25-26

2.6K 92 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  25-26

Unedited....
"Magbihis ka na, mag-aalas siyete na. Isang oras na lang mag-uumpisa na ang party," pag-aalo ni Dylan sa asawa. Nakahiga lang ito sa puting kama at hindi siya pinapansin.
"Kaninang kinakausap , hindi sumasagot." Pabulong ni Ann.
"Ann, ano ba? Kapag hindi ka pa magbihis, ako na mismo ang huhubad sa 'yo." Naiinis na wika niya. Kanina pa siya nakabihis pero ang asawa ay mukhang walang balak na kumilos. Ayaw pa naman ng lola niya ang ma-late.
"Ikaw na lang ang dumalo, Dylan. Tutal, pamilya mo naman sila."
"Pamilya ka rin naman, Ann. Bihis na."
"Ano ang isusuot ko? Nagbigay pa ng damit ang matandang 'yon. Dapat puro bikini na lang," naiinis na sagot niya saka umupo. Lahat ay puro see through at lingerie ang laman ng tokador. Wala man lang pajama.
"Dapat nga wala," sagot ni Dylan.
"Ulitin mo nga?" tumayo na si Ann.
"Bihis ka na. Pareho lang kayo ni Lolo Patch," tumalikod si Dylan at tumungo sa closet.
"O, may damit naman dito. Magsuot ka na." Sabay hagis ng moccasinl cocktail dress sa kama.
"Ayoko!"
"Puta! Magbibihis ka o kakaladkarin kita sa party na ganiyan?" sigaw niya na ikinagulat ng asawa.
"S-sinisigawan mo ako, Dylan?" halos maiyak na tanong niya. Hindi sumagot ang asawa at naupo ito sa sofa na nasa gilid lang ng kama katabi ng lampshade.
"I'm sorry. Magbihis ka na, please." Mahinahon na niyang sagot.
"Fine!" Dinampot niya ang damit at pumasok sa powder room. Hindi niya kayang magbihis sa harap ng asawa.
Inayos muna niya ang mukha. Light make-up lang ang ginawa niya. Isinuot ang damit at inayos ang buhok. Ipinusot niya ito at nag-iwan ng iilang hibla sa mukha.
Paglabas ay napasulyap si Dylan sa asawa. "Okay na ba?" tanong ni Ann. Gusto niya ang off shoulder na damit. Siyempre mamahalin at gusto niya ang texture nito.
"Yupz. Maganda," napasimangot si Ann sa sagot nito. Matamlay kasi at walang ka buhay-buhay.
"Hindi ko alam kung asawa nga kita, o ano? Walang ka sweet sweet sa katawan," pagmamaktol niya saka kinuha ang silver sandal sa shoe rack.
Wala siyang bitbit kahit na pouch.
Paglabas nila ay may mga bisita silang nakakasalubong. Ang lakas din ng music na galing sa white house.
Papasok na sila nang mapaupo ito sa hagdan. "Teka, sandali. Ayusin ko lang ang sandal ko," natanggal kasi ang strap nito.
"Ako na," pagboboluntaryo ni Dylan.
"Huwag. May kamay naman ako," pigil ni Ann. Badtrip siya sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang ikinagalit nito dahil wala naman siyang maalalang maling ginawa niya.
Napasandal si Dylan habang pinagmamasdan ang asawa. Napaka inosente ng mga mata nito. Mayaman pero simple lang at walang arte sa katawan. Napabuntong hininga siya. Naalala naman niya si Yna. Parehong-pareho ang ugali at kilos ng dalawa. Nagkaka-iba lang hugis ng mukha.
"Let's go?" yaya niya nang maayos na nito.
Hinawakan niya sa bewang ang asawa nang papasok na sila.
"Ano'ng oras na? Late na kayo ng sampung minuto," nakataas ang kilay ni Patch nang lumapit ang mag-asawa sa table nila.
"Pasensya na," paumanhin ni Dylan. Pinasadahan lang ng lola ang asawa mula ulo hanggang paa. "In fairness, nagmukha ka ng tao."
"Pigilan mo'ko, Dylan ." Bulong ni Ann. Malapit nang mawala ang salitang respeto sa kaniyang katawan dahil kay Patch.
"Sweetheart!" Lahat sila ay napalingon sa babaeng mukhang British. Pula ang suot na halos lalabas na ang dibdib sa dahil naka v-neck.
"Why you didn't answer my calls?" sabay halik niya sa pisngi ni Dylan.
"Monique, you look gorgeous!" Bulalas ni Patch.
"You too, grandma. You look fabulous!" puri rin nito kay Patch na abot tainga naman ang ngiti nito.
"Sweerheart, mula nang umuwi ka rito, hindi ka na nagcha-chat sa akin. Kahiy sa instagram ay wala ring reply," naka-pout na wika ni Monique.
"I'm sorry, Monique. Busy lang ako and I forgot my password sa instagram ko pero sana maayos ko pa," pagdadahilan niya. Sinasadya niyang 'wag buksan ang social sites niya para hindi mabasa ang mga makukulit. Ang daming nagme-message sa kaniya pero tamad siyang sagutin. Naging fling niya ito sa Espanya ng dalawang araw. Matapos niyang makuha ang gusto ay hindi na siya nagpakita pa rito. Isa rin itong anak ng tycoon sa United Kingdom.
"Hmmm? Who is she?" she asked at tumaas pa ang kanang kilay nang mapatingin kay Ann.
"His friend!" Pagsisinuplada ni Ann at tinaasan rin ito ng kilay. Mas mataas sa kaniya dahil lagi nila noon ipinapractice ni Yna ang maging suplada.
"I thought, you're his new playmate." She gave her fake smile.
"Really? Well, I'm too beautiful to be his PLAYMATE," taas noong sagot ni Ann.
"Over confident, huh!" Panunuya ni Monique.
"Oo naman. 'Yong iba nga na panandalian lang, mataas na ang confidence sa sarili, ako pa kaya na pang lifetime?" makahulugang sagot niya.
"But, you're just a friend."
Napataas na rin ang kilay ni Patch sa dalawa. Biglang tumugtog ang music na pang couple.
"Tumatagal ang magkakaibigan. But flings? Pang one hour ka lang," wala siyang balak magpatalo sa babae ng asawa. Kung tutuusin, kerida lang siya nito. Kerida na mas matapang pa kesa sa asawa.
"Halika ka na, sweetheart. Sayaw na tayo," napipikong yaya ni Monique saka hinila si Dylan.
"Psh!" Hinila ni Ann ang upuang nasa gilid at pasalampak na naupo. Kumuha siya ng plato at pinuno ito ng iba't-ibang pagkain lalo na ng seafoods. Wala na rin siyang pakialam sa mga tao sa paligid.
"Watch your actions, young lady! Para kang walang manner!" Saway ni Patch nang walang pakundangang kumain ito sa harapan nila.
"Asawa ko, nasa gitna. Nakipagsayaw sa iba at iniwan ako sa inyo, tingin mo? Magpapahinhin pa ba ako? PO?" Sabay tusok ng calamares.
"Aba't... Bastos ka, ah."
"Bastos din naman ang apo mo, PO." Nagdidilim na ang paningin niya nang pagsulyap sa asawa sa gitna ay nakipaghalikan na ito kay Monique.
"Bastos talaga! Tingnan nga ninyo! Nakipaghalikan si Dylan!" Nanginginig na siya. Sanay naman siyang marami itong babae pero ngayon lang ito nakipaghalikan sa harapan nila.
"Ina-alburuto mo? Kiss lang 'yan," pagsisinuplada ni Patch.
"Kiss? Binababoy ako ng apo mo sa harapan ninyo! Okay lang sa inyo?" halos pasigaw na sagot niya. Medyo busy naman ang ibang bisita kaya hindi sila napapansin.
"Matagal mo namang binababoy ang pagkatao ng apo ko kaya okay lang 'yan."
"Ang sama mo!" Tumayo si Ann at umiiyak na lumabas sa party. Ito na ang pinakamasakit na nangyari sa kaniya. Ang insultuhin ng asawa at ng pamilya nito.
"Mom, mali naman po ata ang ginawa mo sa bata." Saway ni Regine. Kahit sila ay hindi rin magkasundo noon.
"H'wag ninyo akong pakialaman. Kayo nga na mga magulang, walang nagawa para mabuntis ang pabebeng babaeng iyon, hindi ko naman pinapakialaman, ah!" Galit na sagot ni Patch.
"Mom naman, huwag masyadong sobra. Alam naman ninyong bata pa sila," saway ni Demi.
"Tumigil ka, Demetrio! Pesteng pangalan!" Kumukulo na naman ang dugo niya sa tuwing sambitin ang pangalan ng anak. Noong nanganak siya sa hospital ay nagkapalit ang pangalan ng kaniyang anak at ng isang bata. Dapat Patrick Lee ang ipapangalan nila pero huli na nang malamang Demetrio ang nakasulat. Ilang buwan niyang iniyakan iyon pero ayaw na palitan ng mommy ni Lee dahil maganda naman daw. Mahal naman niya ang biyanan kaya lihim na umiyak na lang siya at si Lee ang palaging pinapagalitan.
"Lola? Nasaan na po si Ann?" tanong ni Dylan nang bumalik sa upuan. "Umuwi na. Ihahanda ko na ang annulment para sa inyong dalawa."
"What? Are you insane?" bulalas niya.
"Matino ang utak ko mula noon. Ipapa-annul ko na ang kasal ninyo. Pagod na ako sa kakahintay. Maghanap ka na lang ng napupusuan mo. Tutal, hindi naman niya ako kayang bigyan ng apo. Marami naman ang babaeng willing diyan kagaya ni Monique. Tatawagan ko ang parents niya tapos ibalik ko na ang allowance mo," mahabang wika ni Patch. Ang mga magulang ni Dylan ay tahimik lang. Wala naman silang magagawa sa desisyon ni Patch.
"Nasaan si Ann?" blangko ang mukhang tanong niya. "Malay ko, kung ako ang babae na makitang nakipaghalikan ang asawa sa iba, aba! Gigilitan ko talaga ng leeg," tumahimik si Dylan.
"Excuse me po," tumayo siya at lumabas.
"Saan ka pupunta, anak?" nag-aalalang tanong ni Regine pero mukhang walang narinig si Dylan. Tuloy-tuloy lang siya sa labas.
Patakbo siyang pumunta sa cottage nila.
"Ann, sandali!" Tawag niya sa asawang malapit na sa cottage bitbit na nito ang pares ng sandal na puno ng buhangin.
"Hey!" Hinawakan niya sa balikat nang maabutan at iniharap sa kaniya. "B-bakit ka umiiyak?" gamit ang mga daliri ay pinahidan niya ang mga luhang tumutulo.
"Pagod lang ako. Nasaan ang susi?" walang ganang sagot niya na pilit pinapakalma ang sarili. Kanina paglabas niya ay naglakad-lakad muna siya sa tabing-dagat pero sobrang bigat talaga ng dibdib niya. Naiinis siya sa lola ni Dylan pero mas naiinis siya sa asawa.
"Bukas 'yan," pinihit niya ang seradur para makapasok sila.
Tuloy-tuloy lang si Ann sa closet at kumuha ng masusuot. Black night dress pero see through naman ito kaya mas nadagdagan ang pagkainis niya!
"Ann? Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ni lola?" nag-aalalang tanong ni Dylan na nakaupo na sa kama pero sa bintana siya nakatingin.
Hindi sumasagot ang asawa kaya napilitan siyang sulyapan ito pero mabilis na iniwas niya ulit ang mga mata.
"Ann, please, answer me naman 'oh." Desperadong pakiusap niya. "Hindi ko kasi alam kung may mali ako o may nagawa akong kasalanan," ani niya.
"Gusto mong malaman, Dylan?" naikuyom niya ang kamao sa sobrang inis. "Matapos mong makipaghalikan sa kerida mo sa harapan namin, itatanong mo kung ano ang kinaiinisn ko? Pareho lang kayo ng lola mo! Hindi makatao! Mga walang hiya!" Natigilan si Dylan nang umiyak na naman ang asawa. "Akala mo, okay lang sa akin? W-wala namang p-problema kung makipag-relasyon ka sa iba, makipaghalikan o makipagtalik. P-pero Dylan, ang gawin mo iyon sa harap ko at ng pamilya mo, h-hindi naman ata tama iyon? Lahat naman ng babae, masasaktan kapag ginawa iyon ng asawa nila, e." Napaupo na siya sa tabi nito. Pahikbing tinakpan niya ang mukha.
"I did'nt kiss her. Nagkipag-balikan siya sa akin pero sinabi kong hindi na pwede dahil mag-asawa na tayo then she kissed me." pagtatanggol ni Dylan sa sarili. Hindi niya inakalang nakita pala sila ng asawa kanina.
"Ayoko na, Dylan. Pakiusapan ko na lang ang lola mo na mapawalang bisa ang kasal. K-kahit luluhod pa ako sa h-harap niya, ga... G-gagawin ko," pinahidan niya ang mga luha gamit ang kanang kamay.
"No!" Mabilis na tutol ni Dylan sabay tayo. Inosente namang napatingala si Ann.
"I mean, hindi siya papayag. Mas gigipitin lang niya tayo," sabay iwas ng mga mata. Ewan ba niya, kusa na lang lumabas iyon sa mga bibig niya.
"Ayoko na!"
"Bakit gusto mong makipag-hiwalay? Dahil ba sa Christian na iyon?" naikuyom na rin niya ang kamao.
"Walang kinalaman si Christian dito! Ikaw ang may problema!" Tumayo na rin si Ann sa sobrang inis.
"Talaga? Hindi ka naman maglakas-loob na makipaghiwalay kung wala kayong relasyon!" Hinawakan siya ni Dylan sa kaliwang braso. "Sagutin mo ako, may relasyon ba kayo ng lalaking iyon?" hinigpitan na niya ang pagkakahawak.
"Wala! Bitiwan mo ako! Gusto ko lang maging masaya! Gusto kong magkaroon ng magandang buhay at pamilya balang araw at mukhang hindi ikaw iyon?" Honest na sagot ni Ann.
"At kanino? Kay Christian?" Hinapit siya ng binata sa bewang para magkalapit ang kanilang katawan.
"B-baka..." Mahinang sagot niya.
"No way! Ako ang asawa mo at sa akin ka lang!"
"Hindi kita ma-- uhmmm..." Sakop na nito ang mga labi niya. Pilit na itinutulak niya ang asawa pero parang bakal ang katawan nito. Nagpaparusa at mariin ang mga halik nito na parang nagpaparusa. Gusto niyang magprotesta pero para siyang isang marupok na kahoy na paunti-unting nauupos sa apoy. Nanghihina at nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Nang mapansin ng asawa na hindi na siya tumututol ay pa unti-unting nagbago ang paraan ng paghalik nito. Naging banayad at maingat. Para itong bubuyog na maingat na dumapo sa isang napaka mahalimuyak at kakabukadkad lang na bulaklak. Sumisipsip at ini-enjoy ang matamis na katas ng bulaklak.
For the last time, she tried to push him away but he held her tightly, forcing his kisses on her hanggang sa kusa na siyang sumuko at walang magawa kundi ang gumanti sa mga halik nito. She put her arms around his neck and kissed him back. Her tongue danced with his. Napasinghap siya when his fingers glided under her panty.
"D-dylan," nauutal na wika niya nang bumaba ang mga halik nito sa kaniyang leeg.
"I want you, now... I'm sorry, Ann. But I think, hindi ko na kayang pigilan," he begged. Puno ng apoy na dulot ng pagnanasa ang mga mata nito. Bago pa siya muling makapag-isip ay muli nitong inangkin ang kaniyang mga labi. Para siyang isang bata na walang magawa kundi sundin ang utos at pakiusap ng kaniyang mahal sa buhay. Mahina siya! Lalo na't nakakadarang ang mga halik ng asawa. Babae lang siya at pareho lang sila ni Dylan na hindi na kayang tupukin ang malakas na apoy na dulot ng kanilang mga katawan.
Walang pagtutol mula sa kaniya nang tuluyan nang hubarin ng asawa ang kaniyang mga damit at inihiga siya sa kama hanggang sa puro ungol na lang nila ang naririnig sa buong cottage.
"Patayin mo na nga 'yan! Bigyan mo naman ng privacy ang mag-asawa!" Napipikong utos ni Lee kay Patch na ang tinutukoy ay ang speaker na naka konekta sa kwarto nila.
"Yes! Magkakaapo na ako sa tuhod," masayang bulong ni Patch.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon