25-26

1.7K 69 0
                                    





FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  25-26

Unedited....
"Dylan? Saan tayo pupunta?" tanong ni Ann dahil maaga pa siyang pinabihis ng asawa.
"Wala lang. Mamasyal kasama ang mga bata," sabi niya na pinabihisan din ang mga ito kasama ang dalawang yaya.
"Ano ang nakain mo at nagkakaganiyan ka?"
"Wala naman. Magce-celebrate kasi bati na tayo kahapon," masayang sabi nito kahit na pag-uwi nila ay parang balewala pa rin siya kay Ann.
"Dalhin natin si Chuchi!" Sabi niya na ang tinutukoy ay ang cute na aso.
"Sige, ikaw ang bahala."
"Nakakainis ka! Sa CR mo pa talaga siya tinago!"
Napakamot si Dylan sa batok.
"Sorry na. Wala na kasing ibang pagtataguan sa kaniya kaya sa loob ng CR na lang. Isa pa, surprise dapat."
"Oo na." Nakalabing sagot ni Ann saka pumasok sa banyo upang maligo.
Napapangiti siya habang nasa ilalim ng shower. Wala lang. Kahit na dumaan sila sa problema nitong mga nakaraang linggo, napatunayan pa rin niya na mahal siya ng asawa.
Tumigil sila sa isang park. Malawak at napapalibutan ng malalaking puno. Ibinaba nina Lilibeth at Manilyn ang apat na batang nakasakay sa stroller.
"Kaninong park ito?" tanong niya habang iginagala ang paningin sa palibot. May mga ibong lumilipad at palipat-lipat sa sanga ng kahoy. Walang katao-tao rito kundi sila lang.
"Sa mga Villafuerte at Lacson," sagot ni Dylan at hinawakan ang kamay ng asawa. Ang dalawang yaya ay itinulak ang stroller ng mga bata sa lilim ng pinakamalaking puno ng narra.
"Binili nina Lola Patch?" tanong ni Ann. May bakod na ang palibot at may mga buhangin at semento. Mukhang may ipapagawa ang mga matatanda sa lugar na ito.
"Oo. Sila nina Lolo Ryan."
"Ano ang gagawin nila rito?" tanong ni Ann at tumingala sa asawa. Hinawakan ni Dylan ang kanang kamay nito habang naglalakad sila. Kung hindi malalaman ng mga nakakakita sa kanila na may anak na sila ay baka isipin ng mga ito na magkasintahan lang sila. Nakaguhit pa ang kasiyahan sa mukha at mga mata ni Dylan kapag nakatingin sa asawa.
"Castle."
"Castle?" ulit ni Ann.
"Gagawin nilang libingan ng pamilya Villafuerte at Lacson," sagot ni Dylan. Nalulungkot siya sa tuwing maisip na naisip na ng matatanda niya ang ganitong bagay. Ang rason naman nina Patch ay gusto niyang makita ang himlayan bago siya mamatay para sila mismo ang magpaplano. Gusto sana niyang isama ang mga Montemayor dahil sila naman talaga ang orihinal na magkaibigan pero ayaw pumayag ng best friend niyang si Lhen. Okay na raw sila ni Adrian sa probinsya kaya sila na lang ni Ryan Villafuerte ang bumili nitong lupain.
"Dito rin ba tayo ililibing kapag namatay tayo?" tanong ni Ann. Inakbayan siya ni Dylan at hinalikan sa noo.
"Oo naman. Kahit saan tayo ilibing basta magkasama tayo, okay na ako." Sagot ni Dylan at humarap sa asawa. "Ann, kapag tumanda na tayo, huwag kang maunang mamatay ha."
"ANO KA BA!" Saway ni Ann saka hinampas sa dibdib ang asawa. "Ang bata pa natin, iyan na ang iniisip mo?"
"Sorry, kasi naman." inakbayan ni Dylan ang asawa. Masaya siya dahil hindi na sila nag-aaway pero naiinis pa rin siya kay Jairus. Aminado kasi siyang guwapo ito.
"Ann?"
"Hmmm?"
"Wala lang. Ang ganda mo," puri niya sa asawa. Hindi umimik si Ann. Napayuko ito at namumula ang pisngi kaya ngingiti-ngiti naman si Dylan.
"Kapag lumaki na ang mga anak natin, panigurado, sasakit ang ulo nating mag-asawa dahil maraming babae ang maghahabol sa kanila."
"Oo naman. Guwapo ng ama eh," puri ni Ann.
"Sus, maganda lang talaga ang combination natin," ani Dylan.
"Baby?" tawag ulit ni Dylan habang palapit sila sa mga anak. "Masama na ba akong ama kung mas mahal ko ang ina ng mga anak ko kaysa sa kanila?" serysong tanong ni Dylan. Honest lang siya sa sarili at aminado talaga siyang mas mahal niya si Ann higit kanino man. Kahit sa mga anak pa nila.
"Hindi ko alam. Dapat kasi, ang mga anak natin ang higit na mahalin mo kaysa sa akin. Ako kasi, mas mahal ko sila kaysa sa iyo," sagot ni Ann kaya sumimangot si Dylan. "Huwag ka ngang ganiyan!" Saway ni Ann sa mukha nito.
"Nagseselos kasi ako," biro ni Dylan. Minsan, mas inuuna kasi ni Ann ang mga anak kaysa sa kaniya pero wala naman iyong problema dahil mahal din naman niya ang mga ito.
"Sus..."
Inilibot nila ang quadruplets sa buong memorial park saka kumain ng baon nilang pagkain kasama ang dalawang yaya.
Pagkatapos ay naisipan nilang mamasyal muna sa mall at iikot-ikot ang mga bata. Binilhan din ni Ann ng bagong damit ang dalawang yaya bilang regalo sa valentines day. Tuwang-tuwa pa nga ang mga ito. Nang mapagod ay kumain muna sila ng dinner sa isang mamahaling restaurant na pagmamayari ng kabarkada ni Dylan. Ito ang gusto ng mga katulong dahil hindi sila naiilang sa mga Lacson. Kapag kumain ang mga ito sa labas ay nasa iisang table rin sila at kung ano ang kinakain ng mga itp ay ganoon din ang sa kanila.
Nang makauwi na sila ay dumiretso si Dylan sa kanilang kuwarto habang si Ann ay hinintay muna na makatulog ang mga anak. Sina Patch ay kanina pa raw nakatulog. Alas onse na nang lahat ay nakatulog na kaya nagpaalam na siya sa dalawang yaya.
Lahat ng kasambahay ay natutulog na rin kaya dim light na lang ang pinailaw sa pasilyo.
Pagbukas niya ng pinto ay wala si Dylan sa kama. Nagulat siya nang biglang tumunog ang malamyos na musika at may mga petals na lumilipad pababa sa kisame kaya napatingala siya.
Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There-s no place i'd rather be in this world
Your eyes are where i'm lost in.
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now!
Napansin niya si Dylan na kakalabas lang ng veranda at may bitbit na bulaklak habang nakangiting palapit sa kaniya.
"D-Dylan..." sambit ni Ann pero ang mga mata ay nakapako sa mga mata ng asawa.
"Sorry kung hindi kita nabigyan ng special valentine kahapon," paumanhin niya saka inabot ang bulaklak sa asawa. Tinambakan siya ng trabaho ni Lee dahil isu-surprise raw nito si Patch kaya nagparaya siya.
So baby let's just turn down the lights and close the door
Oooh i love that dress but you won't need it anymore
No you won't need it no more
Let's just kiss 'til we're naked, baby
Versace on the floor
"S-Salamat..." naiilang na sagot ni Ann. Inilagay ni Dylan sa kama ang bulaklak saka inilagay ang mga kamay ni Ann sa leeg niya at ang kaniyang mga kamay naman ay sa bewang ng asawa at sinayaw ito.
(A/n: nevermind sa suot na damit)
Oooh take it off for me, for me, for me, for me, for me now, girl
Oooh take it for me, for me, for me, for me, for me now
Versace on the floor.
I unzip the back to watch it fall
While I kiss your neck and shoulders
No don't be afraid to show it off
I'll be right here ready to hold you
"You're beautiful, baby." Bulong niya habang nakatitig sa mga mata ng asawa. Bumaba ang paningin nito sa mga labi ni Ann kaya nakaramdam ng pagkailang si Ann. Ilang araw na kasi silang nag-aaway kaya pakiramdam niya ay para siyang mga teenager na natutunaw sa mga titig ni Dylan. Hindi siya makahinga at kinakabahan siya!
Paunti-unting bumaba ang mga labi ni Dylan sa labi ni Ann. Hindi niya alma ang gagawin lalo na't nangungusap ang mga mata nito habang nakipagtitigan sa kaniya kaya napapikit si Ann. Naramdaman niya ang mainit at malambot na mga labi ng asawa na dumampi sa mga labi niya.
Gusto niya sanang pigilan ito pero hindi niya kaya. Naramdaman din niya ang panginginig ng mga labi ni Dylan na para bang ingat na ingat para huwag mabasag ang mga labi niya. Bumaba ang mga halik sa leeg niya na tila nagso-slow motion pa. Halik na puno ng pag-iingat at pagmamahal. Ito ang palaging ipinaparamdam sa kaniya ni Dylan sa tuwing magbo-body bonding sila kaya tumulo ang kaniyang mga luha. Tumigil si Dylan at pinahidan ang mga luha niya.
Girl you know you're perfect from head down to your heels
Don't be confused by my smile
'Cause i ain't even been more for real, for real
" I love you, baby." Bulong ni Dylan habang hinuhubad ang damit niya. Maingat at hindi nagmamadali. Tila hinihintay nito na tumutol siya pero hindi pa rin siya makakilos. Mahal niya si Dylan at gusto niya itong maramdaman. Hindi lang niya alam kung paano ito tugunan.
"It's okay, baby, I'll take care of you, always." Tumaas ang mukha nito para magpantay sila.
"I always love making love to you," namamaos na sabi ni Dylan na nag-aapoy ang mga mata senyales ng pagnanasa bago siya siniil ng halik. Halik na nag-uutos sa kaniya para tugunin at pantayan ang kilos ng mga labi't dila ni Dylan hanggang sa tuluyan na nitong nahubad ang mga saplot nila at dahan-dahan siyang inihiga sa malambot na kama.
So just turn down the lights and close the door
Oooh i love that dress ut you won't need it anymore no you won't need it no more
Let's just kiss 'til we're naked, baby
Versace on the floor.
----------
Kakababa lang ng mag-asawa. Kumakain sina Patch kaya nakisabay na sila.
"Kamusta ang gabi?" tanong ni Patch na ang mga mata ay kay Dylan habang humihigop ng sopas.
"Okay lang naman po," sagot ni Dylan.
"Kamusta ang hita mo? Baka hanggang tuhod na ang gasgas niyan?" makahulugang tabong ni Patch sa po. Nilagyan ni Ann ng sopas ang bowl ng asawa.
"Medyo okay na po. Hindi na makirot," sagot ni Dylan.
"Kung sabagay, malambot naman ang kama. Kagabi? Kumirot pa ba?"
"Hindi naman po," magalang na sagot niya.
"Si Ann ang nagdala?" bulalas ni Patch pero mabilis na kinurot ni Lee sa tagiliran.
"Ang bunganga mo, Patch!" Saway ni Lee.
"Sa tanda kong 'to, ako pa ba ang lokohin nila?" ani Patch.
"A-Ano ho 'yon?" inosenteng tanong ni Ann. Si Dylan ay agad nakuha ang sinasabi ng lola.
"Hindi ho, lola, ako po ang nagdala ng bulaklak," mabilis na sagot ni Dylan at makahulugang tiningnan ang lola para tumigil na.
"Mabuti naman... Oh, kain ka ng maraming sopas. Talagang hinanda ko 'yan para sa inyo. Kailangang bumalik ang lakas mo, apo." Wika ni Patch. Parang fiesta nga ang mesa dahil sa daming putahe at puro may sabaw pa.
"Salamat po," magalang din na sagot ni Ann. Pinagmasdan lang ni Patch ang kaharap.
"Magkakaapo na naman ba ako sa November?" makahulugang tanong ni Patch.
"H-Ho?" naguguluhang tanong ni Ann.
"Wala." Sagot ni Patch at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Oh, palinisan niyo ang kuwarto ninyo mamaya! Ang dami ninyong arte tapos itatapon din ang mga bulaklak! Kawawa naman ang hardin ko! Wala nang bulaklak ang mga rosas!" Reklamo ni Patch. Bilang ganti sa pagtulong ng apo kay Lee kahapon ay siya na at ang mga katulong ang nag set-up ng romantic place ng mag-asawa habang namamasyal sila kahapon.
"Babayaran ko na lang ho kayo," sagot ni Dylan. Alam niyang mahal na mahal ng lola ang mga pananim sa hardin dahil ito mismo ang personal na nag-aasikaso.
"Sige, bayaran ninyo ako. Isang dosenang apo!" Seryosong sagot ni Patch kaya nabulunan si Ann sa kinakain pero agad namang nasaklolohan ni Dylan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon