Noon pa man hilig ko na talaga ang magkape.
Kahit tirik ang araw, kahit mainit ang singaw.
May kung ano sa kape na hindi ko kasi kayang tanggihan.
Minsan nga, napapatulala pa ako pagkatapos humigop.
Dinadama ang pait nitong dulot.
Minsan naman ay may kasama pa itong gatas.
Para balanse ang lasa, mapait at may kaunting tamis.
Minsan hindi gaanong mainit, para hindi nakakapaso.
Minsan naman sobrang init, para mas masarap inumin.
Pero habang tumatagal, habang dumadagdag ang edad.
Napapaisip ako, ang buhay pala ay parang kape.
Minsan mapait, minsan naman ay sobrang tamis. Kadalasan tama ang timpla, minsan naman ay kulang sa lasa.
Mapait, kagaya ng buhay na aking sinasapit.
Maraming problema at hinanakit.
Matamis, maayos na buhay, maayos na pakiramdam.
Tamang timpla, balanse lang ang problema at saya.
Kulang sa lasa, parang pakiramdam na nalulungkot ka.
Ang buhay ay parang kape,
Kapag mainit, nakakapaso, nakakasakit.
Parang mga salitang binibitawan sa iyo sa tuwing sila ay galit.
Kapag malamig, nagdudulot ng ginhawa sa iyong pakiramdam.
Parang masasayang araw at walang halong away.
Kapag naman balanse, hindi mainit, hindi rin malamig
Parang hindi pagkakaunawaan na maaayos rin sa masinsinang usapan.
Sa bawat higop, libu-libong salita ang natututop.
Isip ang napapagod,
init ng kape sa lalamunan ang humahagod.
Nagbibigay ng kaunting ginhawa,
Para sa isip na pagod at sawang-sawa na.
--------
sab || 03-03-25
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Collection of my one shot stories. Read the Disclaimer. Romance ✓ Tragic ✓ Horror ✓ Open ending story ✓ Teen Fiction ✓ Mystery Thriller ✓ Poem ✓
