35

2.1K 66 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

Unedited...
"Baby? Baka mag-aaway na naman ang mga bata," nag-aalalang sabi ni Dylan.
"Kids, huwag kayong maingay at gumawa ng gulo mamaya, ha." pakiusap ni Ann sa mga anak na nasa backseat. Ang cute nila sa suot na puting barong tagalog. Ring bearer ang apat at sabay-sabay silang tutungo sa altar. Ngayon na ang araw ng kasal nina Christian at Divina. Matapos ang ilang taong away bati ay sa wakas, ikakasal na ang mga ito.
"Mommy? Nandoon din po ba sina Kuya triplets?" inosenteng tanong ni Lee Patrick. Close sila ng triplets nina Skyler at Kimberly.
"Wala." sagot ni Ann. Hindi naman nila kabarkada sina Christian at Divina.
"Kasama sina Ate Kambal tapos sina Ate Kambal ulit tapos babae at lalaking kambal tapos sina Ate Kambal ulit tapos sina Ate Kuya?" madaldal na tanong ni L.L. Nalilito na kasi siya dahil puro kambal ang mga Villafuerte. Kahit na ang mga anak nina Tyron ay kambal din.
"Hindi, si Ate Mandy lang ninyo ang pupunta..." magiliw na sagot ni Ann.
"Basta kids, behave, okay?" sabi ni Dylan habang nagmamaneho. Gusto sana niyang mag-overtake sa unahang sasakyan pero mas pinili niyang huwag na lang. Double ingat siya kapag kasama ang mag-ina lalo na ngayong two months pregnant ang asawa.
"Daddy, wiwiwi ako!" Wika ni John Jacob.
"Daddy, ako rin po!" Sabi rin ni John Matthew.
"DADDY!" Tawag ni Lance Leonard. "Hindi po ako wiwiwi, sila lang..."
"Nasa Skyway tayo, mamaya na sa simbahan." sagot ni Ann.
"Tutulo na po," naiiyak na sabi ni John Jacob.
"Shit! Huwag kayong umihi sa sasakyan!" Wika ni Dylan at pinabilisan ang pagpatakbo.
"Bakit ba hindi kayo umihi kanina?" tanong ni Ann. Inabot ni Dylan ang isang mineral water at nang maubos na ay ibinigay kay John Jacob.
"Oh, diyan ka umihi!" Utos ng ama.
"Ayaw!" Tanggi ni John Jacob na todo iling pa.
"Sige na, baby, ilagay mo na ang pitotoy o diyan." Pakiusap ng ina pero nakatingin lang si John Jacob sa boteng hawak ng ama.
"Kung ayaw mong umihi, tiisin mo pero huwag na huwag kang umihi sa sasakyan dahil mapapalo kita!" Pagbabanta ni Dylan kaya biglang umiyak si JJ.
"Wiwiwi ako! Wiwiwi!" umiiyak na sagot niya saka kinuha ang boteng wala nang laman.
Binuksan niya ang zipper at inilagay ang maliit na pitotoy doon. Ang tatlo naman ay nakatingin sa ginagawa ni John Jacob.
"Mommy! Ang laki ng pitotoy ni JJ," sumbong ni Lee Patrick.
"Akin din po mommy!" Sagot ni LL.
"Pareho lang 'yan! Haist!" Sabat ni Dylan at sinulyapan ang mga ito.
"Pero daddy, mas malaki kina Kuya Sky!" Sabat ni Lee Patrick.
"Mas matanda na sila kaysa sa inyo! Takpan mo na 'yan, John Jacob.. " utos ni Dylan nang matapos nang makaihi si JJ.
"Ikaw John Matthew? Iihi ka, 'di ba?" tanong ni Ann.
"Ayaw na po..."
"Daddy? Lalaki rin ba ang sa amin kagaya nina Kuya Sky?" inosenteng tanong ni John Jacob.
"Oo..."
"Eh kagaya ng sa iyo?" tanong ni LL.
"Haist! Tama na nga 'yan! Nandito na tayo!" Araw-araw, iba't ibang tanong galing sa apat ang sinasagot niya. Kahit patulog na sila ay daldal pa rin ang mga ito. Mabuti sana kung si Ann din ang tinatanong nila pero siya pa talaga.
Pagkababa nila ay agad na tumakbo ang mga ito papunta kina Mandy kasama ang cute na lalaking kapatid.
"Dylan? Picturan mo kami, dali!" Wika ni Ann bago pumasok sa simbahan.
"Sige..."
Sabay silang lumapit kay Christian na nag-aabang sa bride niya.
"Congrats!" Bati ni Ann at hinalikan sa pisngi ang binata. White ang motif nila kaya halos lahat ay nakaputi kahit mga bisita. White roses din ang bulaklak at mga design sa loob ng simbahan.
"Salamat. K-Kinakabahan ako... Nagtext na ba si Chabilita?" tanong ni Christian.
"Oo, papunta na raw. Okay lang 'yan," sagot ni Ann.
"Psh, kaya mo 'yan!" Napailing si Dylan. Naalala tuloy niya noong ikinasal sila ni Ann. Same feeling kaya napasulyap sa asawang maganda sa suot nitong white long gown. Pakiramdam niya, sila ang ikakasal.
Tinaasan lang siya ng kilay ng asawa nang magkasalubong ang mga mata nila.
"Nandiyan na ang bride!" Wika ng baklang organizer.
Naluluhang pinagmasdan ni Christian ang kasintahan habang pababa sa white limo na inalalayan ng step-mother nito. Sa ilang taong naging fiancee niya ito ay ni minsan, hindi niya nagalaw ang dalaga. Nirespeto niya ito dahil naniniwala siyang worth it ang paghihintay.
"Hi," bati ni Divina nang nasa harapan na niya ito.
"H-Hello." Napalunok siya ng laway. Kahit na nakatakip ang mukha nito ay alam niyang si Divina ang pinakamagandang babae sa harapan niya.
Nagsimula na ang tugtog ng wedding march kaya pinapila na ni Ann ang mga anak.
"Daddy, ako ang mauna!" Nakatingalang sabi ni Lee Patrick.
"Ayaw ko sa huli!" Nakasimangot na sabi ni Lance Leonard.
"Sabay kayong apat. Isang linya!" Sabi ni Ann at mula sa kaliwa ay si LL, JM, JJ at LP.
Isang magarbo at madramang kasalan
ang naganap hanggang sa nag-uwian na sa reception.
Nasa mahabang table ang mga frat members na mga naka-formal attire at mukhang mga matataas na tao za lipunan kung tingnan.
"Mabuti naman dahil ang linis ninyo tingnan!" Natatawang sabi ni Christian nang lapitan sila. Ang ibang bisita ay umuwi na.
"Oo naman! Kami pa! Brod, putukan na!" Natatawang sagot ng MI nila.
"Oo nga! Hahaha this is the night!" tukso rin ng isa.
"Loko kayo! Baka marinig kayo ng misis ko, baka hindi pa matuloy," natatawang saway niya. Kahit siya ay excited na rin para mamaya pero mukhang malabong mangyari. Pareho silang pagod ni Divina.
"Kain lang kayo," sabi niya at bumalik na sa asawa na kasama sina Ann at ang step-sister na si Cheska.
"Uy, Christian, huwag mong pahirapan ang bestfriend ko ha. Alam mo na, virgin!" Mahinang tukso ni Ann na ikinapula ni Divina.
"Sus, mas masarap kapag hard!" Sabat ni Cheska.
"Smooth lang..." giit ni Ann.
"Hard! Try n'yo rin kaya ni Kuya. Nakahubad ka na, nagpapabebe ka pa?" hindi makapaniwalang sabi ni Cheska.
"Firstime naman nila."
"E di kapag second o third night na, mag hard sex na sila!" Giit ni Cheska kaya namumula na talaga si Divina.
"Dagdagan pa ninyo ang anak mo, Cheska?" pag-iiba na tanong ni Divina.
"Ayoko na! Magpapa vasectomy na si Oliver." Sagot niya. Ayaw niyang magpa ligate kaya si Oliver ang pinipilit niyang magpa-vasectomy para hindi na siya mabuntis at para na rin mabawas-bawasan ang libog ng asawa niya.
"M-Mommy, 'yung bata tinulak ako!" umiiyak na sumbong ni Mandy.
"Ha? Bakit hindi mo rin tinulak? Aba, gumanti ka!" Nagkatinginan sina Divina at Ann sa sinabi ni Cheska. "Hindi puwedeng magpaapi ka! Paano na lang kapag wala kami ng daddy mo? Iiyak ka na lang ba? Huwag kang pa-bully!"
"MOMMY!" Sigaw ni Lee Patrick habang patakbong lumapit sa kanila. Ang dungis na ng mukha nito dahil sa cake na kinain.
"Si John Jacob, mommy, tulog na!" Sumbong nito.
"Maiwan ko muna kayo,"paalam ni Ann at nilapitan ang anak na mahimbing na natutulog. "Where's your dad, baby?" tanong ni Ann. Napangiti siya nang makita si Dylan na bitbit si John Matthew habang hinahabol si L.L.
Nang natipon na ni Dylan ang apat ay nagpaalam na silang umuwi bago pa maghasik ng gulo ang mga anak.
"Sana pala, dinala ko na ang mga yaya nila." Pagod na sabi ni Dylan. Wala siyang ginawa sa simbahan at reception kundi habulin ang mga anak. Ang lakas pang magpalusot nina LL at Lee Patrick.
"Nakakapagod ba ang maging ama?" nakangiting tanong ni Ann.
"Basta ikaw ang ina, hindi ako magsasawang alagaan sila." Sagot ni Dylan at napasulyap na nagyayakapan habang natutulog.
"Baby?" Tawag ni Ann. Medyo naiilang talaga siya kapag tawaging 'baby' ang asawa.
"Okay lang kahit na 'wag mo akong tawaging 'baby'. Mas may impact sa akin kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko."
"Bakit naman?" Inosenteng tanong ni Ann.
"Para alam kong hindi mo ako nakakalimutan," napaisip si Ann.
"Paano kung dumating ang araw na makalimutan kita?" tanong ni Ann. Gusto lang niyang marinig ang sagot ng asawa.
"Kapag mangyari iyon na huwag naman sana, paulit-ulit na ipaalala ko sa iyo na ako ang asawa mo, si Dylan at isa kang Mrs. DYLAN LACSON!" sagot ni Dylan kaya napangiti si Ann.
"Hmp, huwag kang mag-alala, makalimutan ko man ang pangalan mo, pero hindi ang pagmamahal ko sa iyo..." natatawang sagot ni Ann kaya napatawa na rin si Dylan.
"Ang corny natin, Dylan!"
"Hmp, tayong dalawa lang naman ang nakakaalam ng ka-cornihan natin." Sagot ni Dylan at sinulyapan ang quadruplets na mahimbing pa ring natutulog sa likuran.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon