julianne's
"Beautiful Ladies and Handsome Gentlemen, it's time to announce the Prom's King and Queen."
Pagkasabi nun ng MC, nagsigawan ang mga estudyante. Mukang excited silang malaman kung sino ang magiging Prom King and Queen. Excited na silang malaman kung sino ung susunod na magkakatuluyan. May history kasi ang prom ng school namin, na kung sino ung Prom King and Queen, sila ung nagkakatuluyan. Tsk. Di ako sigurado kung totoo ba un o hindi. Pero personally, hindi ko alam kung maniniwala ako. The idea was sweet and magical but, syempre, parang hindi pa rin sya kapani-paniwala.
"Let's call in Mr. and Mrs. Rodriguez. They were the Prom's King and Queen 12 years ago. And they are now married for 2 years." ayan. Yan ung sinasabi nilang patunay. From being Prom King & Queen, naging sila na in real life.
Lalong lumakas ung sigawan. Some even mention names na gusto nilang magkatuluyan.
E ako? Sino nga bang gusto kong magkatuluyan?
Ako at si Carlo? Sus! Wala. Naiinis pa rin ako sakanya!
Si Dave and Kat? Bagay naman sila e. Bagay na bagay! Pero... Hayst! Nevermind!
Si Steph and Lance? Tama!! Sila nga! Sila dapat ang magkatuluyan! Bagay na bagay sila ee. Iniisip ko pa lang na magkakaboyfriend na ung bestfriend ko, sobrang kinikilig na ko.
Nakita kong hinawakan ni Mr. Rodriguez ung microphone at nagsalita na sya.
"Ready na ba kayo?? Well, whether you're ready or not, the Prom's King is...*drumroll*... Mr. Mark Lance Trinidad!!"
O_O
Si Lance!! Si Lance ung Prom King!! Grabe! Iniisip ko naman na pero nagulat pa rin ako.
Napatingin kaming lahat kay Lance. Nagpalakpakan na ung mga schoolmates namin.
"Lance! Ikaw ang Prom King!!" sigaw ni Steph. Halata sa boses nya na excited sya for Lance.
Tumayo kami ni Steph para i-congratulate si Lance. Si Kat din tumayo. Si Carlo din binati si Lance pero hindi sya tumayo. Si Dave, what would you expect from him di ba?? Tsk.
"I think you need to stay where you are Mr. Trinidad for you have to wait for your Queen." sabi nung MC.
Nagsisimula na kasing maglakad si Lance papunta sa stage. Napahinto na lang sya sa paglalakad. Nasa harap na sya ni Steph.
Tamang tama!! Si Steph! Sya ang Prom Queen!!
+++++++++++++++++++++
stephanie's
Si Lance ang prom king!! Grabe! He deserves it! Ang gwapo gwapo naman nya kasi e. E sino kayang prom queen? Madaming magaganda ngayon. Isa na si Kat, ung girlfriend ni Dave. Kaso narinig ko from the organizers na hindi naman kasama sa pagpipilian ung mga outsiders e. Kaya malamang hindi sya sng maging prom queen. Si Julia kaya? Pwede. Ang ganda ganda naman kasi ng bestfriend ko ngayon e. Ang dami ngang nagsayaw sakanya e. Pero.... Totoo kayang ung prom king and queen ang magkakatuluyan?? Kung si Julia ung magiging Prom Queen, e di sila ang magkakatuluyan ni Lance. Yun naman ang gusto ni Lance e. Gusto naman kasi nya si Julia. Nagthank you nga sya sakin kanina kasi tinulungan ko syang makasayaw si Julia. Sobrang saya raw nya. Hayst.. Kung pwede nga lang na yayain ko syang sumayaw e.. Come to think of it, hindi pa pala ako nakakasayaw. May nagyayaya naman sakin na sumayaw. Kaso wala kasi ako sa mood saka pumunta naman talaga ako dito para kumuha ng litrato e. Pero sana man lang makasayaw ako kahit isang beses lang bago matapos tong prom namin. Sana makasayaw ko si Lance.. Hayst..
Sana din ako na lang ang maging prom queen. Sana ako na lang ang maging kapartner ni Lance sa 'Royal Dance'. Sana ako na lang ang makatuluyan nya. Hmmmm.
Hahahaha!! Nakakatawa naman tong mga naiisip ko!! Tsk. Kainis ka Steph! As if namang mangyayari un di ba? Wag ka ng mangarap!! Mukha naman kasing hindi mangyayari un e. Hayst..
"You're right. Syempre, kailangang sunduin ni Prom King si Prom Queen. So, Mr. Trinidad, sunduin mo na ang iyong Prom Queen na si...*drumroll*... Ms. Julianne Castillo!"
O_____O
Si Julianne? Si Julia?!! Sya ung prom Queen??! Sya ang makakatuluyan ni Lance??!
Though naisip ko na kanina na baka nga si Julia ang prom queen, nagulat pa rin ako. So.. Ung bestfriend ko nga ang makakatuluyan nya. Hayst.
Mukhang hindi lang naman ako ang nagulat. Kahit si Julia mismo nagulat e. Namilog ung mga mata nya. Tapos nakatulala lang sya habang nakatingin sa stage. Hindi ata talaga sya makapaniwala.
Meron pa palang 2 nagulat. Si Dave and Carlo. Halos sabay silang napatayo nung binanggit ni Mrs. Rodriguez ung pangalan ni Julia. Si Dave umupo din agad. Nabigla lang ata talaga. Si Carlo nanatiling nakatayo. At nakatingin lang sa nakatulalang si Julia. Naging estudyante si Carlo ng school na to. Kaya alam nya ung so-called 'proven history' ng Prom King & Queen. So malamang pareho kami ng iniisip ni Carlo...na si Julia at Lance na ang magkakatuluyan. Nung una, naniniwala ako dun sa magical thing ng prom namin, pero ngayon.. I don't know.. Sana.. Sana lang... Hindi sya totoo...
Hayst..
Ang bad ko! E kasi naman e.. Hindi ko mapigilan ung sarili ko.. Ang lungkot e. Parang hindi ako makalunok kasi may nakabara sa lalamunan ko. Tapos parang anytime mag uunahan ng maglaglagan ung mga luha ko. Di ako sure kung bakit ko to nararamdaman. Pero, di ko na mapigilan talaga.
NAGSESELOS AKO!
I know I shouldn't feel this. Wala akong karapatan. That I should be happy for him dahil ung gusto nyang babae ung Prom Queen at sya ang Prom King. Pero grabe lang! Gusto ko ng maiyak sa selos!
Lumapit si Lance kay Julia at tinulungan nyang tumayo si Julia. Halata sa mukha ni Lance na masaya sya.
"Let's go MY Queen." sabi ni Lance kay Julia.
Shet naman! T_T
