julianne's
Ilang porsyento ba ng nabo-broken hearted at muntik ng ma-rape ang nababaliw? Siguro naman hindi ganon kalaki ang chance na isa ako dun sa mga nababaliw na un.
Pero bakit ganito? Nakikita ko si Dave dito sa hospital kahit na alam kong hindi naman nya ako pupuntahan. E naririnig ko pa ngang tinatawag nya ako e. Tsk. Mukhang nababaliw na talaga ako. Alam ko naman kasing hindi nya ako pupuntahan o dadalawin. Dalawang araw na ko dito, pero kahit sumilip man lang hindi nya nagawa. Ganon ata talaga. He had already made his decision. At hindi ako ung pinili nya. Siguro ang saya saya nila ngayon. Samantalang ako, eto nasa hospital. Ayaw pa kasi akong palabasin ng doktor. E ano naman kung hinimatay ako dahil sa sobrang stress? E ano naman kung hindi ako nagsasalita di ba?
Yes. I refused to talk. Alam ko kasing iiyak lang ako ng iiyak pagnagsalita pa ako. At ayoko ng umiyak para sa lalaking un.
"Miss, anong order mo?" tanong ng isang matandang babae habang nakangiti. Nakakainggit naman ung ngiti nya. Ang ganda. Kailan kaya ulit ako makakangiti ng ganon?
Kesa sumagot, tinuro ko na lang ung mga gusto ko - seafood cupnoodles, hotdog sandwich, chocolate drink at shopao na asado. Oo. Gutom talaga ako. Pero ganito naman ata talaga pagdepress e. Sinubukan kong ngumiti sa nagtitinda nung inabot nya sakin ung inorder ko. Kaso isang konting pilit na ngiti lang ung nabigay ko sakanya.
Pagkakuha ko ng order ko, naglakad ako papunta sa hospital garden. Kahit kasi gaano ako kagutom, nawawalan ako ng gana pag naaamoy ko ung hospital-ung amoy alcohol.
Pagdating ko sa garden, napansin kong nakasunod pa rin sakin ung imagination ko na Dave. Tinignan ko sya ng masama. Nakakainis na talaga kasi. Ayaw pa akong tantanan. Pero sa halip na mawala ung imaginary Dave, ngumiti pa ang loko. Nakakabadtrip talaga! Lalo ko tuloy syang namimiss.
Pero deadma pa rin ako. Kumain lang ako ng kumain hanggang maubos ko na ung mga binili ko.
"Julie..."
Oh My, shomai! Nagsalita na naman si imaginary Dave. Dali dali akong tumayo at naglakad papunta sa elevator. Mas okay pa na nasa kwarto ako. Nandun naman sila mama. Hindi na nya ako siguro masusundan dun.
Nakakainis lang talaga kasi sinundan pa rin nya ako hanggang sa loob ng elevator. Pagkasara ng elevator, hinarap ko na si imaginary Dave. Okay lang siguro magpakabaliw dito, ako lang naman nandito e.
"Julie.. So--"
"Hephep imaginary Dave!"
"Imaginary Dave?" he asked confusedly.
"Oo. Imaginary as in Imagination. Ikaw si imaginary Dave. Kasi alam ko namang imagination lang kita. At alam ko ding hindi ako pupuntahan o dadalawin nung totoong Dave. Malamang nagpapakasaya na sila nung Kat nya!! And don't you dare say Sorry. Hindi ko matatanggap yang Sorry mo. Not until I make you feel sorry na hindi ako ung pinili mo. Mark my word imaginary Dave, magsisisi ka at ung tunay na Dave na hindi ako ung pinili nyo! I'll make sure of that!"
DING.
Sa wakas, dumating din sa floor ko.
"And 1 more thing imaginary Dave..." I took one step closer to him, saka ko sya sinampal. Ng malakas. Halatang nabigla sya. At nabigla din ako kasi nasaktan din ung kamay ko.
"Julia! What are you doing?!!" tanong ni Mama na nasa labas ng elevator. Naku. Nakita nya kayang kinakausap ko ung sarili ko?!
"Wala ho ma. Papasok na ho ako sa kwarto." i said while walking out of the elevator.
"Anong wala?? Bakit mo sinampal si Dave?!"
Eh???!!!
-------
dave's
"Okay ka lang ba talaga Dave??" tanong ulit ng Mama ni Julie.
"Yes po tita. Okay lang ho talaga. Kasalanan ko rin naman. Ininis ko kasi si Julie." Totoo rin naman ung sinabi ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako sinampal ni Julie. Deserving ako dun. Ang di ko deserve e ung guilty look na binibigay sakin ni Julie.
"Good. Ikaw Julia. I'm happy na nagsasalita ka na ulit pero mali ung ginawa mo. Hindi mo dapat sinampal ni Dave."
Hindi nakasagot si Julie. Tumango na lang sya.
"O sya, maiwan ko muna kayo. Ichecheck ko lang sa doctor if pwede ka ng lumabas. Julia, say sorry to Dave, okay?"
Tumango lang ulit si Julie. Pagkaalis ni Tita, agad akong tumayo at lumapit kay Julie. Pero hindi ko sya hinawakan. Pakiramdam ko kasi wala na akong karapatang hawakan sya o kausapin man lang. Pero kailangan ko talaga syang kausapin.
Tumingin sya sakin at halata pa rin ung pagkaguilty nya.
"Don't look guilty Julie. Like what I said to Tita, kasalanan ko naman. Deserving ako dun sa sampal na un."
"Pero sor--"
"Don't you dare say sorry Julie. Ako dapat ang magsabi nun."
"No Dave. Not now. Wag mo munang sabihin un. Not until I really make you feel sorry. Hindi ako susuko!" mangiyak ngiyak nyang sabi. I don't want to make her cry. Kaya tumango ako.
"Okay then. Hihintayin ko ung panahon na un." Lumapit ako sakanya and I kissed her forehead. For one last time.
"Talaga!! Akala mo Dave! Dadating din ung panahon na magmamakaawa ka na tanggapin kita. Pero hindi na kita tatanggapin."
Nagulat ako sa sinabi nya.Pero ngumiti na lang ako saka lumabas ng kwarto nya.
++++++++++++
Maikli lang ulit. Matagal na kasi tong chapter na to. Ngayon ko lang na upload.
Pasensya..:)