakatakas, Cheska." Lumapit si Oliver sa kaniya. May iilang tao na pumasok sa pinto. Naghihithit pa ng sigarilyo ang dalawa kasama si Brix.
Wala siyang nagawa kundi ang mapaupo sa malamig na sahig at umiyak ng umiyak. Walang ibang makakatulong sa kaniya dahil ang lalaking inaasahan niyang magliligtas sa kaniya, ay siya namang magdadala sa kaniya sa kapahamakan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon