66-67

2.1K 67 0
                                    



FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 66-67

Unedited....
"Baby? Tama lang ba itong damit ko?" tanong ni Ann sa asawa. Nasanay na siyang tawagin din itong baby kahit na ang corny.
"Yupz. Kahit ano namang isuot mo, maganda ka pa rin." Papalapit si Dylan dahil ipinark pa niya ang sasakyan. Hindi rin ito nag uniform para sabayan ang asawa dahil nahihiya raw.
"Hindi ba ako Chubby?"naninibago siya sa lumalaking umbok sa tiyan.
"Paano kung magkaroon ako ng stretch marks? Paano kung hindi na ako papayat? Paano kung magiging losyang na ako?" tumawa ang asawa. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo habang naglalakad.
"Kahit lahat ng sinabi mo ay magkatotoo, mahal pa rin kita at iyon ang hindi magbabago." Naiinis si Ann. Ayaw niyang magkatotoo iyon.
"Huwag ka nang sumimangot. Dapat nga, proud ka kapag may stretch marks ka. Ibig sabihin, isa ka sa mga pinagpalang binigyan ng nasa itaas ng isang munting anghel. Proud na nanay ka. Huwag kang mag-alala. Kapag manganak ka na, ipapa-Belo kita para matanggal ang lahat ng problema mo." Excited na siyang lumabas ang kanilang supling.
"Ano kaya ang baby natin?" curious na tanong ni Ann.
"Sana lalaki," matagal nang pinapangarap ng pamilya na magkaroon ng lalaking apo lalo na sa kaniya galing. Siya na lang ang tigabigay parami ng apelyido ng mga Lacson.
"Sana nga. Kahit ano basta ikaw ang ama ng baby ko," wala sa sariling ipinagpatuloy ni Ann ang paglalakad. Napangiti si Dylan sa narinig. Hindi lang nito alam na napasaya siya sa sinabi nito. Hindi na kasi sweet si Ann gaya ng dati dahil sa hirap na dinanas habang nagbubuntis.
Napadaan si Ann sa grupo nina Nancy. Nakakasuklam ang mga titig nito sa kaniya. Napahawak siya sa tiyan. Baka kasi kinukulam siya nito kaya ayaw niyang madamay ang anak nila.
Galit pa ito sa kaniya dahil na suspended ito ng isang linggo dahil sa ginawa.
"Sila naman ang may kasalanan," bulong ni Ann. Hindi pa nga siya nakaganti sa pisikal na pananakit nito sa kaniya noon. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman ang kamay ng asawa sa balikat niya.
"Huwag kang humingi ng kiss dahil sa labas ka talaga matutulog mamaya," pagbabanra niya nang malapit na sila sa classroom.
"Alam mo talaga. Oo na," napangiti si Dylan. Kagabi, hindi siya nito pinapansin pero hindi rin nakatiis nang makita siyang pabaling-baling sa couch kaya pinabalik siya sa kama. Nang masigurong nakaupo na ang asawa ay lumabas na siya sa classroom nito at pumunta sa first subject nila. Tamad siyang makipaghandshake kaya nag hand sign na lang siya sa mga brod.
"Nasaan si Oliver?" hindi pa niya nakita ito.
"Wala pa 'ata. Mukhang nag-i-enjoy sa kapatid mo," nakangising sagot ni Jestoni.
"Ulol!" Naupo siya sa tabi ng isang brod na natutulog. Tamad siyang makipag handshake kaya nag handsign na lang siya sa mga ito.
"Brod, alam mo na ba ang nangyari sa isang miyembro ng BEX?" tanong ni Jestoni. "Iyong nakalaban mo sa racing..."
"Bakit? Ano'ng nangyari? Wala na silang balita, a." tanong niya. Naupo si Jestoni sa tabi niya at palinga-linga.
"Patay na ang nabaril, brod. Isang linggo na," bulong nito para hindi marinig ng mga kasamahan.
"Paanong namatay?" nagtatakang tanong niya.
"Kakilala ni Mommy ang doctor na nagbabantay sa kaniya. Na coma pala siya ng ilang buwan dahil sa mga tama ng bala pero hindi ipinaalam ng mga BEX sa publiko," napaisip si Dylan sa isinumbong ni Jestoni.
"Ibig sabihin, kailangan nating mag-ingat. Gaganti ang BEX," naikuyom niya ang kamao. Ang unang pumasok sa isip niya ay ang asawa ngayong alam na ng lahat na mag-asawa sila. Mas mahirap pa dahil buntis ito ngayon.
"Malamang. Balita ko, kumikilos na sila. Nagre-recruit sila ng mga tambay. Hindi malayong mangyari na magsasagawa sila ng frat war laban sa atin. Kahit ang connections nila ay tinitipon na rin nila," hindi p'wedeng ipawalang bahala ang ganitong sitwasyon lalo na't buhay na ang nawala sa kanilang kalaban. Ang kapatiran, kapag namatayan dahil sa away ng grupo ay hindi ito titigil hangga't hindi makakabawi.
"Alam na ba ito ni Oliver?" maingat na tanong niya.
"Hindi pa. Wala pang nakakaalam. Ikaw pa lang. Hindi ko rin mapasok ang data nila. Naging maingat sila sa mga galaw at kilos. Lahat ng pages ay deactivated na," napabuntong hininga si Dylan.
"Kailangan natin ng general meeting," suhestiyon ni Jestoni.
"No. I think mga elected officers muna ng bawat chapter tayo magpupulong at pag-usapan ang dapat na gawin," ani niya.
Tanghalian na. Nagtext si Ann na nasa canteen na sila kaya dumiretso na sila ni Jestino roon.
"Nag-order na kami para sa inyo," wika ni Ann. Hinalikan siya ni Dylan sa pisngi at naupo sa tabi niya.
"Ba't wala si Oliver?" tanong ni Ann tapos inilipat ang sibuyas sa plato ng asawa. Ayaw niyang kainin dahil nasusuka siya.
"Absent. May sakit daw si Cheska," nakatitig lang siya kay Ann. Nang mapansin ng asawa ay bumaling ito sa kaniya.
"What?" nakakunot ang noong tanong nito.
"Wala. Salamat," sumubo na siya.
"Salamat saan?"
"Sa pagiging sweet mo ngayon," bulong niya na sila lang ang nakakarinig.
"Sige lang. Bulong pa more. Si Jose Rizal, namatay sa bulong." Pananakot ni Rhodalyn.
"Inggit ka lang, babes." Nakangising wika ni Jestoni.
"Palibhasa, wala kang ka sweet, sweet sa katawan." Panunuya niya sa kasintahan. Nagtawanan silang apat maliban kay Divina.
"May problema ka ba, Divina?" tanong ni Ann. Kanina pa ito tahimik at hindi nakikisabay sa kanila. Nanlalalim din ang mga mata nito.
"W-Wala. Napuyat lang ako kagabi," usal niya. Hindi na nagtext pa o tawag si Christian sa kaniya. Sinira na rin niya ang simcard at itinapon ang cellphone.
"Nabalitaan mo na ba girl?" tanong ng kaklase nila na nasa kabilang table.
"Ang daming balita sa buong mundo araw-araw. Malay ko ba kung ang balitang nalaman ko ay iyon din ang balitang tinutukoy mo," pambabara ng kaibigan.
"Baliw. Hindi iyon. Ang news kaninang umaga sa Good morning Philippines," sabay hampas nito sa balikat.
"Ano'ng meron?"
"Kilala mo si Precious, 'di ba?" napatigil si Ann sa pagsubo. Ang lakas kasi ng usapan ng dalawa. Kanina pa niya naririnig ang Precious pero hindi niya lang binibigyan ng pansin.
"Ay! Oo. Idol ko siya. Sila ni Stephanie kaso kawawa naman ang idol ko, sumalangit nawa." Malungkot na sabi nito. Sikat si Precious bilang isang sexy actress. Alam ni Ann na nakita niya ito lately pero hindi niya lang matandaan kung saan.
"Ikakasal na siya at balita ko, kay Christian?" nagkatinginan sina Ann at Divina. Pareho silang nagulat sa narinig.
"Yupz. Tingnan mo kasi sa diyaryo. Ano ba 'yan. Ang poor naman ninyo. Wala kayong newspaper every morning?"
"Duh. Pang mahirap lang ang newspaper. Meron naman. Si Daddy ang nagbabasa. Ano'ng pakialam ko diyan? Hala, ikakasal na? Ang swerte naman ni Christian," tili nito. Nato-tomboy siya sa ganda ng idol.
"Hindi pa naman kumpirmado, friend." Sabi ni Ann. Nag-aalala siya para sa kaibigan. Ngayon alam na niya kung bakit ito malungkot mula pa kanina. Ngumiti si Divina sa kanila at pilit pinapasigla ang boses.
"Kung totoo man iyon, okay lang. Wala naman kaming relasyon. Ano ba kayo, dapat nga masaya tayo para sa kaniya." Ipinagpatuloy lang niya ang pagkain. Mabilis ang kaniyang pagsubo para hindi mapatingin sa nagtatanong na mga mata ng mga ito.
"Hindi niya sinabi na mag-aasawa na siya tapos ang sweet pa niya sa 'yo noong nasa Barcelona tayo," may himig ng pagtatampo ang boses ni Rhodalyn.
"Oo nga. Tapos may pasulyap-sulyap pa siya sa 'yo. Ano 'yon?" dagdag ni Ann. Ang dalawang lalaki ay walang pakialam sa usapan ng mga ito. Kain lang sila nang kain dahil nagutom sa terror na professor kanina.
"Hayaan ninyo siya. I-congratulate na lang natin siya," ang daming katanungang pumapasok sa kaniyang isipan pero hindi niya kayang isumbat kay Christian dahil unang-una, wala namang sila. Naging assumera lang siguro siya. Nangarap na mahalin din siya ng kababata. Kaya pala wala silang commitment dahil hindi na pala p'wede.
Pagkatapos na nilang kumain ay nagpaalam si Divina na may pupuntahan lang. Mabilis na umakyat siya sa rooftop. Alam niyang sa mga oras na ito ay walang tao roon dahil magsisimula na ang klase. Gusto niyang umiyak kanina pa. Gusto niyang sumigaw at mamatay ng tao pero hindi niya kayang gawin iyon sa harap ng mga kaibigan. Ayaw niyang ipakitang labis siyang nasasaktan sa nalaman. Hindi niya lubos maisip na nagawa iyon ng binata sa kaniya.
Pagkabukas niya ng pinto ay napaatras siya sa nakita.
"Huwag ka nang umalis. Pababa na rin naman ako," tumayo si Christian at pinagpag ang pantalon. Hindi nakayang gumalaw ng dalaga. Umurong na rin ang mga luha niya na nais niyang pakawalan.
"Congrats pala. I-Ikakasal ka n-na," napalunok siya ng laway. Pinilit niya lang na isambit ang mga salitang iyon lalo na ang 'kasal'. Masakit! Para siyang sinaksak ng ilang libong beses. May mas sasakit pa ba sa sitwasyon niya na ico-congratulate mo ang nag-iisang lalaking minahal niya dahil ikakasal na ito sa iba? She never dreamed to be in this situation. Never!
"Nabalitaan mo na pala," mahinang sambit ni Christian.
"So, totoo pala. Arranged marriage ba?" hindi niya napigilang itanong. Kailangan niyang malaman ang kasagutan dahil kahit papano, pinaasa siya! Tutal, nasasaktan na rin naman siya kaya lubos-lubusin na niya.
"Nope. It is my will!" Nagtagis ang bagang ng binata habang nakatingin sa kaniya.
"Why? I m-mean... S-Sabi mo, mahal mo ako. B-Bakit mo ba iyon ginawa? Para paglaruan ako? D-Dahil alam mong mahina ako?" puno ng hinanakit na tanong niya. "Bakit mo pa sinabing mahal mo ako kung ikakasal ka na pala sa iba!" Hindi na niya napigilan. Tumaas na ang boses niya.
"Gusto ko lang aminin na mahal kita dahil iyon ang totoo," mahinang sagot niya na hindi makatingin sa kaniya.
"Iyon ang totoo pero magpapakasal ka sa iba? Ginagawa mo akong tanga!" naguguluhang sumbat niya. Kahit kailan ay hindi niya ito maintindihan.
"Bakit ka nga ba magpapakasal sa kaniya?"
"Dahil mahal ko siya!"
"Hindi kita maintindihan, Christian!"
"Mahal kita Divina, Oo. P-Pero mas mahal ko siya."
"Hindi mo ba naisip na ang unfair naman iyon sa side ko?"
"Kahit kailan, hindi kita pinaasa. Inamin ko lang na mahal kita pero wala akong iniwang pangako. Hindi ko sinabi umasa ka at hindi ko rin hiningi na mahalin mo ako!"
Pak!
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Divina na tumama sa kanang pisngi ng binata pero hindi ito natinag. Mukhang inaasahan na niya ang sampal na iyon.
"Ang galing mo rin! Hindi ko inaasahang makilala ko ang isang katulad mo!" Nanggigigil na wika niya. "Pinagsisisihan ko kung bakit pa kita minahal! Isa kang dakilang GAGO AT TANGA!" Sigaw niya.
Napangisi si Christian. "Salamat. Alam mo namang gago at tanga ako noon pa, pero bakit ka pa rin naniwala?" sinalubong niya ang matatalim na titig ng dalaga. "Kasi mahal mo ako kaya okay lang sa 'yo na magpakatanga ka!" Napanganga si Divina. Tumulo na ang mga luha niya. Ang sakit! Ang sakit ng mga salitang itinatapon sa kaniya ni Christian.
"P-Pinagsisisihan ko kung bakit minahal kita. P-Pinagsisisihan ko kung bakit naniwala ako sa 'yo. Sana, hindi na lang ako umasa... S-Sana, hindi mo na lang ako nilapitan. E di s-sana... H-Hindi ako nasasaktan ng ganito..." sumbat niya. "Ang sama mo! A-Ang sama, s-sama mo!" Napaupo na siya at umiyak nang umiyak.
"Oo, m-mahal kita. M-Mahal kita kahit na alam kong gago ka... M-Mahal kita kahit na ginagawa mo akong tanga... M-Mahal kita kahit na ang sakit, sakit na. N-Ngayon, masaya ka na? M-Masaya ka na dahil may nagpakatanga sa 'yo? M-Masaya ka na dahil may isang babaeng umiiyak dahil sa mahal ka?" pinahidan niya ang mga luha niya.
"Tumayo ka na, Divina. Hindi iyan ang Divinang nakilala at minahal ko. Marami ang lalaki na mas higit pa kesa sa akin. Hindi lang talaga ako ang lalaking para sa iyo dahil matagal nang nakalaan ang puso ko sa iba. P-Pasensiya ka na. I made a promise na pakakasalan ko siya. Pakakasalan ko siya dahil alam kong mas mahal ko siya kaysa sa iyo," malamig na sabi ni Christian.
Tumingala si Divina at pagalit na pinahidan ang mga luha. Tumayo ito at nakipagtitigan sa binata.
"Magpakasal kayo, pero ito ang tandaan mo, oras na ma-realize mo na mas mahal mo ako kesa sa kaniya, iyon din ang araw na nakuha na ako ng iba!" Matapang na sabi ni Divina.
"Best wishes sa kasal mo, sana maging masaya ka!" Tinalikuran na niya ang binata pero napatigil siya at humarap muli kay Christian. "And oh, by the way, zipper mo bukas!" Taas noong tumalikod na naman siya at pabagsak na isinara ang pinto. Pasimple namang isinara ni Christian ang zipper niya.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon