book 2 chapter 1-2

2.3K 75 1
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FRATERNITY KING 2

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  1-2

"Baby? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dylan sa asawa.
"Sa tingin mo, okay lang ako?" balik-tanong ni Ann na hindi na maipinta ang mukha.
"I-I'm sorry, busy lang kasi sa office kaya hindi ako kaagad nakaauwi," paumanhin ni Dylan.
"Kanina pa tapos ang klase mo at sabi mo, two hours ka lang sa opisina nina Lola Patch?" nagdududang tanong ni Ann.
"Wala kasi si Lolo kaya ako ang pumirma ng mga mga paperworks niya. Alam mo namang sa makalawa pa sila uuwi ni Lola," paliwanag ni Dylan.
"So? Hayaan mo na lang na mag-isa ako?" reklamo ni Ann na sobrang gulo na ng buhok.
"H-Hindi naman. Pinakiusapan ko naman si Manang na samahan ka muna."
"Pero alam mong ayaw ng mga bata na pumunta sa iba!" Kakatapos lang niyang patulugin ang apat. Ni hindi pa nga siya nakakain dahil panay ang iyak ng mga ito. Kapag paalagaan naman niya sa iba ay hindi titigil sa pag-iyak. Mabuti na lang dahil kapag araw ay nandiyan si Patch at Regine para umalalay sa mga yaya ng quadruplets. Siyam na buwan na nag mga ito at naisipan nila ni Dylan na tapusin ang natitirang semester para maka graduate.
"S-Sorry na. Busy lang talaga," pag-aalo ni Dylan at naupo sa tabi nito saka niyakap siya. "Sabi ni Ate, hindi ka pa raw kumakain. Sabay na tayo."
"Kumain kang mag-isa mo!"
"Baby naman. Nangangayat ka na. Hindi puwedeng hindi ka kumain."
"Hindi na talaga ako manganganak pa! G-Gusto ko nang umuwi," nakapout na sambit ni Ann at nangingilid na ang mga luha. Tatlong araw na siyang kulang sa tulog dahil nagkakasakit si Lee Patrick.
"B-Baby naman..."
"Ayoko na sa 'yo! S-Sabi mo, hindi ako mahihirapan sa p-pag-aalaga sa kanila pero bakit ngayon, h-hirap na hirap na ako."
"N-Nahihirapan ka na ba? S-Sorry kasi, minsan ko lang kayo naaalagaan." Naaawa siya sa asawa. Pareho silang nag-aaral pa at siya ay nagte-training sa office ng kanilang grandparents. Sumasahod na rin kasi siya para may pambili ng gatas ng apat na anak.
"I hate you!"
"A-Ann naman. Alam kong busy ako but please, try to understand me." Pakiusap niya sa asawa.
"How can I understand you if gulong-gulo na ako dahil sa quadruplets na ito plus pa ng makulit na lola mo?" araw-araw na lang ay sinasaway siya ng lola Patch nila na mali ang pagpapadede, papalit ng diaper, pagpasuot ng damit at lahat-lahat na puwedeng pakialaman. "Puwede bang kausapin mo naman si Lola Patch na 'wag masyadong pakialaman ang pag-aalaga ko sa anak ko? Ako ang nanay nila. Do you think, hayaan ko na lang na magka rashes, allergy o mapahamak sila?" napapagod na siya sa pakikialam ng pamilya nito.
"Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kanila," tumayo siya saka hinubad ang sapatos at inilagay sa shoe rock.
Hindi naman makatingin si Ann sa asawa nang maghubad ito ng polo shirt tapos belt. "Wanna come with me?" nakangiting tanong ni Dylan nang mapansing naiilang ang asawa.
"N-No, thanks." Nauutal na sagot niya saka iniwas ang mga mata rito.
"Nahiya ka?" tukso nito.
"Why would I?" pagsisinuplada niya.
"Malay ko sa 'yo. Bakit ka nga mahihiya? E nakita mo naman ang lahat ng meron ak--fuck!" Reklamo ni Dylan nang lumipad ang beberon sa at natamaan siya sa noo.
"Isang daldal pa, DYLAN! Isang lata ng gatas na ang dadapo sa ulo mo!" Galit na wika ni Ann.
"Psh! Ano ang masama sa sinabi ko?" mahinang sagot ni Dylan. "Maliligo lang naman ako kasama ng asawa ko? Malamig ang shower kaya walang masama if makipag body bonding ako sa iyo? After all, mag-asawa naman tayo. Mating you kno--" napanganga siya nang malakas na sumara ang pinto. Wala na ang asawa sa harapan. Nilayasan na siya nito.
"Pasalamat ka talagang babae ka, mahal kita!" Padabog na pumasok siya sa shower room at naligo. Hindi pa siya nakakalahati ng pagsasabon sa katawan nang marinig ang malakas na iyak ng anak.
"FUCK!" Dali-daling kinuha niya ang tuwalya at itinapis sa bewang niya. Naalala niyang wala pala si Ann at baka mahulog ang mga ito sa kama. Ang lilikot pa naman ng apat kapag matulog lalo na si baby L.L o Lance Leonard.
"SANDALI!" Nataranta niyang sigaw at kahit may sabon pa ang buhok ay lumabas na siya pero pagbukas niya ng pinto ay nasa kama na si Ann at pinapa breastfeed si Baby Jacob. Sa kanilang apat, ito ang pinakaiyakin lalo na gabi.
"Alam mo namang lumabas ako tapos nagshower ka?" hindi nakatinging wika ni Ann. "Tapusin mo nga ang paliligo mo. Ilang minuto ka nang nasa shower room tapos hindi ka pa tapos?"
"Sabi sa 'yo, e. Kailangan talaga kita sa shower room."
"What for?"
"Malamig talaga, Ann."
"So?"
"Alam mo na 'yon!"
"Hindi mo ba ako titigilan?"
"Hindi. Asawa naman kita at ilang beses na nating ginagawa iyon. Bakit ayaw mo na?"
"Gusto mo ba?" malumanay na tanong ni Ann.
"Yes," excited na sagot ni Dylan.
"Talaga?" napamura si Dylan sa sarili. Mas lalong gumaganda na naman ang asawa sa paningin niya lalo na't kasama nito ang mga anak nila.
"Yes!"
"E di, maghanap ka ng iba! Bumalik ka sa shower room mag-isa!" Sabay turo ni Ann sa shower room.
"Sungit mo!"
Wala siyang magawa kundi ang tapusin ang paliligo.
"Isusumbong ko talaga siya kay lola Patch," sabi niya sa sarili.
Pagkalabas niya ay nakahiga na ang asawa kasama ang quadruplets kaya sumimangot siya. Hinila niya ang kumot at tumabi sa asawa. Nakaharap ito sa mga anak nila at nakatalikod sa kaniya.
"Baby?" paglalambing niya sa asawa.
"Ang kamay mo, Dylan!"
"Ann? Namiss kita..." nitong mga nakaraang buwan ay wala na silang time na masolo ang isa't isa. Palagi na lang andiyan ang mga bata.
Humarap si Ann sa kaniya at sinalubong ang mga mata niya.
"I love you, Ann." Masuyong hinalikan niya ito sa mga labi na hinayaan lang ng asawa.
"Mahal na mahal kita!" Pinaliguan niya ito ng matatamis na halik sa buong mukha. "Mahal kita mula ulo hanggang paa..." sunod-sunod at mabilis na mga halik ang ibinigay niya sa malalambot na mga labi nito. Kahit habang buhay pa silang maghahalikan ni Ann ay hindi siya magsasawa. "Mahal kita talaga. Kayo ng mga anak natin," ngumiti lang si Ann kay Dylan. Kahit na busy ito ay hindi naman siya napabayaan ng asawa. Kulang nga lang ang time nito para sa kanila ng mga anak dahil sa negosyo at pag-aaral. Naiirita rin siya kapag sabay-sabay na sumpungin ang apat lalo na kapag wala si Dylan dahil ito lang ang nakapagpatahan sa mga ito.
"Masyado ka nang napagod dahil sa kanila," sabay nguso niya sa apat na nasa likuran ng asawa at niyakap ito ng mahigpit.
"Ang kulit mo, Dylan!"
"Hmmm? Na miss lang talaga kita, baby Ann ko."
"Sige, maglokohan tayo!"
"Ayaw mong maniwala na mahal talaga kita?" may himig ng pagtatampo na tanong ni Dylan.
"Matulog ka na! Nakakarindi na ang bunganga mo!"
Tumalikod si Ann saka niyakap ang hugis hotdog na unan. Ilang minuto niyang pinakiramdaman ang asawa pero hindi kumikilos si Dylan. Hindi na rin ito nagsasalita pero alam niyang gising pa ito.
Isang oras nang hindi siya makatulog kaya hinarap niya ang asawa. Hindi pa naman nila napatay ang ilaw kaya nakikita niyang nakadilat pa ito at nakatingin sa puting kisame at ang dalawang kamay ay parehong nasa ilalim na ulo na ginawa nang unan.
"Galit ka?" nagi-guilty na tanong ni Ann.
"Matulog ka na. May pasok pa tayo bukas." ani Dylan. Kahit hindi aminin ay alam niyang may dinaramdam ito.
"D-Dylan? Sorry."
"For what?" humarap ito sa kaniya kaya natigilan siya at iniwas ang mga mata.
"K-Kasi... ang sama ko. Palagi na lang kitang inaaway."
"Alam mo naman pala," bulong ni Dylan.
"Hoy! Hindi, ah!"
"Matulog ka na."
"Ayoko! Dylan? Masama na ba akong asawa?"
"Hindi naman," hinaplos ni Dylan ang magkabilang pisngi ng asawa. "Ayaw mo lang talagang makipag body bonding." may himig ng pagtatampong wika nito.
"Kasi naman, gabi-gabi na lang! Pagod na nga ako sa pag-aaral, tapos magbantay pa ng mga anak natin, mangangalabit ka pa sa hating-gabi?"
"Gabi-gabi ako nangangalabit pero minsan mo lang ako pinagbibigyan!"
"Pasalamat ka, may four times a week ka pa! M-W-F nga lang ang pahinga ng katawan ko sa iyo, eh!"
"'Yung iba nga, everyday ang body bonding. Bata pa kaya tayo at ang lakas talaga ng libido natin kaya normal lang 'yon. Habang bata pa at malakas ang tuhod, sulitin na, 'di ba?"
"Ayoko! Wednesday ngayon kaya restday ko-- Dylan!" Reklamo ni Ann nang pumaibabaw ang asawa.
"Sumigaw ka para marinig nina Lola," nakangising wika ni Dylan at pinaghahalikan siya sa leeg.
"Sisigaw talaga ako para malaman nilang ginagahasa mo na ako!" nanggigigil na sagot ni Ann.
"E di, sumigaw ka. Para malaman nilang ayaw mong gumawa ng isa pang apo nila."
Tumahimik na si Ann. Wala naman siyang magagawa kapag ganito na ang usapan nila dahil kakampi ng loko ang lola.
"Huwag kang mag-alala, magugustuhan mo naman ito. Masarap naman, 'di ba?" nang-aakit na sabi ni Dylan habang hinuhubad ang pang itaas na damit. Napalunok si Ann. Kapag humubad na si Dylan, hindi na siya makakatanggi kaya bago pa man ito magtanggal ng damit ay pinapagalitan na niya parati.
"Kapal ng mukha ng kumag na 'to! Weakness ko 'tong lecheng abs niya, e!" umiiyak ang pusong bulong niya habang nakapako ang mga mata sa matipunong dibdib ng asawa.
Kinuha ni Dylan ang dalawang kamay niya saka inilagay sa abs nito. "Huwag mo lang titigan. Mas masarap kapag iyong hawakan at tikman. Free taste lang naman, Ann!" Puno ng panunudyo ang mga mata ni Dylan.
"Hmp! Free taste sa lahat!"
"Sa iyo lang. Sa iyo lang sumasaludo ang ano ko."
"I hate you!" Nakalabing singhal ni Ann pero ang mga kamay ay naglalakbay na sa matitigas at buklod-buklod na abs ng asawa. May pa pisil-pisil pa.
Inisa-isa nang binuksan ni Dylan ang mga butones nito. "Ann, promise me, ako lang." Sabay pasok ni Dylan sa mundo ng asawa.
"Oo na! Wala namang iba. Ikaw lang. Hmp! Sige na, gumalaw ka na nga!" Nakasimangot na utos ni Ann na agad namang ikinatawa ni Dylan.
"As you wish, my queen!"
"Hmp! Hindi ka talaga perpekto gaya ng mga binabasa ko! Ewan ko ba kung bakit nainlove ako sa iyo!" Bulong ni Ann. Kahit may asawa't anak na siya, hindi pa rin nawawala sa sistema niya ang pagbabasa sa Wattpad pero mga piling stories na nga lang.
"Ann? Kahit hindi man ako perpekto at kakainlove kagaya ng mga binabasa mo, tandaan mo: Ako si Dylan Lacson ay para lang kay Mrs. Dianne 'aka' Ann Rodriquez Lacson. I love you. Si Dylan ay para lang kay Ann at si Ann at para lang kay Dylan. Team AnnDy tayo!"
Napangiti si Ann. Kahit nakakabuwesit man ang pagiging clingy ni Dylan, alam niyang mahal siya nito at kaya siyang ipaglaban kahit kanino man.
"Tama, team AnnDy tayo!" Mahinang sambit niya saka napakagat sa ibabang labi dahil sa ginagawang paggalaw ng asawa sa ibabaw niya.
"At kahit ano man ang mangyari, walang makakabuwag sa team AnnDy!" bulong niya sa sarili. Masyadong marami na silang napagdaanan: Minura. Nilait. Pinandirian. Hinusgahan. Pero ni minsan, hindi siya nito sinukuan.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon