10

1.2K 60 1
                                    

FRATERNITY KING BOOK 2
by: sha_sha0808

Chapter 10

"Dylan? Gabi na, ah." pagbaba ni Ann, nakita
niyang nakaupo ang asawa sa couch at
mukhang may iniisip.
"Baby? Ba't gising ka pa?" tanong ni Dylan.
"Nagising lang ako. Tingnan ko sana kung
dumating ka na." naupo si Ann sa tabi nito.
"Bakit hindi ka pa umaakyat? Kanina ka pa
ba?"
"Wala. Napagod lang ako kanina kaya gusto
ko munang mapag-isa. Baka kasi magising
ko pa kayo ng mga bata."
"M-May problema ka ba? Kamusta ang lakad
ninyo?" nag-aalalang tanong niya. Ang
paalam nito ay pupunta sa racing area nila sa
Tagaytay dahil may humamon sa grupo nila.
Hindi naman siya iyong tipo ng asawa na
pagbawalan ito sa gusto dahil bago pa man
niya ito nakilala, nasa fraternities na ang
buhay ni Dylan.
"Okay lang. Si Christian ang nanalo.
Pangalawa ang humamon at pangatlo ang
Megano tapos pang apat lang si Oliver."
"Nagsisisi ka bang hindi ka sumali?" nag-
aalalang tanong ni Ann. Palaging Alpha
Sigma Rho ang nangunguna dahil wala pang
nakakatalo kay Dylan.
"Hindi naman. Kailangan din nilang lumaban
kahit na wala ako." Ngumiti si Dylan at
niyakap siya.
"Dylan? Sino pala ang nakalaban ninyo?
Bagong fraternity ba?" hinawakan ni Ann
ang kamay nito na nakayapos sa bewang
niya.
"Wala iyon. Matagal ng grupo. Gusto lang
nilang maging active muli kaya humamon
para muling makilala ng fraternities," sagot
ni Dylan. "Halika, matulog na tayo."
"DYLAN!" Tili ni Ann nang buhatin siya nito
na parang bagong kasal.
"Huwag kang maingay, baby. Baka magising
sila..." natatawang saad ni Dylan.
"SINO ANG MAGISING?" Muntik na niyang
mabitawan ang asawa nang magsalita si
Patch sa punong hagdan.
"W-Wala ho," magalang na sagot ni Ann.
"Ibaba mo na ako," bulong niya sa asawa.
"Mga bastos kayong dalawa! Hindi ba
puwedeng sa kuwarto na lang ninyo kayo
mag churva-churva?" saway ni Patch kaya
tumawa si Dylan.
"Opo. Sige na, magchu-churva-churva na
kami," paalam ni Dylan na buhat pa rin ang
asawa. "Saan ho kayo pupunta?"
"Sa kusina. Iinom ng tubig. Nauuhaw ako.
Alam niyo na," humagikhik ito. "Kakatapos
lang namin ni Hubby mag jerjer!"
Napanganga si Ann sa sinabi ng matanda.
"Mauna na kami, lola." Paalam ni Dylan saka
mabilis na umakyat sa kuwarto.
-------------------
"Kuya? Pahingi po ng pera..." nakalabing
wika ni Cheska nang pumasok sa tambayan.
"Ano ang gagawin mo sa pera?" tanong ng
kapatid na nakaupo sa tabi ng asawa.
"Ibibili ko ng bag. May bagong labas ang
hermes," nagpapacute na sagot ni Cheska.
"May pera ka naman, 'di ba?"
"Sapat lang sa pang allowance!"
Sumimangot ito at padabog na naupo sa
harap nilang mag-asawa.

"Humingi ka sa asawa mo," suhestiyon ni
Dylan.
"Duh! Wala kaya siyang pera. Pinakasal ninyo
sa pobreng lalaki sa mundo!" She rolled her
eyes.
"Ang dami mo namang bags sa bahay. Hindi
mo na nga nagagamit ang iba," sabat ni
Oliver na kakalabas lang ng kusina.
"Iba iyon! Babae at may sense of fashion.
Ano ang gusto mo? Sa isang linggo,
dalawang bags lang ang gagamitin ko?"
"Bakit? Wala namang masama, ah." Sabat ni
Oliver. "Si Ann at Divina nga, isang bag lang
ang ginagamit."
"Sila iyon! Oh my gosh! Hindi ako sila. Eh
kung nagrereklamo ka, sana sila na lang ang
inasawa mo!"
"Hindi naman sa gano'n, honey." Lahat ng
nasa silid ay tahimik na namang nakikinig sa
sagutan ng mag-asawa.
"Tinitipid mo ba ako, Oliver?"
"H-Hindi, ah. May mas priority lang kasi
tayo kaysa sa bag mo." Napakamot ito sa
ulo.
"Eh sa gusto ko ng bag. Bakit mo ako
pinakasalan kung hindi mo rin pala kayang
ibigay ang mga gusto ko? Sana hindi na
lang ako nagpakasal sa iyo!" Panunumbat ni
Cheska.
"Pinakasalan kita dahil mahal kita. Hindi para
ibigay ang lahat ng luho mo."
"Kung mahal mo ako, ibibigay mo ang lahat
ng gusto ko!"
"At kung mahal mo rin ako, Cheska,
tatanggapin mo kung ano lang ang kayang
ibigay ko sa iyo!"
Kinuha ni Ann ang C-2 at ininom dahil siya
ang nauuhaw sa sagutan ng dalawa.
"Gumamit ka nga ng straw!" saway ni
Cheska nang makita ang ginagawa niya.
"Makaalis na nga sa lugar na ito!"
Napatakip silang lahat ng tainga nang
malakas na sumara ang pinto.
"Psh! Kaunti na lang talaga at isasauli ko na
ang kapatid mo sa inyo," wika niya kay
Dylan.
"Huwag na bro," sagot ng kaibigan. "Hindi
'yan kanin na kapag mainit, puwede mo
pang iluwa. Ginusto mo 'yan, eh."
"Napikot talaga ako. Sino ba ang ikakasal na
puno ng militar ang palibot ng simbahan?
Ako lang." Daing niya. Nagulat talaga siya
nang pagdating sa simbahan ay may mga
sundalo, airforce at kapulisan. Pati yata
NPA, MILF at lahat ng tulisan ay inimbitahan
ni Lola Patch na para bang lulusubin na ng
ISIS ang buong Pilipinas.
Biglang tumawa si Ann. Naalala niya ang
nangyari noong ikinasal sila. Muntik na nga
siyang himatayin sa Kalokohan ni Lola Patch.
"Dylan, mauna na ako. Baka magalit ang
prof ko," paalam ni Ann nang magtext si
Divina na nandoon na ang teacher nila.
"Ihatid na kita."
"Huwag na. Sige na, hintayin na lang kita
mamaya kung mauna ang out ko," humalik
siya sa pisngi ni Dylan at lumabas na ng
tambayan.
"Mabuti ka pa dahil hindi maarte ang asawa
mo!" Ani Oliver na hanggang ngayon ay
hindi mapakali sa sinabi ng asawa. Ayaw
niyang ipakita na naaapektuhan siya sa mga
sinabi ni Cheska pero bilang lalaki, nasagi
nito ang pride niya. Iyonv hindi niya kayang
ibigay ang hinihingi ng asawa. Kaya naman
niya pero ang mga gusto kasi ng asawa ay
masyadong mahal. Mayaman sila pero hindi
kasing yaman ng mga Lacson.
"Makaka adjust rin si Cheska sa iyo. Alam
mo na, spoiled brat lang talaga siya," ang
totoo ay naaawa rin si Dylan minsan sa
kaibigan. Alam naman niyang mahal nito si
Cheska pero hanggang doon lang ang kaya
niyang maibigay.
"Sana nga."
Isang linggo na ang nakaraan at naging busy
silang magbarkada sa prelim exam dahil
pareho silang graduating maliban kay
Cheska. Firt year college pa lang ito.

"Kunin mo bukas si Mandy sa bahay nina
Mommy." Utos ni Cheska kay Oliver nang
dumating ito. Palagi nilang iniiwan kina
Regine at Demetrio si Mandy. Itiniklop nito
ang binabasa at hinarap siya.
"Okay," may bitbit ito na malaking box.
"Ginabi ka na naman? Palagi na lang. Saan
ka ba galing?" napapansin niyang gabi na ito
palagi nakakauwi. Minsan ay madaling araw
na pero tinatamad siyang mag-usisa.
"Busy lang ina Mommy." Sagot ni Oliver at
iniabot sa kaniya ang pulang kahon.
"Ano 'to?"
"Open it!" Ani Oliver.
"Kapag bomba 'to, mumultuhim kita!"
Binuksan niya ang box. Napatakip siya sa
bibig nang bumulaga sa kaniya ang latest
model ng hermes bag.
"Oh my ghad!" Hindi makapaniwalang
sambit niya.
"Para sa akin ito?"
"Ikaw lang naman ang mahilig sa ganiyan."
Sagot ni Oliver. Mangiyak-ngiyak na
tinitigan ni Cheska ang hawak na bag.
"Oh my, hindi siya fake!" Niyakap niya ang
bag at matamis na ngumiti sa asawa.
"Thank you! As in thank you!" Niyakap niya
si Oliver ng mahigpit. "Hindi mo lang alam
kung gaano ako kasaya. Thank you, honey!"
"Psh, matitiis ba kita?" masaya siya dahil
masaya si Cheska. Minsan lang kasi itong
ngumiti sa harapan niya dahil mahal talaga
ang ngiti ng babaeng ito kung hindi pamilya
ang kaharap.
"Saan ka kumuha ng pera?" nagdududang
tanong nito.
"Huwag kang mag-alala. Sa savings ko iyan,"
sagot ni Oliver.
"Salamat ha..." nagniningning ang mga mata
nito at muling niyakap ang hawak na bag.
Kinaumagahan, maaga pa silang pumasok sa
paaralan. Inihatid muna niya si Cheska sa
classroom nito.
"BROD!" Tawag ni Dylan kaya napatigil siya.
"Usap tayo!" Madilim ang mukha nito kaya
sumunod na siya patungo sa rooftop bago
siya nito masapak.
"GAGO KA TALAGA, OLIVER!" Bulyaw ni
Dylan kaya alam niyang nalaman na nito ang
ginawa niya.
"Nabayaran ko naman." Na ang tinutukoy
niya ay ang fundings ng kapatiran na hiniram
niya noong isang araw para ipabili ng bag ni
Cheska sa ibang bansa.
"Nabayaran mo nga pero paano kung
namatay ka?"
"Okay lang ako. Buhay na buhay pa!" Sagot
niya at umiwas ng tingin.
"Nabalitaan ko ang nangyari kagabi,"
mahinang sambit ni Dylan at lumapit sa
kaibigan.
"Wala namang masamang nangyari..." ayaw
niyang mag-alala ito. Lingid sa kaalaman ng
mga kagrupo ay sumasali siya sa
underground racing sa Cavite. Walang rules
at bahala na sa diskarte basta makarating
lang sa finish line.
"Oliver naman! Ano ang nangyari sa ducati
mo?" nakita niya ang nangyari sa ducati
nito. Wasak na at hindi na mapakinabangan
pa. Ang balita niya ay nakalaban nito ang
mga Black Dragon Gang.
"Wala iyon. Ang importante ay nanalo ako."
"NANALO? PAANO KUNG NAMATAY KA?"
Bulyaw ni Dylan. "Ang sabi, may sugat ka
raw?" ang sumbong ng isang brod nila na
nadoon sa race ay may dugo ito sa tagiliran.
"Wala iyon. Gasgas lang. Malayo sa bituka."
"Magpagamot ka! Hayaan mo na nga ang
luho ni Cheska! Alam ba niya ang ginagawa
mo sa loob ng isang linggo? Na halos itaya
mo na ang buhay mo para lang maibigay
ang gusto niya?"
"Brod, please, huwag mong sabihin sa
kaniya," pakiusap ni Oliver.
"Why not? Dapat lang na malaman niya
halos buhay mo na ang kapalit sa gusto
niyang wala namang kabuluhan!" Mahirap
talaga ang race na iyon dahil mga sikat na
gangster ang naglalaban doon. Walang
guards at minsan ay buhay ng kalaban ang
kapalit para lang manalo. At iyon nga ang
nangyari kay Oliver. Suwerte lang niya dahil
kahit na ilang beses na bungguin at ipitin ay
nagawa pa rin nitong makarating sa finish
line.
"Hayaan mo na. Wala namang kasalanan si
Cheska. Ako ang may gusto niyon. Ibibigay
ko ang gusto niya sa kahit na ano mang
paraan." hindi makapaniwalang nakatingin
lang si Dylan kay Oliver.
"Mahal ko ang kapatid mo at lahat ay
gagawin ko, mapasaya lang siya!"

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon