54-55

2.1K 76 2
                                    

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  54-55

Unedited....
"Hello po Lola Patch," magalang na bati ni Ann nang dumating sila sa bahay. Pinatawag sila ng lolo't lola dahil dumating daw si Alex na pinsan ni Dylan.
"Hi. Nakapa ultrasound ka na ba? Alam na mo na ba ang magiging apo ko?" excited na tanong ni Patch. Umaasa siya na sana ay lalaki ang anak nila dahil si Dylan lang ang tanging pag-asa ng pamilya.
"Hindi pa Lola. Magdadalawang buwan pa lang ang baby namin," si Dylan na ang sumagot.
"Hmp! Bakit ba kasi ang tagal ng mga araw. Sana lalaki ang apo ko," naupo si Patch sa tabi ng asawa.
"Si Alex po?" tanong ni Dylan. Hindi sila ganun ka close ng pinsan dahil sa ibang bansa ito namalagi. American-British ang dad nito.
"Nasa kwarto niya ata. Pagod siya," sagot ni Lee.
"Kasama po ba si Tita Angel?" masayang tanong ni Dylan. Medyo malapit siya sa mommy ni Alex.
"Hindi. Busy daw sa negosyo dahil mukhang nagka anumalya sa mga tauhan nila sa isang branch ng Perfuma," sagot ni Patch na ang tinutukoy ay ang perfume shop sa U.K.
"Sayang. Akyat muna kami para makipag bonding. Let's go, Baby. Ipakilala kita sa lokong pinsan ko," inakay na niya si Ann paakyat sa hagdan.
"Bhe? CR muna ako," paalam ni Ann.
"Sige. Sa kwarto lang ako ng pinsan ko. Just knock the door," naglakad na si Ann patungo sa CR. Meron namang isang toilet para sa mga bisita na nasa dulo kaya naisipan niyang doon na umihi. Pagkatapos ay bumalik siya. Nagdadalawang isip siya kung papasok sa kwarta ng pinsan ng asawa o hindi pero sa bandang huli ay sa study room siya nagtungo. Doon na lang niya hihintayin ang asawa para makapag bonding naman ang dalawa.
Pagpasok niya ay napakunot ang noo dahil may malaking bulto na nakahiga sa couch.
Nakatitig siya sa maamo at gwapong mukha na natutulog at nakaharap sa direksyon niya. Gwapo, maputi, matangos ang ilong, makakapal ang kilay, pinkish ang mga labi at halatang matangkad ito dahil ang paa ay nakalaylay sa dulo ng sofa.
Uminat ang lalaki at dahan-dahang nagmulat ng mga mata kaya napako si Ann sa kinatatayuan nang magtama ang kanilang mga mata. Tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo nang ngumiti ito sa kaniya.
"Hi. May I know if what's the name of the beautiful lady in front of me?" napaka baritono ng boses nito. Naupo ito sa couch at nakatitig lang sa kaniya.
"A-Ann," tipid na sagot niya.
"Ann..." ulit nito. "I'm Alex. Pleased to meet you," sabay lahat ng kamay. Nahihiyang nakipaghandshake si Ann.
"Ang cute mo," nakangiting wika nito.
"Baby..." Pareho silang lumingon sa pinto nang pumasok si Dylan pero agad sumalubong ang mga kilay habang nakatitig sa magkahawak kamay ng dalawa.
"Nagkakilala na pala kayo ng asawa ko?" lumapit si Dylan kay Ann at pasimpleng hinila ang kamay ng asawa kay Alex saka niyakap ito sa bewang mula sa likuran.
"Asawa mo pala siya, dude. Akala ko, bisita lang siya." Nginitian niya si Ann na ngayon ay medyo naiilang na. Naga-gwapuhan kasi siya kay Alex.
"Asawa ko na siya at magkaka-baby na kami," pagmamalaki niya saka hinalikan ang asawa sa bandang likuran ng ulo.
"Wow, congrats!" Masayang bati nito.
"Salamat!" ani Dylan. "Baba na tayo para makapag-usap naman."
Bumaba silang tatlo. Sakto namang may hinandang cookies si Patch. Matuto siya ng baking mula sa namayapang ina ni Lee. Masarap itong magluto noon kaya lahat ng technique sa pagbi-bake ay itinuro sa kaniya.
"Kain kayo. Naku, Alex. Bakit pumayat ka? Hindi ka na ba pinapakain ng mommy mo? Grabe ang pagtitipid niya, a." Napailing si Patch. Dating mataba si Alex. Baby Damolag nga ang tawag nila sa kaniya noon dahil sa sobrang taba.
"Hahaha. Nagda-diet lang po ako at resulta na rin ng gym..." natatawang sagot ni Alex at naupo sa tabi ng lola na kaharap ng mag-asawa. Kumuha siya ng isang pirasong chocolate chip cookie. "Hmmm... Masarap Lola," bulalas niya. Total failure ang mommy niya sa pagluluto kapag cookies ang usapan.
"Mataba ka pala noon?" tanong ni Ann.
"Yupz. Soooobrang taba pero ngayon, ang macho ko na." Pagmamalaki ni Alex sabay wink kay Ann.
"Oo nga. Tapos gwapo pa," nakangiting tugon niya. Sinusubukan niyang makipag close sa binata dahil magaan ang loob niya rito.
"O, kumain ka ata ng cookies?" puna ni Patch kay Dylan. Tahimik na kumakain ito at nakatatlo na nga.
"Nasasarapan ako sa pag bake mo," napataas ang kilay ni Patch. Kumakain ito ng cookies pero isa o dalawa lang.
"Magpa bake ka sa asawa mo," ani Patch. "Marunong ka bang mag bake?" baling niya kay Ann.
"H-hindi po..." Medyo nahiya siya. Wala siyang alam pagdating sa baking.
"Dapat matuto ka na..."
Nag-uusap silang apat habang kumakain. Dinala na rin ng katulong ang cheesecake. Panaka-nakang sumasali si Dylan sa usapan pero halatang matamlay ito.
"Okay ka lang?" tanong ni Ann. Papunta na sila sa hardin.
"Kapag sinabi ko bang hindi, may magagawa ka?" napatigil si Ann sa isinagot ng asawa.
"Galit ka ba, Dylan?"
"Ba't naman ako magagalit? Halika na nga." Pareho silang hindi nag-iimikan. Mayamaya pa ay niyaya na ni Ann ang asawang umuwi. "Nahihilo na ako. I think kailangan ko nang magpahinga," mahinang wika niya.
"Mamaya na. Tila nag-i-enjoy ka ata, e." Sagot ni Dylan.
"Iuwi mo na ang asawa mo, Dylan. Balik na lang kayo bukas o sa susunod na araw." Utos ni Patch sa apo.
"Sayang! Ang sarap pa naman makausap ng asawa mo, Insan." Nanghihinayang na wika ni Alex. Ang gaan kasi kausap ni Ann at tawa pa ito nang tawa.
"Gano'n ba? Iiwan ko nalang siya rito. Tutal, wala naman siyang ganang umuwi." Iritadong sagot niya.
"Talaga? Balikan mo nalang siya bukas," nakangising sagot ni Alex.
Tumayo si Dylan at walang pasabing tumalikod sa kanila.
"Sige po, mauna na kami." Paalam ni Ann at sinundan ang nagmamadaling asawa.
"Loko kang bata ka!" Saway ni Patch nang wala na ang dalawa. Si Alex naman ay napahawak sa tiyan sa kakatawa. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili. Lalaki rin siya at hindi naman siya manhid para hindi mapansin ang ikinikilos ng pinsan.
"Hehehe. Ang sarap kasi niyang asarin, Lola. Ang pikon niya. Akalain mo 'yon, may sineryoso na siya?"
"Aba, dapat lang. Kaya ikaw, tumino la namang bata ka. Hindi tama na pinaglalaruan lang ang mga babae." Pagbibigay payo ni Patch.
"Lola naman. Hindi naman kami lalapit sa mga babae kung matino sila. Ano'ng magagawa ko kung sila mismo ang nagbibigay ng motibo? Lalaki lang ako, mahina at tinitigasan din--Ouch! Biro lang..." Sinapak kasi siya ni Patch.
"Loko ka talaga! Halika rito at putulin ko 'yang matigas na iyan!"
"Huwag Lola. Hahaha joke lang po..." Tatawa-tawa si Alex. Kahit kailan ay ang cool ng kaniyang lola. Kaya nga palagi siyang nagbabakasyon dito kapag may time.
"May girlfriend ka na ba?" seryosong tanong ni Patch.
Ang lapad naman ng ngiti nitonh sumagot. "Boyfriend lang po," biro niya.
"Bakla ka, Apo?" parang tsismosa ito at talagang mahina pa ang pagkakasama. Takot na baka may makarinig na ibang tao."Biro lang po, Lola."
"Aminin mo na kasi. Bakla ka?" nagdududang tanong niya. Wala naman sa kaniya kung bakla ito dahil hindi naman big deal sa kaniya. Wala siyang personal na galit sa mga bakla. Naalala naman niya si Ryan noon sa bar na muntik nang may mangyari sa kanila ng bakla niyang kaibigan.
"Hindi, ah. Biro lang," alam niya sa sarili na lalaki talaga siya. At kung bakla o bisual man, walang isyu iyon sa pamilya. Ilang beses na silang pinagsabihan na kung bakla man o tomboy, umamin lang dahil hindi kawalan sa pagkalalaki ang pagiging bakla. Mas naisin pa ni Patch na magkaroon ng responsableng baklang apo kesa sa lalaki nga pero iresponsable naman sa mga anak nila.
"Pasok na tayo, Lola. Magtatakip silim na," inakbayan niya si Patch para pumasok sa loob ng mansion.
Tumawag si Lee na gabihin daw ito ng uwi. Nakipagmeeting pa ito sa investors nila kaya nauna nang kumain ang mag lola.
"Magpahinga ka na, hijo. Alam kong pagod ka pa sa biyahe," alas otso na ng gabi at balak niyang hintayin ang asawa. Tinatamad siyang sumama kanina dahil alam niyang darating ang apo.
"Sige po," humalik ito sa noo niya tapos pumanhik na sa kwarto.
"Lokong apo! Matanda na talaga ako," bulong niya. Pinakaayaw niya ay ang halikan sa noo.
Naupo siya sa veranda at nakatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga siya. Tumatanda na sila ni Lee. Naging mahina na ang lahat ng mga kilos at galaw nila. Alam nilang balang araw, lilisan din sila sa mundong ito pero gusto niyang may maiwan muna sa mga anak at apo bago pumanaw. Ininom niya ang gatas na nasa mug. Gabi-gabi ay umiinom siya para makatulog kaagad.
"Ma'am, may naghahanap po sa 'yo." Wika ng teenager na katulong. Isa ito sa mga working students nila.
"Sino raw?"
"Benny po."
"Papasukin mo." Ito ang private investigator na inutusan nilang alamin ang tunay na pagkatao ni Cheska.
Ilang minuto pa ay nandiyan na ang lalaking nasa trenta ang edad. Naka leather jacket ito at itim na sombrero.
"Good evening, Ma'am." Magalang na bati ng lalaki.
"Evening. Maupo ka," naupo ito sa harapan niya. "Ano'ng balita?"
"Ito po ang lahat ng nakalap ko na impormasyon. Ayon sa dating katiwala nila, nagbakasyon ang mag-asawa sa private resort nila tapos nang umuwi ay may dala nang bata. Nasa anim o pitong taong gulang ito. Nakatulala lang at laging sinasambit ang pangalan ng kuya niya." pag-uumpisa nito.
"Ano'ng pangalan?" interesadong tanong ni Patch. May bagay na tumutulak sa kaniya para alamin ang pagkatao ni Cheska at ang family background nito.
"Hindi ko po alam. Ang sabi lang ng katulong, Kuya lang daw ang sinasambit ng bata. Aw!" Reklamo nito nang kinuha ni Patch ang mug at mahinang hinampas ang ulo niya.
"Hindi pangalan ang kuya! Pinapainit mo ang dugo ko!" Pinipigilan lang niyang sumigaw. Mabuti na lang dahil wala pa ang asawa dahil kung nandito ay mag-aaway naman sila dahil sa mga ikinikilos niya. "Proceed."
"'Yon nga po, Ma'am. Dinala nila ang bata sa Paris dahil takot sila na baka mahanap pa ito ng tunay ma magulang. Ang pagkakaalam niya ho ay nalunod ang bata sa dagat."
"N-nalunod?" napakunot ang noo niya. Naalala niya ang nawawalang apo. Kahit na ilang beses na siyang pinapaniwala na patay na ito, malakas ang kutob niyang buhay pa ang apo.
"At noong time na umalis ang pamilya, saka naman nila nabalitaan na nawawala ang apo ninyo at nakita nila sa pahayagan ang litrato ng bata at sigurado ho siyang ang apo ninyo ang dinala nila sa Paris."
Ilang minuto nang nakaalis ang tauhan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Nakiusap siya sa katulong na dalhan ng tubig dahil naninikip ang dibdib. Natutuwa siyang buhay ang kaniyang apo pero nahihirapang tanggapin na si Mandy ay parehong anak ng magkapatid. Parang hindi naman ata katanggap tanggap ang nangyari? Sino ba ang gusto ng gano'ng sitwasyon? Kaya pala hindi na nagpaparinigan sina Ann at Cheska dahil kahit na hindi man sinasabi ng mga ito ay nararamdaman niyang alam na nila ang totoo.
Pumasok siya sa kwarto at nahiga pero mamaya unti ay bumangon ulit at tumayo saka naupo sa harap ng closet. Nag-iisip siya. Pinipilit niyang maalala ang mga nangyari buhat nang dumating si Cheska at nagpakilala sa kanila bilang naanakan ni Dylan.
"Hindi p'wede 'to! Lintik na mga anak ni Demi-- Regine!" Naasar na sambit niya. Huminga siya ng malalim at inabot na naman ang tubig para uminom.
Ang mga daliri niya ay parang naglalaro ng keyboard ng piano sa ibabaw ng mesa habang malalim na nag-iisip.
"Hindi p'wedeng magiging anak nila si Mandy, hindi p'wede!" Sumasakit na ang ulo niya sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Matanda na sila ni Lee at alam niyang darating ang araw na lisanin nila ang mundo pero nais niyang bago pumanaw ay may maiwan man lang na mga aral para sa pamilya. 'Yung tipong kapag nasa kabilang buhay na sila ay wala na silang pagsisisihan.
"May mali, e. May mali talaga." Nakatingim siya sa reflection sa salamin. Parang kinakausap niya ang sarili.
"May mali talaga, e." Ulit na naman niya nang may maalala.
................. Flashback.... ......
"L-Lola, parang awa mo na po. Uuwi ako. Kailangan ako ng asawa ko. G-Galit na po siya sa akin," pagmamakaawa ni Dylan. Nakaluhod ito sa harapan ng lola. Patulog na sana ang dalawang matanda ng pumasok siya.
"Letse! Huwag mo akong iiyak iyakan. Para kang bakla! Hiwalayan mo na ang asawa mo at pakasalan si Cheska dahil kailangan ka ng anak mo. Panindigan mo ang katarantaduhang ginawa mo! Aanak anak ka tapos, hindi mo kayang panindigan?" Singhal ni Patch habang nakahawak sa sintido. Inabutan naman siya ni Lee ng tubig. Lagi itong nakaalalay sa kaniya sa lahat ng oras lalo na nang malaman nilang may anak sa labas ang apo. Hindi na kasi maganda ang kundisyon ng katawan ni Patch. Swerte lang niya sa asawa.
"U-Utang na l-loob. Ngayon lang naman po. I-explain ko lang sa kaniya ang nangyayari," ilang beses niyang tinangkang tumakas ngayong araw pero lagi siyang nahuhuli ng mga tauhan.
"Bukas! May bukas pa naman para magkita kayo sa paaralan. Kailangan ka ni Mandya. Nilalagnat ang anak mo tapos iiwan mo lang?" bulalas ni Patch. Napayuko si Dylan.
"May private nurse naman po siya, Lola. Bukas na lang po. Babawi ako kay Mandy pero please, uuwi muna ako sa asawa ko. K-Kailangan ako ni Ann."
"Wala ka na bang bukambibig kundi si Ann, si Ann at si Ann?" napaupo si Patch sa kama.
"Mahal ko pa ang ASAWA KO!" May diin na sagot ni Dylan.
------------END OF FLASHBACK-----------
Naikuyom ni Patch ang kamao at inaalisa ang lahat ng mga nangyari at kilos nila.
"Wala akong itinuro sa kanila na maging masamang magulang. Walang ama na kayang tiisin ang anak... Walang ama na uunahin ang asawa kesa sa anak!" Sambit niya.
"Pero paano naging positive ang resulta ng Paternal DNA test? Kung hindi si Dylan ang ama at tito lang siya, imposibleng mag positive iyon." usal naman niya. Sigurado siyang Paternal Test talaga ang kinuhang sample at sinigurado niyang galing kina Dylan at Mandy iyon. Nando'n talaga siya at ang sampung doctor, sikat at talagang mapagkatiwalaan niya at ang iba ay hindi pa magkakilala.
Dinampot niya ang cellphone na nasa tabi lang niya at may tinawagan.
"Oras na tama ang hinala ko, mananagot ka/kayo kung sino ka man!" Isinusumpa niya!

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon