84-85

2.4K 90 0
                                    

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  84-85

Unedited....
"Ayoko na! Masakit talaga ang loob ko!" Pagmamaktol ni Ann. Dalawang araw na ang nakalipas buhat ng nagpa check-up sila.
"Baby, doon lang tayo sa clubhouse. Maglakad-lakad para maka exercise ka at makapanghap kayo ng sariwang hangin," sa gitna ng kanilang village ay nagpatayo sina Patch ng clubhouse apat na buwan na ang nakaraan. Napag-isip-isip nila na huwag na tumigip muna si Ann sa pag-aaral at next year na lang tatapusin dahil one sem lang naman.
"Ang bigat ng tiyan ko. Baka mamaya, matumba ako."
"Bubuhatin kita," ani niya habang nakatingin sa kapatid na kasama si Oliver.
"Bakit apat? Hindi ba ako mamamatay kapag isilang ko sila? Paano na sa susunod na buwan? Para akong tao na nakalunok ng pakwan. Bakit 'yong iba? Isa lang pero sa akin, apat talaga?" naiiyak na tanong niya sa asawa.
"S-Sorry. Huwag kang mag-alala. Magiging okay din ang lahat. Nandito ako, hindi kita pababayaan." Hinapit niya sa bewang si Ann at hinalikan sa noo.
"I'll always be by your side, okay?" natatakot din siya para kay Ann pero gusto niyang magpakatatag.
"Hati na lang kasi tayo, sa 'yo na ang dalawa para hindi ako mahirapan," pakiusap ni Ann na nakatingala sa matangkad niyang asawa.
"Kung puwede lang, ako na ang magdala sa kanila. Basta, lahat ng gusto mo, sabihin mo lang at ibibigay ko sa 'yo. Lahat ng kakainin mo, hahanapin ko. Palagi lang akong nasa tabi mo," bulong ni Dylan.
"Ang arte niyo naman. Naku, Ann, maghanap ka ng maraming makakain. Hati tayo," sabat ni Cheska. Naupo siya sa couch na katabi ni Oliver.
"Wala akong ganang kumain..." Mahinang sagot ni Ann. Ang gusto lang talaga niya ay matulog.
"Ano ka ba? Buntis ka kaya normal lang 'yan. Apat 'yang dinadala mo kaya kumain ka ng marami. Pabili ka kay kuya ng santol," sulsol ni Cheska.
"Tapos lagyan natin ng asin at suka o 'di kaya'y tuyo," excited na sagot ni Cheska. Nagkatinginan sina Dylan at Oliver.
"Kuya, bili mo na si Ann ng santol. 'Yong kambal na santol," sulsol ni Cheska. Habang iniisip palang niya ang santol ay naglalaway na siya. "O di kaya'y mangga na hilaw. Lagyan natin ng bagoong. Sige na," parang bata na sabi ni Cheska.
"Ayoko! Isusuka ko lang iyon," sagot ni Ann. Hindi niya ma-imagine ang gano'ng pagkain. Basta matulog lang talaga siya.
"Kay Oliver ka magpabili. Aalis kami ni Ann, sama kayo?"
"Ayoko! Gusto ko talagang kumain ng santol at mangga!" Pagsisinuplada ni Cheska.
"H-Honey, tara sa labas, bili tayo ng mangga. Ang alam ko, meron doon sa labasan. 'Yung mga nasa kalye," yaya ni Oliver.
"What? Ayoko! Baka magka hepa ako. Ang dumi kaya nila!" Nandidiring sagot ng dalaga.
"Hindi naman. Kami nga, kumakain ng isaw at fishball sa labas, e." Sabat ni Ann. Noong nasa CTU pa sila ay favourite na nila ang gano'n.
"Ikaw 'yun. Hindi naman ako kasing cheap mo!" Kontra ng dalaga kaya napasimangot si Ann.
"Intindihin mo na lang 'yan, baby. Ganiyan talaga siya," bulong ni Dylan. Pinisil pa niya ang balikat ng asawa.
"Honey, 'yung hindi pa nabalatan ang bilhin natin. Ako na lang ang magbabalat," pangungumbinse ni Oliver.
"Okay. Tapos sabunan mo muna bago mo balatan dahil kung hindi, ikaw ang sasabunin ko!" Padadog na naglakad si Cheska sa labas. Excited na siyang kumain ng mangga at santol. Mayamaya pa'y tumigil ito at humarap sa tatlo. "Teka lang, bakit may hikaw ka na naman, Oliver?" nakasalubong ang kilay ni Cheska. Ngayon lang niya napansin na nakahikaw ang kasintahan.
"H-Huh? K-Kwan... Hikaw is--"
"Hikaw is what?" mukhang lalabas na ang dalaga sa balat niya.
"Hikaw is Life?" patanong na sagot ni Oliver at napakamot siya sa batok.
"Ayoko talaga ng lalaking mukhang adik," binuksan ng katulong ang gate.
"Hala, ang guwapo ko kaya. Bagay naman sa akin ang may hikaw, a." Pagtatanggol ni Oliver sa sarili.
"Whatever!"
Nilakad lang nilang apat para exercise. Tamang-tama lang dahil hindi na mainit. Alas kuwatro kinse na ang oras.
"Dito na lang kami ni Ann. Ayaw na niyang lumabas. Mag-ingat kayo," bilin ni Dylan. Lahat ng tauhan ay pina background check nila. Ang mga mapagkatiwalaan na lang talaga ang naiwan.
"Bahala kayo. Kapag walang mangga, Oliver, maghanap ka!"
"Meron. Nakita ko kanina habang papasok tayo," galing sila sa bahay nina Oliver dahil hinatid nila si Mandy.
"Ang suplada talaga ng kapatid mo," nakasimangot na sabi ni Ann. May iilang kabataan na anak ng mga trabahador na naglalaro sa maliit na parke. Ang iilan ay mga galing sa labas. Open pa sa mga kabataan dahil wala pa namang apo sina Patch pero kapag manganak na sina Cheska at Ann ay balak niya na gawing pribado.
"Dylan, natatakot talaga ako." Sumilong sila sa pinaka center ng clubhouse at naupo si Dylan sa bench. Pinagmasdan lang niya ang nakatayong asawa. "Hindi ko yata kaya ang apat?"
"Nandito lang ako. Hinding-hindi ako mawawala sa paningin mo. Nandito lang ako palagi sa tabi mo," tumayo siya at lumapit sa asawa. Hinawakan niya ang malalambot na mga kamay nito. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo ng mga anak natin," nakaramdam si Ann ng kapayapaan nang magkasalubong ang mga mata ng asawa. Yung pakiramdam na secured siya at kahit ano mang mangyari ay nandiyan ito palagi para sa kaniya. Ngumiti si Dylan kaya ngumiti rin siya.
"Gwapo na ako niyan?" proud na sabi nito.
"Oo na. Magbubulahan na lang tayo kasi asawa kita," natatawang sabi ni Ann. Pero totoo namang guwapo ang asawa niya at hindi na siya makakahanap ng kasing guwapo nito.
"Gano'n ba 'yon? Kapag asawa mo, nagiging guwapo na sa harapan mo? I mean, siya na ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo?"
"Hahaha... Hindi naman. Ako ang pinakaguwapo sa 'yo dahil alam kong mahal mo ako. Hindi mukha ang basehan ng pagiging guwapo. Well, bonus na lang sa akin iyon," niyakap niya si Ann at nakatingin sa mga batang naglalaro at nagtatakbuhan.
"Ann, darating ang panahon na mapupuno natin itong clubhouse ng mga bata. Sa susunod na mga taon, masaya akong makita kang hinahabol at nakipagharutan sa kanila." Nagniningning ang mga mata ni Dylan na parang nakikita na niya ang asawa at mga anak.
"Ayoko! Kapag matapos na silang apat na lumabas, ayoko na talaga. Ano'ng akala mo sa akin? Baboy? Mabuti pa nga ang baboy, minsan dalawa o isa lang ang anak. Tiyaka, dalawa lang ang dede ko. Saan ang dalawa sanggol dedede? Sa'yo?"
tumawa si Dylan. Ang cute pa ng nakalabing asawa.
"Bibili tayo ng gatas. After ng one week, hindi na natin sila pa dedehin sa 'yo kung ayaw mo na." Naglakad a sila patungo sa mansion nina Patch.
"Kuya!" tawag ni Cheska na kasama si Oliver. May bitbit na silang supot at nakaakbay na rin si Oliver sa kaniya. Maaliwalas na ang mukha ng dalaga.
"Mabuti naman dahil nakahanap kayo," bati ni Ann na nakatingin sa santol at mangga.
"Gusto ko nga sana ng kambal na santol, e!" Naiinis na sagot ng dalaga pero wala na siyang magagawa. Okay na rin ang ganito basta santol.
"Ano'ng meron? Ano ang nagpaparade?" may mga tambol na naririnig sina Dylan sa main road.
'Anniversary yata ng Treskelion ngayon. May nakita kaming sasakyan na nagparade sa labas at may banner nila," sagot ni Oliver. Nagkatinginan sila ni Dylan. Tahimik lang na nakayuko si Ann. Naalala niya si Christian.
"Do you think, galit sila sa atin?" usisa ni Oliver habang naglalakad. Nakaakbay pa rin kay Cheska. Napansin niyang bumait yata ito?
"Wala tayong kasalanan at hindi tayo ang may dahilan kung bakit nangyari iyon sa leader nila," kahit na palagi silang nag-aaway ni Christian, nalulungkot pa rin siya sa nangyari sa binata. Kung hindi siya nito tinawagan ay malamang hindi sila makapaghanda ng maaga.
"Mamimiss ko siya," sambit ni Ann na ngayon ay tumutulo na ang mga luha. "Tahan na..." pag-aalo ni Dylan.
Pagdating nila sa mansion ay nakaupo si Divina sa sala. Hininhintay sila.
"Friend!" Masayang bati ni Ann at niyakap ang kaibigan.
"Okay ka lang?" naupo siya sa tabi nito. Sina Oliver ay dumiretso sa kusina para hugasan ang santol at mangga.
"M-Magpapaalam lang ako sa 'yo. Sasama na ako kina Daddy sa Paris," walang kabuhay-buhay na sagot ni Divina. Nanlalalim ang mga mata dahil kulang sa tulog.
"H-Hindi mo na patatapusin ang pag-aaral mo?" malungkot na tanong ni Ann. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya sa isiping iiwan siya ng kaibigan.
"Hindi na..." Sabay iling ni Divina. "W-Wala naman siya k-kaya aalis na ako. Kaka cremate lang nila sa k-katawan niya..." yumuko siya. Tumulo na naman ang mga luha niya. Doon siya galing sa bahay nina Christian.
Namayani ang katahimikan sa kanila. Tumayo si Dylan para iwan muna ang magkaibigan para makapag-usap ng maayos. "W-Wala na siya! Iniwan na a-ako ni P-Payatot," gamit ang mga kamay ay pinahidan niya ang mga luha na naglalandas sa kaniyang mga pisngi. "D-Dahil sa akin, n-namatay siya. D-Dahil sa pagligtas sa akin, nangyari iyon sa kaniya. N-Nawalan siya ng buhay sa harap ko at wala man lang a-akong nagawa p-para iligtas siya," agad siyang niyakap ni Ann at pareho na silang umiiyak.
"Tahan na... Mahal ka lang ni Christian and I'm sure, masaya siya sa g-ginawa niya. Huhuhu. H-Huwag na tayong u-umiyak, a-ayaw niya na malungkot tayo..." Pero mas malakas ang pag-iyak ni Ann kaysa kay Divina. Bumalik sa alaala niya ang lahat. Ang ngiti at tawa ng binata kapag malungkot sila. Ang mga ginagawa nito sa tuwing ligawan siya. Ang kalokohan nito at ang pagsakay niya sa baka noong nasa Tagaytay sila. Si Christian ang mabuting guy best friend.
"A-Ang sama ko, Ann. Ni h-hindi man lang ako naniwala sa kaniya. S-Sana... S-Sana naging m-masaya pa kami. K-Kung alam ko lang na m-mangyari iyon, e di sana, h-hinayaan ko ang sarili ko na maging masaya kasama siya..." Puno ng pagsisisi na sabi niya.
"T-Tahan na, may purpose si God k-kung bakit niya g-ginawa iyon," kumalas si Ann sa pagkakayakap at siya na mismo ang pumahid sa mga luha ng kaibigan.
"H-Hindi man lang Niya kami binigyan ng pagkakataong magsama ng m-matagal b-bilang magkasintahan..." Tumingala siya sa chandelier. Umaasa na sana ay panaginip lang ang lahat pero hindi. Gising na gising siya. Napayakap siya sa sarili. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang init ng huling yakap ng binata sa kaniya. Mas lalong umagos ang kaniyang mga luha sa isiping nawala ito dahil sa pagtatanggol sa kaniya.
"F-Friend, isipin mo na lang na kaya ka n-niya iniligtas dahil ayaw niyang maging malungkot ka. K-Kung s-saan m-man siya ngayon, gusto niyang maging masaya ka..." Nahihirapang sabi ni Ann. Wala nang mag-iintindi sa kanilang dalawa. Wala nang maghahatid sa kanila sa canteen at wala nang gugulat sa kanila kapag nasa classroom sila dahil na si Christian.
"O-Okay lang. A-Ang sakit isipin na sa ganito kami magtatapos. H-Hindi lahat ng love story, nagtatapos sa happy ending. Hindi lahat ay nabigyan ng p-pagkakataon na maging masaya. M-Maaaring sa inyo pero h-hindi sa amin. H-Hindi lahat ng mababait ay nagiging masaya," naninikip ang dibdib niya.
"Alis na ako, Ann, baka hinahanap na ako nina Daddy." Tumayo siya at muling niyakap ang kaibigan. Kailangan niyang umalis para makalimutan ang lahat. Para makapagsimula ng bagong buhay.
Malapit na siya sa bahay nila nang mapadaan siya sa clubhouse ng subdivision.
"K-Kuya sandali. Dito na lang po ako. Maglalakad na lang ako pauwi," pigil niya sa driver.
Binuksan niya ang pinto at naglakad-lakad. Nang mapagod ay naupo siya sa isang bench at inalala ang nakaraan nila ni Christian sa lugar na ito. Puno ng pambubully at pang-aalaska ng kababata sa kaniya kaya umiyak na naman siya.
"Baboy, baboy, baboy! Hahaha!" Tukso ng isang batang lalaki sa kasing edad lang nito. Nagtawanan ang lahat ng kabarkada nito.
"Huhuhu... M-Mommy! G-Gusto ko lang naman makipaglaro, e." Umiiyak ang bata.
"E ayaw namin sa 'yo kasi baboy ka! W-Walang makikipagkaibigan sa 'yo kasi feeds ang kinakain mo!" Umakto pa ang batang lalaki na parang baboy.
Iyak tawa na nakatingin si Divina sa kanila. Naalala niya ang kaniyang nakaraan. Parang sila lang ni Christian noon.
"Ang sama ninyo!" Malakas na sinipa ng batang babae ang bola ng mga ito saka mabilis na tumakbo pero nadapa kaya pinagtawanan ng mga bata sa paligid.
"Haist!" Padabog na lumapit ang batang nang-aasar at kinuha ang bola na nasa harapan ni Divina pero nakatunganga ito na nakatingala sa dalaga.
"B-Bakit po kayo umiiyak, ate?" tanong ng bata. Lumambot ang matapang na mukha nito kanina.
"W-Wala. M-may naalala lang ako," ngumiti siya rito at hinaplos ang mukha. Si Christian ang kaniyang nakikita.
"Ang ganda mo po kahit na umiiyak ka na," puno ng paghanga ang mga mata nito.
"Talaga? A-Alam mo bang n-noong bata pa ako, k-kasing taba at pangit ako ng b-batang iyon?" sabay turo niya sa matabang bata na papalayo.
"T-Talaga ho?" napalunok pa ito ng laway.
"O-Oo. Kaya ikaw, mag-ingat ka sa mga b-binubully m-mo," payo niya sa bata. Tumayo siya at pinagpag ang damit.
"D-Dahil b-baka darating ang araw na ang n-nilalait mo, ay siya p-pang paglaanan mo ng buhay mo," yumuko siya at pinisil ang namumulang pisngi ng bata.
Tumalikod siya at naglakad palabas ng clubhouse. Sa huling pagkakataon, lumingon siya sa lugar na pinagmulan ng lahat sabay bulong, "PAALAM, CHRISTIAN."

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon