book 2 chapter 4

1.5K 64 0
                                    


FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 4

"Baby? Nasaan si Baby L.L? Bakit tatlo na
lang ang mga ito?" nagtatakang tanong ni
Dylan nang pinuntahan sa crib ang mga
anak.
"Kinuha ni Lola Patch," sagot ni Ann habang
nagtitimpla ng gatas. Palagi na lang
nawawala si L.L dahil kinukuha ng matanda.
"Psh! Bakit si L.L talaga?" bulong ni Dylan.
"Alam mo namang siya ang nagpangalan
do'n."
"Bakit hindi na lang si Lee Patrick? Iyon
naman talaga ang gusto niya." naalala niyang
iyon daw ang dapat na ipangalan nito sa
ama. Lee Patrick sa halip na Demetrio.
"Eh mas bet ko ang L.L. Bakit? May
reklamo?" natahimik silang dalawa nang
pumasok ito kalong ang natutulog na apo.
"Wala po, Lola." nagkatinginan silang mag-
asawa.
"Lahat naman sila ay mahal ko. Si L.L lang
talaga ang paborito kong kunin dahil alam
niyo na, iyan ang paboritong gawin ng lolo
Lee ninyo sa banyo kapag ayaw ko..."
makahulugang sabi nito saka humagikgik na
para bang may nai-imagine.
"Ano po iyon?" nakakunot ang noomg
tanong ni Dylan.
"Huwag mo nang alamin! Ikaw ki bata-bata,
ang tsismoso mo na."
"Huh? Ano po ba kasi iyon, Lola?"
"Basta! Ginagawa mo rin iyon kapag mag-isa
ka lang!" Naiinis na sabi ni Patch saka
makahulugang pinagmasdan ang apo mula
ulo hanggang paa.
"Lola, nambubuso ka na, ha!" Pasimpleng
inilagay ni Dylan ang mga kamay sa gitna ng
hita.
"Aba, bastos kang bata ka! Ikaw itong
madumi ang utak!"
"Maliban sa Lance Leonard, ano pa ba kasi
ang meaning ng L.L na ginagawa sa banyo?"
curious na tanong ni Dylan. Tahimik lang si
Ann sa gilid pero nag-iisip din siya.
"Akin na lang 'yun. Oh ayan, tulog na si
Baby L.L ko." inilapag niya ang apo sa tabi
ng tatlo. "Naku, ki gwupong mga bata."
Nanggigigil na wika niya.
"Hindi na ako magulat kung paglaki niyan,
maging spoiled ang mga iyan lalo na si L.L,"
ani Dylan.
"Sus, chill ka lang. Spoiled ka rin naman sa
akin kaya okay lang 'yan!" pa bagets na sabi
ni Patch. "Iwan ko na nga kayo! Maghahanda
pa ako ng almusal ng hubby ko..." sa edad
niya, wala na siyang inaatupag kundi ang
asawa at mga apo na lang. Si Lee na rin ang
bahala sa companya. Ang pagiging sorority
queen ay balak na niyang ipasa kay Cheska
pero may binubuo pa ang mga anak niya.
Ang sorority mask. Ang ibang piraso ay
nahanap na nila at nabawi sa mga bumili at
ang iba ay kasalukuyang pinaghahanap pa.
Iyon na lang ang kulang sa buhay niya since
dugo't pawis ang kaniyang puhunan para
mabuo lang ang maskarang iyon noon. Kung
puwede lang na orasyonan ang maskara para
kahit na nasa kabilang buhay na siya balang
araw ay mapanatag ang kaniyang kalooban
na nasa tamang tao lang ito mapupunta.
Patay na si Baron. Matagal nang pinatay ng
kaniyang mga anak pero ang lagim na
inihasik nito sa pamilya Villafuerte at Lacson
ay hindi basta-basta. Mabuti na lang dahil
sina Adrian at Lhen ay hindi na nito
pinakialaman pa sa probinsya. Malapad ang
hacienda ng mga Montemayor sa isang
probinsya sa bansa. Si Dhona naman ay
hindi na nakapag-asawa at nanilbihan na sa
simbahan. Pagkatapos nila sa kolehiyo noon
ay pumasok siya sa kumbento at sa France
na nanilbihan bilang isang madre pero
dalawang taon na rin itong namayapa.
Matapos nilang mag almusal ay iniwan nila
ang mga anak kay Patch at sa mga yaya ng
mga ito.
"Punta ako sa office ni Dad mamaya.
Ipapasundo na lang kita sa driver," wika ni
Dylan habang nagmamaneho.
"Bahala ka..." wala sa mood na sagot ni Ann.
"Puwede bang sumama mamaya?" tanong ni
Ann.
"Huwag na. Baka mapagod ka lang. Isa pa,
busy kami ngayong araw."
"Hindi pa ako nakapunta sa bagong office ni
Daddy Demi." sagot ni Ann. Balita niya ay
inilipat ito sa kabilang building.
"Ipapasyal kita kapag maluwag na kami. Ang
dami kasing hinahabol dahil peak season
ngayon." Hindi na sumagot si Ann. Ilang
beses na niyang sinabing pupunta siya sa
opisina pero ayaw pumayag ni Dylan dahil
hindi naman ito maasikaso. Kulang pa kasi
ng tauhan.

Pagdating sa paaralan ay inihatid na muna ni
Dylan ang asawa sa classroom nila.
"Iyan ba ang asawa niya?" narinig ni Ann na
tanong ng isang estudyante nang lumabas
ito sa classroom nila para mag CR sana.
"Hindi bagay. Mukhang matanda na. Ano ba
'yan! Ni hindi man lang marunong
magsuklay!" Sabat ng isa.
"Sinabi mo pa! Kung ako ang lalaki, iiwan ko
'yan!"
"Sa dami ng magagandang babae na
marunong mag-ayos ng sarili, hindi
malabong mangyari 'yan!" Dedma na lang ni
Ann ang mga ito at patuloy siya sa
paglakad. Sanay na siya sa mga insecure na
tao.
"Ang daming first year na mapanghusga sa
paaralang ito!" bulong niya. Ang mga
baguhan kasi o transferee ay hindi alam ang
pinagdaanan nila noon kaya kung
makapagsalita ay hindi man lang takot pero
ang mga second year to fourth year ay hindi
na nagsasalita pa.
"Ang cute ni Christian!" Nasa loob siya ng
cubicle nang marinig ang nag-uusap sa
labas.
"Sinabi mo pa. Pero may fiancee na siya!"
"Loka! Hindi pa kasal, girl! Puwede pang
maagaw." Nagtawanan ang mga ito. Narinig
niyang palabas na ang mga yabag ng grupo
kaya lumabas na rin si Ann.
"Ang daming ahas!" bulong niya. Mukhang
magkakaproblema pa yata ang bestfriend
niya sa mga malalandi sa paligid.
Palabas na siya ng classroom nang
mamukhaan ang babaeng palapit sa kaniya.
"SISSSSSSSS!" Malakas na sigaw ni Yna saka
patakbong lumapit sa kaniya.
"Sissy!" Bulalas niya saka sinalubong ng
yakap ang kapatid. "Namiss kita. Kailan pa
kayo dumating ni Kyler?"
"Kanina lang. Dumiretso na ako sa mansion
pero pumasok ka na. Balik aral ka na pala..."
"Oo. Gusto ko kasing makatapos. Ikaw?
Wala ka bang balak tapusin ang pag-aaral
mo?" naglalakad na silang dalawa. Palabas
ng building.
"Wala. Mahirap na. Alam mo namang ang
daming umaaligid sa asawa ko!"
"Talagang obssesed ka pa rin sa asawa mo?"
hindi makapaniwalang tanong niya.
"Obsessed ka diyan! Hindi ko naman
kailangang makapagtapos e nasa bahay lang
ako. Sayang ang pera at time. Isa pa,
ayokong maging kampante. Alam mo na,
ang mga AHAS, walang pili 'yan. Minsan,
kahit natutulog na kayo sa sarili ninyong
tahanan, tutuklawin pa ang asawa mo."
makahulugang sagot ng kapatid.
"Ikaw sis, hindi ka ba nabahalang maagaw si
Dylan mo?"
"Hindi naman. Mahal ako ni Dylan."
Kampanteng sagot niya.
"Kung sabagay, alam naman nating loyal ang
mokong na iyon." Sabat niya. Bago mahalin
ni Dylan si Ann ay sakaniya muna
nagpakatanga ito kaya alam niyang hindi
iiwan ni Dylan ang kapatid niya.
"Pero kung ako sa iyo, ayusin mo ang sarili
mo. Maglagay ka naman ng kahit kaunting
makeup. Huwag mo ngang hayaan ang sarili
mong magpalusyang. Kahit apat ang anak
ninyo, may yaya naman. Mag-ayos ka nga!"
Pagpuna ng kapatid.
"Ha? Maayos naman ako, ah!" Depensa niya
sa sarili.
"Maayos ka na sa lagay na 'yan?"
pinasadahan siya ng tingin. "Kung sa tingin
mo ay maayos pa, edi mas ayusin mo pa.
Maganda ka na pero siyempre, kaunting
ayos pa para DYOSA, 'di ba?"
pangungumbinse ng kapatid.
"Oo na..." ayaw na niyang humaba ang
usapan. May iilang Asirho na napalingon sa
kanila. Kilala kasi ng mga ito si Yna dahil ito
ang unang pinakilala ni Dylan na kasintahan
niya. Ilang beses din niyang nadala ito dito
sa CTU noon.
"Hayaan mo na sila. Past is past." bulong ni
Yna sa kapatid nang nahalata niyang naiilang
ito.
Hindi na pumasok si Ann at nagkuwentuhan
na lang sila ng kapatid sa malapit na coffee
shop.
"Sige na. Kanina pa tumatawag si Hubby ko.
Galit na yata ang loko!" Inayos nito ang
shoulder bag.

"Hindi ka naman nagpaalam?"
"Hehehe. Oo. Pero alam naman nun na ikaw
ang uunahin kong puntahan. Sige na. Basta
iyong sabi kong mag-ayos ka, ha!" Paalala ni
Ann.
"Oo na. Alis na. Baka hinahanap ka na ng
kambal mo. Ikiss mo na lang ako sa kanila!"
Na ang tinutukoy niya ay sina Keana at Kean.
"Sure. Bye!" Nakipagbeso-beso ang kapatid
at iniwan siya dahil hinihintay niya si Divina.
Kakalabas lang ni Yna nang pumasok naman
ang bestfriend.
"Ang ganda ng kapatid mo, ha. Nahiyang sa
buhay may asawa." wika ni Divina nang
makaupo sa harapan niya.
"Nakita mo siya?"
"Oo. Nakasalubong ko sa labas."
"Gano'n ba? Ahm, Divina?"
"Op?"
"Mukha na ba akong losyang?" wala sa
sariling tanong niya. Wala naman siyang
pakialam sa sasabihin ng iba pero ang sa
kapatid mismo niya narinig ay medyo
naapektuhan siya.
"Ahm... Hindi naman. Kulang ka lang sa
ayos." nag-aalinlangang sagot ng bestfriend.
"So, losyang nga!"
"Wala akong sinabi na ganiyan, ha."
"Ganoon na rin 'yun!" Malungkot na sagot ni
Ann.
"Hindi, ah. Ano ka ba!"
"Ikaw kaya ang magkaroon ng apat na anak.
Isa pa, may asawa na ako."
"Ann naman. Huwag mong isipin na may
asawa ka na at mga anak. Kahit na mommy
ka na, dapat pretty pa rin. Ipakita mong hot
mama ka! Dapat dalaga pa rin ang looks."
Pagbo-boost ng kaibigan. Ayaw niyang
malibing ang kaibigan sa isiping okay lang
na magpakalosyang dahil may asawa na ito.
"Oo na!"
Pagdating sa mansion ay agad na
pinuntahan niya ang quadruplets dahil sa
hagdan pa lang ay narinig na niya ang iyak
ng mga ito.
"Iyak na ang babies. Gutom na ba kayo?"
nakangiting wika niya. Ang dalawa ay
tahimik pero ang dalawa ay iyak nang iyak.
"Nasaan na ba ang daddy ninyo?" binuhat
niya si John Jacob."
"Wala pa, ma'am." Sagot ng yaya nina L.L at
J.M.
"Si Lola Patch?"
"May pinuntahan po. Nandito raw sa Maynila
ang kaibigan niya." na ang tinutukoy ng
nanny ay si Lhen Montemayor.
"Sige. Akin na sila. Gusto lang magpakarga
ng dalawa," wika niya saka dinala si L.L sa
labas ang isang yaya ay sumama sa kaniya
bitbit si J.M habang ang isa ay naiwan para
bantayan ang dalawa.
Pagbaba nila ay iginala nila sa garden ang
dalawang sanggol. Alas singko na ay wala pa
rin si Dylan.
"Pasok na tayo. Mukhang uulan yata," wika
niya.
"Sige po, ma'am. Uuwi na kami." Pasado
alas sais ay pinauwi na niya ang dalawang
yaya at siya na ang nag-alaga. Tinutulungan
na lang siya minsan ng ibang katulong pero
hanggat kaya niya ay hindi siya humihingi ng
tulong. Nandiyan naman si Dylan lalo na si
Patch. Kapag marinig nito na umiiyak ang
mga apo ay mabilis na tumatakbo sa
kuwarto nila kahit hating gabi na.
Nang masiguradong tulog na ang apat ay
naligo siya pero mabilisan lang. Wala pa kasi
ang asawa.
Pagkalabas niya sa shower room ay
pinagmasdan niya ang apat. Kuhang-kuha ng
mga ito ang mata ni Dylan at ang hugis ng
mukha nina John Jacob at JM ay sa ama rin.
Sina L.L at Lee Patrick ay sa kaniya.
"Baby?" tawag ni Dylan nang bumukas ang
pinto. Pagod na pagod ang mukha nito pero
agad na sumigla nang makita ang asawa.
"Ginabi ka na yata?"
"Oo. Busy kasi sa opisina."
"Oo nga. Sa sobrang busy, hindi ka na
nakatext o tawag man lang." Nagtatampo
siya. Ni hindi man lang siya naalala ng
asawa kanina.
"Sorry, baby. Busy lang talaga kami kaya
nawala sa isip ko. Tara, kain tayo," yaya ni
Dylan.
"Magbihis ka muna."
"Later na lang. Alam kong nagugutom ka
na. Paakyatin na lang natin dito ang isa sa
mga katulong."
Hindi na siya nakipagdebate at sumama na
sa asawa pababa ng hagdan. Nakahanda na
ang dinner nilang dalawa dahil sina Lee at
Patch ay doon na kina Lhen kakain.
"Dylan?" tawag ni Ann habang kumakain sila.
"Hmm? Ayaw mo ba ng ulam?"
"Hindi naman. Puwede magtanong?"
seryosong tanong ni Ann.
"Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Dylan.
"Kuwan..." nag-aalinlangan siya. "Mukha na
ba akong losyang?"
Natigilan si Dylan at humarap sa kaniya.
Napayuko siya nang medyo tumaas ang kilay
nito.
"At saan mo naman nakuha ang ideyang
iyan?"
"W-Wala lang. Natanong ko lang. Mukha na
ba akong losyang? Sabihin mo ang totoo!"
Ulit niya sa asawa. Ang seryosong mukha ni
Dylan ay dahan-dahang ngumiti at tumawa.
"Nakakainis ka talaga! Nagtatanong ako ng
maayos! Sumagot ka!" Nakalabing wika ni
Ann.
"Eh, nakakatawa talaga baby..." tuloy pa rin
ang pagtawa niya pero agad namang
sumeryoso nang mapansing hindi na umimik
pa si Ann.
"Ann, kahit kailan, hindi ka losyang sa
paningin ko. Mahal kita kahit na ano pa ang
hitsura mo. Losyang? Malolosyang lang ang
isang babae sa harap ng kaniyang asawa
kung subukan nitong tumingin sa iba."
Pahayag ni Dylan.
"H-Hindi ka titingin sa iba?" natatakot na
tanong ni Ann. Takot siya na baka
magkaroon ng iba ang kaniyang asawa at
iiwan na siya.
"Huwag kang mag-alala. Ang mga mata ko,
gagamitin ko para makita ang hinaharap
kasama ka. Hindi para humanap ng iba..."
hinawakan ni Dylan ang kamay ng asawa
saka pinisil. "Ann, kahit ano man ang hitsura
mo, kahit ikaw ang pinakalosyang sa
paningin ng iba, tandaan mo, para sa akin,
ikaw ang pinakamagandang asawa."
"K-Kain na tayo. Nagugutom na ako." Pag-
iiba ni Ann pero lihim na napangiti. Kapag
kasama niya si Dylan, pakiramdam niya ay
siya na ang pinakamagandang babae sa balat
ng lupa!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon