7-9

2.8K 119 5
                                    



Port:


Port:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  7-8-9

CHAPTER  7

"Kamusta na, brod? Mukhang busy tayo ngayon, a." Kakapasok lang niya sa billiaran. Pumatong siya sa isang billiard table na hindi nilalaruan. May iilang tables ang narito. Ang iba ay mga babae ang naglalaro. Naalala na naman niya noong dinala niya rito si Yna. Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan.
Inagaw niya ang isang stick ng mamahaling sigarilyo na sisindihan na sana ng katabi niyang brod. Dinukot ang lighter at sinindihan at hinithit.
Hindi na ata siya makakahanap ng babaeng mamahalin niya kagaya kay Yna. Si Ella, special din ang dalaga sa kaniya. Parang kapatid na ang turing niya rito.
"Ano'ng balak mo kay Kyler? Tumbahin na natin?" nakangising tanong ni Oliver. Alam nitong patay na patay si Dylan noon sa dalaga. Malaki ang ipinagbago ng binata buhat nang maging kasintahan nito si Yna.
"Oo nga, brod. Ano? Sabihin mo lang, nandito kaming mga kapatid mo." Sabat din ng isa habang nakatingin sa mga babaeng papasok. Mga taga- Westbridge dahil hindi naka-uniporme.
"Hayaan ninyo siya," pinsan pa rin niya ito at hindi siya gano'n ka sama para idamay ang fraternity sa personal na buhay. "Sino pala ang naghamong makipag-karera?" pinagpag niya ang upos ng sigarilyo sa sahig dahil wala siyang nakitang ashtray. Gusto sana niyang patayin ito sa dila ng neophytes na tahimik na nakaupo sa tabi pero wala siya sa modo para maging sadista. Naalala niya ang dalawa sa limang lalaking nakaupo. Pinsan ni Ann ang isa. Ito ang dalawang lalaki na nasa gym noong nakaraang linggo.
"Hindi ko kilala, balita ko, taga-Arellano. Bagong salta ata sa Pilipinas. Mukhang hindi ka pa nila kilala," napa smirk siya. Wala siyang balak pumatol sa baguhan pero nakuha ng mga ito ang atensyon niya.
"Sige. Pagbigyan," nakangisi niyang sabi. Nagsi-apiran naman ang mga brod niya.
"Exciting 'to!"
"Kailan natin ilabas ang mga iyan?" sabay nguso sa sampung neophytes.
"Ewan ko kay Jestoni. Siya ang M.I (Master Initiator) ngayon,"
sagot ng isa saka kinuha ang pool cue stick at inayos ang dulo nito para labanan ang isa nilang brod na inaayos na ang mga bola.
"Kaya ba ng dalawang lampa 'yan?" na ang tinutukoy ay ang dalawang magkaibigang payatot na nakayuko.
"Kahit ano'ng mangyari, 'wag kang tumingin sa mga mata nila, 'tol." Bulong ni Denise kay Jake.
"Oo, 'tol. Baka patay tayo sa kanila pagdating ng initiation," sagot ni Jake habang nakatingin sa sahig.
"Kayong dalawang payatot. Pulutin ninyo ang sigarilyo ng master ninyo." Utos ni Oliver nang itapon ni Dylan ang sigarilyo sa sahig at inapakan.
"Tawag tayo,'tol." Sabay siko ni Jake sa katabi.
"Hindi tayo, 'yon 'tol. Macho tayo, macho." sagot ni Denise.
"Awww/Awww!" Reklamo nila nang may tumilapon na billiard ball sa ulo katawan nila kaya napaangat sila ng tingin.
"Ang sabi niya, pulutin ninyo ang sigarilyo ko. Talagang may gana pa kayong mag-isip kung sino ang tinutukoy nila, e, kayo lang naman ang payatot dito!" Pagsisinuplado ni Dylan.
"Sorry/Sorry, Master." Sabay nilang sabi tapos mabilis na tumayo at pinulot ang sigarilyo. Ang isa ay sinimot ang upos nito gamita ang mga kamay.
"DENISE!" Halos lahat sila ay napatingin sa babaeng kakapasok lang. Nanlaki ang mga mata ni Denise nang makita ang pinsang papalapit. Sa likuran nito ay ang kaibigang si Divina na nanginginig pa sa takot. Hinihila nito si Ann pero ayaw papigil ng dalaga.
"Ano ang ginagawa mo rito, Ate?" kinakabahang tanong ni Denise. Baka kasi magagalit ang mga masters niya.
"Ako ang dapat na magtanong sa'yo. Ano ang ginagawa mo rito?" namewang si Ann habang ang mukha niya ay nakasimangot. " 'Di ba, may klase ka ngayon?" Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid na ngayon ay nakuha na niya ang atensyon ng mga ito dahil sa malakas na boses.
"W-wala, ate. Free time k-- Aww!" Binatukan kasi ito ni Ann.
"Ako? Pagsinungalingan mo? Hawak ko ang schedule mo. Loko ka!" Hinampas pa niya ito.
"Ouch! Ate Ann, masakit!" todo protekta niya sa sarili.
"Excuse me, Miss. Alam mo bang bawal mag iskandalo rito?" wika ni Jestoni.
"P-pasensya na M-master..." paumanhin ni Denise. Halos hindi niya alam ang sasabihin o gagawin niya.
"Hindi naman kayo ang kinakausap ko. Kundi ang walanghiyang pinsan kong ito?" sagot niya. Si Dylan ay nakasandal lang sa pool table at naka cross arm na nakatingin sa asawang lumalaki na ang butas ng ilong dahil sa galit. Nagulo na rin ang nakapusod na buhok nito.
"Awww! Lalaban ata ang isang ito, brod!" Nakangising sabi ng isa nilang kasamahan. Mahaba ang buhok at may hikaw pa sa kanang tainga. Pinalibutan na nila si Ann. Napaatras naman si Divina. Gusto niyang hatakin ang kaibigan pero hindi siya makapasok sa naglakakihang katawan na nakapalibot sa kaibigan niya.
"Ate," tawag ni Denise. Gusto niyang tulungan ang pinsan pero mahigpit na pinigilan siya sa braso ng isa sa mga Asirho.
"Bigyan nga natin ng leksyon ang babaeng ito. Hindi tama na susugod ka sa giyera na hindi mo kilala ang kinakalaban mo!" Nakangising sabi ng isang pinakamaliit sa kanila. Bale pito lahat ang nakapalibot kay Ann.
"Umalis nga kayo!" Singhal niya sabay tulak ng isa pero itinulak din siya nito papunta sa isa nilang kasamahan.
"Ano ba!" Reklamo ng dalaga habang nahihilo sa kakatulak nila. Para siyang bola na pinapasa-pasa ng mga ito.
"Sayang! Ang ganda mo pa naman, gawin na lang kitang girlfriend Miss," alok ni Oliver.
"Girlfriend mo mukha mo! Pangit!" Napangiti si Dylan sa sagot ni Ann.
"Aba! May boyfriend ka ba? Hindi hamak na mas gwapo ako sa kung sino man ang lalaki sa buhay mo!" Napikon siya sa sagot ng dalaga. Wala pang babaeng sinigawan siyang pangit nang harapan.
"May sinasandalan ata ang babaeng 'yan, brod! Sino ang ipinagmalaki mo, ha? Dalhin mo rito at nang maupakan at balatan!" Sabat ni Jason. Napataas ang kilay ni Dylan sa mga sinasabi ng mga brod niya.
"Alis! Tumabi kayo!" Sabay tulak ni Ann sa isa na natumba. Tatakbo na sana siya pero nahawakan siya sa braso ni Jason.
"Aray! Nasasaktan ako!" Pilit na nagpupumiglas siya.
"Lalaban ka? Papatulan na kita!" Tumaas ang kamay nito paa sampalin ang dalaga pero may mahigpit na humawak rito kaya natigil sa ere.
"Hindi pumapatol ang mga Asirho sa mga babae." Madiin na wika ni Dylan habang buong lakas ang pagkakahawak niya sa kasamahan.
"A-ang kamay ko, brod!" Ani Jason.
"Pasensya na. Hayaan na ninyo siya," sanay bitiw sa kamay ng kasamahan. "Bumalik ka na sa klase mo." Utos niya sa dalaga na ngayon ay hinawakan ang namumulang braso.
"S-salamat."
"Psh! Dapat lang na magpasalamat ka. Sa susunod, ilagay mo ang tapang mo sa lugar." Lumapit siya kay Ann at inilapit ang bibig sa tainga sabay bulong, "Pasalamat ka, asawa kita."
Napasulyap siya sa grupong kakapasok lang. Ang mga Triskellion. Kasama nila si Christian.
"Brod. Ang mga Tres," makahulugang wika ni Oliver.
"Umalis ka na Ann. Hindi ka dapat nandito," napasimangot si Ann.
"Okay, fine! Hoy, Denise. Bumalik ka na sa klase mo!" Singhal niya sa pinsang nakatayo sa isang sulok kasama si Divina.
Padabog na tumalikod ang dalaga para lumabas pero nang malapit na siya sa pinto ay hinarangan siya ni Christian. Ngumiti naman si Ann at nag-usap sila.
"Mukhang magkakilala ang dalawa, a. Kaya pala ang lakas ng loob niyang sumugod dito," panunuya ni Jason.
Ang mukha ni Dylan ay hindi na maipinta.
"Mali! Ang sabihin mo,isa rin siya sa kanila. Frasority ang Tau Gamma,  'di ba?" nakikinig lang si Dylan sa kasamahan pero ang mga mata ay nakatutok kay Ann.
"Or, pwede ring kasintahan niya ang isa sa mga Tres." Nakangising sagot ni Oliver.
"Magaling! At least, alam na natin ang isa sa mga kahinaan ng Tau Gamma kung sakaling bumangga sila.
" Pahamak ka talaga Ann." bulong ni Dylan habang naikuyom ang kamao.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon