82-83

2.1K 92 4
                                    



FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  82-83

Unedited....
"Ang tagal mo," reklamo ni Dylan. Basa na siya ng pawis dahil kanina pa ito sa loob ng banyo.
"Pasensiya na. Ang hirap kasing takasan ng dalawa," private CR para kay Oliver at sa mga kakilala niya.
"Ano na? Alam mo na ba kung sino ang mga dumukot sa inyo ng kapatid ko?" usisa ni Dylan.
"Ang BEX. Hindi si Brix ang leader nila. May iba pa pero hindi ko alam kung sino. Ang hirap nilang takasan. Hindi ko mailabas si Cheska," problemadong sagot niya.
"Ingatan mo ang kapatid ko. Sa 'yo nakasalalay ang buhay niya," seryosong saad ni Dylan.
"Oo. Po-protektahan ko siya sa abot ng aking makakaya," sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung paano niya mailabas si Cheska. "Mukhang ikaw at ang buong pamilya mo ang punterya nila."
"Ipaalam mo sa akin ang lahat ng kaganapan doon," naiinip na si Dylan lalo na't wala silang natatanggap na tawag sa mga BEX. "Kakausapin ko sina Denise mamaya. Sana lang ay mali ang hinala ko," pina-imbestigahan niya si Jestoni. Nagdududa siya dahil ilang beses na nilang hina-hack ang personal information tungkol sa BEX member ay walang makuha ang tauhan nila pero kay Jestoni ay madali lang kaya napaisip siya na baka may access ito sa mga BEX.
"Brod, matagal ka pa ba diyan?" kumakatok ang dalawang BEX sa labas.
"Shit! Ano ang password ng website mo?" bulong ni Oliver.
"Brod, bubuksan na namin itong pinto kapag hindi ka pa lumabas. Ang tagal mo na diyan, a." Maangas na sabi ng isa.
"S-Sandali, tumatae pa." Saigaw niya. Nagkatitigan sila ni Dylan.
"Iha-hack ko ang website mo. I-open mo na lang ang lahat ng impormasyon sa lokasyon namin," patapos niyang i-flush ang inodoro ay lumabas na siya. Naiwan si Dylan na nakatago sa likod ng pintuan. "Pasensiya na, masakif lang ang tiyan ko. Baka sa kinain natin kanina," pag-iinarte ni Oliver.
Nang masigurong wala na sina Oliver ay pasimpleng lumabas si Dylan para puntahan sina Denise sa lumang apartment na ibinigay ng dalawa.
Natuklasan niyang half brother pala ni Jestoni ang dating hindi nila pina- survive at makaraan ang ilang linggo ay namatay ito dahil sa internal hemmorhage dahil sa pambubugbog noon sa body contact at apo rin ito ng dating BEX official na bumagsak ang kompanya dahil sa pagkawala ng permit ng kanilang grupo.
Matapos niyang kausapin ang dalawa at inisa-isang tingnan ang pangalan ng BEX members na nakapasok sa kanilang grupo ay kinausap niya muna ang asawa. Kaya nakapasok ang mga ito dahil walang mga ritual ng BEX at dahil na rin kay Jestoni.
Nasa biyahe na siya papunta sa mansion ng parents niya para ipaalam ang lahat ng nalaman at humingi ng payo kung ano dapat gawin nang tumawag si Christian na nadukot sina Ann kaya mabilis na pinaharurot niya ang ducati.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa mansion ay pinagtatapon niya ang lahat ng gamit. "HAYOP KA, JESTONI!" Nanggigigil na sinipa niya ang sofa.
"Huminahon ka, Dylan. Matutunton din natin sila. Alam mo na ba kung saan sila?" pinapakalma siya ng ina pero ang totoo ay halos mamatay na ang puso ni Regine dahil sa pag-alala lalo na kay Cheska. Handa na ba siyang kunin ng Panginoon ang anak nila? E, kakakita lang nilang mag-ina.
"Si Christian," tumakbo si Dylan sa laptop na nasa ibabaw ng mini table tapos dinala sa sala at binuksan ang website. Lihim na nagdadasal na sana, na-hack ito ni Oliver.
"Thanks God!" Bulalas niya nang makita ang mensahe ng kaibigan.
"Nasa Batangas sila, Mom." Ibinigay niya ang complete address nito.
Hinawakan siya ng ina sa magkabilang pisngi.
"Anak, huminahon ka. Kailangan ka ng asawa at kapatid mo kaya huminahon ka," seryosong sabi ni Regine at nakipagtitigan sa mga mata ng anak. "Good." nang makita niyang kumalma na ito. Nagmamadaling umakyat si Demetrio patungo sa kuwarto nila.
"Now, pumunta ka sa hide-out ninyo. Huwag na huwag mong ipaalam kahit kanino na alam mo nang nadukot ang asawa mo. I'm sure, tatawag sila sa 'yo. Siguraduhin mo ring hindi nila mahahalata," pangungumbinse ng ina. "Kami na ang bahala. Mauna kami sa area. Tatawag na rin kami ng mga pulis kapag maayos na ang lahat. Nasa likod mo lang kami ng daddy mo," ani Regine.
"Pero mom, hindi puwedeng dalawa lang kayo ni Daddy. Isa pa, nandoon na si Christian. Siguradong tinawagan na niya ang mga Treskilion," pag-aalala niya.
"Kaya namin ang sarili namin, Dylan. Huwag mo kaming alalahanin. Malaki ang tiwala namin kay Oliver na hindi niya ipapahamak ang kapatid mo. Isuot mo muna ito." Nang makababa si Demetrio ay ipinasuot niya ang bullet proof vest sa anak.
"Kami na ang bahala. Hindi natin puwedeng mapagkatiwalaan ang mga tauhan natin," naginv kampante sila. Hindi naman nila inaasahan ang biglang pagsulpot ng BEX.
"Tita/Tita" Sabay na bati nina Skyler nang makapasok. May bitbit ang mga ito na supot para ipasalubong sa mga asawa sa Espanya.
"Sige na, Anak. Umalis ka na," pagtataboy ni Demetrio at kinausap ang kambal. Isasama nila ang mga ito.
. ......End of FLASHBACK......
"Malaki ang pasasalamat namin sa 'yo, hijo." ani Patch. Kanina pa siya nagwawala dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari.
"Wala po iyon, Lola. Basta para kay Cheska, gagawin ko ang lahat." Napasulyap siya sa dalaga na ngayon ay kinakalong na ang anak nila.
"Puntahan muna natin si Ann, baka napahamak na ang apo ko." Nag-aalalang sabi ni Patch.
"Maiwan na po kami, Mom. Gusto ko pong magpahinga," pasado alas diyes na at ilang gabi na siyang walang tulog sa resort.
"Okay. Oliver, pakibantayan ng mag-ina mo." Bilin ni Demetrio. Tumayo sila at lumabas papunta sa kaniya-kaniya nilang sasakyan.
Naiwan sina Cheska at Oliver. Buhat ng dalaga ang anak at dinala sa kuwarto nila. Pagdating doon ay pinahiga niya ang bata sa kuna dahil mahimbing na itong natutulog.
"Galit ka pa ba sa akin?" tanong ni Oliver. Kanina pa niya napapansing may bumabagabag sa babae. Humarap si Cheska at namewang.
"Aminin mo nga sa akin, Oliver. Iyon lang ba talaga ang rason kung bakit mo nasabing hindi ako ang babaeng iyon? Dahil sa sampal at baril?" tanong nito at nakipagtitigan pa sa kaniya.
"O-Oo. Iyon lang talaga. Isa pa, alam ko namang hindi mo iyon magagawa dahil mahal mo ako," todo ngisi niya pero mabilis na iniwas ang mga mata sa kaharap dahil mas lalong naglasalubong ang mga kilay nito. Nagiging kamukha na niya tuloy si Lola Patch.
"May sinabi kang ginawa ng babae sa iyo, ano iyon?" parang detective na usisa ni Cheska.
"W-Wala naman. Iyon na nga--"
"Sasagutin mo ako ng totoo, o palalayasin kita sa bahay na ito!"
"H-Honey naman. I-Iyon lang talaga," nataranta niyang sagot. "Ligtas na tayo kaya iyon ang mahalaga."
"Hindi ako titigil hangga't hindi mo SINASABI!" Lumapit ito at hinila ang kanang tainga niya.
"Aray! Honey. 'Yung hikaw ko!" Reklamo niya.
"Wala kang hikaw!"
"Akala ko, meron." Nasanay na siyang may hikaw kaya hindi na maialis sa sistema niya ang hikaw. Kahit wala ay nararamdaman niyang meron.
"Sasabihin mo ang totoo o hindi?" singhal ni Cheska.
"Ssshh... Magising ang bata, hon." pero ang hitsura ni Cheska ay gano'n pa rin. Parang galit na galit na at gutom na tigre na ano mang oras ay handang manlapa.
"Haist! Oo na. K-Kwan... Hinubaran kasi niya ako t-tapos... H-Hinipuan..." Nahihiyang pag-amin niya. Doon niya na kumpirma na hindi si Cheska iyon dahil never naman nag initiate ng gano'n ang dalaga. Kailangan pa nga niya itong puwersahin muna bago ma-enjoy ang katawan ng dalaga. Wild ito kapag sa kama pero matindi muna ang pagdaanan niya bago mapaamo.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Oliver. Nabibibngi ako," nililinis pa nito ng daliri ang tainga na parang nabibingi na nga dalaga.
"W-Wala... Punta tayo sa hospital, hon. Pa check-up kita. Baka napalian ka," Pag-iwas niya.
"Wala akong problema sa katawan ko. Ulitin mo ang sinabi mo, Oliver! Hinawakan ba niya ang ano mo?"
"Ang ano?" pagkunwari ng binata.
"'Yung ano mo..." Giit ni Cheska.
"Wala akong alam na ano..." pagmamatigas ni Oliver.
"'Yung baril mo!" Napipikon na si Cheska.
"H-Hindi naman niya nagising. H-Hindi talaga nakatutok sa kaniya. W-Walang bala..." Pag-amin niya.
"So, totoo nga na hinawakan niya?" bulalas ni Cheska.
"H-Hindi naman talaga nagising, e. Kaya nga galit na galit siya," malay ba niya na may pagnanasa sa kaniya si Melody. Napaupo si Cheska. Hindi ito umiimik kaya lumapit siya at tumabi rito.
"Wala naman talaga. Buhat nang dumating na kayo ni Mandy, wala nang iba. Ikaw lang," pag-aalo niya. Itinaas niya ang baba nito para magkatitigan sila.
"Loyal ako sa inyo na mag-ina ko kaya makakaasa kang wala na talagang iba. Sa 'yo lang talaga siya tututok at puputok," nang hindi sumasagot ay hinalikan niya ito. Mabilis na hinawakan ni Cheska ang damit niya at itinaas. Nakuha naman niyanang nais kaya tinulungan na niya itong tanggalin ang mga damit niya. Ngayon pa lang niya ito makukuha sa mabilis na paraan. Ang dalaga na mismo ang naghubad sa brief niya. Hubo't hubad na siya nang tumayo si Cheska.
"Shit! H-Honey... Ano ba!" Nagulat siya sa ginawa nito nang iabot ang alcohol sa ibabaw ng mesa at ibinuhos sa gitna ng hita niya.
"Honey... Mahapdi 'yan kapag makapasok sa butas!" Inagaw niya ang ethyl alcohol. "Tama na!" Nangangamoy alcohol na sila pareho.
Mabuti na lang dahil mahimbing ang tulog ng anak kaya wala itong ka muwang-muwang sa mga nangyayari.
"Maligo ka ng alcohol! Linisin mo 'yan! Tanggalin mo ang lahat ng germs!" Galit na utos ni Cheska.
"O-Oo na. Ako na ang bahala pero honey, 'wag mo namang ibuhos ang lahat. Wala namang nangyari sa amin," pakiusap niya.
"Kahit na! Sino ang babaeng gustong may makahawak o makatikim na iba sa isang bagay na pagmamay-ari na nila? Sino ang babaeng gustong may kahati? Wala! Liban na lang sa kung martir siya at hindi ako gano'n!" Nangigigil na sabi niya. Naupo siya at napahawak sa sumasakit na ulo. Kanina pa siya nahihilo.
"O-Okay ka lang, hon?" dinampot niya ang damit at muling isinuot.
"Shit!" Mabilis na sinalo niya ito nang muntik nang matumba.
"C-Cheska..." Mabilis na isinuot niya ang damit at binuhat pababa. Hindi na ito gumagalaw.
"Yaya! Si Mandy pakibantay," nataranta niyang pakiusap habang bitbit ang walang malay na asawa.
Pagdating sa hospital ay mabilis na dinala ito sa emergency room. Matapos malapatan ng first aid ay dinala nila sa private room.
"Ano'ng nangyari?" usisa ni Dylan na kasama si Ann at pamilya. Paalis na sana sila nang makitang isinusugod ito ni Oliver.
"H-Hinimatay kasi siya," pabalik-balik na sagot ni Oliver. Natatakot siya sa puwedeng mangyari sa dalaga.
"Kamusta ang kalagayan ng anak ko," tanong ni Demetrio sa kakapasok lang na doctor. Asawa ito ng brod niya.
"Okay lang. Kulang lang siya sa tulog at kailangan niyang magpahinga. Kailangan din niyang uminom ng mga vitamins para maging healthy sila ng baby," paliwanag ng doctor at may ibinigay na recita.
"Baby? Ano po ang ibig mong sabihin, doc?" nakakunot ang noo ni Patch.
"Three weeks pregnant ho ang apo ninyo at kailangan niya ng complete bedrest."
Napanganga sila sa narinig. Nakatunganga lang si Patch sa doctor.
"Buntis na naman ang apo ko? 'Yang natutulog? Sigurado ba ka rito?" panigurado ni Patch.
"Oho, sigurado po. Mababa lang ang blood pressure niya kaya kailangan niyang magtake ng iron supplement at mga gulay," paliwanag nito.
"Sabi ko na nga ba, shooter ako." Tuwang-tuwang bulong ni Oliver. Gusto na talaga niyang magkaroon ng maraming anak kay Cheska kahit na maldita ito.
"Kung gano'n, kailangan na talagang ituloy ang kasal ninyong dalawa." Anunsiyo ni Patch.
"Mom, baka ma stress lang si Cheska kapag malaman niyang buntis siya. Puwede bang huwag na lang muna nating ipaalam?" nag-aalalang pakiusap ni Demetrio.
"Sige. Bantayan naman siguro siya ni Oliver," bumaling si Patch sa binata na abot hanggang tainga na ang mga ngiti.
"Oo naman po. Aalagaan ko siya," hinawakan niya sa kamay ang tulog pa ring dalaga.
"Good. Ikaw naman Ann, magpa ultrasound na tayo kung ano ang gender ng apo ko," excited na sabi ni Patch. "Sana lang lalaki para magpapaparty tayo. Kapag kambal, may bonus kayong trip to Jerusalem sa akin."

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon