7-8

1.3K 69 0
                                    


FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  7-8

"WAAH!" Malakas na sigaw ni Patch at napahawak sa dibdib. Nasindak ito sa nakita pagbukas ng pinto. "Grabe ka naman, Ann! Mamamatay ako ng wala sa oras sa iyo!"
"Grabe ka naman po, Lola." Nakasimangot na sabi ni Ann. Kakalabas lang niya ng kuwarto para sana kumuha ng tubig sa ibaba dahil wala nang laman ang mini ref nila sa kuwarto.
"Magsuklay ka kasi! Paano na lang kung biglang atakihin sa puso ang apo ko dahil sa mukha mo?" hindi makapaniwalang wika niya. Tungkol sa the grudge pa naman ang panaginip niya kaya siya nagising ng ganito kaaga.
"Akala ko kasi wala ng tao. Isa pa, pagod na ako para hanapin pa ang suklay," inaantok na sagot niya. Ala una na siya nakatulog dahil kapag tulog ang isa, saka naman magigising ang isang anak nila. Tinatamad na siya para kapkapin ang switch kaya diretso labas na siya.
"Haist! Walang hiya ka talaga!"
"Saan ka po pupunta, Lola Patch?"
"Wala na! Babalik na lang ako sa pagtulog!" Padabog na bumalik ito sa kuwarto kaya napailing si Ann.
Nang makabalik na siya sa kuwarto ay hindi na siya nakatulog. Pinagmasdan na lang niya ang kaniyang mag-ama. Ang apat ay nasa malaking baby's crib habang si Dylan ay padapang nakahiga sa kama. Napangiti siya nang marinig ang mahinang hilik ng dalawang anak. Napagod ang mga ito sa paglalaro kanina.
"Baby? Gising ka na?" inaantok na sabi ni Dylan saka pagapang na lumapit sa kaniya.
"Matulog ka na ulit. Alam kong pagod ka," yumakap ito nang mahigpit sa kaniya at isiniksik ang ulo sa dibdib niya. Ito ang paborito niyang gawin ni Dylan. Ang yakapin siya ng mahigpit at iparamdam sa kaniya na mahal siya nito. Sinuklay niya ang medyo mahabang buhok nito para tuluyan na itong hilain ng antok.
Nang magising si Dylan ay wala na ang asawa at mga anak sa tabi kaya mabilis siyang bumangon.
Nasa hagdan pa lang siya ay narinig na niya ang sabay na iyak ng mga anak.
"Morning, baby! Ang aga naman ninyong nagising," bati niya saka binuhat si John Matthew.
"Ang aga rin kasing nagising nilang apat. Kumain ka na."
"Sabay na tayo. Manghilamos lang muna ako," ibinigay niya kay Maricris ang anak at bumalik sa kuwarto.
Nang matapos na silang kumain ay saka naman dumating ang isang yaya ng mga bata.
"Maiwan na namin ang apat. Hintayin mo na lang ang kasama mo. Baka kasi ma late kami. Huwag ninyong kalimutan ang vitamins nila, ha." bilin ni Ann kay Lilibeth.
"Ann? Halika na." Yaya ni Dylan.
Gusto pa sanang kausapin ni Dylan ang asawa habang nagmamaneho pero nang lingunin niya ito ay mahimbing na itong natutulog.
Saka na lang niya i-remind ang tungkol sa immunization ng mga bata.
Sakto namang pagbaba nila sa kotse ay saka naman dumating sina Christian at Divina kaya sumama na si Ann sa magkasintahan.
"Sa bahay ka na lang matulog mamaya, wala sina Mommy!" Bulong ni Christian kaya kinurot ni Divina sa tagiliran. "Awww! Wala namang masama sa sinabi ko."
"Tigilan mo ako, Christian! Kumain kang mag-isa mo!" pagsisinuplada ni Divina tapos niyapos ang kanang braso ni Ann.
"Psh! Walang magluluto sa akin. Walang aasikaso kapag mag-isa lang ako," reklamo ng binata.
"So?"
"Alam mo namang hindi ko pa kayang mag-isa dahil tinamaan lang naman ako ng BALA sa dibdib, REMEMBER?" paalala ng binata.
"Araw-araw na lang bang ipaalala mo sa akin iyan?" nanggagalaiti na sa galit si Divina. Hindi na kasintahan kundi ginagawa na siya nitong alalay.
"Kaysa naman araw-araw mo akong bisitahin sa cementeryo, 'di ba?" napabuntong hininga na lang si Divina. Hindi na siya makagalaw ng mag-isa dahil palaging nakabuntot si Christian sa kaniya. "Isa pa, kapag mahal mo ang isang tao, kahit na oras-oras pa kayong magkasama ay hindi ka magsasawa."
"Sino ang may sabi sa iyo nang ganiyan at nang masapak ko!"
"'Yung mga romantic writer na walang magawa sa buhay kundi ang magpaka corny at gumawa ng mga nakakaumay na love story!" Sabat ni Christian.
"Hoy! Huwag mong idamay ang mga nagsusulat sa mga gasgas at lumang banat mo!" Galit na sabat ni Ann.
"Pinagtanggol pa. Kayong mga babae talaga. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon, nagbabasa ka pa rin ng Wattpad?" tanong ni Christian. Si Ann lang yata ang babaeng walang pakialam noon sa mga nangyayari sa paligid basta makabasa lang noon. Kahit nagle-lecture nga ang guro, nasa gitna ng book o notebook ang iphone nito. Alam niya dahil magkatabi sila palagi noon.
"Hindi na ah. Minsan na lang," nalulungkot na sagot ni Ann. Busy na kasi siya sa quadruplets nila. Paminsan-minsan na lang siyang nakakabasa ng updates kapag hindi siya makatulog at tulog na ang mag-aama niya.
"Dapat lang. Apat pa lang iyang anak ninyo pero ang mukha mo, parang isang dosena na ang mga supling ninyong mag-asawa. Huwag mong sabihing ginagabi ka ni Dylan? Aba, baka hindi lang quadruplets kundi pentagon na ang next na pagbubuntis mo?" biro ni Christian pero may kung anong kirot na tumama sa puso ni Ann. Pang ilang tao na ang nakapagsabi sa kaniya na mukhang matanda siya o mas tamang
sabihin na losyang na siya.
"Bilisan niyo na nga ang paglalakad!" Naiinis na sabi ni Divina dahil napansin niya ang pananahimik ng bestfriend. Hindi ito ang Ann na dating nakilala niya.
Pagdating sa classroom ay nagkakagulo ang mga kaklase nila.
"MALANDI KA!" Sigaw ng leader ng Upsilon.
"Aba, kasalanan ko ba kung ako ang mas pinili ni Harry kaysa sa iyo?" sagot ng kaklase nina Ann. "OUCH!" Napahawak ito sa namumulang pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal ng isa. Gumanti ito kaya nagsimula nang nakialam ang mga ka sis nila. Nagsiliparan ang silya, notebooks, makeups at kung anu-ano pa.
"Ann, lumabas na tayo," yaya ni Divina na tinatakpan ng katawan ni Christian para hindi matamaan.
"OUCH!" Daing ni Ann nang matamaan ng silya sa tagiliran.
"TAMA NA!" Malakas na sigaw ni Christian saka mabilis na sinipa ang mesa kaya napatulala silang lahat. Nagkandahulog ang mga gamit ng guro na nasa ibabaw nito.
"KUNG MAY PROBLEMA KAYO, HUWAG NIYONG DALHIN SA CLASSROOM NA ITO! PESTE! SINO BA ANG SORORITY QUEEN NANG MADISIPLINA KAYO!" Kung mga lalaki lang ang nag-aaway sa harapan niya, kanina pa niya pinagsusuntok ang mga ito.
"A-ANO ANG NANGYARI DITO?" humahangos na tanong ni Dylan. Rinig sa classroom nila ang sigawan at lagabog ng mga gamit kaya mabilis na tumakbo siya rito.
"Baby? May nangyari ba sa iyo?" mabilis na lumapit si Dylan sa asawa.
"Damn! Bakit may dugo sa braso mo?" kinakabahang tanong niya saka hinawakan ang sugat nito.
"W-Wala ito..." mahinang sagot ni Ann. Ngayon lang niya naramdaman ang hapdi sa braso.
"No, dadalhin kita sa clinic!" Wala siyang nagawa nang buhatin siya ng asawa at isinugod sa clinic. Habang tumatakbo ito ay ramdam niya ang takot sa mukha ng asawa habang mahigpit siyang hinahawakan. Gasgas lang naman ang nangyari sa braso niya pero hindi iyon mapapalampas ni Dylan. Pinatingnan nila sa cctv ang nangyari para malaman kung sino ang nagtapon ng silya sa kaniya at mabigyan ng tamang parusa.
Dalawang ara na ang nakalipas nang ipatawag ni Dylan ang mga nasangkot sa away lalo na ang lalaking pinag-aagawan nila.
"Ano ang simula ng gulo?" tanong ni Dylan. Nasa harap siya ng mga ito at may kaniya-kaniyang upuan ang lahat ng president at vice-president ng mga fratenities at sororities since parehong sorority members ang sangkot.
"Siya kasi!" Turo ni Joyce na leader ng Upsilon sa kaklase ni Ann.
"Why me? Wala akong pakialam sa kung ano man ang meron kayo ni Harry. Ang sa amin ay sa amin at mahal niya ako!" Pagtatanggol ni Aiza.
"Tanga ka kasi! Ilang beses ko nang sinabing may relasyon kami pero habol ka pa rin nang habol!" Nanggigigil na sabat ni Joyce. Ang mga nasa paligid ay nakikinig lang sa kanila. Kung tutuusin, hindi na dapat na pagmeetingan ito pero dahil sangkot si Ann, pinatawag lahat ni Dylan.
"Mahal siya at lapit siya nang lapit sa akin. Kasalanan ko ba kung hindi ka marunong mag-ingat sa kaniya?" depensa ni Aiza.
Nilingon ni Dylan si Harry.
"Alam kong frat member ka. Saang grupo ka?"
Natahimik silang lahat. Napayuko at mahinang sinambit ang Tau Gamma.
"Anak ng! Sa 'yo ito, Christian?" baling ni Dylan.
"Hala, ka grupo kita? Bakit hindi ko alam?"
"Oo. Kakasurvived ko lang last month," sagot ni Harry.
"Huwag mong sabihing napabayaan mo na ang frasority mo?" ani Dylan.
"Alam mo namang nabari--"
"Alam mong hindi excuse ang kung ano man ang nangyari sa iyo. Ano ang ginagawa ng vice president at mga M.I mo?" pagputol ni Dylan sa sinasabi ni Christian.
"Tungkulin ng bawat miyembro na ipaalam sa nakakaitaas nila ang bawat galaw ninyo at TUNGKULIN din ng bawat presidente na alamin ang bawat hakbang na isasagawa ng members niya," hindi lang para kay Christian ang sinasabi niya kundi pati na rin sa lahat. Ang dami niyang problemang kinakaharap at dagdagan pa ng mga ito.
"Ikaw Harry, sino ang mahal mo sa dalawa? Mamili ka na at nang matapos na tayo," naiinip na wika ni Dylan.
"K-Kuwan..." naiilang na wika ni Harry.
"Bilisan mo o ako mismo ang di-disiplina sa iyo?" naiinip na wika ni Dylan.
"M-May asawa na ako..."
"WHAT/WHAT?" parehong sigaw ng dalawa at napatayo pa.
"Walang hiya kang hayop ka!" Itinapon ni Joyce ang prada shoes dito kaya natamaan sa mukha.
"TIGIL NA!" Muling saway ni Dylan.
"Bigyan mo ng parusa ang member mo, Christian. At kayong dalawa na leader ng sorority, maglinis ang grupo ninyo sa buong campus sa loob ng isang linggo." Utos ni Dylan at napasandal sa upuan na tila ba isang hari sa kaniyang trono. "Alam ninyo ang nangyari kina Jestoni at sa lahat ng BEX hindi ba?" panimula niya.
"Oras na may kumalaban o lumabag sa kahit ano mang rules na ginawa ng mga alumni natin, alam na ninyo ang kinalalagyan ninyo. Gusto ninyo ng maayos at tahimik na kapatiran, maging law abiding fraternity kayo dahil hindi tayo basta-basta! Hindi tayo gangster." Paalala niya sa mga ito. Tumayo siya at hinarap ang lahat na nakikinig sa kaniya.
"Tapos na ang pag-uusap. Bumalik na kayo sa mga klase ninyo." ani niya at lumabas na sa loob ng disciplinary room para sa lahat ng grupo ng paaralan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon