13-15

2.7K 107 0
                                    


port:

port:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  13-14-15

CHAPTER  13
Unedited
Ann Pov
Kakapasok ko lang sa school campus. Maaga pa ngang pumasok si Dylan. Kung sabagay, hindi naman kami sabay na pumasok dahil bawal. Kahit ako ay ayaw ko ring pagkakaguluhan.
Hawak ko ang cellphone ko nang tumatawag si Christian.
"Hello. Andiyan na ba si sir?" tanong ko.
"Wala pa. Pabili raw si Divina ng waffle sa canteen," ayan na naman. Sinusumpong na naman siya ng pagiging matakaw niya.
"Eeeee. Oo na. Dadaan na lang ako-- Ouch!" Biglang bumagsak ang hawak kong iphone. "Problema ninyo?" singhal ko. Nakakabadtrip na talaga! Nakaharang sina Nancy at sa pagkamalas ay nahulog ang iphone ko. Yumuko ako para pulutin pero bigla niyang inapakan at sinipa sa pader. Lumapit ang isa niyang kasamahan at malakas na itinapon ulit sa pader kaya basag na talaga.
"Iyan ang napapadala ng mga taong pakialamera. Kailan ka ba luluhod sa harapan namin, bitch?" nakangising tanong niya. My ghad! Until now, hindi pa siya naka get over sa luhod-luhod thingy na iyan?
"I would rather die than to live kneeling sa isang hindi naman Diyos na kagaya mo, trying hard bitch!" Sagot ko. Kapag sila ang kaharap ko, tinutubuan din ako ng sungay.
"Ah, gano'n?"
"Ano ba!" nagpupumiglas ako pero hinawakan na naman nila ako at hinila papunta sa lungga nila.
"Ouch!" Reklamo ko. Ang sakit ng ulo dahil buhok ko na ang hinihila ni Nancy. Kapag makawala ako, gaganti talaga ako sa mukhang kabayong ito.
"Hindi ba ninyo ako titigilan?" singhal ko nang itinulak nila ako paupo sa silya.
"'Yung box." Utos ni Nancy. Ang daming boxes dito sa loob. Mga ginagamit nila sa neophytes.
"Sandali!" Mahigpit ang pagkakahawak nila sa balikat at paa ko. Mahigit bente ata silang nasa loob nitong room.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!" Na suffocate na ako sa loob nitong box. Hinila ako patayo ng dalawa saka itinulak palabas. Ang daming estudyanteng nakatingin sa akin.
"Hey, guys! Gusto ba ninyong hubaran namin ang babaeng ito?" napatigil ang mga naglalakad.
"Gooo..."
Sigawan ng iilan. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Don't worry, girl. May box ka naman sa ulo," wika ni Nancy at nag-aapiran pa sila ng mga kasama.
"Awww!" Sigaw ng isa ng sipain ko. Malakas na itinulak ko ang dalawang lumapit sa akin sabay takbo pababa ng hagdan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Takbo lang ako nang takbo kahit na magkasugat-sugat na ako.
"Watch out!" Galit na tugon ng lalaking nakabangga ko.
"Sorry..." paumanhin ko at mabilis na tumakbo na naman dahil malapit na ang mga humahabol.
Palinga-linga ako. Wala na akong matatakbuhan dahil maraming estudyante ang nasa field. Kapag tumawid pa ako ay makikita na nila ako. Wala na rin akong sapatos. Ang isa ay natanggal kanina habang tumatabo ako.
Wala akong choice kundi ang tumakbo papuntang HRM building.
"Lalaban ka, ha? Sino ang walang hiyang nagpapasok sa mga ka brod mo kagabi? Sinong guard?" napatigil ako nang makita si Dylan na may sinusuntok na estudyante. Bugbog sarado na nga ito sa kaniya.
"W-wala... Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Dylan. H-hindi ako BEX..." Pagmamakaawa ng isa. Para akong napako sa kinatatayuan ko na hindi makagalaw.
"Ako pa ang lokohin mo?" sinipa pa niya ito. Ang mga kasamahan niya ay nakangisi lang na nanonood sa kanila.
" Prrrrrrrt!"
Nataranta ako nang may pumito. Ang ibang kasamahan ni Dylan ay tumakbo na papalayo nang patakbong lumalapit sa amin ang dalawang guwardiya.
"Takbo na, brod!" Sigaw nila.
Iniwan na ni Dylan ang sinusuntok kanina.
"Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito?" singhal niya nang madaanan ako.
"H-huh... W-wait!" Wala na akong magawa nang hilain niya ako para tumakbo.
"Damn!" Nang mapansing marami ang tao sa field.
Andiyan na ang isang guard.
"Halika!" Mabilis na hinila niya ako sa likurang bahagi ng Accountancy building. Pansamantalang inaayos pa ito rito kaya walang tao sa paligid.
Ang sakit na talaga ng aking paa. Dagdagan pa ng mahigpit na pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Halos hindi rin ako makahinga sa box na nasa aking ulo.
"Wait lang! Masakit na ang paa ko!" Reklamo ko at tumigil.
"Ang malas mo talaga! Ano ang ginagawa mo roon kanina, ha?" Singhal niya.
"Naligaw ako!" Gusto ko na talagang tanggalin ang box dahil puno na ako ng pawis pero baka pagagalitan niya ako. Baka isipin niyang sasali ako sa sorority.
"Naligaw? Neophyte ka noh?"
"Hindi ah!" Mabilis na sagot ko sabay sensyas pa ng kamay.
"Sinungaling! Tanggalin mo nga 'yang box mo. Para kang aning." Utos niya.
"Huwag!" Sabay iwas ko sa ulo.
"Tanggalin mo sabi!" Utos niya na halos lalabas na sa balat nito.
"Ayaw-- Ano bah?" Singhal ko nang pinipilit tanggalin ang box sa ulo ko.
"Sino ka ba talaga?" nangigigil na tanong niya hanggang sa makuha nito.
Pareho kaming natigilan sa isa't isa. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa pa unti-unting nagsalubong ang mga kilay.
"Ann?"
Pinahidan ko ang pawis ko gamit ang mga kamay.
"Here. Use this!" Dinukot niya sa bulsa ang panyo sabay abot sa akin. "Ano'ng ginagawa mo? Bakit may box sa ulo mo? Sasali ka sa sorority?" singhal niya. Mahigpit pa naman nitong ibinibilin sa akin na 'wag sumali sa kahit anong sorority dito sa school.
"Hindi nga! May mga bruhang naglagay nito sa ulo ko!" Napasimangot na ako.
"Sino?"
"Basta! Wala ka nang kinalaman do'n!"
"Aaminin mo, o hahalikan kita?" pagbabanta niya.
"Wala nga! Edi halikan mo!" Napipikon na ako.
"Huling tanong, Ann. Sino sila?"
"Wala nga--uhmmm..." Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang naglapat ang mainit niyang mga labi sa labi ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabilis lang iyon pero mas lalo akong pinagpawisan.
"Ngayon, aaminin mo o hahalikan kita ulit?" napatitig lang ako sa kaniya. Nagsasalita siya pero hindi ko marinig dahil sa tibok ng puso ko. Gusto ko nang umiyak. Hindi pa na-absurb ng utak ko ang ginawa niya.
"F-first... F-first kiss ko..." mahinang sambit ko. Alam kong patulo na ang mga luha. Si Dylan ang unang nakahalik sa akin.
Prurrrrrrrt....
" Ayan na sila..." hinila na naman niya ako palayo.
"Bilisan mo! Ba't ba parang wala ka sa sarili?" hinatak na naman niya ako. Ang kapal talaga ng mukha! Matapos niya akong nakawan ng kiss, magtatanong siya kung bakit wala ako sa sarili?
"Ang k-kapal mo, ninakaw mo ang first kiss ko!" Singhal ko habang tumatakbo. Palabas na kami sa maliit na gate rito sa likuran ng school.
"First kiss mo pala iyon?" nakangising sagot niya habang tumatakbo.
"Oo. At ang kapal ng mukha mo. Salamat sa memorable na pagkuha ng first kiss ko!" Panunuya ko. Dapat kasi romantic. Dapat pinaghandaan at dapat sa lalaking mahal na mahal ko. Dapat kung sino ang first iyon na ang last. Malabo na ang dinadaanan ko dahil hindi ko na napigilan ang mga luha. Ang saklap dahil pagkatapos ng kiss ay heto kami, hinahabol at sobrang sakit na ng mga paa ko.
"Huwag kang mag-alala. Bigyan kita ng memorable kiss sa condo mamaya," tumigil ako dahil napansin kong hindi na kami hinahabol ng guards.
"Hindi na ako uuwi sa condo!" Mabuti na lang dahil walang masyadong tao rito sa likod ng school. Mga side vendors lang.
"Uuwi ka rin. Wala pang nakakatanggi sa kiss ko. Lahat sila ay binabalikan at hinahanap-hanap ang mga labi ko," kampanteng sagot niya.
Napataas ang kilay ko. "Si Yna. Baka nakalimutan mo?" Napa smirk ako para mas lalong ma insulto. Alam kong nag-kiss na sila ng kapatid ko kaya nga hanggang ngayon ay nag-aalburuto si Kyler. Tingin ko ay epektibo naman dahil natigilan siya tapos dahan-dahang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat tapos inilapit niya ang mukha sa tainga ko kaya nanayo ang balahibo ko sa batok.
"Pero baka nakalimutan mo rin, hindi ikaw si Yna." Napangisi siya at tinitigan ako sa mga mata. Nakikita ko pa nga ang reflection ko sa bilogang mga mata niya kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Si Ann ka," hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na nang-aakit ang boses niya. I swear! Nang-aakit talaga dahil bumaba pa ang mga mata niya sa mga labi ko.
"At... A-SA-WA kita." Giit niya at nilapit pa ang mukha sa akin. Nose to nose na kami. Naaamoy ko na nga ang mabangong hininga nito.
Gusto kong ilayo ang katawan ko pero hindi ko kaya. Para akong bakal tapos siya magnet. Gusto kong dumikit? Hindi na tama ang nangyayari. Malapit na akong atakihin sa puso.
"Ayaw mo pala ng ganitong kiss. A girl like you na nabubuhay sa mundo ng pantasya, gusto ng ala-prinsesang halik," inilayo niya ang kaniyang mukha.
"Waaah. Ano'ng ginagawa mo?" nang walang pasabing binuhat niya ako.
"Baka napaltos na ang mga paa ng asawa ko." Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero para siyang bingi sa pagrereklamo ko.
"Ang aga-aga. Naglalandian! Mga bata nga ngayon." Wika ng Aleng nagtitinda ng ice candy.
"Asawa ko na po siya!" Tatawa-tawang sagot ni Dylan habang pinapara ang dumaang taxi.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon