mnj ch31

57.3K 342 64
                                    

julianne's

"Tapos na ko. O icheck mo."

Huh? Paano ako napunta sa kwarto ni Dave? Tutorial session na namin agad? Parang kanina lang naglalakad lang kami a. Magkahawak pa nga ung mga kamay namin e.>////

"Ayos ah. Puro tama ung sagot mo."

"Talaga?? Ayos nga!!" sabi nya na nakangiti. Ang ganda ng ngiti nya. Minsan ko lang sya makitang ngumiti pero his smile never fails to make me blush.

"O sya uuwi na ako ha." nakita kong sumimangot sya sa sinabi ko.

"Wag muna Julie. Dito ka muna." inumpisahan ko ng ipunin ung mga gamit ko.

"Huh? E tapos na tayo e. Kailangan ko ng umuwi. Mag aaral pa ako." ano ba'ng problema nitong si Dave? Bakit bigla na lang sya naging ganito? Tumalikod na ko sakanya.

"Wag mo akong iwan Julie. Please.." Muntik na akong matawa sa sinabi nya. Ang weird naman.. Pagharap ko sakanya, nakita ko ung lungkot sa mga mata nya. Bakit sya malungkot? Bakit ba ayaw nya akong paalisin? Bakit ayaw nyang iwan ko sya??

Papalapit na ako kay Dave ng biglang magbago ung aura nya. Nakakatakot. Puno ng galit ung mata nya. Parang nakita ko na ung mata nya na un. Alam kong nakita ko na ung mata nya na un, ung puro galit.

Pero hindi para sakin ung galit nya. Parang nakatingin sya sa likod ko. Paglingon ko sa likod ko, may isang lalaki na nakadikit sakin. Nakaikot ung braso nya sa leeg ko at may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko. Papatayin ba ako nito?? Dave tulungan mo ako please.. Please!!

"Dave!!!"

-------------------------------------

"DAVE!!!"

"Julia! Baby! Wag ka munang tumayo."

"Ma? Nasaan ho ako? Si Dave po??! Ma nasaan si Dave??!!"

"Sshhh.. Higa ka lang muna Julia." pinipilit kong tumayo. Pero si Daddy naman pilit akong hinihiga.

"Pero Dad! Si Dave po!! Nasaan ho si Dave!" naiiyak na ko. Kailangan kong makita si Dave. Gusto kong malaman if okay lang ba sya. Wala na kasi akong ibang maalala bukod dun sa mga mata nya na puno ng lungkot. Tapos ngayon, pagkagising ko nasa loob na ako ng hospital.

"Nandito ako." nakita ko sya sa pinto. Di sya nakatingin sakin. May benda sya sa ulo. May mantsa din ng dugo ung kamay nya pati ung damit nya. Siguro naman okay lang sya.

"*sigh* Buti naman okay ka lang." tumingin sya sandali sakin tapos naglakad na paalis. Di man lang nya tatanungin kung okay ako??! Di man lang ba nya ako lalapitan?? Di ba sya nag aalala sakin? Samantalang ako, alalang alala sakanya. Nakakainis sya!

"Hayaan mo muna sya. Mukhang natrauma lang sa nangyari sainyo." sabi ni Mama. Sana nga yun ung dahilan nya. Pero kahit na. Di ko pa rin maiwasang mainis sakanya.

"Julia!!!" Narinig kong may sumigaw mula sa labas. Si Steph un. Nakita ko syang papasok sa kwarto ko pero hindi sya nag iisa. Kasama nya si Emman at si... CARLO!

"Carlo?"

"Baby, lalabas lang muna kami ha. Steph, kayo munang bahala kay Julia."

"Yes tita."

Bakit nandito si Carlo? Anong ginagawa nya dito?? Paano nya nalaman na nandito ako?

"Ah friend. Si Carlo ung tumulong sainyo ni Dave." si Carlo? Paanong?

"T-thank you." lumapit si Carlo sakin tapo hinawakan nya ung kamay ko.

"Wala un. Buti na lang talaga sinundan ko kayo ni Dave. Kundi nga lang ako naligaw, sana wala kang sugat ngayon."

"Huh? Sugat saan?"

"Dyan sa tagiliran mo friend. Nahiwa ka lang naman, di ka nasaksak. Pero ang dami pa ring nawalang dugo sayo." Ah. Kaya pala medyo kumikirot sya. Lalo na ngayong nakaupo ako.

"E si Dave? Okay lang ba sya?? Wala ba syang sugat? Bakit may benda ung ulo nya? Emman? Okay ba ung kuya mo??"

"Okay lang sya. May pumukpok ata sa ulo nya kaya nagkasugat. Pero sabi naman ng doktor okay na sya. Di nya kailangang ma-confine."

"Anong di kailangang ma-confine?! May sugat kaya sya sa ulo!! Hindi ba kailangan pa syang obserbahan??"

"Err. Friend, wag ng OA. Okay? Alam na ni Carlo lahat. Hindi mo na kailangang magpanggap." Anong magpanggap?? Nag aalala naman talaga ako kay Dave e!

"Ano? Di ako nagpapanggap!"

"Alam ko na Julia. Alam ko na'ng nagpapanggap kayo ni Dave na may relasyon kayo para iwasan na kita."

O_O

Paanong??

"Sorry friend. Nadulas ako e.." si Steph talaga. TT___TT

Hayst. Wala na rin naman akong magagawa. Nasabi na e. Alam na nya.

"*sigh* Saan pumunta si Dave?"

"Umuwi na ata friend." Umuwi? Yun na un? Uuwi na lang sya ng ganon ganon lang? Okay naman kami bago mangyari YUN ah. Normal lang naman. Tapos ngayon? Hayst..

"Huy Julia? Okay ka lang friend? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?"

Haha. Bakit nga ba ako umiiyak? Di ko alam. Basta hindi ko mapigilan ung sarili ko. Hindi ko mapigilan ung mga luha ko. Nakakaramdam ako ng sobrang lungkot. Alam mo ung tipong parang hinahati ung puso sa sobrang sakit ng nararamdaman ko?? Bakit ba ganito? Hayst. Naguguluhan na talaga ako. This past few days may mga kakaiba akong nararamdaman... Lalo na pagkasama ko si Dave... Hindi kaya... NO! Hindi un pwede. Etong lalaking kaharap ko ngayon ng mahal ko. Si Carlo, sya pa rin ang mahal ko.. Yes Julia, si Carlo ang mahal mo. Pero bakit ako nasasaktan ngayon ng dahil sa kagagawan ni Dave??

Bakit???

=====================

O bakit daw??o_o

Sorrrrrreee sa update..T_T

Papromote naman ng 'The Girl with PMS':))

Comment?

Vote?

THANKS LABIDABSSSSS!!ö

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon