74-75

2K 69 0
                                    

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  74-75

Unedited...
"Ayoko talaga niyan! Hindi ako makahinga tapos kita pa ang bilbil ko!" reklamo ni Ann kay Dylan. Nasa kwarto sila. Kakasukat lang niya ng damit pero sobrang sikip sa kaniya.
"Wala na kasi tayong choice. Hindi mo naman kasi sinabi sa mananahe na buntis ka," malumanay na sagot ni Dylan. Padapang humiga si Ann sa kama at ibinaon ang ulo sa unan.
"Hindi ba talaga kasya, baby?" humarap si Ann at pinagmasdan ang nakatayong asawa. Naupo siya at sumandal sa headboard ng kama.
"Sabing hindi! Kasya pero hindi ako makahinga! Maiipit si Baby!" Nakasimangot na sagot niya. Hindi naman niya inaasahan na tataba siya. Sakto lang sukat ng mananahe noon. Nakalimutan din niyang sabihin na mag adjust sa sukat dahil buntis siya. "Hindi na lang ako dadalo ng kasal bukas," nakalabing sabi niya. Bumuntong hininga si Dylan at walang emosyong nakatingin sa asawa.
"Maghanap ka na lang ng isusuot diyan sa closet. Marami ka namang maternity dress diyan," suhestiyon niya.
"Hindi pa naman halata na buntis ako. Ayoko talagang mag maternity dress," naiiyak na wika niya.
"Alis muna ako, Ann. Samahan ko lang si Lolo na kausapin ang reporters and photographers na magco-cover at magdo-document ng kasal bukas," hinalikan niya ito sa pisngi bago lumabas ng kwarto.
Dumungaw si Ann sa bintana. Marami ang mga nag-aasikaso sa hardin ng mansion. May naglalagay ng mga mesa at upuan at may nag-aayos ng table settings. White ang motif ng kasal kaya white roses din ang nakapalibot na bouquet.
Church wedding sila bukas at ang venue ay sa malawak na hardin ng mansion. Nakaramdam siya ng inggit pero konti lang naman. Simpleng kasalan lang ang naganap sa kanila noon. Sa west lang at secret wedding pa. Gusto rin niyang sumuot ng wedding gown at maghagis ng bouquet pagkatapos ng kasal. Gusto rin niyang mag-exchange sila ng "I do's" ni Dylan sa harap ng maraming tao. Bumalik siya sa kama at napatingin sa salamin. Itinaas niya ang t-shirt at hinimas ang maliit na umbok sa tiyan.
"Kapag lumabas ka na, ipapasyal ka ni Mommy sa labas. Tapos ibibili kita ng mga damit at toys. Tapos kakain tayo sa mall ng sabay at bibili ng maraming burger at fries. Tapos magsisimba tayo kasama si Daddy. Tapos magluluto si Mommy ng breakfast mo para pagkagising mo, kakain na kayo ni Daddy." Sambit niya. Naroon ang insecurites sa pagkatao niya dahil sa lumalaking tiyan pero mas nangingibabaw ang excitement.
"Alam mo, ang ganda ng mundo. Maraming birds, trees and butterflies. Tapos may rainbow pa after ng ulan. Marami ang naghihintay sa 'yo, rito sa labas. Excited ka na ba, baby?" ngumiti siya. "Kahit gano'n ang daddy mo, alam kong mahal niya tayo. Mahal na mahal ka namin," kahit na inaaway siya ni Dylan, hindi siya nito pinapabayaan. Lagi siyang iniintindi ng asawa kaya masasabi niyang ang suwerte niya rito.
Nang mabagot ay naisipan niyang bumaba. Pasado alas diyes na ng umaga. "Mommy!" Bati niya sa ina kasama ang kaniyang ama at si Baby Aron. "Hello baby," binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi.
"M-Mami!" Tuwang-tuwa ang bata at nilalaro ang damit butones ng damit niya. "Napadaan lang kami. Kamusta ka na? Iniinom mo ba ang vitamins mo? Naku, alagaan mong mabuti ang apo namin." Ngumiti si Ann. Ipinaalam niya kagabi nang tumawag siya sa mga ito ang kalagayan ng taste buds niya.
"Okay lang po. Sabi ni doc, gagaling din ako." Isa sa ipinayo ng doctor ay baka psychological lang ang nangyayari sa kaniya dala na rin ng stress nitong nakaraang buwan. Napapansin nga niya kanina na amg tamis pala ng naitimpla niyang gatas kaya nagtimpla siya ulit at binawasan na ang asukal.
"Napadaan lang kami para kamustahin ka. Kapag inaway ka ng asawa mo, isumbong mo lang sa akin, ha." Napangiti siya sa ama. Palagi sila nitong pino-protektahan ni Yna.
"Opo. Si Kuya Tyron po?" namimiss na niya ang nakakatandang kapatid.
"Ewan ko sa taong iyon. Busy sa company. Nawawalan na nga siya ng oras kay Aron," once a week na lang umuuwi ito para ipasyal ang anak sa mall at bilhan ng mga pangangailangan o gustong laruan sa mall.
"Magpasalamat na lang tayo dahil kahit papano, may isang araw pa siyang inilaan para sa anak niya." Inayos niya ang buhok ni Aron. Ang cute ng bata lalo na't kamukha ng kapatid niyang si Tyron. Naaawa siya rito pero alam niyang darating ang araw na matatanggap din nito ang nangyari sa ina. Isa pa, nandiyan naman sila para iparamdam ang pagmamahal bilang pamilya.
"O siya, alis na kami. Huwag mong pabayaan ang sarili," inabot niya si Aron kay Kath. Alam na niyang magiging lola's boy ito sa paglaki.
Inihatid niya ang ina sa gate. Naiingayan siya sa baklang wedding organizer kaya bumalik siya sa kwarto. Kumuha siya ng buko juice sa mini ref at nilagyan ng condensed milk. Pinagmamasdan niya ang baso. Bumalik na naman sa isipan niya ang isusuot bukas.
"Baka ma inlove ka na sa baso niyan," hindi niya namalayan na nakapasok na pala ang asawa.
"Ano 'yan?" may bitbit itong isang kahon na inilapag sa kama. Tumayo siya at lumapit dito.
"Open it..." utos ni Dylan.
Binuksan niya ito. Isang damit.
"You like it?" tanong ni Dylan.
"Sa akin 'to?" bulalas niya.
"Subukan mo kung kakasya para ito na lang ang isuot mo bukas. Ako ang pumili niyan. Hindi ko alam kung magugustuhan mo pero noong ipinakita sa akin ng may-ari ng boutique, gusto kong makita na suot-suot mo ito," napakamot sa ulo si Dylan. Umupo siya at dinantay ang paa sa upuang nasa harapan tapos pinagmamasdan ang asawa.
Inusisa ni Ann ang damit. Napasimangot siya at tumingin sa mga mata ng asawa.
"H-Hindi ba maganda? A-Ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ni Dylan. Ayaw naman niyang malungkot ang asawa habang ang ibang babae sa kasal bukas ay masaya.
"I hate you!" naluluhang sabi ni Ann.
"I really hate you, Dylan Lacson!" Singhal niya saka pinahidan ang mga luha.
"I-I'm sorry. H-Hindi ko naman sinasadyang hindi mo gusto ang damit. Hanapan pa kita mamaya. May oras pa naman para makahanap ako, tahan na..." Niyakap niya ito. As much as possible, ayaw niyang umiyak si Ann lalo na't buntis pa ito.
"H-Hindi naman sa damit, e. G-Gusto ko nga ang damit," humikbing sagot ni Ann. Kumalas si Dylan sa pagkakayakap at nagtatakang pinagmasdan ang asawa. Pinahidan niya ang mga luha ng asawa gamit ang mga daliri niya.
"E bakit ka galit sa akin?" nag-aalalang tanong niya.
"Kasi, palagi mo na lang akong pinapakilig." Namumulang sagot ni Ann at isiniksik ang mukha sa dibdib nito. Tumawa si Dylan.
"Hahaha. Akala ko talaga, galit ka sa akin, baby. Pero may bayad 'yan," tumingala si Ann. Seryoso ang mukha ng asawa.
"Body bonding," bulong nito. Tatanggi pa sana siya pero itinaas nito ang baba niya saka maingat na hinalikan sa mga labi sanay hapit sa bewang niya.
"Kuya!" Tawag ni Cheska na kumakatok sa labas kaya napaungol si Dylan nang humiwalay si Ann.
"Psh!" Niyakap siya ni Dylan na para bang matagal na silang hindi nagkita.
"Buksan natin 'yong bride. Marami pa naman tayong oras," napailing si Ann. Kapag silang dalawa lang ang magkasama, parating nakadikit ang mga balat nila dahil yakap ito nang yakap sa kaniya. Napilitang kumalas si Dylan at pinagbuksan ang kapatid.
"Kuya, bantayan muna ninyo si Mandy, please..." puppy eyes na pakiusap ni Cheska. Kalong nito si Mandy na mahimbing na natutulog.
"Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita," pakiusap niya tapos dumiretso sa kama at inihiga si Mandy.
"Sige. Ako na ang magbabantay," pagpayag ni Ann. Gusto rin niyang pagpraktisan ang bata para kapag nanganak, hindi na siya mahirapan.
"Salamat!" Bumaba na si Cheska at tinulungan ang wedding planner. May mga kamag-anak rin sila na galing sa abroad. Si Divina ang bridesmaid niya kaya umuwi rin ito galing sa Paris kasama sina Gab at Georgina.
"Excited for tomorrow?" lumingon siya sa bagong dating.
"Alex!" Bulalas ni Cheska sa pinsan. Kasama nito ang girlfriend niya.
"Sina Tita?" napansin niyang wala ang mga magulang
"Mamaya pa sila darating. Nauna lang kaming nagpa-book. Gumaganda tayo, a." Puri nito.
"Heh!" Ani Cheska.
"Girlfriend ko pala... Sweetheart, asawa pinsan ko." Pagpapakilala ng binata. Hindi naman gano'n ka grabe ang natamo nito noong na aksidente kaya thankful pa rin sila.
"Mabuti naman at natiis mo ang pinsan ko?" biro niya sa babae.
"Oo nga, e. Mabuti na lang talaga," natatawang sagot nito.
"Naku, good luck sa 'yo. Maiwan ko muna kayo," paalam niya at pumunta sa hardin para tingnan ang kakarating na mga plato't baso. Inorder pa ni Patch ang hermes plates and glass ware sa ibang bansa.
Kanina pa tumatawag si Oliver pero tinatamad siyang sagutin. Busy siya at tamad lang talaga siya. Mangungulit lang naman ito para sa gaganaping kasal bukas.
Hindi niya namalayang pasado alas singko na ng hapon.
"Magpahinga ka na para bukas. Hayaan mo na silang asikasuhin ang lahat," saway ni Patch sa apo.
"Sige po..." Pagod na nga siya. Dumiretso siya sa kwarto. Nakita niyang nasa tabi ang damit na isusuot bukas. Pinagmasdan niya ito at nang hindi makatiis ay hinipo. Nakadama siya ng kasiyahan sa isiping ito ang isusuot niya para bukas. Lahat ng mga babae, nangangarap na makasuot ng wedding gown at humarap sa altar kasama ang lalaking napupusuan niya. Bigla siyang nalungkot. Ikakasal na sila bukas pero hanggang ngayon, nagdududa pa rin siya sa sariling nararamdaman. Confused pa rin siya kung mahal na ba si Oliver o hindi? Ang tanging alam lang niya ay ayaw niya itong mawala sa tabi niya kahit na palagi niya itong inaaway. Magiging boring ang araw niya kapag hindi niya ito makitang naiinis dahil sa pagmamaldita niya.
Nagulantang siya sa tunog ng cellphone. Alas nuwebe y medya na sa orasan na nasa dingding. Sa sobrang pagod ay nakatulog na pala siya. Tinatamad na dinampot niya ang cellphone na ngayon ay nasa sahig niya. Nasipa niya ito kanina kaya nahulog.
"Oh?" bungad niya kay Oliver.
"Baba ka muna. Nasa gate ako, dalian mo."
"Ayoko!"
"Sige na. Importante lang talaga ang ibibigay ko," pinatay niya ang cellphone. Tinatamad talaga siyang makita ito. Nagtungo siya sa banyo para mag toothbrush. Sumilip siya sa bintana. Nandoon pa rin si Oliver na nakasandal sa kotse kaya napasimangot siya.
"Ang kulit!" Padabog na lumabas siya. Busy pa rin ang iba sa paghahanda kahit na gabi na. Basta lahat-lahat.
"Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't bawal makipagkita ang groom sa bride bago ang kasal?" nakapamewang na tanong niya. Napansin niyang bagong gupit ito at wala na ang hikaw sa magkabilang tainga.
"Uy, ayaw niyang ma unsami ang kasal." Tukso ni Oliver. Todo ngiti pa ito. "Huwag kang mag-alala, darating ako bukas."
"Tigilan mo nga ako! Ano ang ipinunta mo rito?" pag-iiba niya. Hindi naman puwedeng hindi matuloy ang kasal dahil ang daming gastos at buong Pilipinas na yata ay inimbita ng lola Patch niya.
"May ibibigay lang ako," ani Oliver na nakatingin sa mukha niya.
"Ano? Bilisan m--" Hinapit siya nito sa bewang at mariing hinalikan sa mga labi.
"Wala lang. Ang good night kiss mo. Can't wait to be your husband, honey!" Bago pa siya naka react ay nasa malayo na ang sasakyan nito.
"Kapal ng pagmumukha mo!" Singhal niya nang matauhan at umaasa na sana ay marinig ni Oliver ang sinabi niya.
Bumalik na siya sa loob ng mansion at tuloy-tuloy sa kwarto. Magkapasok niya ay napangiti siya. Walang siyang dahilan pero kusa na lang ngumiti ang mga labi niya lalo na nang napasulyap sa wedding gown.
Kinaumagahan, maaga pa siyang nagising. Dumating na ang mga mag-aayos sa kaniya. Lahat ay busy kahit na sina Patch. Ang bridesmaid at secondary sponsors ay dumating din. Ang mga lalaki ay sa iisang hotel kasama si Oliver.
"Tapos na ba? halika na hija, male-late na tayo ng fifteen minutes." Nakangiting wika ni Regine. "You're so beautiful, baby." Hindi na niya napigilang umiyak. Ang buong akala niya ay hindi na niya muling makita pa ang nawawalang anak pero heto ngayon, napakaganda nito at ikakasal na."
"Mommy naman. Mana ako sa 'yo, e. Sina Lola Patch at ang baby ko?" tanong niya.
"Nandoon na sa simbahan kasama ang dad mo. Alam mo naman si Mommy, mas excited pa siya kesa sa iyo." Natatawang sagot ni Regine. Sinamahan na siya ng dalawang bakla at isang maid para bumaba. Binuhat nila ang nasa likurang damit para hindi madumihan. Ang white limousin ang kanilang ginamit.
Pagdating sa simbahan ay kinakabahan siya na nai-excite. Halo-halong emosyon ang laman ng kaniyang dibdib at utak.
"Okay lang 'yan. Isipin mo, ikaw ang pinamagandang babae.' Pinisil ni Regine ang kamay ng anak na nasa kandungan.
"Thanks, Mom." Bumaba ang driver at pinagbuksan siya. Unang bumaba ang kaniyang ina. Itinakip niya ang veil sa mukha saka bumaba. Nasilaw si Cheska sa nagkikislapang camera na sumalubong sa kanila.
Ang mga tao sa simbahan ay sa kaniya ang mga mata. Malakas ang kalabog ng kaniyang dibdib habang naglalakad sa pintuan ng simbahan. Sumalubong sa kaniya ang mga anak ni Skyler. Ang cute ng mga ito. Narito rin si Christian katabi ng kaniyang ina. Si Ann ay nakangiting nakatingin sa kaniya na nasa tabi ng asawa at mga pamilya.
Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya. Alam naman niyang may time para ibuhos ang mga luha.
Nakasalubong ang kilay nina Patch at Lee. Medyo nahihiya siya dahil late siya ng kinse minutos. "Si Oliver po?" tanong niya sa lolo't lola.
"K-Kwan... Malapit na," naiilang na sagot ni Dylan.
"What? Wala pa siya?" bulalas niya.
"Hija, kanina pa siya papunta pero hanggang ngayon ay hindi pa nakarating," sabat ng ina ni Oliver. Ito ang nahihiya sa mga Lacson.
"Kuya, tawagan mo nga!" Nag-iba na ang modo niya. Galit siya sa binata.
"Kanina pa nagri-ring pero hindi niya sinasagot," pabalik-balik na sina Patch. Ang mga bisita ay nag-umpisa nang magbubulungan.
"H-Hindi puwede!" Kinuha ni Cheska ang cellphone na hawak ng kapatid at siya na mismo ang tumawag kay Oliver.
"Sagutin mo, sagutin mo, sagutin mo!" Nangigigil na tinawagan niya ulit pero ring lang nang ring. Nang mapikon ay itinapon na niya ang cellphone.
"Hija, kalma lang. Darating siya," hinimas ni Regine ang likuran ng anak. Pati mga bisita ay naguguluhan na sa nangyayari. Kung anu-ano na nag naririnig nila sa mga ito lalo na't mga kilalang tao sa lipunan.
"Nangako siya. S-Sabi niya, darating siya." Umiiyak na tugon niya saka niyakap ang ina.
Lahat ng tauhan nina Patch ay pinapunta na nila sa hotel na tinuluyan ni Oliver pero ang sabi ay kanina pa raw nakaalis ang binata.
"Halika na, Cheska. Uwi na tayo," malungkot na yaya ni Dylan. Apat na oras na silang nasa simbahan at wala na ring tao ang naiwan. Silang magpamilya na lang.
"H-Hindi ako aalis. Dito lang ako. H-Hihintayin ko siya. Alam kong darating siya, K-Kuya." Pinahidan niya ang mga luha. Sira na rin ang makeup niya pero wala siyang pakialam. Nakaupo siya sa bukana ng simbahan at naghihintay kay Oliver. Umaasa siyang puntahan siya ng binata.
"N-Nangako siyang darating siya kaya maghihintay ako," kanina pa siya niyayaya ng mga ito. Pinauna na ni Dylan si Ann dahil nahihilo raw ito.
"Hindi na siya darating. Anak, umuwi na tayo. Alam kong kailangan mo nang magpahinga," malumanay na pakiusap ni Demetrio.
"Ayoko, Daddy! Dito lang ako." Sabay iling niya. Ubos na ang kaniyang mga luha pero hanggang ngayon ay hindi siya nawawalan ng pag-asang darating si Oliver. Kahit na pangit na siya, kahit na ang dumi na ng damit niya dahil sa alikabok, kahit na nalalanta na ang mga bulaklak, kahit na wala na ang mga bisita, magpapakasal siya kay Oliver basta dumating lang ito.
"M-Maghihintay ako rito. M-Maghihintay ako kasi... K-kasi, mahal ko siya. M-Mahal ko ang ama ng anak ko," ibang Cheska na ang nakikita ng pamilya. Ang Cheskang palaban at matapang ay wala na. Napapalitan na ito ng isang Cheskang mahina at iyakin.
"Mali ang ginawa kong maging kampante," usal ni Patch. "Sana pala, hindi ako naniwala sa mga ipinakita niya. Sana, pinabantayan ko pa rin siya sa mga tauhan. Kinuha lang pala niya ang loob natin para makatakas at ipahiya ang buong pamilya!" Naikuyom ni Patch ang kamao sa sobrang galit.
Mas lalong umiyak si Cheska sa narinig. "Hindi 'yan totoo!" Magsimula na namang tumulo ang kaniyang mga luha. "Kuya ano ba! Ibaba mo ako! U-Umuwi kayo kung gusto ninyo! H-Hihintayin ko si Oliver!" Hinahampas niya si Dylan nang buhatin siya ng kapatid.
"Nagawa ko namang hintayin ang adik na 'yon, e. Ano ba! Let me go! Darating pa si Oliver! W-Wala siyang daratnan kapag umalis ako. Ano ba!" Patuloy pa rin siya sa paghampas sa likuran ng kapatid pero tila bingi ito.
"I'm sorry, Princess. Pero hindi lahat ng Prinsipe ay nakakarating sa tamang oras para mailigtas ang kanilang prinsesa," sabay tulak nito papasok sa sasakyan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon