lance's
SHOOT!
Nasaan kaya si Julia ngayon?
SHOOT!
Kasama nya kaya ung Dave na un?
SHOOT!
I know it's unfairly wrong na isipin to. Pero I just can't help but think na isa si Dave sa dahilan kung bakit ako binasted ni Julia.
SHOOT!
Unfair din talaga. Di ko pa nga napapakita o napaparamdam sakanya kung gaano ko sya kamahal e.
SHOOT!
"WOWWW!! Ang galing mo Lance!! Na-top score mo!" sigaw ni Steph.
"He he. Thanks."
Nandito kami sa Tim's World ngayon. Di ko sya dinala. Medyo lumungkot kasi ung mukha nya nung nabanggit ko ung tungkol sa boyfriend nya. Emman ba name nun?
"Seriously, ang galing mong magshoot! Bakit hindi ka sumali sa basketball team ng school natin??"
"Haha. Hobby ko lang ang pagbabasketball." Yan ang madalas kong isagot pag tinatanong ako tungkol sa hindi ko pagsali sa basketball team. Si Daddy kasi. Gusto nya na magconcentrate ako sa pag aaral kasi ako daw ang magmamana ng kompanya namin.
"Hobby mo lang yun ng lagay na un?? Ang galing galing mo kaya! Kahit ata nakapikit ka e mashu shoot mo ung mga bola."
"Haha. Hindi naman." Napayuko na lang ako sa sobrang hiya. Hindi kasi ako sanay na pinupuri ako ee.
O___O
Nagulat ako ng bigla nyang kurutin ung pisngi ko.
"Ang cute cute naman.. Parang batang nahihiya."
Napatingin ako sakanya nung sinabi nya un. Nakatingin din sya sakin kaya nagkatitigan kami. Ung kamay nya nasa pisngi ko pa rin.
Dubdub dubdub
dubdub dubdub
Ano to?
CLICK
+++++++++++++++++++++
stephanie's
Pareho kaming napalingon ni Lance nung narinig namin ung tunog na un. Nakita namin ung isang staff ng Tim's World na may na camera.
"Sorry Sir, Ma'am. Kayo po kasi ung napili as couple of the day e. Pasensya na po kung kinuhanan ko po kayo ng walang paalam. Ang ganda kasi ng eksena e. Kung gusto nyo po buburahin ko na lang. Pero sayang naman. Ang sweet sweet nyo"
Ano daw?? Hindi masyadong nagsink in sakin ung sinabi nung babae. Ang bilis kasi nyang magsalita e. Pinakita nalang nya samin ung picture namin ni Lance
Di ko alam kung dahil sa magaling lang kumuha ung staff o dahil ang sweet lang talaga ng eksena namin ni Lance kanina... Ang ganda kasi nung picture namin. Kung hindi nga lang ako ung babae dun sa picture na un, malamang kinilig na ako ng bonggang bongga.
"Naku pasensya na rin po. Pakibura na lang ho ung picture na yan. Di naman ho kasi couple. FRIENDS lang po kami."
Tinignan ko si Lance pero nakatingin lang sya sa picture.
"Ah ganon po ba. Tsk. Sayang naman ho ung prize kung ganon. Ayun o"sabi nung staff sabay turo sa isang malaking stuffed toy.
O____O
Gusto kong magkaroon nun!! Pinag iipunan ko pa kasi ung pambili ko nun eh. Huhuhuhu..
"Y-yun po ung premyo?? Sayang nga.." Nakakapanlumo talaga!! Ba-bye Papa Bear! Huhuhu..
"Hmmm. Kapag ba hindi na namin pinabura tong picture e ibibigay nyo na samin ung stuffed toy?" biglang singit ni Lance. Seryoso sya?? Okay lang sakanya na hindi burahin ung sweet picture na un para lang mabigay sakin ung stuffed toy na un?? How SWEET!!!O_O
Este how KIND pala..
"E sir, ididisplay po namin ung picture nyo dito sa loob. Okay lang ho ba un?"
Nakita kong napaisip si Lance dun sa sinabi nung babae. Hala! Malamang hindi sya papayag! Ba-bye Papa Bear na talaga.huhuhu---
"Sige. Okay lang. Just give us the prize."
"Okay sir. Just wait a awhile Sir. Thank you"
*_____________*
Totoo ba to??
Magkakaron ng ako ng malaking stuffed toy!! May makakasama na sila Mama and Baby Bear!
"Steph? Are you okay??"
"Thank you Lance!*yakap*"
Err? Bakit ko sya niyakap?? Waaaaaahhhhhh!!!