42-43

2.2K 73 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Christian

FRATERNITY KING 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FRATERNITY KING 1

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  42-43

Unedited...
Dalawang araw na magmula nang umuwi siya sa bahay nila at ngayon lang niya naisipang pumasok.
"Friend, okay ka lang?"tanong ni Divina. Sobrang nag-alala ito dahil hindi sinasagot ni Ann ang mga tawag at messages niya sa instagram.
"Okay lang. Still pretty," nakangiting tugon ni Ann. Ngayon ang U-week nila at marami ang activities na magaganap.
"Ilang beses kang tinatanong sa akin ni Dylan." Pagbabalita niya. Sobrang nakukulitan siya dahil minu-minuto ay pumupunta ito sa classroom nila.
"Tara na sa field. Ano ba 'yan! Wala man lang tayong sasalihang competition," reklamo ni Divina.
"Dapat kasi nagpalista ka sa sack race," wika ni Ann. Pareho silang walang ka talent, talent.
"Wala namang sack race, e. Pinalista pala kita sa kayak," wika ni Divina.
"What? Ayoko! Hindi ako marunong!" Reklamo ni Ann. Ano ba ang alam niya sa pagkakayak? Tamad nga siyang (magsagway?)
"Mabilisan naman 'yon. Okay lang kapag matalo tayo, basta mag-i-enjoy tayo," humagikhik pa si Divina. "Pero lastday pa naman iyon."
Naglakad-lakad sila para manood ng laro sa open field. "Picture tayo roon sa soccer net, dali!" Tuwang-tuwa na wika ni Divina.
"Hmmp! Ayoko. Ikaw na lang," sagot ni Ann.
"Ayoko nga! Ikaw na kasi, dali! Habang wala pa masyadong tao. Kunwari player ka rin," sabay tulak ni Divina.
"Sige, sige." Parang bata na sabi ni Ann. Sa loob ng dalawang araw ay pinilit niyang hanapin ang sarili. Sa loob ng kwarto kasama si Wattpad.
Wala naman siyang ibang mapupuntahan. Busy din naman si Yna dahil may sakit ang anak na si Keana kaya hindi na nila ipinaalam ang problema. Nextime na lang daw sabi ng daddy niya.
"Picture na, dalian mo!" Natatawang utos niya saka nag pose sa gitna ng net.
"Maganda ba ako diyan?" tanong niya.
"Oo naman. Bakit ba lagi mong tinatanong kung maganda ka o hindi?" napapansin niyang pagkatapoos nilang magpicture taking ay palaging tinatanong ni Ann kung maganda ba siya o hindi. "Maganda ka, Ann. Sobrang nagandahan ako sa iyo. Do not underestimate yourself, you are beautiful than you think. Okay?"
"Ako na ang kukuha sa inyo?" napalingon ang dalawa kay Christian na papalapit sa kanila. "Hi." nakangiting bati ng binata. "Uy, terno kayo. Ano ba 'yan. Wala akong uniform." Reklamo ni Ann.
"Hindi ka kasi nag order dahil busy ka," kahapon lang dumating ang damit at naubos agad ang kanilang uniporme.
"Oo na. Kayo na lang ang kunan ko para couple. Tutal, mukha naman kayong naka couple shirt." Tukso ni Ann.
"Ayoko nga! Kayo na lang," ani Divina.
"Tayo na baboy. Tapos kami naman mamaya ni Ann." Lumapit si Christian sa kababata. "Picturan mo ba kami, Ann." Natatawang saad ni Christian.
"Sige. Smile na Divina," saka iniayos ang camera kaya napilitang ngumiti si Divina.
"Bagay talaga kayo," nakangiting wika ni Ann.
"Mas bagay tayo. Doon ka na kay Chabilita," kinuha ni Christian ang camera para silang dalawa naman.
"Tara, punta tayo sa gym." Yaya ni Christian.
"Ano bang meron?" tanong ni Ann.
"Ewan. Painting ata at taekwando," wala sa mood na sagot ni Christian.
"Ay, bet ko 'yon. Tara na." Excited na yaya ni Divina.
Naglakad sila patungo sa gymnasium.
"Malas!" Naiinis na sambit ni Divina. Makakasalubong nila si Cheska na nakaterentas ang buhok at nakasuot ng black dress.
Unlike Ann, medyo matapang ang aura ni Cheska kaya kahit paano, may iilang kalalakihan ang nagkakagusto rito unang pasukan pa lang.
"Ow! Nice to meet you. Kamusta ka na?" she smirked.
"Heto, as usual, mahal pa rin ni Dylan." Ann smiled sweetly. "Ikaw? Kamusta na ang anak ninyo? I'm sure, tanggap na siya ng pamilya ni Dylan." She asked sarcastically. Hindi naman kumikibo sina Christian at Divina. Nalaman na ni Christian ang nangyari noong isang araw sa cafeteria at ngayon ay gusto na niyang suntukin kapag nakasalubong si Dylan pero banned sila. Isa pagkakamali lang ay mawawalan sila ng lisensiya.
"Oo naman. In fact, they were happy sa APO nila." Sadyang diniinan pa nito ang salitang apo.
"Ah. E si Dylan? Masaya rin ba na ikaw ang kasama niya?" casual na tanong ni Ann. Saglit na natigilan si Cheska. Hanggang ngayon ay hindi pa siya kinakausap ni Dylan. "Oo naman. Wala namang rason para hindi siya magiging masaya, 'di ba?" napasulyap si Cheska kay Christian. Namumukhaan niya ito. "Hey. 'Di ba, ikaw ang kapitbahay namin sa Araneta subdivision?" naalala niya na sa tuwing pumunta siya sa park ay ito ang naging kalaro niya noon pero magmula nang lumipat na sila sa Paris ay hindi na rin niya ito nakita pa.
"Yupz. Ako nga," tipid na sagot ni Christian. "Cheska, right?"
"Yes. And you are Christian? Binata ka na," masayang sabi niya. Ito lang kasi ang naging kalaro niya noon dahil lahat ng bata sa club house ay inaaway niya. Ayaw kasi niyang makihalubilo sa mga madungis na bata.
"Dalaga ka na nga rin, e. Kung sabagay, halos magkasing-edad lang naman tayo." Napailing si Christian. Ito pala ang babaeng sumira sa relasyon nina Ann at Dylan at aaminin niya, a part of him was happy noong nabalitaan niya ang nangyari.
"Tara na, Ann. Mukhang wala nang balak pa si Christian na sumama sa gym." Hinila ni Divina si Ann.
"Teka! Ahm... Cheska, nextime na lang, ha. Mauna na ako," hinabol niya ang dalawa dahil malalaking hakbang ang ginawa ng mga ito.
"Wait lang. Ang bilis naman ninyong maglakad!" Reklamo niya nang maabutan ang mga ito.
"Oh! Ba't nandito ka? Hindi ka naman namin inaasahang sumama pa," nakasimangot na sagot ng kababata.
"Ako ang nag-aya sa inyo tapos ako ang hindi sasama? Teka lang. Nagseselos ka ba, Divina?" nakangiting tanong ni Christian. Namula naman ang dalaga.
Si Ann na ang sumagot para sa kaibigan, "Oo. Nagseselos siya kasi crush ka ni-- Ouch! Masakit 'yon, ha!" Reklamo ni Ann nang kurutin ni Divina sa tagiliran.
"Tigilan nga ninyo ako! Alam mo namang naiinis lang ako sa babaeng iyon dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na inaway ka niya at may anak sila ni Dylan!"
Huminga ng malalim si Ann. Nakapasok na sila sa gymnasium at naupo sa pinakasulok. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Christian.
"Oo. M-medyo kulang lang sa tulog," napakagat siya sa ibabang labi. "P-pwede bang pabili ng gatorade? Nauuhaw ako." Nakalimutan niyang kumakain kanina ng breakfast kaya hindi mabuti ang timpla ng katawan.
"Sige. Dito lang kayo," tumayo si Christian para bumili ng pinakiusap niya.
Nanood lang sila ng mga naglalaro ng taekwando. Ilang minuto ang nakalipas ay bitbit na ni Christian ang inumin at pagkain. "Bumili na ako ng makakakain. O! Baboy," sabay abot niya ng hotdog sa stick.
"Ang lakas mo maka baboy!" Pero tinanggap naman niya ang ito.
"Akin na ang gatorade. Buksan ko para sa 'yo," napansin kasi niyang nahihirapan si Ann.
"Salamat!" isang matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Christian pero agad napalis nang makita niyang palapit si Dylan na nakasalubong ang mga kilay.
"Pwede ba tayong mag-usap, Ann?" isang matalim na titig ang ipinukol niya kay Christian. Kanina pa niya nakita ang mga ito at kanina pa siya nasasaktan. Selos na selos siya nang nakitang ngumiti ang asawa at ibang tao ang dahilan. Samantalang siya ay puro luha ang ibinigay niya sa asawa nitong nakaraang araw.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa!"
"Marami! Marami tayong dapat pag-usapan!" Giit niya.
"Kung ayaw ka niyang makausap, 'wag mo siyang pilitin!"
"Talaga? Huwag kang makialam sa usapin namin. Wala kang alam!" Nanggigigil na saway ni Dylan.
"Ang point, nasasaktan na si Ann kaya kung ako sa 'yo, pakawalan mo na siya. May Cheska ka na nga, di ba? At balita ko, may anak na kayo?"
"Huwag mo akong bwesitin dahil masusuntok na talaga kitang pakialamero ka!" Naikuyom na ni Dylan ang kamao. Nagpipigil lang siya dahil sa warning nila. Wala na sa mga naglalaro ang atensiyon ng nasa paligid kundi nasa kanila na.
"Pareho lang tayo!" Singhal din ni Christian.
"Tama na! Sasama na ako sa 'yo, Dylan." Pagsuko ni Ann. "Babalik na lang ako, guys." Tumayo si Ann at naglakad palabas. Tahimik na sumunod naman ang asawa.
"Tara na sa tambayan," hinawakan siya ni Dylan sa kanang kamay. Holdinghands sila habang naglalakad.
Pagpasok ay nakahilata ang mga kasamahan. Ang iba ay nagtatawanan pa habang nanonood ng sex scandal ng isang sikat na artista.
"Sa kwarto tayo, Baby." Hindi na nakatanggi pa ang dalaga. Pagkapasok ay agad isinarado ni Dylan ang pinto.
"I missed you," niyakap niya ang asawa. Ilang araw na niya itong inaabangang pumasok pero ngayon lang niya nakita. Noong sabado at linggo ay hindi siya makalabas ng bahay. Ang sabi ng lola niya ay okay lang daw na mag-usap at magkita sila pero nandito lang sa loob ng school campus.
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" walang kabuhay-buhay na tanong niya.
"Ann, ayokong mawala ka. Alam kong mali ang ginawa ko pero, hindi ko talaga sinasadya. Maniwala ka sa akin." kumalas si Dylan mula sa pagkakayakap at hinawakan ang asawa sa magkabilang pisngi. "Anak ko nga ang bata. Na kumpirma na nina lola pero hindi ko talaga alam na may anak ako at maniwala ka, hindi ko talaga mahal si Cheska." Mahigpit na niyakap niya muli si Ann. Takot siya na pakawalan ito. "Ghad! I really miss you," bulong niya.
Walang imik si Ann. Hindi siya gumaganti sa mga yakap ng asawa kahit na namimiss din niya ito ng sobra.
Tumunog ang cellphone niya. "May tawag ako," ani niya. "Sandali!" Mas hinigpitan ni Dylan ang pagkakayakap. Takot siyang mawala na naman sa paningin ang asawa.
"Dylan, ano ba!" Sabay tulak ni Ann.
Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag ng ama.
"I have to go," paalam niya.
"N-No!" Tanggi ni Dylan.
"Bitiwan mo ako o hindi na ako magpapakita sa 'yo kahit kailan!" Pagbabanta ni Ann.
"B-babalik ka pa ba?"
"Bakit? Saan ba ako pupunta? Mag-aabroad?" pilosopong sagot ng asawa.
"S-sure ka?"
"Umalis ka nga sa pinto. Lalabas ako!" Binuksan niya ang pinto. Paglabas niya ay parang walang nakita ang mga lalaki. Busy pa rin sa kaniya-kaniyang ginagawa. Lumabas siya sa school at sumakay sa taxi. Napansin niyang sinusundan siya ng asawa. Nakahelmet ito at ibang ducati ang gamit. May napapansin din siyang tauhan ng lola nito kanina. Ang isa kasi ay nakita na niya minsan noong pumunta siya sa mansion. Tama nga ang sinumbong ni Divina na pinapabantayan ito ng lola niya.
Pagdating niya sa unit ay nasa labas ng pinto ang mga gamit niya. Inutusan ng daddy niya ang kanilang tauhan na ihatid ang mga gamit niya. Pinindot niya ang code at ipinasok ang mga gamit. Mamaya na niya ito ibalik at aayusin sa closet.
Hindi na siya nagulat nang bumukas ang pinto at iniluwa ang asawa. Kumulo bigla ang dugo niya nang makitang nasa likuran ang lola't lolo nito.
"Akala ko ba, umalis ka na. Ba't nandito ka pa?" ani Patch.
"Lola, Lolo!" Masayang bati niya saka nilapitan ito at niyakap.
"Kamusta na ho kayo?" magalang na bati niya. Tumaas naman ang kilay ni Patch.
"Diretsuhin na kita. Maghiwalay na kayo ng apo ko. Pirmahan mo na ang annulment paper na ito!" Sabay abot ni Patch ng papel. May kung anong kirot sa puso niya pero pilit na itinago. Inabot niya ang papel.
"Ann, huwag mong pirmahan, baby." Naiiyak na pakiusap ni Dylan. Hindi niya makakaya kapag mawala ang asawa. Ikakamatay niya!
Pinagmasdan at binasa ni Ann. "Ann... Utang na loob. H'wag mong gawin ito?" lalapit na sana si Dylan pero hinarangan ni Patch.
"Huwag mong pakialaman ang desisyon niya! Irespeto mo na lang dahil matanda na siya at alam na niya ang nararapat!" Napipikong wika ni Patch. "Bakit nandito ka? Akala ko nasa paaralan ka? Mga walang silbing bantay!"
"Lola, bakit walang pirma ni Dylan?" inosenteng tanong ni Ann.
"Pagkatapos mo,pipirma--"
"No! Kahit kailan, hindi ako pipirma! Utang na loob, baby. Huwag kang pumirma," pagmamakaawa ni Dylan. Blangko ang mukha ni Ann na nakatingin sa kanila kaya mas lalo siyang kinabahan.
"Ann..."Napaupo si Dylan sa sofa. Kinuha ng asawa ang ballpen na nakapatong sa ibabaw bg center table at naupo sa sofa na nakaharap sa kaniya.
"P-please, h-huwag kang bumitaw, huwag mo akong i-iwan," luhaang pagmamakaawa niya. Para siyang binuhusan ng malamig na malamig na tubig nang dumikit ang ballpen sa papel. Napapikit siya. Ito na ang katapusan ng kanilang pagsasama.
"Ito na po ang kontrata," blangko ang mukha na iniabot ni Ann kay Patch. Napayuko si Dylan. Iyak siya nang iyak. Ngayon lang siya umiyak ng ganito sa harap ng pamilya.
"B-bakit Ann? B-bakit mo nagawang p-pakawalan ako? M-mahal na mahal kita. H-hindi ko pa rin pipirmahan ang kontratang iyan!" Sa sobrang inis ay sinuntok niya ang glass table na nasa harapan. Nabasag ito at nasugatan ang kamao pero hindi niya ininda. Mas masakit ang nararamdaman ng puso niya. Wala na! Tuluyan na siyang iiwan ni Ann dahil sa pagkakamali niya.
"Bakit ba ang SAMA NINYO SA AKIN?" Sigaw ni Dylan. Naaawa si Patch sa apo pero kahit siya man ay naiipit din.
"Hijo..." lumapit si Lee sa umiiyak na apo. "Magiging okay din ang lahat." pag-aalo niya.
"H-hindi, e. K-kahit kailan, hindi magiging okay ang lahat kapag m-mawala ang asawa ko. A-ann... B-baby, bakit mo pinirmahan? A-ayaw mo na ba sa akin? I-isusuko mo na ba talaga ako nang tuluyan? 'Y-yon lang naman ang n-nagawa ko. Alam kong hindi t-tama ang nagawa ko pero magmula nang nalaman k-kong mahal kita at s-sinimulan nating magsama bilang m-mag-asawa, wala akong n-nagawang kasalanan sa 'yo. H-hindi na ako tumingin sa ibang babae. I-ikaw lang ang m-mahal ko. B-bakit? A-ayaw mo na ba ng apelyido ko? A-ayaw mo na ba sa akin?" para siyang isang batang nagpapalimos ng awa, ng atensiyon at pagmamahal. Wala nang mas sasakit pa sa nararanasan niya ngayon. Gusto pa niyang lumaban at gusto pa niyang manatili ang pagmamahal nila pero paano niya magagawa iyon kung sumuko na ang isa sa kanila?
"P-pwede pa namang ma settle ang p-problema." Wala sa sariling usal niya. Wala na rin siyang iluluha pa. Siya ang lalaki pero siya itong halos mamatay dahil maghihiwalay na sila. Katahimikan ang namayani. Pinagmasdan ni Patch ang papel.
"Punyeta! Bakit ganito ang ginawa mo?" Galit na sigaw ni Patch. Napatingin ang maglolo sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Sa halip na pirma, isang malaking ikis ang iginuhit ni Ann sa buong papel.
"Desisyon ko po iyon, Lola. Matanda na po ako kaya alam ko na ang tama at nararapat," inulit lang ni Ann ang sinabi ni Patch kanina.
"Walanghiya ka!" Namumula na si Patch sa galit. "Bakit ba hindi mo mahiwalayan ang apo ko?"
Ngumiti si Ann at tumingin sa mga mata ni Dylan. Bakas sa mukha nito ang sobrang saya dahil sa nalaman.
"Dahil asawa ko siya at dapat lang na ipaglaban ko ang aking karapatan bilang asawa niya. At higit sa lahat, hindi ako papayag na mawalan ng ama ang batang nasa aking sinapupunan ko!"
"B-buntis ka, baby? Magkaka baby na tayo?" tuwang-tuwa na tanong ni Dylan. Para siyang isang pulubi nanalo sa lotto at muling nabuhayan.
"Oo." Walang gatol na sagot ng asawa.
"Wifey!" Sigaw ni Lee nang biglang nawalan ng malay si Patch.

Fraternity KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon