80-81

1.9K 77 1
                                    


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 80-81

Unedited...
"D-Dylan..." Umiiyak na sambit ni Ann. Ikakamatay niya kapag mawala ang asawa. Nagpapanic na siya at kinapa ang tiyan. Natatakot siyang baka malaman ng baby nila ang mga nangyayari. Kakatanggal lang ni Oliver sa tali niya.
Napahawak si Dylan sa dibdib at bumangon. "Ang tibay mo rin, ano?" muling ikinasa ni Jestoni ang .45 caliber pistol.
"Sa tingin mo, basta-basta mo na lang ako mapapatay? Ulol!" Dumura pa si Dylan sa sahig para mas lalong inisin ang dating kaibigan.
"Huwag kang lumapit, Ann!" Sigaw ni Dylan sa asawa nang makita sa peripheral vision na patakbo itong palapit sa kaniya pero nahawakan ni Oliver sa bewang para pigilan. Kung wala lang si Ann ay hindi siya natatakot na mamatay.
Nakita niyang tinutukan ni Oliver si Ann ng baril para tumabi kay Cheska dahil mukhang nagmamatigas ito. Si Divina ay umiiyak na niyayakap ang katawan ni Christian. Wala na siyang tali dahil tinanggalan din ni Cheska kanina.
"Hey, Baby!" Nakangising tawag ni Jestoni kay Ann. "Tingnan mo kung paano ratratin ang asawa mo," pagmamalaki ni Jestoni. Nanlilisik at namumula pa ang mga mata nito.
"Traidor!" Nagtagis ang mga bagang ni Dylan.
Napansin ni Jestoni na gumalaw ang mga kamay ni Dylan. Natunugan niya ang nais gawin nito. May nakatagong baril sa likod ng damit nito kaya mabilis na kinalabit niya ang gatilyo.
"Bang!"
Bago pa man pumutok ang baril ni Jestoni ay natamaan na ang kamay niya ng bala at tumilapon ang hawak na baril.
"What the--" Bulalas niya. Nakatutok sa kaniya ang baril ni Oliver.
"Sige, isang paputok pa Jestoni at sa ulo mo na tatama ang susunod na bala!" Pagbabanta ni Oliver na mahigpit ang pagkakahawak sa baril. Hindi niya inakalang sa sa ilang taon nilang pagsasama ay tatraidurin lang pala sila nito. Ito ang palagi niyang kasama sa lahat ng kalokohan at minsan ay sa pagmumura sa pinaggagawa ni Dylan sa kanila.
"Isang paputok rin, Oliver, sabog ang bungo nitong fiancee mo!" Pagbabanta rin ni Brix na hawak na ngayon si Cheska. "Sa tingin mo, kaya mo kami? Puwes, nagkakamali ka! Ang galing mo ring umarte, napahanga mo kami! Akalain mo 'yon? Ang tindi ng galit mo sa babaeng ito kahapon, hindi mo rin pala kayang saktan!" Bilib na wika nito.
"Bitiwan mo ako! Mga halimaw kayo!" Nanggigigil na kinagat siya ni Cheska sa kamay kaya mabilis na sinuntok niya ang dalaga sa sikmura.
"Fuck! Huwag mong saktan si Cheska!" Dalawang kamay na ang ginamit ni Oliver sa paghawak ng baril na ngayon ay itinutok na kay Brix. Napaupo ang dalaga at hinahabol ang hininga. Napuruhan siya sa malakas na suntok nito.
"Princess!" Nag-aalalang wika ni Dylan pero hindi siya makagalaw dahil nakatutok ang baril ni Jestoni kay Ann.
Ang mga nasa paligid ay nakatutok din ang mga baril sa kanila. Sa tantiya niya ay mahigit trenta ang mga ito. Dagdagan pa ng mga nasa labas at resthouse.
Bang!
Bang!
" Dylan! Huhuhu..." Todo iyak ni Ann.
Dalawang beses na pinagbabaril siya Jestoni sa dibdib kaya napaatras siya. Kahit naka bullet proof vest siya ay masakit din ang tama ng bala. Bago siya pumunta kanina sa meeting ay inihanda na niya ang lahat lingid sa kaalaman nina Jestoni. Bago pa man tumawag si Oliver sa kaniya kanina doon sa hide-out nila ay nakausap na niya ito at ibinigay sa kaniya ang impormasyon ng tamang lokasyon nila rito sa Batangas. Hindi na nakabigay ng impormasyon si Christian dahil nahuli ito kanina. Matinik ang mga BEX kaya sinikap ni Oliver na makahanap ng paraan para maka communicate at ma hack ang website ni Dylan upang ibigay ang kalagayan nila sa resthouse na ito kaya masyado siyang busy sa gadgets noong nasa kwarto siya ni Cheska.
"Naka bullet proof ka pala. Kung hindi ikaw, e di, itong babae na lang." Kay Ann itinuon ni Jestoni ang baril.
"Hayop ka! Huwag na huwag mong galawin ang asawa ko!" Pagmumura ni Dylan. Galawin nito ang lahat pero huwag lang ang asawa niya. Hindi ang pinakamamahal niyang si Ann. Hindi siya makapapayag!
"Paalam ka na kay Ann," nakangising wika ni Jestoni at muling kakalabitin na ang gatilyo.
"Shit! Fuck!" Pagmumura ni Jestoni nang may dumaan bigla sa kamay. Namamanhid ito. Saka lang niya namalayan na wala na ang kanang kamay mula sa ibaba ng siko nang makita ang kaputol nitong nasa sa sahig na.
"Ouch!" Mahapdi at nakakangilo ang kaniyang naramdaman nang hawakan ito dahil sa malakas ang pagsirit ng dugo. Nakita niya ang shiruken na nakabaon sa dingding na may tumutulo pang dugo.
Napatutop ng kamay sa bibig si Precious at pinulot ang baril niya kanina. Ang mga BEX ay nagpapanic at kung saan-saan na itinutok ang mga baril.
"Lumabas ka! Kung sino ka man, magpakita ka! Kung hindi, papatayin ko ang babaeng ito!" Sigaw ni Brix na mahigpit ang pagkakahawak sa leeg ni Ann.
"Pakawalan mo ang asawa ko dahil kung hindi, katapusan na ng pinuno ninyo!" Pagbabanta ni Dylan. Iniiwasan niyang mapatingin sa isang lugar na kung saan, naroon ang trained assasin, ang kaniyang ina, si Regine.
"Huwag mo kaming takutin dahil hindi kami natatakot sa 'yo! Lumabas kayo!" Sigaw ni Brix. Nakatayo pa rin si Jestoni na ngayon ay inalalayan na ni Rhodalyn para hindi matumba dahil nanghihina sa dami ng dugong umaagos mula sa putol nitong kamay. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kaaintahan kaya pinulot niya ang baril na hawak kanina ni Jestoni.
"Magbabayad kayo!" Sigaw ni Rhodalyn at itinutok kay Cheska ang baril pero napanganga siya nang makaramdam ng hapdi sa tiyan. Parang may matulis at sobrang talim na bagay na dumaan dito. Nabitawan niya ang baril nang tumingin sa tiyan. Ang bilis ng kaniyang paghinga habang nakanganga at nanlaki ang mga mata.
Sina Cheska at Ann ay hindi na napigilang masuka sa nakikita. Si Divina ay napatutob ang mga kamay sa bibig.
Wakwak ang tiyan ni Rhodalyn dahil sa malaking hiwa na dulot ng matalim na katana mula sa dibdib hanggang sa kaniyang puson. Bumulwak din ang masaganang dugo mula rito at nakikita na ang kaniyang laman-loob lalo na ang bituka.
"Rhoda, honey!" Sinalo siya ni Jestoni gamit ang kaliwang kamay. Nakadilat ang mga mata ng dalaga pero hindi na humihinga. Nagpaputok na ang mga miyembro ng BEX sa kung saan. Malakas ang putukan at umiilaw din ang mga bala ng baril. Marami na ang natumba at natamaan sa kanila ng kalabang hindi nila nakikita. Alam nila ang humawak ng baril pero kulang sila sa training. Hindi nila inaasahang makakasagupa sila ng ganitong kalaban na hindi lang baril ang alam gamitin.
"Huwag kayong gumalaw! Napapalibutan na kayo, namin!" Bumukas ang pinto at bumulaga ang mga Triskelion na may mga hawak na baril.
"Brod!" Tumakbo ang isang Triskelion palapit kay Christian at binuhat ito palabas.
"Saan ka pupunta?" Tumakbo si Cheska papunta kay Precious nang mapansing palabas na ito.
"Ouch! Bitiwan mo ako!" Hinila na kasi ni Cheska ang buhok nito para bumalik.
"Ang kapal ng mukha mo para gamitin ang puso ng bestfriend ko! Kakalbuhin kita!" Nangigigil na ibinunggo niya ito sa pader. Lumapit si Divina at tinulungan si Cheska sa pagsabunot.
"Ang sama mo! Pinatay mo si Christian!" Kinuha ni Divina ang nakitang paddle at hinampas sa likod ni Precious.
"Aray!" Malakas na itinulak ni Precious ang dalawa kaya natumba.
"Sige, subukan ninyong lumapit! Babarilin ko ang puso ni Mylene!" Pagbabanta niya na nakatutok ang baril sa dibdib. Wala nang silbi ang buhay niya dahil wala na rin si Christian.
Ngumisi si Cheska. "Walang pumipigil sa 'yo, GO! Matagal nang patay ang bestfriend ko at kahit sa 'yo pa ang lahat ng organs niya, hindi mo siya mapapalitan. Sa ugali mo, para ka na ring walang puso!"
Bang!
Kasabay ng malakas na pagputok ay siya namang ikinatumba ni Precious. Wala nang buhay.
"Subukan ninyong lumapit, hindi ako nagbibiro, papatayin ko talaga ang babaeng ito!" Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Brix kay Ann na inihaharang ito laban sa mga Tau Gamma. Dumating na rin ang mga Asirho kaya na corner na sila.
Alam ni Brix na wala na silang kawala. Nakataas na ang mga kamay ng kasamahan niyang natitira bilang pagsuko at inilapag ang mga baril sa sahig.
"Gawin kong patas ang laban!" Nakangising wika niya. Tutal, mamamatay na rin naman siya, mas pipiliin na lang niyang isama ang asawa ni Dylan para kahit paano'y makaganti siya.
Napapikit si Ann. Nanginginig ang buong katawan. Takot siya! Alam niyang seryoso si Brix. Ito na marahil ang katapusan niya. Gumalaw ang mga daliri nito pero agad na tumilapon si Ann nang may bumagsak kay Brix mula sa bubong.
"Ouch! Anak ng tinapa!" Pagmumura ni Skyler. "Umalis ka nga! Ang bigat mo!" Itinulak niya ang kakambal na nakapatong sa kaniya.
"Kasalanan mo talaga 'to!" Galit na sabi ni Kyler nang makatayo at napahawak sa sumasakit na likod at balakang. Medyo malakas ang pagkakabagsak nilang dalawa mula sa bubong.
"Ako pa talaga? E, ikaw nga itong mabigat kaya nahulog tayo! Bakit ka ba kasi lumapit? Sabing doon ka lang sa dulo pumuwesto!" sabat ni Skyler. Tumingala siya sa bubong na may malaking butas. Hindi niya inaasahan na hindi na pala matibay ang bubong na pinapatungan nila kaya nang lumapit sa puwesto niya si Kyler ay tuluyan nang bumigay. Umaga na kaya nakalusot na ang sinag ng araw.
Pauwi na sila sa mansion nang pakiusapan sila ni Regine na sumama sa gagawing misyon na iligtas sina Ann. Dahil bored ang kambal, pumayag sila. Wala silang kaalam-alam sa laban kaya ginawa na lang sila ni Regine na tigabantay at tigabigay ng impormasyon kung saan at ilan ang mga kalaban sa loob ng bodega gamit ang earpiece at mini telescope.
"Kung pumayag ka lang sana na sa itaas ng niyog tayo pumuwesto, e di sana, hindi pa tayo nahulog!"
"Ikaw ang umakyat sa lintik na buko na sinasabi mo!" Kanina pa sila nagtatalo dahil mas makikita mula roon ang buong nangyayari dito sa loob pero kahit ano'ng pilit ni Kyler ay hindi niya mapapayag ang kakambal kaya sa bubong na lang sila umakyat.
"Tol," sabay siko ni Kyler sa kakambal.
"What?"napipikong sabi ni Skyler. Ang sakit talaga ng katawan niya lalo na at siya ang nasa ilalim pero masuwerte lang siya dahil malambot ang binagsakan nila. Napatingin siya sa katawang hindi na gumagalaw at may matulis na kabilyang nakabaon sa ulo nito na kasama nilang nahulog kanina.
"Hala, p-patay na siya! H-Hala ka K-Kyler, patay na siya? Sino ang pumatay?" natarantang tanong ni Skyler. Kaunti na lang ay maiihi na siya sa takot. Napansin niya ang dugong dudanak sa katabi ni Brix.
"Sus, MAMA MIA!" Napayakap siya sa kakambal nang makita ang katawan ni Rhodalyn.
"Suko na! Suko na!" Sabay taas ng kamay ng dalawa nang mapansin ang mga tao sa paligid na ngayon ay nakatutok ang mga baril sa kanila at pawang nakatulala sa nangyaring pagsulpot ng dalawa mula sa itaas.
"Walang kikilos ng masama!" Sigaw ng mga pulis nang pumasok at pinalibutan sila. Agad na tumakbo si Dylan ksa asawa.
"Ann, baby..." Mahigpit na niyakap niya ito.
"Tahan na... Ligtas ka na, t-tama na, okay?" pag-aalo niya at hinalikan sa mga labi pero iyak pa rin ito nang iyak. Masyado itong na trauma sa nangyari lalo na't amoy na amoy nila ang malansang dugo na dumanak sa sahig. Si Cheska ay inalalayan ni Oliver dahil suka ng suka at nakatakip sa ilong.
"Here, use this..." hinubad niya ang damit para ipamunas ni Cheska sa bibig. Hinihimas niya ang likod ng dalaga. Nakatalikod sila sa bangkay pero hindi talaga kaya ng dalaga ang lansa ng dugo.
"Mga anak, okay lang ba kayo? Salamat at ligtas kayo," umiiyak na lumapit si Regine sa mga anak at isa-isang niyakap ang mga ito. Gano'n din ang ginawa ni Demetrio.
"M-Mommy!" Umiiyak na sambit ni Cheska.
"Okay na, Princess. Wala nang masamang mangyari sa inyo," pag-aalo ni Regine.
Bang!
Bang!
Bang!
Napatili sila nang bumulagta si Jestoni. Tatakas sana ito pero pinagbabaril na ng pulis dahil lumalaban.
"Tara na, umalis na tayo!" Wika ni Dylan. Binubuhat na nito ang asawa.
Paglabas nila ay may mga sasakyan na nakahimpil sa labas ng compound ng resort.
"Mauna na kami, Tita. Hinihintay na kami nina Kim at Yna. Baka ma late pa kami sa flight namin mamaya," paalam ni Kyler at binuksan ang sports car nila para sumakay. Mamayang hapon ang balik nila sa Espanya para sunduin sina Ella.
"Kambal!"
Lumingon ang dalawa kay Dylan.
"Salamat," seryosong pasasalamat niya. Kung hindi dumating ang dalawa ay malamang, napatay ni Brix ang asawa niya.
"Psh! 'Yung robot ko, bayaran mo!" Singil ni Skyler.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa naka move-on sa robot na sinira ko?" bulalas ni Dylan. Ito ang rason kung bakit hanggang ngayon ay inis na inis sa kaniya ang kambal. Bata pa naman sila noon pero hindi lang talaga makalimutan ni Skyler.
"Espesyal sa akin 'yon."
Napakamot si Kyler sa ulo dahil sa kakambal. Sa kanilang magkapatid ay si Skyler talaga ang taong nagtatanim ng sama ng loob sa isang bagay.
"Huwag mo nang pansinin si Skyler, Dylan. Huwag kang mag-alala, kapag nasa oras ng kapahamakan at kailangan mo ng tulong namin, nandito lang kami, maaasahan mo. After all, magkapamilya pa rin tayo." ani Kyler.
"Sa dinami-dami ng puno, bakit ang puno ng buko talaga ang nakapalibot sa resort na ito?" bulong ni Skyler nang ipinalibot ang mga mata sa paligid. Pasakay na siya pero muling humarap sa pinsan.
"Hoy, Dylan! May bayad ang pagligtas namin sa 'yo," wika ni Skyler.
"Ano?"
"Ipaputol mo ang lahat ng puno ng buko rito!" Galit na sagot ni Skyler. Kung ibang puno sana ang nasa paligid, e di sana, doon sila umakyat at hindi nahulog sa bubong.
"Sige..." Napailing na sagot ni Dylan. Sanay na siya sa mga Villafuerte!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon