4-6

3.1K 102 3
                                    

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  4-5-6

CHAPTER  4

Kakatapos lang ng klase namin. Alas kwatro pa lang kaya naisipan kong puntahan si Divina sa tree park. Madalas doon kami tumatambay dahil presko ang hangin. Nagugulo lang dahil sa mga Asirhonians na nakatambay.
"Hey! Sa umaga, ang pangit ng nakita namin, tapos ngayong matatapos na ang araw, pangit pa rin?" makakasalubong ko na naman sila. Ang mga walanghiyang Phians at ang kanilang mukhang baklang princess daw.
"Mahilig kasi kayo manalamin! Paminsan-minsan, iwas din. You know, truth hurts!" Inis na sabi ko at lalampasan ko naa sana sila pero mahigpit ako nitong nahawakan sa kanang braso.
"Ano ba!" Singhal ko pero parang mga bingi na pinagtulungan ako para hilain.
"Tingnan natin ang tapang mo, bitch!"
Mahigpit ang pagkakahawak nila sa magkabilang kamay ko. Ang iba ay tinutulak ako sa likod. Peste! Lima silang lahat at isa lang ako kaya wala akong magagawa.
"Bitiwan ninyo ako kung ayaw ninyong malintikan sa akin!" Singhal ko pero nagtawanan lang sila. Wala namang pakialam ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Mabuti na lang dahil naka cycling shorts ako.
"Isarado ang pinto!" Utos ni Nancy kabayo. Ito na ang classroom na nakatalaga sa kanila. Bawat sororities ay may maliit na room ibinigay para mapagmeetingan nila. May mga drawing pa sa blackboard ng logo at sign nila.
"Alam mo, ang lupit mo rin, ano? Bakit hindi ka humingi ng sorry sa akin?" nakapamewang na wika niya. Ang iba ay malakas na itinulak ako para mapaupo sa silya. Tiningnan ko ng masama ang mahabang baba na tumulak sa akin. Ang sakit ng puwet ko sa pagbagsak, ha!
"I will never apologize sa isang baklang kabayong katulad mo!"
Tatayo na sana ako pero hinawakan ako ng dalawang malalaking kagrupo nila.
"Are you insulting me?" sabay turo ni Nancy sa sarili.
"No, bitch! I'm not insulting you... I am describing you!" Pang-asar ko rito. Tumawa naman ang mga alipores niya.
"Sino ka para para magsalita sa akin ng ganiyan, ha? Ang kapal ng pagmumukha mo!" Bakit ba sa tuwing matapos itong magsalita e may tumutunok na neigh sa utak ko? Dagdagan pa ng matulis na nguso nito na parang sumisinga na kabayo. Exaggerated man ako, pero iyan talaga ang totoo.
Taas noong tinitigan ko siya and gave her my dangerous smirk.
"I'm a bitch who speaks up the truth and wont put up with your shit!" Nagsilabasan ang mga ugat niya sa mukha at parang kabayo na ano mang oras ay handang manipa.
"Shutup! Hawakan ninyo iyan!" Tumayo siya at kinuha ang box na nasa ibabaw ng mesa. Peste! Ito ang box na inilagay nila kanina sa ulo ko. Napulot na naman nila? Sana pala, sinira ko na lang.
"Stop it!" Pigil ko habang pinipilig ang ulo.
"Lalaban ka? Ito ang bagay sa 'yo... takpan ang ulo dahil pangit ka!" Ang lakas pa ng tawa nila. Ipinilig ko ang aking ulo pero naipasok na nila sa box.
"Diyan ka! Sis, pakiabot nga ng gunting. Punitin natin ang damit niya," nanlaki ang mga mata ko
Mabuti na lang dahil may dalawang butas pa ang box na ito. Isa kasi ito sa mga pinapagawa nila sa mga papasok sa kanilang sorority. Ang tinatakpan ang mukha tapos paikutin sa buong campus na punit-punit ang damit.
"Ouch!" Malakas na sinipa ko ang nasa harap ko kaya natumba.
"Shit! Hulihin siya!" Sigaw ni Nancy nang makatayo ako at mabilis na lumapit sa pinto. Sinipa ko pa ang humarang sa akin at agad na binuksan ang pinto.
"Tumigil ka!"
Wala akong pakialam! Basta takbo lang ako nang takbo kahit na masakit na ang aking paa.
Sinipat ko ang paligid. Lahat ay nakatingin sa akin. Paglingon ko ay malapit na sila sa akin. Ang dami pa naman nila kaya kapag maabutan ako ay tiyak, ipapahiya ako ng mga kabayong ito.
Paglabas ko sa hallway ay hindi ko na alam kung saan tatakbo kaya sa likod ng Engineering building ako nagtungo. Takbo pa rin ako nang takbo. Bwesit! Ang bilis ding tumakbo ni Nancy. Nang lumingon ako ay nasa likuran ko na pero agad siyang tumigil at parang natatakotbang mukha.
"Awwwww!" Malakas na sigaw ko nang mabangga ako sa matigas na bagay. Pader? Nag-e-echo pa ata ang boses ko sa loob ng box. Pinagpapawisan na ako.
"Fuck! Hindi ka ba marunong tumingin?" Pagharap ko ay ang mukha na naman ni Dylan ang ang nakita ko.
"S-sorry," paumanhin ko. Ang daming lalaki na nakaupo sa mahabang bench at kaharap siya. Malamang, mga neophytes pa lang ang mga ito.
Halatang new students ayon na rin sa uniform nila dahil may kulay itim na logo sa kwelyo nila.
"Ikaw na naman?" Singhal niya. Ang mga kilay ay nasa isang guhit na. Napatingin siya kina Nancy na ngayon ay mabilis nang tumakbo palayo.
"Tsss... sorry na nga!" I apologized.
"What for? Nakaistorbo ka na sa amin! Alam mo bang bawal ka rito?" Tumayo ang kasamahan niya.
"Ano Master? Banatan na natin?" nakangising tanong ng isa pero sumenyas lang si Dylan na h'wag makialam.
"Kunin mo ang box sa ulo mo," parang boss na utos niya. Nakaangat pa ang isang sulok ng bibig nito.
"Hindi nga makuha!" Singhal ko rin. Ang init-init na! Parang nasa loob ako ng CR kapag magsalita. Isa pa, ayoko nga! Baka pagtawanan lang niya ako.
"Kunin na nga ninyo, dali!" Utos niya sa mga kasamahan na tumayo naman at lumapit sa akin.
"Huwag!" Sigaw ko at itinulak si Dylan saka mabilis namang tumakbo palayo sa kanila.
Mabuti na lang no'ng lumingon ako ay napailing na lang sila na nakatingin sa akin.
Lumabas ako sa gate na may nakatakip sa mukha at sumakay sa taxi. Swerte ko dahil tinulungan ako ng mamang driver na tanggalin ang box na nasa ulo ko. Peste! Ang tibay ng packing tape na inilagay nila.
Pagdating ko sa condo unit ay agad akong nagtungo sa shower room. Ang lagkit na talaga ng katawan ko dahil natuyuan ng pawis lalo na sa mukha ko.
Pagkatapos magshower ay nagsaing na ako sa rice cooker. Tinuruan ako ni mommy na magsaing at kung paano ito tantiyahin para hindi sumubra ang tubig.
Habang nag-aabang ng sinaing ay naupo ako sa sala at binuksan ang aking iphone. Wala lang, nakaka-sad dahil walang update ang inaabangan kong story. Iyan na lang ang buhay ko. Condo, paaralan at wattpad. Minsan, nagmo-movie marathon akong mag-isa pero nitong nakaraang buwan ay nakipag giyera na sa grupo ni Nikki. Mabait ako kung sa mabait! Pero kapag pinakialaman mo ang buhay ko, hindi ko ugaling magpatalo. Because sometimes, you have to be a bitch... to get things done. Kapag hindi ka lumaban, ikaw din ang talo. Kapag matino lang sana ang utak ni kuya Tyron, isusumbong ko talaga sila.
Ipinatong ko ang aking paa sa center table. Naka suot ako ng white shorts and white t-shirt na may print ni Bugs Bunny sa gitna. Ang cute lang!
Iniisip ko kung ano ang i-uulam dahil tinatamad akong magluto at umorder sa labas. Cup noodles na lang. Masarap naman ang Lapaz Batchoy, e. Minsan, naka 2 cups ako.
Napatingin ako sa pintuan dahil may nag-doorbell. Mayamaya pa ay napatayo ako nang bumukas ang pinto. Napahawak ako sa flowervase na nasa center table. Baka kasi magnanakaw at ire-rape ako.
"Psh! Ba't ganiyan ang mukha mo?" napasimangot ako nang pumasok ang walanghiyang si Dylan.
"Ginagawa mo rito?" Pabagsak na inilapag ko ang flowervase. Alam pala nito ang code ng unit dahil hindi ko pa pinalitan.
"Umuuwi sa condo ko," napataas ang kilay niya.
"Dito ka na tutuloy?" naiiritang tanong ko. Bago kasi ito lumayas nang walang paalam, nakipagtalo siya sa akin dahil sa hindi raw masarap ang luto ko. Mabuti pa nga noon si Yna, nagpapaalam kapag lumayas!
"Malamang! Condo ko 'to, 'di ba?" bakas ang pagkapikon sa mukha niya. Badtrip ata siya? Well, badtrip din ako.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon