16

1.2K 67 0
                                    


FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 16

"Aalis na ako. Hindi ka pa nakabihis?"
nagtitimpla pa si Ann ng gatas at hindi
nakabihis.
"Mamaya na. Mauna ka na. Ihatid ko lang ito
sa apat," sagot ni Ann. Lumipat na ang
quadruplets ng kuwarto kasama ang
dalawang yaya dahil stay-in na ang mga ito.
"Ah, mauna pa ang boss kaysa empleyado?"
"Pupunta ako at isa pa, sabi ni Lola Patch,
anytime naman ako puwedeng pumasok."
"Sino ang boss mo? Si Lola o ako?"
"Ako!" Sagot ni Patch nang napadaan ito.
Nakabukas ang pinto kaya naririnig niya ang
usapan ng mga-asawa. "Ako ang boss niya."
"Magsama kayo!" Galit na tumalikod si Dylan
saka pabagsak na isinara ang pinto. Kahapon
pa sila nagtatalo ni Ann at kagabi ay hindi
nagpapansinan. Ayaw talaga niyang
magtrabaho ang asawa dahil para sa kaniya,
napaka iresponsable naman niyang asawa
kapag pinatrabaho pa niya si Ann.
Sumakay siya sa ducati pero agad namang
napababa nang maalala niya ang asawa. Ang
black chevrolet ang ginamit.
Pagdating sa opisina ay binata siya ng guard
pero tuloy-tuloy lang sa elevator.
"Morning, Sir!" Bati ng secretary niya pero
hindi siya sumagot. Ni sulyap ay hindi man
lang niya naitugon sa mga nasa paligid.
Matapos ang isang oras ay lumapit si Yola
sa secretary ni Dylan.
"Ano ang nangyari? Bakit mukhang badtrip
ang boss natin? Hindi ka pa niya
pinatawag?" tanong ni Yola kay Chandie.
"Malay ko. Baka nag-away ng asawa," sagot
ni Chandie.
"Naku, baka ikaw ang pagbuntungan ng galit
ng boss natin. Ikaw pa naman ang secretary
niya," pananakot ni Yola.
"Eh? Okay lang. Nandito naman mamaya ang
asawa niya."
"Anong okay? Baka mas malala pa 'kamo.
Hindi mo ba nakitang tutol ito sa
pagtrabaho ng asawa niya?"
"Mahal ba talaga niya ang asawa?"
nagdududang tanong ni Chandie.
"Sa tingin mo, hindi?" balik-tanong ni Yola.
"Ewan ko. Parang may affair na nga sila ni
Ma'am Corney." Bulong ni Chandie.
"Hoy, 'wag kang ano! Tsismosa ka na. Baka
may makarinig."
"Totoo naman. Pabalik-balik kaya si Ma'am
Corney dito pero wala namang ginagawa sa
loob ng opisina ni Sir," sagot ni Chandie.
"Kawawa lang 'yong asawa noh?" malungkot
na sabi ni Yola. Kalat na kasi na may
relasyon sina Dylan at Corney dahil palaging
nagkukulong sa loob ng opisina ang mga
ito.
"Oo nga. Mukhang bata pa at hindi
marunong mag-ayos. May anak na ba sila?"
wala silang nakikitang bata na dinadala sina
Patch at Dylan sa opisina.
"Oo yata. Parang may nabasa ako sa
magazine pero mukhang pinastop ang
pagbebenta. 'Di lang ako sure. Basta kasal
sila," sabi ni Yola at inayos kunwari ang mga
papel sa table ni Chandie nang bumukas ang
pinto ng opisina ni Dylan.
"Wala pa ba si Ma'am Ann ninyo?" walanv
kabuhay-buhay na tanong ni Dylan.
"Wala pa ho, sir."
"Kapag dumating, pakitawag sa akin."
"Sir, nandito na po siya," sabat ni Yola at
nakatingin sa babaeng kakalabas lang ng
elevator at naglalakad palapit sa kanila.
"Good morning!" Bati ni Ann at ngumiti sa
mga ito pero mukhang pilit lang dahil alam
niyang galit pa rin si Dylan. Nakikita naman
sa nakasimangot na mukha nito.

"Ano'ng oras na, ngayon ka lang?"
napatingin siya sa wristwatch sa sinabi ng
asawa. Pasado alas diyes na ng umaga.
"Sorry, traffic lang." Pagdadahilan niya.
"Ilang beses ka nang magbiyahe tapos
ngayon mo lang nalaman na ma traffic
pala?"
"Eh sa traffic, pakialam mo?" sabat ni Patch
na kakalabas lang. Kinausap muna niya ang
mga guwardiya kaya pinauna na niya si Ann.
"Psh! Nagtrabaho pa kayo!" Sagot ni Dylan
kaya napahawak si Patch sa bewang.
"Ako ang boss at papasok ako kung ano'ng
oras gusto ko!" Sabat ni Patch. Napanganga
siya nang talikuran ng apo. Ngayon lang
nito ginawa iyon sa kaniya at talagang
nagulat siya.
"BASTOS na bata!" Sinundan niya ito sa
opisina.
"Kailan ka pa natutong maging bastos sa
akin sa harap ng maraming tao?" tanong ni
Patch.
"Ayoko talagang magtrabaho si Ann dito!"
Sagot ni Dylan.
"Ah, galit ka dahil pinatrabaho ko ang asawa
mo rito?"
"Lola naman. Ayoko talagang magtrabaho
ang asawa ko. Mahihirapan lang siya rito sa
opisina. Isa pa, baka hindi na kami makikilala
ng mga anak namin. Kailangan nila ng isa sa
amin na personal na nag-aalaga sa kaniya,"
pagpaliwanag ni Dylan pero naka poker face
si Patch.
"Hindi ko makuha ang punto mo. Ang alam
ko lang, ayaw mong magtrabaho si Ann dito
dahil hindi ka na malaya." Sabat ni Patch.
"What are you saying, Lola?"
"Deny ka pa. Akala mo, hindi ko alam na
may kumakarengkeng sa iyong babae na
anak ng kasosyo natin?"
"WHAT?" gulat na tanong ni Dylan.
"Oo. Palagi kayong magkasama ng kerida
mo!"
"Lola naman. Bakit mo ako pinagbibintangan
ng ganiyan?" pinagmasdan niya ang
matanda. Naniningkit ang mga mata nito sa
inis. "H-Huwag mong sabihing... Sinabi mo
kay Ann ang mga pinagsasabi mo sa akin
ngayon?"
"Hindi ko na kailangang sabihin. Nakita na
ng mga mata niya ang pagtaksil mo sa
kaniya kahapon! May pabuhat-buhat ka pa
tapos hindi mo pa napansin na nasa tabi
lang pala ang asawa mo? Ang sakit no'n,
lintik na bata ka!" Hinampas na niya ang apo
sa balikat. "Subukan mong lokohin ang
asawa mong walang alam sa buhay kundi
magluto ng pagkaing nakakamatay,
pasasabugin ko 'yang itlog mo!" Pagbabanta
ni Patch. Seryoso siya. Ipapatanggal talaga
niya ang itlog ng apo kapag magloko ito.
"Hindi ko magagawa 'yan kay Ann. Mahal ko
siya. Ang nakita ninyo kahapon, tinulungan
ko lang si Corney at sa maniwala ka't hindi,
wala kaming relasyon at never akong nagka
interes sa kaniya!" Paliwanag ni Dylan
habang kumukumpas pa ang kamay dahil
mukha siyang nagpapaliwanag sa taong una
pa lang ay sarado na ang isipan.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo kakainin
iyang sinasabi mo dahil kapag nagkataon,
bala talaga ng shotgun ang ipapakain ko sa
iyo!"
Tinalikuran niya ang apo at lumapit sa pinto.
"Lola," tawag ni Dylan kaya nabitin sa ere
ang kamay niya.
"Ano?"
"Pakitawag naman po si Ann kapag dumaan
ka sa table niya." Pakiusap ni Dylan.
Nang lumabas siya ay sinabihan si Ann kaya
tumayo ang huli at pumasok sa office ng
asawa.
"Pinatawag mo raw ako?" tanong ni Ann.
Nakaupo ito sa swivel chair at pinagmasdan
siya mula ulo hanggang paa.
"Una, kapag pinatawag kita, kumatok ka
muna bago pumasok." Wika ni Dylan.
"Pangalawa, opisina ito. Hindi mo kailangang
mag dress. Puwede kang magpantalon. Mas
appropriate tingnan. Pangatlo..." iniabot
nito sa kaniya ang tisyung hawak. "Pakibura
ng lipstick mo. Masyadong makapal. Nasa
opisina ka, wala sa bar. Ayaw ko ng
secretary na makapal mag make-up.
Simpleng pulbo will do." Sumimangot bigla
si Ann sa narinig.
"Alam mo bang pumunta pa ako sa parlor
para lang magpaayos ng buhok at mukha
ko? Dumaan pa kami ni Lola Patch sa
boutique para lang bumili ng bagong damit
tapos ganiyan lang pala ang sasabihin mo?"
hindi makapaniwalang sabi ni Ann. Nainsulto
siya! Akala pa naman, pupurihin siya nito
dahil nag-ayos siya matapos ang mahabang
taon na pagpabaya sa sarili. "Kung pangit
ang tingin mo sa ayos ko, wala akong paki!
Isusuot ko ang gusto ko!"
"Wala akong sinabing pangit. Ang akin lang,
ayusin mo dahil opisina ito at maraming
lalaki!" Sagot ni Dylan. Kanina pa niya
gustong kaladkarin ang asawa dahil sa ayos
nito. Pinagtitinginan tuloy ng mga
empleyado at iyon ang hindi niya gusto.
"So? Kung ayaw mo, huwag mo akong
tingnan!"
"Ann nama--"
"DARLING!" Malakas na tawag ng babae at
agad na lumapit kay Dylan at humalik sa
pisngi nito. Tumaas bigla ang kilay ni Ann.
"Kailan pa naging DARLING ang pangalan ng
asawa ko?" tanong niya pero ang mga mata
ay nakatutok sa mga mata ni Dylan.
"Pakialam mo kung iyon ang tawagan
namin?" mataray na sagot nito at
pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Oh, nagmukha ka nang tao."
"Salamat. Ikaw naman, mas lalo ka pang
naging mukhang HAYOP!" Sagot ni Ann at
hinarap ang asawa. "Totoo ba ang sinasabi
ng ahas na ito na DARLING ang tawagan
ninyo?" sabay turo kay Corney.
"Of course not!" Agad na tanggi ni Dylan.
"Ano ba ang kailangan mo, Corney?" kanina
pa sumasakit ang ulo niya kina Patch at Ann
tapos dagdagan pa nitong si Corney.
"Binibisita ka. Palagi naman akong napunta
rito," nakangiting sabi ng babae.
"Makalabas na nga! May bisita ka palang
AHAS!" Giit niya ng salitang "ahas" at
lumapit sa pinto tapos lumabas.
"Ang kapal ng babaeng 'yon!" bulong niya.
"Bakit ka lumabas? Bumalik ka sa loob!"
Nagulat siya kay Lola Patch dahil nakatayo
ito sa labas ng opisina ni Dylan.
"Pero lol--"
"Babalik ka? O hahambalusin kita?"
"O-Opo..." Mabilis na sagot niya. Takot lang
niya kay Lola Patch. Pagpasok na naman
niya sa pinto ay nakaupo si Dylan at
kaharap ang laptop habang ang babae ay
nakaupo sa isang tabi.
"Bakit bumalik ka?" pagsisinuplada nito.
Umangat ng tingin si Dylan at napahilot sa
sintido. Marami siyang gagawin sa araw na
ito pero heto ang mga ito, nanggugulo.
"Naiwan ko ang ASAWA KO!" Sagot ni Ann
at nilakasan ang salitang "asawa"para
ipaalam sa kausap na pagmamay-ari na niya
si Dylan.
"Asawa mo na--"
"SHUT UP KAYONG DALAWA!" Sigaw ni
Dylan. Tumayo ito at walang pasabing
lumabas ng opisina.
"Titingin-tingin mo?" tanong ni Corney.
"Layuan mo ang asawa ko!"
"At kung ayaw ko?"
Poker face na nakipagtitigan si Ann sa
kaniya. "Sasampahan kita ng kaso!" Sabat ni
Ann.
"E di, makukulong din ang asawa mo?"
nakangising sagot nito.
"Wala akong pakialam! E di, mabulok kayong
dalawa sa bilangguan!" Matapang na sagot
ni Ann.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon